Episode 5

3110 Words
“Mag-apply ka na yata ng trabaho, Zhang?” tanong ni Nanay Palo ng mabungaran na akong lumabas na ng bahay habang siya nagwawalis ang matandang babae ng makalat na harap bahay. Sa mga tao rito ay tatlo lang kaming nagwawalis ng harap bahay namin. Si Nanay Palo, ako at si Nanay na nawala na. Ang ibang mga kapitbahay ay walang pakundangan sa pagkakalat ngunit walang nagwawalis. Mula sa mga matatanda hanggang sa maliliit nilang mga anak ay kung saan-saan na lang nagtatapon ng basura gaya ng mga pinagbalatan ng sitsirya at candy. Tapos na rin ang pa siyam ni Nanay at nakapagpahinga na ako ang husto. Palagay ko naman ay kayang-kaya ko na talaga ang sarili ko. Nakapaglinis na rin ako ng aming bahay at nabayaran ko na ang mga iba kong utang sa pamamagitan ng natirang pera na iniwan sa barangay hall ng sinong mabuting samaritano na walang sawa ang pagtulong sa akin kahit hindi naman siya nagpapakilala sa akin ng personal. At heto nga, matapos ko ng maibalik ang lakas ko ay handa na akong humarap muli sa mundo. Kailangan kong mabuhay at magpatuloy. Lahat naman talaga ng mga tao ay pupunta sa huling hantungan at nagkataon lang na may mga nauuna. Inayos ko ang mga papel ko para maghanap na ng trabaho. Hindi pwede na magluksa ako at damdamin na lang ang pag-iwan sa akin ng nanay ko. Malulungkot si Nanay kapag pinabayaan ko ang sarili ko at magkasakit din ako. Tuloy lang ang buhay kahit mag-isa na lang. Narito naman si Nanay Palo na lagi akong inaaalala. Hindi man kami magkadugo ay ramdam ko ang pagmamahal niya sa akin. “Opo, Nay. Kailangan ko na pong maghanap ng pagkakakitaan.” Sagot ko at saka ko inayos ang damit na suot ko. Naka-formal dress ako at nakapusod ng maayos ang buhok ko. Naglagay din ako ng light make-up para takpan ang nangingitim na gilid ng aking mga mata at naglagay ako ng lipstick sa namumutla kong mga labi. “Sigurado ka na na kaya mo na, Zhang? Baka mamaya ay matumba ka na lang sa daan at mabalitaan kong nasa ospital ka na,” ang nag-aalalang paalala ni Nanay Palo. Sa lahat naman talaga na taong nakapaligid sa akin ay si nanay Palo ang masasabi kong tunay na nagmamalasakit. Ang iba ay mga mapagkunwari lang na kung hindi ka gagawan ng kwento ay may kailangan lang sila kaya nakikipaglapit dahil alam nilang may mapapakinabang sila sa akin. Si Aling Matring na pinatamaan ko talaga ay para bang walang nangyari. Paano niya ako naaatim na tingnan at kausapin gayong tinraydor niya ako? Sapat na ang nakita ko at mga narinig para isipin kong siya ang nagsulsol sa mga taong ang turing sa akin ay scammer para ipabarangay na naman ako at siningilin sa mga utang ko kahit pa kalilibing lang ni nanay. Para saan? Hindi ko alam kung magkano ngunit alam kong konting halaga lamang kung tutuusin. “Kayang-kaya ko na po, nay. Kailangan ko na pong magpatuloy sa buhay.” Sagot ko. “Nay, ayos na po ba ang itsura ko? Palagay niyo po kaya ay makakapasa na ako sa isang interview para trabaho?” tanong ko nanay at saka ipinakita ang kabuuang bihis at itsura ko. Nag-thumps si Nanay bilang sagot sa tanong ko. Hindi ko alam kung saan ako maghahanap ng trabaho pero mas okay ng maging ready ako sa mangyayari. May trabaho kasi na agad ng sumasalang sa interview kaya naman nasuot na talaga ako ng nararapat na kasuotan. “Malaki naman ang tiwala ko sayo, Zhang. Naisadsad mo nga ang gamutan ng nanay mo na ikaw lang mag-isa. Kaya lang ay sadyang hanggang doon na lang ang buhay ng nanay mo kahit pa alam naman ng lahat na ginawa mo naman ang lahat para iligtas siya sa tiyak na kamatayan.” Nakadama na naman ako ng kalungkutan ng ipaalala ni Nanay Palo si Nanay. Kung pwede nga lang ay bawasan ko ng ilang taon ang buhay ko para ibigay kay nanay ay talagang ginawa ko na. Ngunit wala na talaga. Alam ng nasa Itaas na mahal ko ang nanay ko at Siya na lamang ang nakakaalam ng dahilan kung bakit mas maaga niyang kinuha ang nag-iisang taong kayamanan ko sa mapanghusga na mundong ito. “Talagang ginawa naman talaga ni Zhang ang lahat para iligtas ang nanay niya. Kaya nga naging scammer at nanloko ng maraming tao para sa pagpapagamot sa nanay niya.” Si Aling Matring na naupo pa sa sirang bangko sa harap ng bahay niya bitbit pa ang tasa ng kanyang kape. “Matring! Magdahan-dahan ka ng pananalita! Alam mong hindi magagawa ni Zhang ang mga binibintang sa kanya!” pagtatanggol sa akin ni Nanay Palo na hinawakan ko sa kanyang braso at baka lapitan si Aling Matring. Ewan at kung bakit ganito na naman umasta itong si Aling Matring na sadya yatang kulang na kulang sa pansin. Napaka positibo ng paggising ko ngayong umaga para sirain lang ng isang katulad ni Aling Matring “Hayaan niyo na siya, Nay. Kung hayan ang nakakapagpasaya sa kanya ay huwag na po kayong makipag-away pa,” pigil ko kay nanay Palo. Ipaglalaban talaga ako ng mabait na matanda ngunit iniisip ko rin ang kalusugan niya. Baka biglang magtaas ang presyon niya at mauwi pa sa pagka-stroke niya. “Dahil sa sama ng ugali mo ay hindi mo na talaga napipigilan ang mga lumalabas sa bibig mo. Nasubukan mo na bang tumingin sa salamin, Matring? Nasubukan mo na bang suriin kung gaano kasuka-suka ang itsura mo? Ganyan talaga ang mangyayari kapag ang tao ay masama ang ugali. Nakikita na sa panlabas na anyo!” patuloy pa ni Nanay. Nakakainit naman talaga ng ulo ang mga narinig ko mula kay Aling Matring. “Sige pa at ipagtanggol niyo ang babaeng yan gayong scammer naman talaga siya. Mabuti nga at hindi siya pinakulong ng mga taong niloko at tinangayan niya ng malaking halaga ng pera. Kung sinu-sino pa ang tinuturo niyang Mamu Jo, e siya itong tumanggap talaga ng pera.” Patuloy na pagdiin pa sa akin ni Aling Matring. Ayoko man na mainis o magalit ay talagang sobra naman siya kung makadiin sa akin. Wala akong naalala na ginawa kong masama sa kanya dahil siya itong laging may masamang ginagawa sa akin. “Aling Matring, ano bang problema mo at masyado ka namang galit na galit para ipagdiinan talaga na scammer ako? Kung talagang nasa akin ang mga pera ng mga taong sinasabi mong na scam ko ay baka matagal na kaming lumayas ng nanay ko sa lugar na ito para makaiwas na sa mga taong tulad mo na walang magawa sa buhay kung hindi ang manira.” Mahinahon ngunit madiin kong pananalita. “Ang tapang! Grabe na ang tapang ni Zhang! Bakit? Dahil may pinagmamalaki ka na ngayon? May kung sino ng lihim na sumusuporta sayo? Ano yan, matandang mayaman na madaling mamamatay na for short ay Dom! Dirty old man!” sigaw pa ni Aling Matring kaya nakatawag pansin na sa iba pang mga kapitbahay. Grabe talaga ang bibig at pag-iisip ng katulad ni Aling Matring. Napakadumi na talaga. “Hoy! Matring! Ikaw nga ay magtigil sa kaingayan mo! Malamang na nagkakaganyan ka dahil hindi naibigay ni Bato ang porsyento mo kapalit ng pagsulsol mo sa iba para ipabarangay na naman si Zhang tungkol sa sinasabi mong panloloko. Kaya bumubula ang bibig mo ay wala kang napala sa pagsasayang mo ng laway!” sigaw ng isa sa mga kapitbahay namin na hindi rin naman nalalayo sa pag-uugali ni Aling Matring. Madalas silang magsabong na nauuwi lagi sa barangayan kaya kilalang-kilala talaga rito sa lugar namin. “Totoo yan! Nakausap ko si Mang Bato at nasabi ngang itong sumi Matring ang nagpunta pa sa mga bahay-bahay para hikayatin na magreklamo. Kahit gabi na raw at matutulog na sila ay nagpatao po ka pa talaga para manulsol na maraming pera hawak si Zhang at habang maaga ay singili na at pagkatapos ay abutan ka kahit magkano!” gatong pa ng isang lalaking kapitbahay. Lahat ng mga miron ay tinutuligsa na si Aling Matring na pigil na pigil ang galit sa lahat dahil napagtutulungan na siya. “Matring, anong klaseng pagkatao meron ka at nagawa mo talaga ang bagay na yon kay Zhang? Ang kapal naman talaga ng mukha mo na halos sa ilang araw na burol ng nanay ni Zhang ay kayo ng buong pamilya mo hanggang sa mga apo mo ay umaga pa lang nag-aalmusal na sa burol. Nauuna rin kayo sa tanghalian at hapunan tapos nakuha mo pa talagang traydurin si Zhang? Ako ang natatakot sa karma na ibabalik sayo. Ngayon pa lang ay dapat ka ng magdasal para patawarin ka.” Lalong nanliit si Aling Matring sa mga sinabi ni Nanay Palo. “Talaga naman! Siya pa nga ang sumasalubong sa mga delivery rider na naghahatid ng pagkain galing sa kung sinong mabait na tumutulong kay Zhang. At hindi na ako magtataka kung may nabulsa ka rin na abuloy sa nanay ni Zhang, Matring! Sa kapal ng mukha mo ay malamang sa malamang na wala ka na talagang konsiyensya!” “Hoy! Anong pinagsasabi mo, ha! Grabe ka sa pagbibintang!” galit na galit ng tanggi ni Aling Matring at nakuha ng duruin ang nambintang sa kanya at akma ng susugurin. “Guilty yarn? Galit na galit dahil tunay na natamaan? Magkano ang nabulsa mo?! Huwag ka ng magsinungaling pa dahil minus ten ka na naman sa langit!” pang-aasar pa talaga ng mga miron. Ayoko ng ganitong nag-aaway ang mga kapitbahay ko lalo na dahil sa akin. Ngunit anong magagawa ko kung sobra naman talaga si Aling Matring at hindi na lang talaga nakapagpigil ang ibang kapitbahay namin na ipagtanggol ako sa pang-aalipusta niya sa pagkatao ko. “Wala kang kakampi, Matring kaya manahimik ka. Tanggapin mo ang pagkakamali mo dahil tunay naman na masama ang ugali mo at maging ang mukha mo. Nagawa niyong iraos ang mga kumakalam niyong sikmura sa isang burol ngunit pangwa-walanghiya mo pa ang iyong ganti! ” Pagdidiin pa ni Nanay Palo. “Sige at magkampi-kampi kayong lahat! Kampihan niyo pa ang scammer na yan hanggang sa gusto niyo!” sigaw at panduduro pa ni Aling Matring sa lahat ng mga taong nakatingin sa kanya. Binuksan ko ang dala kong bag at inilabas ang wallet ko. Kumuha ako ng isang libo at saka lumapit sa bahay ni Aling Matring. “Heto, ako na ang mag-abono ng sana ay porsiyento mo kay Mang Bato. At sana nga may makilala akong matandang mayaman na madaling mamamatay para makaalis na ako sa lugar na ito dahil hindi ko alam kung hanggan kailan ko ba matitiis na may kapitbahay akong katulad mo, Aling Matring.” Sabay lapag ko ng isang libo sa lumang bangkong kahoy na inupuan niya kanina. Ang totoo ay malaki ang sobra sa natira na pera kahit pa nabayaran ko na lahat ang mga utang ko. Nag-abot din ako sa iba pang mga kapitbahay ko at tuwang-tuwa sila sa biyaya na hindi nila inaasahan. Hindi akin ang pera kaya nararapat lang na ibahagi ko na sa iba. Limang-libo ang inabot ko kay nanay Palo na hindi makapaniwala na nakahawak siya ng ganung kalaki ng pera. “Salamat, Zhang. Kaya pagpapalain ka pang tunay dahil kahit anong pang-aapi sayo ay hindi ka pa rin gumaganti. Ibibili ko ito ng bigas at mga pagkain na pwedeng maimbak. Ang totoo ay masakit na ang mga paa ko sa pangangalakal sa araw-araw.” Pasasamalat ni Nanay Palo na niyakap pa ako ng mahigpit. Pangangalakal ang kanyang hanap-buhay. Wala kasing pamilya si Nanay Palo kaya walang ibang maghahanap-buhay para sa kanya. “Pakiusap ko lang po na ibili niyo ng pagkain at gastusin sa mas kailangan at huwag ng ipangsugal.” Pakiusap ko sa lahat. “Asahang mong hindi talaga, Zhang. Salamat at may pambili kami ng gamot nitong si Nanay Naya. Alam mo naman na may hika na siya,” sambit pa ng isa sa mga kapitbahay ko kaya dumukot muli ako ng pera at inabot sa nagsabi na bibili ng gamot para sa nanay niya. Ramdam kong iyong hirap ng kalooban na wala ka man lang pambili ng gamot para sa pamilya mong may sakit. Nagpalakpakan ang lahat ngunit ang sabi ko ay ang dapat nilang pasalamatan ay ang taong nagbigay sa akin ng pera na iniisip nga ni Aling Matring na isang dom. “Zhang, kung sino man ang taong iyon ay tiyak na pagpapalain pa ng husto. At hindi siya nagkamali na bigyan ka ng tulong dahil hindi mo sinosolo ang biyaya at heto at binabahagi mo sa amin.” Si nanay Palo. “Nay, sana nga po ay makilala ko kung sino ang mabuting samaritano para personal talagang pasalamatan sa mga ginawa niyang kabutihan.” Iyon naman talaga ang nais ko. Kaso lang ay ayaw magpakilala ng taong iyon. Kahit si Hanzo na ay hindi na rin nagpuntang muli dito sa bahay simula ng nakiramay siya ng buong magdamag. Pagpalain din siya dahil sa ginawa niyang pagtulong sa pagpapalibing kay nanay. Sana isang araw ay makasalubong ko ulit siya para pasalamatang muli. Nagpaalam na ako sa lahat para nga ituloy na ang paghahanap ko ng trabaho. Kahit saan na ako dalhin ng mga paa ko basta may mapala sana ako. Kahit saan naman ay pwede ako. Iniisip ko nga na baka mag-apply ako patungong ibang bansa at doon magtrabaho. “Zhang!” Napatigil ako sa paglalakad at hinanap ang taong tumawag sa aking pangalan. Sa paglinga-linga ko ay isang matangkad na lalaki ang nakangiti habang kinakawayan ako. Si Hanzo. Nakadama ako ng saya ng makita siya . Para bang nakakita ako ng malaking pag-asa sa katauhan niya. Mabilis din akong kumaway. “Hanzo!” At mula sa kabilang side ng daan ay sinenyasan niya akong manatili na lamang sa kung nasaan ako at maya-maya nga ay tumawid na siya ng daan at nagtungo na sa akin. “Saan ka pupunta at mukhang bihis na bihis ka?” tanong niya sa akin. “Maghahanap na ako ng trabaho, Hanzo. Kailangan ko ng magpatuloy sa buhay. Mamamatay akong gutom kapag patuloy akong nagmukmok.” Sagot ko. “Ganun ba? Tamang-tama at may kilala akong nangangailangan ng mga tao sa company niya ngayon. Kung gusto mo ay ipakilala kita at baka may magustuhan kang posisyon na kaya mo naman na gampanan.” Alok ni Hanzo kaya naman lumiwanag ang mukha ko. Sabi ko na at hulog siya ng langit sa akin para dalhin ako sa kung saan ako dapat makahanap ng trabaho. “Totoo? Hindi ba nakakahiya na sayo? Hindi pa tayo lubos na magkakakilala ngunit sa tuwing magkikita tayo ay tinutulungan mo ako.” Wari kasing tinablan ako ng konting hiya. Ayoko naman na isipin ni Hanzo na masyado naman akong mapanamantala lalo nga at kakikilala lang namin. “Ngayon ka pa ba mahihiya, Zhang? Mas mabuti na ang naghahanap ka ng trabaho para kumita ng pera. Ang dapat na mahiya at sinusunog sa impyerno ay ang mga taong manloloko ng kapwa. Ang mga scammer kung tawagin.” Bahagya akong natigilan sa naging madiin na pahayag ni Hanzo tungkol sa mga scammer. Mukhang sa tono ng kanyang pananalita ay naka experience na siya na ma-scam at mabiktima ng mga scammer. “Kaya salot ang mga scammer sa lipunan. Kung ako lang ay may kakayahan ay nais ko silang lipulin at saka pagbayarin sa masama nilang ginagawa sa kapwa.” “Ang mga scammer na lahat gagawin makakuha lang ng pera sa kapwa.” Dagdag pang pahayag ni Hanzo. “Mukhang galit na galit ka sa mga scammer, Hanzo. Bakit? Naranasan mo na bang ma-scam?” untag ko na. Umiling siya. “Hindi ako. Iyong isa kong kakilala na naging malapit sa akin.” Matipid niyang sagot at saka na kami humakbang ng normal na lakad. Sabay kaming naglalakad ngunit nakatingin si Hanzo sa harap namin at mukhang seryoso. “Nakuhang ma-deppres ng kakilala ko dahil sa kagagawan ng isang scammer na nanloko sa kanya. Hindi niya na nakayanan ang lahat ng paghihirap kaya siya na mismo ang gumawa ng paraan para mawakasan na. Gamit ang isang makapal at mahabang lubid ay nagawa niya ng tapusin ang kanyang buhay sa pamamagitan ng pagbigti. Naabutan na lang siyang wala ng buhay at isa ng malamig na bangkay.” Nangilabot ako sa narinig. Tunay talagang nakaka-deppress ang ma-scam. Inisip ko na rin dati na magpakamatay ngunit mabuti na lang at malakas ang pananampalataya ko kaya hindi ko nagawa kahit pa ang magtangka. At saka, kasama ko si nanay na kailangan ako ng mga panahong iyon. “Nakakalungkot naman ang nangyari sa kakilala mo, Hanzo. Hindi niya na marahil talaga nakayanan ang problema.” Ang malungkot kong komento. “Kaya galit na galit ako sa mga scammer, Zhang. Lalong-lalo na sa scammer na nambiktima sa kakilala ko.” Madiin na sabi ni Hanzo. Malapit siguro sa kanya ang kakilala niya kaya ganito na lamang ang galit niya. “Kaya wala akong ibang hiling kung hindi mahanap at makaharap ang scammer na iyon at mapagbayad sa kanyang nagawang malaking kasalanan. Isang buhay ang sinira niya kaya nararapat lang na sirain din ang buhay niya. Naniniwala kasi ako na kung anong ginawa mo sa kapwa mo ay siya rin na babalik sayo. Kung buhay ang inutang ay buhay din ang nararapat na maging kabayaran.” Lalo yata akong nakaramdam ng pangingilabot sa naging pahayag na naman ni Hanzo. May malalim talaga siyang pinaghuhugutan na nakapagsasalita siya ng hindi maganda. Makikita rin sa itsura niya na seryoso siya sa kanyang pahayag. Nais ko pa sana siyang usisain tungkol sa kung anong klaseng scam ang nangyari sa kakilala niya ay baka lalo lang itong makadama ng galit. Grabe naman ang nangyari sa kakilala niya na umabot pa talaga sa pagpapakamatay. Kung pera ang naging isyu ay marahil nasa milyon ang nakuha sa kanya kaya talagang wala na siyang magawa pang paraan para makabayad. Perwisyo talaga ang mga scammer. Kahit ako, gusto ko rin na mahanap si Mamu Jo at panagutin sa kanyang mga kasalanan. Kahit hindi niya maibalik ang mga pera na tiyak naman na wala na at nagamit niya na sa kung saan. Gusto ko lang din na mahuli siya para matigil na ang panloloko niya. Hindi na lang kasi pera ang naging usapan kung hindi ang pagbilad njya sa pagkatao ko sa kahihiyan. Oo at alam kong wala akong kinalaman kay Mamu Jo at hindi naman ako totoo na scammer ngunit sa mga tao ay nakatatak na sa mga isip nila na minsan sa buhay ko ay naakusahan akong scammer. Isang manloloko. Isang magnanakaw. Isang salot sa lipunan gaya ng sinabi ni Hanzo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD