Episode 6

1352 Words
Wala ng sinabi pa si Hanzo tungkol sa kanyang kakilala na nabiktima ng scammer. Gusto ko pa naman na i-open sa kanya na naging biktima rin ako at gaya ng kakilala niya ay muntik na akong ma-depress sa dami ng mga problema. Naloko pa talaga ako sa panahon na gipit na gipit talaga ako. Hanggang ngayon nga ay iniisip ko kung paano ako agad naniwala kay Mamu Jo. Paano niya nakuha ang loob ko? Paano ko nagawa na magpadala ng malaking halaga ng pera sa taong hindi ko naman kilala? Sana lang talaga ay mahuli na ang lahat ng mga scammer at magbayad sila sa mga naging kasalanan nila sa kapwa. Hindi biro ang trauma na dulot nila. “Hanzo, malayo pa ba ang lalakaran natin? Saan ba banda? ” tanong ko dahil medyo mainit na rin ang sikat ng araw na tumatama sa aking balat. Wala pa naman akong dala-dalang payong. At isa pa, huhulas ang make up na pinaghirapan ko pa namang gawin. Huminto naman si Hanzo at saka walang buhay akong tiningnan. “Malayo pa taya, Zhang,” aniya sa akin. “Malayo ba? Kung ganun ay hindi pala pwede, Hanzo. Hanggat maaari talaga sana ay malapit lang ako sa tirahan ko,” pahayag ko na. Muli na naman akong tinitigan ni Hanzo. Para bang kinikilatis niya ang pagkatao sa pagkakatitig niya. Marahil ay tinitimbang niya ang pagkatao ko kung talagang kailangan ko ng trabaho. Kailangan ko ng trabaho pero ang nais ko lang talaga ay malapit lang at hindi lalayo sa kung saan ako umuuwi. Mabuti na lang pala at nagtanong ako para hindi na kami tumuloy pa sa kung saan kami patungo. Maya-maya ay ngumiti si Hanzo. “Zhang, alam ko naman na mas nais mo talagang malapit lang sa kung saan ka nakatira. Huwag kang mag-alala dahil kung saan ka malapit ay doon ka magpa-asign,” aniya sa akin. Bakit ba lahat yata ng bagay ay kayang gawan nitong si Hanzo? Ano nga kaya ang trabaho niya? “Pwede kaya? Kasi talagang ang gusto ko lang ay malapit para hindi ako masyadong napapagod sa biyahe at bawas na rin sa pamasahe. Sa mahal ng pamasahe ay dapat talaga na nagtitipid. Lalo ako, wala akong ibang aasahan kung hindi ang sarili ko kaya pasensya ka na, Hanzo. Baka isipin mo ang arte ko naman pala at ikaw na nga itong hinahanapan ako ng trabaho.” Pagpapakumbaba ko. “Naiintindihan kita, Zhang.” Sagot niya at saka ako hinawakan sa aking kanang kamay at bigla na lang akong hinila. Sa laki ng mga hakbang ni Hanzo ay halos makaladkad niya na ako. Mahigpit ang pagkakahawak niya sa kanang kamay ko kaya hindi ko magawang bawiin. Ayoko naman na sabihin na nasasaktan ako sa pagkakahawak niya dahil nasa public place kami at baka anong isipin ng iba kapag narinig akong magreklamo. Hindi naman nagtagal ay huminto at pumasok kami sa isang fine dine restaurant. Inisip ko na baka may kakilala siya rito at dito niya nga ako balak na ipasok sa trabaho. Sinalubong kami ng isang waitress at saka kami sinamahan kung saan ang nais naming lamesa. “Um-order ka na ng kung anong nais mo, Zhang. At iyon na rin ang order ko. May importante lang akong kakausapin.” At saka na nga ako tuluyan ng iniwan ni Hanzo na may tinatawagan na nga. Dangat naman akong um-order dahil bukod sa hindi pa ako nakakapasok sa ganitong klase ng kainan ay hindi pa ako pamilyar sa mga pagkain dito. Ang alam ko lang ay fried chicken, spaghetti, burger at fries. Nagtanong na lang ako sa waiter kung anong specialty nila at kung magkano ang isang serving. Kinwenta ko muna sa utak ko ang presyo kung kasya ba sa natitirang pera na hawak ko at baka mamaya ay wala pa lang pambayad si Hanzo at magka-problema kaming dalawa. Nang ma-served naman ang mga pagkain ay siya na rin na pagdating ni Hanzo. “Sorry, Zhang kung pinaghintay kita. Tinawagan ko lang ang isang kakilala kong nangangailangan pa ba siya ng tauhan. Malapit lang siya ngunit mamayang gabi na tayo magpunta sa bahay niya dahil abala pa siya sa maghapon.” Ha? Parang ang dali talaga ng buhay para kay Hanzo? Agad-agad ay nahanapan niya talaga ng sulosyon ang problema ko. “Salamat, Hanzo. Ilang beses pa lang tayong nagkikita ngunit ang dami ko ng utang sayo. Hindi ko tuloy alam kung paano ba kita mapapasalamatan at mababayaran,” wika ko. Sa panahon ngayon ay mahirap ng maghanap ng trabaho na naaayon sa gusto ng isang tao gaya nga ng nais ko na malapit lang ako sa bahay. Tumingin sa akin si Hanzo na para bang may nais siyang sabihin ngunit nanatili na lamang na walang kibo. May kakaiba kung paano siya tumingin katulad ng kakaiba rin siya sa kung paano siya magsalita. Wari bang may nais ipahiwatig ngunit hindi ko matanto kung ano. Baka naninibago lang ako? Ngayon lang kasi ako nalapit sa isang lalaki kaya siguro ganito ang pakiramdam ko. Nagpatuloy naman kami sa pagkain kaya naalala ko ang taong nagbigay sa akin ng pera. “Inisip ko na baka kilala mo kung saan nanggaling iyong mga pagkain na pinapadala sa burol ni nanay?” tanong ko na. Gusto ko ngang banggitin ang tungkol din sa pagbabayad ng misteryosong tao sa mga taong pinagkakautangan ko dahil naging biktima ako ng scam. “May mga tao talaga na tumutulong na hindi na nagpapakilala pa. Proteksyon na lang din nia sa sarili nila. Tulad nga ng sabi ko kanina, marami na kasing nagkalat na mga manloloko at mga scammer. Kung sino man ang taong tumulong sayo ay huwag mo ng pag-aksayahan pa ng panahon na isipin pa. Malay mo, isang araw ay singilin ka na lang niya.” “Huwag naman sana at wala akong ibabayad kung hindi ang walang hanggang pasasalamat.” Sagot ko kay Hanzo na para bang hindi naman namangha na naging kwento ko tungkol sa isang good samaritan. Tama naman siya. Karaniwan kasi sa mga totoong tumutulong ay hindi na nagpapakilala pa. “Ang totoong mayaman ay hindi na kailangan na purihin sa kanyang pagtulong dahil mas nanaisin nilang manatiling lihim ang kanilang identity sa publiko. Ang mga content creator lang naman na uhaw sa mga followers ang mahilig magdisplay ng pekeng pagtulong nila sa kapwa. Karaniwan ay mga pawang scripted lang.” Pahayag ni Hanzo. Ang talino niya. Napatango ako dahil tama talaga. Halos nga mga mayayamang negosyante ay hindi nagyayabang ng kung anong naitulong nila sa kapwa. Samantalang ang mga blogger, vlogger ay panay post pa ng pagtulong nila sa kapwa. Madalas pa ay paborito nilang magpanggap na isang pulubi at saka maghahanap ng taong tutulong sa kanila. “Sana matanggap ako sa trabaho ng kakilala mo, Hanzo. Huwag kang mag-alala at gagawin ko ang lahat ng makakaya ko para ibigay ang lahat ng best ko.” Tumango at ngumiti naman si Hanzo. “Pangako yan, ha. Tatandaan ko sinabi mo na gagawin mo ang lahat ng best mo para sa trabaho.” Ulit niya sa sinabi ko sa kanya ngunit nakatingin na siya sa karne na kanya ng hinihiwa. May pagka-misteryoso si Hanzo ngunit baka sa isip ko lang talaga? “Oo naman, Hanzo. Magtiwala ka sa akin at ginagawa ko talaga ang lahat best ko sa kahit na anong trabaho ko.” Pagmamalaki ko pa. Kaya lang naman ako nag-resign na sa dati kong trabaho ay dahil nga para maalagaan ko na ang nanay ko. “Halata naman sayo na lahat talaga gagawin mo para makuha mo ang nais mo,” sabi ni Hanzo na nakita kong may ngiti pa sa kanyang mga labi. Anong ibig niyang sabihin na halata naman sa akin na gagawin ko ang lahat para makuha ang mga nais ko? Anong alam ni Hanzo sa buhay ko? May nalalaman ba siya o masyado lang akong nag-iisip ng kung anu-ano. “Kumain ka na, Zhang. Lagi mong tatandaan na kumain ka ng mabuti at magpakabusog para may lakas ka palagi dahil hindi natin alam kung anong meron bukas.” Matalinghaga na namang paalala sa akin ng bago kong kaibigan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD