Episode 12

1620 Words
Ayaw magbukas ng pinto kahit anong gawin ko. Sa mga bintana ay ganun din. Dalawa lang ang bintana. Isa dito sa kwarto at isang napakaliit na bintana sa banyo. Para bang sinadya na takpan talaga sa labas para hindi ko mabuksan at wala rin akong kahit na anong makita. Kaya malamang kahit nga na magsisigaw ako hanggang sa maubos ang tinig ko ay wala talagang makakarinig sa akin. Pinapakiramdaman ko nga ang paligid baka sakaling may marinig akong kahit na anong kaluskos ngunit wala talaga. Wala rin butas ang kisame para man lang daanan ko. Dahil may iniwan namang pagkain ang lalaking gumamot ng mga sugat ko ay kahit paano talaga ay naibsan na ang gutom ko lalo na ang panghihina na ng katawan ko. Nakapaglinis na rin ako ng nanlilimahid kong katawan. May suplay naman kasi ng tubig sa banyo. May suplay din ng kuryente dahil may ilaw sa kwarto ngunit wala ang switch dito sa loob pero may saksakan naman para sa electricfan. Kapag alam pakiramdam ko ay malamig na ay pinapatay ko na lang ang electricfan para hindi mag over hit dahil sanay naman na akong mainit ang paligid. Nakatagal nga ako ng ilang araw na walang hangin, walang tubig at walang pagkain kaya ano ba ang pagpahingahin ko ng sandali ang nag-iisang appliances na nakakatulong sa akin. Hindi ako kumakain ng marami at tinitipid ang pagkain na iniwan dito sa akin lalo na ang malinis na tubig para inumin. Naalis ko na rin ang mga nagkalat na mantsa ng dugo sa paligid. Iniisip ko nga baka may kaya o may pera ang taong dumukot sa akin base na rin sa lugar kung saan niya ako dinala maging sa mga pagkain na iniwan. Ang kwartong ito ay maganda kung tutuusin. Matibay ang mga materyales na ginamit. Ang tiles ay mamahalin maging ang inidoro, bidet, faucet maging ang shower ay nagpapahiwatig ng karangyaan. Kaya lalo akong napaisip kung sino ba talaga ang taong dumukot sa akin. Kung may pera naman sila ay bakit kailangan pa nilang magpagawa ng kung anong pinaayos nila sa akin. Kayang-kaya naman pala nilang magdaan sa legal kung ganito talaga sila ka pera. Ang mga sugat ko ay nagamot ko na rin. At nakakainom pa ako ng pain reliever dahil iniwan ng pangalawang lalaki ang mga gamot. Pero iika-ika pa rin akong maglakad. Hindi ko nga alam kong may pag-asa pa na mabalik ang tuwid kong lakad dahil napuruhan ang tadyang ko ng matindi. Sa ngayon ay iisa lang ang panalangin ko. Ang makaalis sa lugar na ito. Ang makatakas. Tiyak na nag-aalala na ng sobra si Nanay Palo sa akin. Baka nga hinahanap niya na ako sa kung saan-saan sa ilang araw na wala na ako sa bahay. Sana nga ay hanapin niya ako o kaya ay magfile siya ng report sa police station tungkol sa pagkawala ko para naman magkaroon ng imbestigayon. Miss na miss ko na si nanay. Wala na nga siya ay hindi ko mapuntahan ang kanyang puntod. Nagmumuni-muni ako ng biglang mawalan ng ilaw. Napasinghap ako sa takot dahil sobrang dilim talaga at wala akong makitang kahit na anong liwanag. Pakiramdam ko ay muling nakapiring ang aking mga mata sa pagkakataong ito. Ngunit mas nadagdagan ang takot ko unti-unting nagbukas ang pinto. “Ang sarap ng buhay mo, ano?” ang lalaking dumukot sa akin. Wala ring liwanag sa labas ng pinto kaya hindi ko makita talaga ang itsura niya. Pero ngayon ay alam ko na kung gaano siya kalaking tao. Matangkad at malaki ang kanyang katawan kaya isang sampal niya lang talaga sa akin ay halos mawalan na ako ng malay. Napasiksik ako sa sulok ng kama kung nasaan ako nakaupo. Kapag narito siya ay hindi niya ako pwedeng hindi pagbuhatan ng kamay kaya naman kahit ayokong matakot at kahit gusto kong maging matapang ay wala pa rin akong laban sa isang tao napupuno ng galit sa kanyang dibdib. Gamit ang flashlight sa kanyang cellphone kaya may konting liwanag sa paligid. Ngunit kahit may ilaw na ay hindi pa rin sapat para makita ko ang mukha niya na may facemask. “Pakawalan mo ako, sir. Nakikiusap naman ako sayo,” pakiusap ko na. Unti-unti siyang lumalapit sa akin kaya naman lalo akong nagsusumiksik sa sulong na halos dumikit na ako sa pader. Kung pwede nga lang na tumagos na ako ay tatagos na ako para huwag na lamang siyang makalapit sa akin. “Ang kapal naman ng mukha mong babae ka para magmakaawa. Hindi ka dapat kaawaan dahil wala ka naman ding awa.” Sagot niya na naupo na rin sa gilid ng kama. Mukhang kalmado siya ngayon dahil hindi katulad ng mga pagdalaw niya sa akin na agad niya akong sinasaktan. “Sir, ilang beses ko ng sinasabi sayo na hindi talaga ako manloloko. Hindi ako scammer. Naloko lang din ako,” paliwanag kong muli. Akala ko ay anong kukunin ng lalaki sa kanyang bulsa ngunit maya-maya ay nagbuga siya ng makapal na usok. Base sa amoy ay mukhang vape ang pinanggalingan ng usok na bahagya ko lamang nakikita. “Dapat siguro umpisa pa lang talaga ay pinatay na kita. Ako na mismo ang nagbigti sayo sa kung saan at tinapon na lang kita sa gilid ng daan habang may iiwan akong sulat na isa kang scammer at huwag pamamarisan,” aniya sabay buga na naman ng makapal na usok sa hangin. “Sinira mo ang buhay na mahalaga sa akin. Sinira mo ng dahil sa kakarampot na kita pilit mong ginigiiit.” “Mag-isa na lang ako ngayon sa buhay. At nakakalungkot pala talaga.” At dama ko ang kanyang mga sinabi Nakakalungkot naman talaga na mag-isa gaya ng nararanasan ko ngayon. “Mag-isa na lang din ako. Iniwan na ako ng nanay ko,” giit ko. “Deserved mo. Deserved mong mawalan ng kahit sinong minamahal dahil ilalagay mo lang sila sa kahihiyan sa pagiging scammer mo. Idadamay mo lang sila sa karma na naghihintay sayo kaya nararapat lang na solohin mo ang balik ng karma sa mga pinagagawa mo!” nagsimula ng tumaas ang kanyang boses kaya naman para na akong nanginginig sa takot. “Pero hindi ko deserved ang maiwan mag-isa! Kaya galit na galit ako sayo dahil naiwan akong mag-isa ng taong mahalaga sa buhay ko! Hindi mo alam kung paano ako nadurog ng mga sandaling malaman ko kung anong nangyari sa kanya! Kaya huwag kang magmakaawa sa akin dahil wala kang karapatan!” galit na galit niya na namang asik sa akin. “Sir, ano bang nangyari? Bakit ba ako ang sinisisi mo? Ang alam ko kasi sa mga naging client ko ay mga kakayahan na magbayad ng mahal pagdating sa legal pero mukhang may kakayahan ka naman sa buhay. Kaya ano at naging client ko ang sinasabi mong mahalaga sa buhay mo?” lakas-loob ko ng pagtatanong. Ngunit nangyari na ang kinatatakutan ko. Mabilis niyang hinawakan ang leeg ko at mahigpit na niya ng sinasakal. “Sir,” tawag ko sa pangalan niya at hinahampas ang kanyang kamay na nakasakal sa leeg ko. “Wala kang karapatan na magtanong. Wala kang kang karapatan dahil wala ka namang pakialam. Kaya manahimik kang hayop ka!” asik niya at saka ako sinakal ng mabuti hanggang sa bumagsak na ako sa ibabaw ng kama. Pumaibabaw sa katawan ko ang kidnapper kung saan dalawang kamay niya na ang nakasakal sa leeg ko. “Walang kwenta ng buhay mo kaya dapat ikaw ang namatay!” Halos mawalan na talaga ako ng ulirat at lumawit na ang dila ko kaya ng alisin niya na ang kamay niya sa leeg ko ay inirit ako ng sunod-sunod na ubo. “Masaya pa lang nakakakit ng demonyo na nahihirapan,” at saka siya nagtatawa habang nakikita akong halos malagutan ng hininga. “May hinahanap pa akong tao na nagtatago na ngayon. Alam niya kasing papatayin ko siya kaya naman talagang ginalingan niya sa pagtatago. Pero alam kong mahahanap at mahahanap ko pa rin siya. At kapag nahanap ko na ay pagsasamahin ko kayo at panonoorin na pahirapan. Oo, may mas hihirap pa sa mga naranasan mo. Kaya kung ako sayo ay maghanda ka.” Paalala niya sabay tayo sa gilid ng kama kung saan siya nakaupo. Maya-maya ay naglakad na siya at kinuha ang cellphone sa lamesita kung saan niya ito pinatong kanina at saka tuluyan na namang lumabas ng silid. Ilang segundo lang ay kumalat na naman ang liwanag dahil sa pagbukas ng maliwanag na ilaw. Inayos ko ang sarili ko hanggang sa maging maayos na ang t***k ng puso ko at paghinga ko. Sinong tao ang hinahanap niya? Si Mamu Jo na kaya? Pinaniwalaan niya na kaya ang mga sinasabi ko? Pero bakit sabay niya kaming pahihirapan na wala nga akong kaalam-alam na scammer pala ang babaeng yon. Nawalan yata ako ng pag-asa dahil kahit pala mahanap niya ang tunay na kriminal ay papatayin niya pa rin ako. Gumapang na naman ako patungo sa lamesita para makainom ng tubig. Uhaw na uhaw na naman ako sa ginawang pagsakal sa leeg ko. Ano ba kasing nangyari sa taong mahalaga na sinasabi ng kidnapper ko? Namatay ba? Paano ako nagkaroon ng kinalaman sa pagkamatay ng taong yon? Nagpakamatay ba dahil hindi inutang lang din ang pinambayad sa akin? Kung tungkol nga sa utang ay magpapakamatay ba sa halagang fifty thousand na siyang pinakamalaking binayaran sa akin? Pero hindi pa rin sapat na magpakamatay sa halagang fifty thousand dahil ako nga ay kulang kalahating milyon ang naging utang sa mga naging client ko. Ngunit baka nga. Pero hindi pa rin. Ang lalaking dumukot sa akin ay mukhang hindi basta-basta at baka nga barya lang ang fifty thousand sa kanya. Kaya bakit niya ako kailangan na maltratuhin ng ganito kalupit? Bakit?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD