Kabanata 3

2655 Words
PABALIBAG na pinaupo siya nito sa malambot na couch habang ito naman ay naupo kaharap niya. Niluwagan muna nito ang suot na necktie bago ito nagsalita. "Ano 'yung sinasabi mong pinsala?" Mukhang walang pasensyang tanong nito. Hindi niya ito sinagot, bagkus ginala niya ang paningin sa buong paligid. "Ah… office mo ito? Sayo lang ito?" Tanong ni Astrid sa binata. Napakaganda ng opisina. Halatang mamahalin ang mga gamit at napakalambot ng couch. At may aircon pa. Halos doble nito ang laki ng buong bahay nila. Napakamot ito sa kilay bago sumagot. "Yeah. Office ko."  Mas nanlaki ang mata niya at hindi maawat awat ang pagtingin sa mga kagamitan. "Ohh… talaga. Grabe. Iba talaga ang mayayaman." Hindi mapigilang sambit niya.  "Magsusurvey ka lang ba ng gamit dito sa office ko o paguusapan na natin ang sinasabi mo?" Seryosong tanong nito. Napatingin siya rito at nawala ang excitement sa office nito. Naglapat ang labi niya. "KJ," she murmured. "May sinasabi ka?" Umismid siya. "Wala." Tumango ito. "Sabihin mo na ang sasabihin mo dahil I’m a very busy person." Nagpeke siya ulit ng ubo bago straight body na hinarap niya ito. "Nandito ako dahil sa nagawa mong pinsala sa kapatid ko. Ako ‘yung ate ng batang nasagasaan mo,” taas noong sabi niya pa rito. Nakita niyang nangasim ang mukha nito. "Pinasala? As far as I am concerned, the kid is perfectly fine,"  Napalunok siya sa sinabi nito. Lihim siyang napakagat labi sa inis. "A-ah, oo nga, pero ‘yung psychological trauma niya..." anas niya Tumango ito at nginuso ang pintuan. "Sige. I’ll talk to my lawyer about this. You can talk to my lawyer too. You may go,” Nanlaki ang mga mata niya at gigil na tinitignan ang napakagaspang na ugali ng lalaki. Ni hindi man lang siya naalala alukin ng inumin. "Hah! Isaksak mo sa baga mo ang opisina mo. Gusto mo ipabomba ko pa ito ng wala ka na maging trabaho!" "Ano'ng sabi mo?" Nagtatakang tanong nito. Inayos niya ang mukha at nilingon ito. "Ang sabi ko, maraming salamat, mauna na ako sayo." Pekeng sabi niya sa lalaki Tumango ito at tumayo na rin. Pinagbuksan pa siya ng pintuan. Papalabas na sana siya ng hawakan nito ang braso niya, nagtatakang nagtaas siya ng tingin. "Parang nakita na kita kung saan..." Biglang napapitik ito at tumingin sakanya. "Ikaw! Ikaw 'yung babae sa bus, ‘yung eskandalosa..." Natitigilang ani nito Siya man ay nagulat din. So ito ‘yung lalaking mayabang at feeling VIP? Napapantastikuhang tinignan niya ito ulo hanggang paa. Hindi siya aalis dito ng hindi man nakakaganti sa kagaspangan nito sakanya. "Tignan mo nga naman… mayaman ka, gwapo ka rin. Pero gaspang ng ugali mo, sayang" Napapailing na aniya. Iyon lang at nagmamadaling lumabas siya ng opisina nito.   PAGKALABAS NG dalaga ay hindi maiwasan hindi tignan ni Niccolo ang pintuang nilabasan nito. Natawa siya ng wala sa oras. Paano naman kasi, nakakatawa ang mga reaction nito at galaw. May pagkumpas pa ng kamay ang pagsasalita nito. Ito ang perpektong deskripsyon ng isang taong with matching actions pa kapag nagkukuwento. Natatawang napailing na lamang siya. Hindi niya alam kung ano ang pinunta rito ng babae, dahil sa pagkakaalam naman niya ay maayos ang kapatid nito. Hindi niya ito nasagasaan. Inunat niya ang likod sa malambot na couch. Gusto niya munang umidlip kahit saglit lang. Masyado siyang pagod at stress these past few days. Ngunit hindi niya pa napipikit ang mata niya, isang katok nanaman mula sa pintuan ang narinig niya. "Come in," Si Mr. Fernandez ang bumungad sakaniya. Ito ang kanyang secretary dito sa Baguio City branch ng Hotel. But he considered Ivan as his main secretary and personal assistant. Magalang na lumapit ito sakaniya. "Mr. Reedus, I'm sorry pero may problema tayo," simula nito. Napakunot noo siya. "Ano iyon?" "Nagkaroon po ng technical problem ang inyong private jetplane. Hindi ito magagamit ngayon." Mas lumalim ang pagkunot ng noo niya at galit na tumingin dito. "Paanong technical problem? Ilang linggo na itong nakaplano, hindi niyo man lang sinigurado kung may sira o problema ba ito? Alam niyong ngayon ang check-out ng mga Wong!" Hindi na niya napigil ang pagtaas ng boses. Kung alam lang niyang magkakaproblema ang private jetplane niya, hindi na sana siya nagkusang magalok sa mga ito. Ayaw niyang maging kahiya hiya. Tapos na kasi ang business trip ng mga Wong dito sa Baguio at uuwi na ito ngayon ng Manila. Sa Avenue Hotel - Manila naman ito magchecheck-in mamaya. Inoffer niya mismo iyon para magkaroon sila ng magandang krebilidad sa mga Wong. At nasaktuhan pang hindi magandang sasakyan ang naidala niya ngayon, company car lang ang dala niya ngayon sa Baguio at hindi kagandahan kaya hindi rin naman pwedeng ito ang ipagamit niya dahil nakakahiya. Isa pa hindi malaking sasakyan ito, sa gamit pa lang na dala ng mga ito, hindi na magkakasya. Napatunog niya ang leeg sa sandaling problema. Kung minamalas nga naman talaga. Mas lalong hindi naman papayag sumakay ang mga ito ng bus. VIP person ang mga ito. Napayuko na lamang si Mr. Fernandez. "Gawan niyo nang paraan ito. Maghanap kayo ng sasakyan na puwedeng maghatid sa mga Wong pabalik ng Manila!" "Masusunod, Mr. Reedus." magalang na sabi nito at umalis na. Nahilot niya ang sentido. Biglang sumakit ang ulo niya. Hindi siya pupuwedeng mapahiya. Isa pa, ayaw niya magiwan ng pangit na imahe sa mga Wong. Magandang publicity ito sa Hotel. Hindi niya gustong sayangin ang pagkakataon na iyon. Tumayo siya at pumuntang bintana. Mula sa 7th floor, kitang kita ang syudad ng Baguio. Maganda ang view. Napakaaliwalas at nakakarelax, maganda rin tignan ang makapal na fog. Napadako ang mata niya sa entrance ng Hotel. Napangiti siya ng kaunti nang makita niya ang kapatid ng batang nasagasaan niya. Nasa baba na ito at may kausap na lalaki. Nasa tapat ito ng isang maganda at mamahaling kotse na itim. Tila may pinaguusapan ang dalawa habang bukas ang pintuan ng kotse. Hindi niya alam gaano siya katagal na nakatingin sa mga ito mula sa itaas nang mapakunot noo siya. Hindi basta bastang sasakyan ang dala ng mga ito. Isa itong Mercedes Benz CDI Sports Avantgarde. Isa ito sa mga latest na sasakyan nilabas ngayong taon. At hindi biro ang presyo nito. Bukod pa roon, tunay na maganda ang sasakyan at napakasosyaling tignan. Wala sa itsura ng babaeng iyon na may ganoong sasakyan. Biglang may pumasok na ideya sa utak niya. Sports Avantgarde... Ang mga Wong... Tama! Hindi na siya nagisip pa at nagmamadaling lumabas ng opisinang iyon. Malalaki ang hakbang niya at halos tumakbo na siya. Wala na siyang pakialam kung may makasalubong pa siyang tao. Pagkarating sa elevator ay mabilis niyang pinindot iyon na para bang mas mapapabilis nito ang pagdating niyon. Tila nasa kaniya naman ang swerte ngayon dahil may dumating kaagad at wala na siyang inisip kundi sana maabutan ang babae. Pagkababa sa ground floor ay tinakbo na niya palabas ng Hotel. He sighed in relief nang makita pa rin ang dalaga sa labas ng Hotel at hindi pa rin natatapos ang usapan nito sa kausap nito. Malalaki ang hakbang na tinungo niya ang daan papunta rito. ~ "OH, BAKIT sambakol nanaman 'yang mukha mo? Kamusta?" Nagiintriga agad na tanong ni Dave sakaniya pagkalabas ng Hotel. Ito kasi ang naghatid sakaniya papunta sa Hotel. Kakauwi lang nila galing sa isang raket nanaman. May sinervice silang mayamang negosyante mula sa Manila dito sa buong Baguio. Pagod na pagod nga sila dahil halos lahat yata ng magandang lugar gusto ng mga ito libutin nila sa loob lamang ng isang araw. Hindi pa nila nasasauli ang kotse muli kagabi sa kakumpadre ng ama ni Dave. As usual, same routine sila. May commission doon ang may-ari ng sasakyan at sila ni Dave ay hati sa tubo. "Paano ba naman kasi, walang kwenta 'yong lalaking 'yon. Napakasama ng ugali. Napakayaman pero napakakuripot. Ganid sa pera. Bakit ganyan ang mga mayayaman 'no? Nuknukan ng sama ng ugali, Dave!" OA na sabi niya sabay napaismid. Nagaalalang napatingin sakaniya si Dave. "Eh sabi ko na kasi saiyo na huwag ka nang pumunta rito. Maayos si Oman. Walang galos. Mapapahiya ka lang," Umisid pa siya lalo. "Aba, malay ko ba na mas makunat pa 'yon sa arinola ng lolo ko? Huh! Lamunin niya ang pera niyang lalaki siya!" ngitngit pa rin na sabi niya. "O siya, tara na at nagugutom na ako," aniya at akmang sasakay na sasakyan nang pigilan siya nito. "Teka lang, kaninang nasa taas ka tumawag saakin ang inay mo. Hindi ka pa pwedeng umuwi sa bahay niyo, nandoon nanaman 'yong mga naniningil ng utang sainyo." She hissed. "Anak naman ng tokwa! Hanggang ngayon hindi pa rin nila kami tinatantanan? Aba, mas matindi pa sila sa home credit, huh!" gigil na sabi niya at nasapo ang noo. Kita niya ang labis na pagaalala at concern sa mukha ng kaibigang si Dave. "Huwag ka muna umuwi sainyo. Para ligtas ka. Huwag ka na masyado magaalala kila Tita Maristella. Kung gusto mo, doon ka nalang sa bahay namin tumira," biglang nagliwanag ang mukha nito. Tinignan naman niya ito ng may panguuyam at binatukan ito. "Kahit kailan talaga! Walang sense ang lumalabas diyan sa bibig mo! Hindi ka ba nagiisip? Magkapitbahay lang tayo, 'no?" Hindi alam ni Astrid kung sadyang hindi lang nagiisip ang kaibigan. Nasapo nito ang nasaktang ulo. "Aray naman! Napakamapanakit talaga nitong babaeng 'to. Nag o-ooffer lang naman eh..." "Eh paano, walang kwenta 'yang offer mo. Wala nga ako sa bahay namin, pero magkapitbahay naman tayo. Oh ano?" Napalabi si Dave. Nasa ganoong sitwasyon sila ng biglang may nagsalita sa likuran niya. "Miss Villegas...?" ~ PARANG SLOW MOTION lahat kay Astrid nang paglingon niya ay si Mr. Reedus ang nakita niya. Literal na napanganga siya at nagulat. "Pwede ba kitang makausap saglit?" Agad na lumiwanag ang lahat kay Astrid at tila nakakita ng mga dollar sa paligid. Pigil pigil niya ang sarili na huwag mapangisi dahil nakakaamoy siya ng pera. Tila babayaran na ng lalaki ang danyos kuno sakanila. Kung sinuswerte ka nga naman talaga! She fake a cough at pumormal. "Bakit, naisip mo na bang bayaran ang danyos mo, Mr. Reedus?" She asks, full of hope. Hindi ito sumagot. "Sa'yo ba 'tong kotse?" Pagkalito at pagkagulat ang lumarawan sakaniya at saglit na tinignan ang Mercedes Benz at ang binata sa mukha. "H-Huh...?" ~ "NAKU, HINDI naman ho ako makapaniwala na sa tinagal tagal niyong nasa Manila, hindi pa kayo nakakapunta sa Divisoria at Quaipo. Alam niyo, mamimiss niyo ho ang kalahati ng buhay niyo kung hindi kayo makakapunta roon. Napakaganda roon. Maraming maganda at mura," Gulat at pangeenganyo ni Astrid sa pamilya Wong habang pabalik sila ng Manila. Pinakiusapan siya kanina ni Mr. Reedus na kung pupuwede sila ang maghatid ngayon sa guest ng mga ito. Binigyan siya nito ng magandang presyo. Thirty thousand balikan, kasama na roon ang pang gas nila. Sinabi nito ang kinasusuungang sitwasyon, at wala itong dalang magandang sasakyan. At ang dala nila ngayon ni Dave ay isa sa mga bagong release na sasakyan ngayong taon. Milyon ang presyo ng dala nilang sasakyan. Malapit na sila. Nasa Monumento na sila. Hindi naman mahirap pakisamahan ang mga Wong. Sanay na sanay na sila ni Dave sa iba't ibang ugali at kultura ng mga taong nakakasalamuha nila. Kaya alam nila pakibagayan ang mga ito. "Talaga, marami mura roon? Ito kasi asawa ko ayaw," ani naman ni Mr. Wong. Napangisi siya. "Oo, kayo magasawa punta doon. Marami mura doon. Di ba mahilig kayo sa mura mga chinese." panggagaya niya tono ng mga ito. Nakita niya sa gilid niya na pinipigilan ni Dave na huwag matawa at siniko siya baka kasi maooffend niya ang mga ito. Mula sa tabi ni Dave ay lumingon siya sa mga ito para tignan ang reaction ng mga ito. Pero napapalakpak pa ang mga ito at tila hindi ininda ang panggagaya niya. Natuwa pa ang mga ito. Hindi sila naubos ubusan ng mga kwento kaya naman hindi naging boring ang biyahe nila. "Bakit kayo mga chinese gawa bigas peke? Bigas luto tapos plastic. Tikoy prito mo plastic. Kapag kayo tapon dagat kayo lutang," Hindi niya napigilan ang bibig niya sa mga pinagsasabi. Sa gulat ni Dave ay agad itong napapreno at binigyan siya ng tinging babala. Pero napahalakhak lang ang mga ito. "I like you. You're funny and witty. Oo nga eh, iba samin chinese ganyan gawa. Pero hindi lahat. Mayroon din naman bait," Napanatag na ang loob niya magbiro. "Kapag kita niyo ganon kababayan niyo, kotong niyo sila para di na nila ulit. Masama gawa nila," Muli nanamang nagtawanan. Anu-ano pa ang mga ibinibida niyang lugar at masarap na kainan sa Manila. Kahit naman kasi laking Baguio siya, hindi siya mangmang sa Manila. Sa tulad niyang halos lahat yata ng trabaho ay napasukan na, saan saang lugar na siya nakakarating. Naihatid na nila ito mismo sa Avenue Hotel - Manila. Hindi naman iyon mahirap hanapin kasi kahit sino yatang taga siyudad ay alam ang nasabing Hotel. Ito ang nangungunang Hotel sa Pilipinas at ang Manila branch ang pinakamalaki ng mga ito. "Gusto ko next time ikaw ulit hatid samin. Ayaw ko na sa jetplane, kami lula. Gusto kotse niyo, maganda at mabango pa." nagkatinginan sila ni Dave, at iisa lang ang tingin na iyon, nasa isip nila ay pera. Matabang mataba ang pusong yumuko si Astrid at nagpose pa na tila isang prinsipe na handang serbisyuhan ang mga ito ano mang oras. "Walang anuman ho. Ito ang aking calling card kung gusto niyo pa kami muling kunin, sa susunod pwede ko kayong ipasyal sa mga magagandang lugar dito sa Manila," Nagagalak na inabot naman nito ang calling card niya. "Sige, kami na una. Ingat kayo biyahe pabalik," Hinintay niya pang umalis ang mga ito bago siya tumalikod at binigyan si Dave ng isang successful na ngiti. ~ “MISS UNIVERSE 2014 is..." Isang matagal na pabitin ng host. Tila naman nakaramdam ang buong manunuod at nagtilian. Dalawa na lamang ang natitirang maglalaban sa korona. Ang Venezuela at Philippines. "Philippines!" Isang malakas na hiyawan at tilian ang pumuno sa buong arena sa announcement ng host. Hindi magkamayaw ang malakas na ingay. Napaiyak naman si Dianne sa narinig na siya ang panalo. Lumakad itong patungo sa host at inilagay na ang brilyanteng korona sa ulo nito. Bago pa gawin ni Dianne ang walk nito ay mabilis na pinatay ni Niccolo ang TV at pumikit. He is happy for Dianne. Sa wakas, nakamit din nito ang matagal na pangarap nito na maging isang beauty queen. Noon pa man ay suki na ito lagi ng mga beauty pageant pero hindi ito nananalo kahit Binibing Pilipinas. Kaya naman totoo ang kasiyahan niya para ngayon dito. Dianne is his not so serious girlfriend. O kung girlfriend nga ba ang matatawag doon. Wala naman kasi silang pormal na unawaan. On and off sila. At wala silang commitment sa isa't isa. Malaya nilang nagagawa ang mga gusto nilang gawin. Kaya nang umalis ang babae patungong ibang bansa para sa laban nito sa pageant ay hindi ito nagpaalam sakaniya, kasi wala nga naman silang relasyon. Yes, they are buddies in bed. They date a lot. Sweet sa isa't isa. Pero walang label. At alam naman niya ang babaeng klase ni Dianne ay ang tipong hindi mo mapapanatili sa tabi lamang ng isang lalaki. Masyado itong ambisyosa at wala sa isip nito ang magsettle sa simpleng buhay. Ito ang babaeng ikakaproud mo sa magulang mo at idisplay sa mga kaibigan mo, pero hindi wife material. Ito ang klase ng babae na career first before anything else. Tiyak din niyang ito ang babaeng hindi papayag mabuntis dahil masisira ang figure nito. Pero hindi ibig sabihin niyon na gusto niyang bumuo ng pamilya kasama ito, o gusto na niya magkaanak, it's just Dianne is not that type of woman. Alam niya, sa mga susunod na linggo ay babalik na ito ng Pilipinas para ihatid ang korona at pride sa bansa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD