Episode 8

1532 Words
Kalahating oras bago ang oras na usapan namin ni Hanzo ay dumating na ako sa tagpuan naming dalawa. Bitbit ang mga requirements ko at nagbihis na naman ako ng panibagong formal dress at naglagay na naman ng konting make-up ay palagay ko naman ay matatanggap ako. Hindi naman sa malakas ang backer na meron ako kung hindi tiwala naman ako sa sarili ko. Isa talagang hulog ng langit si Hanzo dahil natatagpuan ko siya sa tuwing kailangan ko ng tulong. Tiningnan ko ang oras sa suot kong relo at ilang minuto na lang ay ala-sais na ng gabi na siyang oras na usapan namin ni Hanzo. Okay lang naman na mahuli siya ng konti. Handa naman akong maghintay. Nagpaalam naman ako kay Nanay Palo bago ako umalis ng bahay. Bago naman ako umalis ay siniguro ko na nasa ayos ang lahat ng locked sa bahay. Maging ang mga bintana ay pinakasara ko. Mahirap magtiwala. Sa lugar kung nasaan ako ay talamak ang iba't-ibang masamang gawain. Maliban sa mga matatabil ang dila na mapanirang puri ay naroon din ang mga lulong sa sugal na kapa wala ng makain ay naiisipan na ang magnakaw. Ilang beses na kaming nanakawan sa bahay. Kahit nga ang lalagyan ng kape at asukal ay hindi pinapatawad ng mga taong sanay sa masamang gawain. Kung may malilipatan nga lang sana ako. Iyong tamang pupuntahan ko na lang ang bahay namin para maglinis. Kahit isama ko na nga si Nanay Palo kung saan ako maninirahan ay gagawin ko na. Mahirap magkaroon ng kapitbahay na katulad ni Aling Matring na sobra na talaga ang sama ng pag-uugali. Kapag sinwerte ako sa trabaho ay baka mas gustuhin ko na lang din talaga ang mangupahan kahit maliit na kwarto para makaiwas na lang sa mga negatibong tao. Tulad na lang kanina bago na naman ako umalis ay nakita na naman ako ni Aling Matring. Dahil nga bagong ligo at bihis na naman ako ay malamang na kung anu-ano na naman ang mga ibinato nila sa aking mga salita. Kahit hindi ko man marinig ang mga sinabi nila ay hindi ko na kailangan na marinig pa. Ngunit nilampasan ko na lang sila dahil alam ko naman sa sarili ko na wala akong dapat na itago o ikahiya. Nangangalay na ako sa pagtayo ngunit ni anino ni Hanzo ay hindi ko pa nakikita. Isang oras na simula ng pumatak ang ganan na ala-sais ng gabi. Wala rin naman akong contact kay Hanzo kaya hindi ko alam kung paano siya i-reach out kung kaya nasaan na ba siya o kung tuloy o hindi ang lakad naming dalawa. Hinahanap ko sa mga dumaraan nal lalaki kong nakahalo na ba si Hanzo sa kanila. Mula noong una naming pagkikita ni Hanzo ay isa lang style ng damit niya nag-iba lang ng kulay. Naka-pants siya ng kulay itim habang ang pang-itaas niya long-sleeved na noong una naming pagkikita ay kulay gray, noong sa lamay ay kulay itim din at kanina ay kulay puti. Akala mo nga ay isa siyang modelo sa tangkad at sa kanyang tindigi maliban nga lang sa natatakpan ng makapal na salamin ang kanyang mga mata. Makapal ang kanyang mga kilay at sobrang tangos ng kanyang ilong. Hindi siya maputi ngunit makinis ang kanyang mukha na para bang alagang derma. Ang kanyang buhok ay mahaba na natatakpan ang kanyang tainga. Sadyang pinapahaba lang niya ang kanyang buhok o wala siyang panahon para magpagupit sa barber shop. Naghanap na ako ng mauupuan dahil talagang sobrang ngalay na ngalay na ang mga binti at paa ko. Nakuha ko na rin na magutom dahil naalala ko na hindi nga pala ako kumain ng hapunan dahil mas inuna kong plantsahin ang damit ko para nga sa pag-harap sa magiging amo mo sa trabaho. Para na akong tanga na naghihintay ngunit wala talagang Hanzo ang dumating kahit ilang oras na ang nakalipas. Alas-nueve na ng gabi kaya tumayo na ako at saka na nagdesisyon na umuwi na lang. Baka nakalimutan ni Hanzo na may lakad kami ngayon kaya hindi siya nakarating. Malapit lang naman kung saan ako umuuwi ay naglakad na lang ako para mawala na rin ang ngalay ng mga binti ko sa pag-upo ng ilang oras. Ngunit sa paglalakad ko ay para ba akong nakaramdam na may sumusunod sa akin kaya bahagya akong natitigilan. Lumilingon naman ako sa likuran bahagi ko ngunit marami naman kasi akong mga kasabay sa paglalakad kaya hindi na rin masyadong nakakatakot. Nagpatuloy ako sa paglalakad at hindi na lang inintindi kung anong iniisip ko. Halos bilisan ko na nga ang mga hakbang ko para makarating agad sa aming barangay. May dadaanan pa akong bakanteng lote na madalas ay konti lang ang dumadaan. Mas pinipili ko kasi na doon magdaan dahi mas malapit sa bahay ko. Kumbaga short cut para hindi na ako mapalayo pa. Huminto na muna ako at tumingin sa paligid kung may kahina-hinala ba at bakit ganito ang pakiramdam ko. Wala naman akong kahit na sinong kasunod at ang mga taong kasama kong naglalakad ay nasa kabilang kalsada. Ewan ko kung bakit naging ganito ang pakiramdam ko na dati naman ay hindi. May mangilan-ngilan din na sasakyan na dumaraan kaya nagpatuloy na lang na naman ako. Ngunit may isang kulay puting van na sumabay sa paglalakad ko. Mabagal lang ang kanyang takbo na pinagtaka ko. Tangka ko na sanang bibilisan ang paglakad ng lampasan na ako ngunit huminto ito sa hindi kalayuan. Inisip ko na baka naiihi ang driver o kaya naman ay dito talaga ang punta. Wala namang kahit na sinong lumalabas sa sasakyan kaya malamang na nagpahinga ang driver. Pagtapat na pagtapat ko sa van ay biglan nagbukas ang pinto nito at bigla na lang akong hinila papasok sa loob. Tinakpan ng mahigpit ang bibig ko para hindi ako makasigaw at mabilis na isinara ang pinto ng van ng tuluyan na akong maipasok. “Diyos ko! Tulungan niyo po ako!” sigaw ko sa isip ko. Kaya pala ganun na lang ang pakiramdam ko ay binabalaan na ako na may masamang mangyayari sa akin “Sino kayo! Anong kailangan niyo!” sigaw ko ngunit nakatakip na ng panyo ang bibig ko habang tinatalian na ang mga kamay ko ay mga paa ko. Pilit akong lumalaban ngunit sadyang malakas ang taong dumukot sa akin. Nakafacemask siya na halos natatakpan ang kalahati ng kanyang mukha. Idagdag pa na madilim ang loob ng van kaya talagang hindi ko maaninag ang kanyang mukha. Matapos akong talian ay tinakpan na rin ang mga mata ko. Sobra na akong kinakabahan. Takot na takot na ako dahil nakakasiguro ako na may hindi magandang mangyayari sa akin sa kamay ng taong dumukot sa akin. “Sayang ka, Miss. Kailangan mong pagbayaran ang masamang ginawa mo para lang kumita ng pera,” sabi sa akin. Boses lalaki siya. Anong ginawa ko sa kanya? Nabayaran ko na ang mga utang ko maging ang mga sinasabing na-scam ko. “Sino ka ba!” sigaw ko kahit may busal ang bibig ko na hindi niya ako naiintindihan. “Ang bata mo pa pero mas pinili mo talaga ang manloko ng kapwa na akala mo ay mapapala ka? Anong nangyari? Hindi ba at namatay din ang nanay mo na pinagamog mo gamit ang pera na ini-scam mo sa mga taong nagtiwala sayo.” Nanlaki ang mga mata ko sa narinig kahit nakapiring na ako. Kung ganun ay isa nga siya sa mga naging client ko? Pero ibinalik ko na ang pera maging sa mga naging reseller ko. Bakit kailangan pa na dukutin ako ngayon? “Akala mo ba ay ligtas ka na sa kasalanan? Hindi pa, miss. Hinding-hindi ka makakaligtas dahil kailangan mong pagbayaran ang naging resulta ng panloloko mo!” asik sa akin ng lalaki sabay ng pagsabunot sa buhok ko. Napaiyak na ako sa sobrang takot na nararamdaman ko. “Lahat ng hirap na dinanas ng taong niloko ay ipaparanas ko sayo para naman maging patas ang laban. Hindi na kasi siya makakaganti kaya ako na lang ang gaganti para sa kanya.” Inilapit pa ng lalaki ang kanyang bibig sa aking tainga para malinaw kong marinig ang kanyang pagbabanta. “Sino ba ang tinutukoy nitong dumukot sa akin? Anong ibig niyang sabihin na hindi na makakaganti ang niloko ko?” mga tanong ko sa aking utak. Pilit akong kumakawala sa pagkakatali sa akin at sa pagkakabusal ng bibig ko ngunit talagang napakahigpit. Pakiramdam ko nga ay may sugat na ang mga kamay at paa ko sa kakapihit para makawala. “Ano? Nahihirapan ka na ba? Hindi pa yan ang hirap na dadanasin mong babae ka! Sisiguraduhin kong mas mahihirapan ka pa sa mga gagawin kong pagpapahirap sayo. Hindi ka dapat kaawaan dahil manloloko ka! Scammer!” sabay tulak na pagbalya sa akin ng lalaki sa upuan ng sasakyan. “Ipaparanas ko sayo ang imyerno total ay doon ka na rin naman papunta! Ang utang ay utang kaya nararapat lang na bayaran!” Nakakakilabot. Nakakatakot. Dama ko ang sobrang galit na bumabalot sa pagkatao nitong dumukot sa akin. Pero paano ko maipagtatanggol ang sarili ko kung hindi ko maalis ang busal sa bibig ko? Sana lang ay walang masamang mangyari sa akin. Sana ay may magligtas sa akin panganib na ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD