Episode 9

1607 Words
SPG ALERT!!! Iyak na ako ng iyak at talagang hindi ko na alam kung paano ako makakaligtas sa kamay ng kung sinong taong dumukot sa akin. Hindi ko alam kung ilang oras nagtagal ang naging biyahe namin pero batid kong medyo malayo-layo rin. Isang tao lang ang sakay nitong puting van at siya rin ngayon ang nagmamaneho. Kanina na iniwan niya ako ay siyang andar ng sasakyan kaya nakakatiyak ako na mag-isa lang talaga siya. Maya-maya ay tumigil na ang sasakyan kaya naman nagsumiksik ako sa kung saang sulok dahil paniguradong pupuntahan na ako ng kidnaper. Bumukas nga ang pinto ng sasakyan. “Ano, takot na takot ka? Pero hindi ka natakot ng manloko ka para lang sa pera?” tanong ng lalaki na para bang kapag nagsasalita siya ay may nakaharang sa bibig niya. Kahit naman kasi naka facemask ay wala namang epekto sa boses pero itong kausap ko ay waring sinasadya na ibahin ang timbre ng kanyang boses. Gusto kong sumagot pero talagang ungol lang ang maririnig sa akin. Padaskol niya akong hinila sa sulok ng sasakyan kaya naman nadapa ako pagdating sa lupa kung saan ako bumagsak. Hindi rin kasi ako makakatayo dahil nakatali ang aking mga paa at inikot pa sa aking katawan papunta sa mga kamay ko. “Mas lalo kang gumanda sa paningin ko ngayong nakagapos ka ng tali. Hindi ako naaawa sayo dahil ang totoo ay sumusulak ang galit ko para sayong manloloko ka!” malakas niyang sigaw kasabay din ng mas malakas niyang pagsipa sa katawan ko. Ang isang sipa ay nasundan pa na halos ikadurog na yata ng buto ko sa likod na siyang paulit-ulit niyang pinupuntirya. Umuungol ako sa sakit na nararamdaman dahil iyon lang ang tangi kong magagawa. Sinusubukan kong umusad o gumapang ngunit paano ko magagawa kung ang buong parte ng katawan ko ay nakatanikala. “Masakit ba?” untag niya pa sa akin. “Kulang pa yan! Kulang na kulang pa yan sa mga dapat mong pagbayarang hayop kang babae ka!” asik niya na naman sa akin at saka sunod-sunod na naman akong nakatanggap ng sipa at tadyak sa kung sinong tao na dumukot sa akin. Halos hindi na ako makahinga sa sobrang sakit na ng katawan ko. Anong naging malaking kasalanan ko para parusahan niya ako ng ganito? “Mamilipit ka sa sakit na hayop ka! Dapat sayo ay unti-untiing patayin para mas madama mo ang paghihirap na gusto mo na rin na mamatay!” aniya pa sa akin. Inaasahan ko na tatadyakan na naman ako ngunit ang buhok ko ang hinablot niya ng mahigpit sabay kaladkad sa akin kung saan niya ako dadalhin. Tumatama ang likod ko sa may mga maliliit na bato kaya talagang patong-patong na ang sakit na nararamdaman ko. Ang anit ko ay sobrang init na sa pakiramdam ko sa tindi ng kanyang pagkakasakmal sa mga buhok ko. Maya-maya ay parang umayat ang lalaki sa hagdan dahil ilang beses tumama ang likod ko sa hindi pantay na daan. Saan ako dadalhin ng lalaking ito at anong gagawin niya sa akin? At bakit ganito na lamang niya ako parusahan? Sobra naman ang galit niya na naibalik ko na rin naman ang mga pera sa mga nagbigay sa akin ng pera. Sana matanggal ang busal sa bibig ko para makapagsalit ako at marinig niya na isa rin akong biktima ng isang scammer. Hindi ako ang manlolokong tao na hinahanap niya bagkus ay nagtiwala lang din ako. Narinig ko ang pagbukas ng isang pinto kaya at saka na naman niya ako padaskol na itinapon at lumagpak na naman ang nanghihina ko ng katawan sa matigas na sahig. Nagpagulon-gulong ako sa sakit na naramdaman. Kung gusto niya akong patayin sa kung anong naging kasalanan ko ay bakit hindi pa niya ako tuluyan? Wala na rin naman akong kamag-anak na iiyak dahil wala na rin naman ang nag-iisa kong pamilya. “Dito kita ikukulong hanggang sa mabulok ka. Dito ka na mamatay habang nakapaikot sa katawan mo ang tali na yan. Dahil ang tali na nasa katawan mo ay nagpapaalala ng isang masakit na pangyayari na hanggang ngayon ay hindi ko matanggap. At hindi ko kailanman matatanggap! Naiintindihan mong scammer ka!” sabay tadyak na naman niya sa katawan ko. Idiin ko ang mukha ko sa sahig at pilit na kinakaskas ang tela na nakabusal na bibig ko para makapagsalita na ako. “Hindi lang ganyan na sakit ang paghihirap ang gusto kong danasin mong scammer ka. Gusto ko ay mas matindi pa na paghihirap ng katawan ang maranasan mo dahil wala ka rin namang kwenta. Wala kang konsiyensiya kaya hindi ka nararapay bigyan ng patas na parusa ng batas ng tao! Kaya mabulok ka rito! Mabulok ka hanggang sa uurin at mamatay ka!” “Bakit hindi mo pa ako patayin?” Sa wakas ay naalis ko na ang busal sa bibig ko. “Kung talagang galit na galit ka sa akin ay bakit hindi mo pa ako tulayan ng patayin?” tanong kong muli ngunit isang mapang-insultong tawa ang narinig ko “Patayin agad? Hindi! Dahil gusto kong maghirap ka. Gusto ko na danasin at lasapin mo ang walang hanggang paghihirap!” nanggagalaiti niyang sagot. “Kung galit ka sa akin dahil iniisip mong scammer ako ay nagkakamali ka! Hindi ako manloloko!” pagtatanggol ko na sa sarili ko ngunit sinabutan na naman ako ng lalaki kaya napaangat pataas ang mukha ko. “Huwag mo ng tangkain pa na bilugin ang utak ko dahil alam kong isa kang scammer! Huwag mong ibahin ang usapan! Huwag mong ibaling sa iba ang sisi dahil ikaw ang manloloko!” Umiling ako sa kabila ng mahigpit sa sabunot sa buhok ko. “Hindi ako scammer! Isa rin akong biktima at kaya kong patunayan yan!’ patuloy ko pang pagtatanggol sa sarili ko ngunit sunod-sunod na malakas na pagsampal sa magkabilaan kong mukha ang natanggap ko. Halos umusok na ang dalawa kong pisngi sa sobrang init gawa ng malalakas na pagdapo ng malakas na kamay. Binitawan niya ang buhok ko ngunit isang malakas na pagsipa na tumama sa aking sikmura ang kanyang ginawa kaya naman lalo akong namilipit sa sakit. Hindi ko alam kung paano akong dadaing. Hindi ko alam kung mauubo ba ako masusuka. “Huwag mo ng pagtangkaan pa na maghugas kamay dahil maruming-marumi kang babae ka!” sabi niya habang nakaipit ang panga ko sa mga daliri niya. “Hindi mo ako mapapaniwala sa mga palusot mo dahil ang magnanakaw ay kapatid ng sinungaling kaya naman bakit kita paniniwalaan?” aniya sa akin sabay ipit ng mahigpit sa panga ko. Kulang na lang din ay mabunot na ang mga ngipin ko sa pagkakalapirot niya sa panga ko. “Ang mabuti pa, i-saved mo ang mga natitira mong lakas para magtagal ka ng kahit na isang linggo,” at saka niya na binitawan ng pahagis ang mukha ko. Pero kahit naman gusto ko ng mamamatay at sumunod kay nanay ay ayoko naman na mamamatay na may mantsa ang pangalan ko. Kung oras ko na talaga ay dapat kong ipilit na inosente ako at isa lang din na biktima sa kasamaan ng iba.. “Alam kong papatayin mo rin naman ako kahit na anong gawin kong pagmamakaawa sayo. Pero kung ang dahilan ng pagpapahirap mo sa akin ay para maghiganti ka ay sinasabi ko sayo. Kahit mapatay o mamamatay ako ay hindi ka pa rin nakaganti dahil patuloy kong igigiit na inosente rin ako at biktima rin ng tunay na hinahanap mong manloloko at scammer. Kung ayaw mo akong paniwalaan ay malaya kang halungkutin ang nilalaman ng cellphone ko.” Kahit nanghihina na ako ay patuloy ko pa rin na sinabi ang nais kong sabihin. Tanggap ko na sigurong ito na ang oras ko pero kung nais ng taong ito ng tunay na hustisya para sa kung sinong nais niyang paghigantihan ay hindi ako iyon. Hindi matatawaran ang sakit at kalupitan na dinanas ko sa kamay ng kung sinong tao ngunit ayokong mamamatay na hindi man lang ipinaglalaban ang sarili ko. “Huwag kang mandamay ng ibang tao para pagtakpan ang malaking kasalanan mo dahil lalo lang akong nagagalit!” “Bago mo ako husgahan ng paulit-ulit ay subukan mo munang sundin ang sinasabi ko. Kahit mapatay mo ako, ang tunay na salarin ay patuloy na malaya at malamang na hanggang ngayon ay patuloy na nambibiktima ng mga inosenteng tao na ang nais lang naman ay konting dagdag kita.” Patuloy kong giit. Ngunit malakas na pagsara ng pinto ang narinig ko. Pilit kong inayos ang sarili ko. Gumapang ako na hindi alam kung saanpl ba ako tutungo dahil natatakpa pa rin ang mga mata ko. Gumagapang ako para maghanap ng pader para makasandal man lang ako. Hindi na ako magtataka kung maraming nadurog sa mga buto ko sa katawan sa ginagawang pagbugbog sa akin ng taong yon. Sino nga kaya siya? Sino ang kliyente ko na tinutukoy niya? May masama bang nangyari kaya ganito niya na lang ako ka-brutal na saktan? Wala ba siyang nanay o kapatid na babae para hindi niya ako kaawaan? Anong laban ko lakas ng isang lalaki? Sapat ba na dukutin at saktan niya ako ng ganito kalupit para lang maghiganti gayong nakabayad na talaga ako sa mga kliyente ko? Sa wakas ay nakaabot din ako sa pader ng bahay kahit para akong uuod na gumagapang. Inayos ko ang katawan ko at saka isinandal ang aking nabali na yatang buto. “Lord, kung ito na po talaga ang oras ko ay kunin niyo na po ako dahil baka sa susunod na saktan ako ng lalaking dumukot sa akin ay hindi na talaga makaya ng katawan ko,” ang tahimik kong panalangin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD