Episode 13 KIDNAPPER POV

1055 Words
“Sir, ano bang balak mo sa babaeng yon? Papatayin mo na ba siya?” Kalalabas ko lang sa bahay kung saan ko ikinulong ang babaeng isa sa sinisisi ko kung bakit nawala ang kaisa-isang taong mahalaga para sa akin. Hindi ko siya mapapatawad gaya ng wala akong nararamdaman na pagsisisi sa mga pananakit ko sa kanya. Kahit anong gawin niyang pagmamakaawa ay hindi ako maaawa sa kanya. Akala niya yata maniniwala ako sa mga pinagsasabi niyang hindi siya ang dapat kong sisisihin dahil hindi siya ang manloloko at scammer na hinahanap ko, nagpapatawa siya. At lalo lamang nadaragdagan ang kasalanan niya sa akin. Lalo lamang nanginginig ang laman ko at lalo lamang kumukulo ang dugo ko para sa kanya. Ang kapal ng mukha niya para ipasa sa ibang tao ang malaking kasalanan na siya ang may gawa para ano? Para makawala siya? Para ma-abswelto siya? Hindi! Huwag na siyang magsayang ng laway at lakas dahil hindi niya na mababago ang isip ko. Kaya pahihirapan ko siya. Kulang pa ang sakit ng katawan na inaabot niya sa mga kamay ko para maibalik niya ang buhay na nawala sa akin. Sadyang hindi dapat pinagkakatiwalaan ang isang tao base lamang sa kanyang itsura. Nang makita ko ang babaeng iyon ay nahirapan akong maniwala kung siya ba talaga ang hinahanap ko dahil nga napaka-amo at inosente ng kanyang mukha na hindi mo aakalain na magagawa na manloko ng kapwa. Pero sa pagtatanong at sa mga nakalap kong impormasyon ay siya nga at wala ng iba pa ang hinahanap ko. Nakalap ng mga tauhan ko ang mga naging records niya sa barangay hall kung saan ilang beses siyang pinabarangay sa pare-pareho na reklamo at idagdag pa ang mga pahayag ng mga taong nagrereklamo na siya talaga ang scammer. Nalaman ko nga rin na nangangailangan talaga siya ng pera para sa pagpapagamot sa may sakit niyang nanay na ngayon nga ay wala na. Nakakaawa ang nanay niya dahil nadamay sa karma ng anak niya. Ngunit mas mabuti na rin na nawala dahil ang taong gaya ng pagkatao ng anak niya ay hindi nararapat na magkaroon ng pamilya. “Kamusta ang pinapahanap ko?” ang tanong ko sa taong nagtanong sa akin. “Sir, may lead na kami. Namataan na siya sa isang probinsya na malapit.” Sagot ng tinanong ko. Napatango kasabay ng pagbuga ko muli ng usok sa vape na hawak ko. “Iharap niyo siya sa akin ng buo dahil gusto ko ay ako rin ang magpaparusa sa kanya.” Mahinahon kong utos ngunit kung kaharap ko lang ang taong pinapahanap ko ay baka kanina ko pa sinaksak ang lalamuna niya. Pero hindi nararapatan ang agaran na kamatayan sa taong ito. Katulad ng babaeng scammer ay dapat lang na pahirapan ko siya ng matagal. Araw-araw ko siyang bubugbugin hanggang maging lantang gulay ang kanyang katawan. Walang balat sa kanyang katawan ang hindi ko lalagyan ng latay. “Itabi niyo ang lubid at huwag na huwag niyong iwawaglit. Ang lubid na yan ang gagamitin ko sa pagpaparusa sa mga taong dahilan kung bakit nag-iisa na lang ako ngayon.” Pahayag ko pa at saka na muling nagbuga ng usok. “Laging nakahanda ang lubid, sir.” Tumango-tango na naman ako sa narinig. “Hindi na ako makapaghintay na makaharap ang taong yan. Gustong-gusto kong pilipitin ang leeg niya at panoorin kung paano siyang mahirapan sa paghinga.” Kung anong inutang ay siya rin na dapat kabayaran. Kaya maniningil ako hanggang sa kahuli-hulihang patak ng dugo ng mahal ko sa buhay na kinuha nila sa akin. “Sir, tungkol sa sinasabi ng babaeng hindi siya ang scammer, nagsagawa ako ng imbestigasyon.” Napatingin ako sa kausap ko. “At naniniwala ka sa mga sinasabing palusot ng babaeng yon? Ang magnanakaw ay kapatid ng sinungaling kaya huwag kang palinlang sa itsura. Ikaw mismo ang unang nakaalam na ang babaeng iyon ang siyang may kasalanan sa nangyari na kailangan niyang pagbayaran ngayon,” ang sabi ko. Hindi ako palilinlang. Tiyak na pinag-aralan na niya talaga ang mga dapat niyang sabihin dahil kasama yan sa panloloko niya. Aral na aral na ang mga dapat niyang sabihin para huwag siyang magkmali kahit paulit-ulit ang kanyang sasabihin. “Wala namang mawawala kung pa-imbestigahan ko na rin, sir. Mas mabuti ng lahat ng dinadamay na nababanggit ay bigyan natin ng pansin.” May punto naman ang kausap ko. Mas maganda talagang lahat ng may kinalaman ay magbayad sa kasalanan. Ngunit itong babaeng una kong dinukot ay siyang dapat kong mas parusahan. “Bahala ka. Ikaw naman ang magsasayang ng mga oras mo sa usapin na yan dahil kung ako ang tatanungin ay ang babae na yon ang puno't-dulo kaya hindi ko talaga siya paniniwalaan.” Madiin kong wika. “Sir, nag-report na ang mga kapitbahay ng babaeng yan sa police station bilang missing person. Pero mahihirapan na silang makahanap ng cctv camera na pwede nilang maging lead. Burado na ang lahat.” “Good.” Pagpuri ko sa narinig na report. Dapat lang na hindi na nila mahanap pa ang kapitbahay nilang scammer. Baka nga ang ibang naloko niya ay magpasalamat kapag nalaman nilang nabawasan na ng isang makasalanan ang kanilang lugar. Isang scammer na salot sa lipunan. Mga ayaw magbanat ng buto at gusto ay easy money kung saan nanloloko ng kapwa nila. Ang problema ko na lang ay taong mabilis nakapagtago. Pero magtago siya hanggang gusto niya ngunit hindi niya ako matatakasan. Hindi niya matatakasan ang batas ng kamay ko. “Huwag niyong lubayan kung nasaan ang taong pinapahanap ko. Gusto ko na sa lalong madaling panahon ay maharap niyo na siya sa akin,” ani ko pa. “Yes, sir. Naroon na ang ibang mga tauhan at patuloy na nagmamanman sa paligid. Dahil alam niya rin sa sarili niya na delikado ang lagay niya ay napag-alaman na lagi siyang armado kahit saan siya magpunta.” Kung ganun ay lalo pa lang ginagawang exciting ng taong iyon ang paghuli at pagdukot sa kanya. Pakagalingan niya lang ang pagtatago at pag-iwas sa mga tauhan ko. Lintik lang ang walang ganti. “Let's go!” pagyaya ko na sa kausap ko. Babalik na lang siguro ako rito sa oras na mahuli na ang taong pinapadukot ko. Dito ko rin siya parurusahan. Pagagapangin ko rin siya habang walang humpay ko siyang hahagpupitin ng lubid na hawak ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD