Episode 14

1602 Words
Pagkagising ko ay napansin kong nadagdagana ang pagkain sa lamesita kaya naman agad akong bumangon dahil na rin sa masarap na aroma ng pagkain na sumigid sa ilong ko. Sino kaya ang naglagay nito? Ang lalakig dumukot sa akin o ang lalaking gumamot sa mga sugat ko. Bagong luto pa lang ang pagkain. Mainit pa ang kanin maging ang longganisa, hotdog at pritong manok na ulam kaya naman hindi ako magkamayaw kung ako ang uunahin kong damputin. Hindi na talaga ako nag-abala pa na magmumog at maghilamos pa o kaya ay maghugas ng mga kamay dahil ilang araw na rin na biskwit ang kinakain ko at limitado pa talaga. Kain na lang ako ng kain at walang pakialam kong mabulunan na ba ako. Ngayon lang nagkaroon ng kanin at ulam kaya hindi ko masisisi ang sarili ko na ganito na lang kagutom. Nang makaramdam ako ng busog ay huminto na rin naman ako at saka tinakpan ng mabuti ang mga pagkain na tira para mamaya. Kung hindi nga lang mapapanis ay talaga namang itatabi ko para sa mga susunod na araw ngunit hindi naman pwede. Naglinis na ako ng katawan at paglabas ko ng banyo ay doon ko lang napansin na bakit parang hindi nakasara ng mabuti ang pinto patungo sa labas ng silid na ito. Nakita ko kasi na hindi ito nakalapat kaya kinakabahan ako na lumapit para nga i-try buksan. Dahan-dahan kong inikot ang door knob kung magbubukas nga. At ganun na lang ang pakiramdam ko ng mabuksan ko nga ito. Pigil ang hininga na unti-unti kong binuksan ng tuluyan. At naiiyak ako sa sobrang saya na makita ang labas ng bahay. Isang silid lang pala ito at isang terrace. Maliwanag pa ang paligid kaya naman nakikita ko pa ang lahat. Ngunit palubog na ang araw. Hindi ko alam ang oras pero alam kong palubog na ang araw kaya maya-maya ay madilim na talaga. Malawak ang paligid at maraming punong-kahoy pero wala akong makita na ibang bahay na pwede kong hingan ng tulong. Kaya naman pala kahit na anong gawin kong paghingi ng saklolo sa buong maghapon ay wala talagang makakarinig sa akin dahil wala talaga. Wala talagang kahit na sinong tutulong sa akin dahil parang nasa gitna ako ng malinis na kagubatan. Nagmasid ako sa paligid at talagang walang indikasyon na may ibang tao talaga kay naman nagtatakbo na ako. Mabuti na lang at may lakas na ako para makatakbo na ako palayo. Hindi ko alam kung saan ako patungo pero ang kailangan kong gawin ay magtatakbo ng mabilis at bahala na kung saan ako makarating. Hingal na hingal na ako at masakit na rin ang talampakan ko dahil wala akong sapin sa paa pero wala talaga akong pakialam. Hindi naman nagtagal ay nakarating ako sa kalsada pero walang dumadaan na sasakyan kaya paano kaya paano ako makakahingi ng tulong? Ang ginawa ko ay nagkubli muna ako sa mga puno para makapagpahinga. Ang balak ko ay maghihintay na muna ng kahit na anong daraan na sasakyan para makahingi ng tulong. Siguro naman ay may maliligaw na sasakyan kahit isa man lang. Abot-abot ang hingal ko kanina pero ngayon ay kalmado na dahil nga nakapagpahinga na ako kahit paano. Nagdadalawang-isip ako kung maglalakad ba ako sa gilid ng kalsada para makalayo o maghihintay na lang talaga lung may magdadaan na sasakyan. Pero narito na ako. Hindi ko alam kung paanong nangyari na naiwan ng kung sino na nakabukas pa ang pinto kung saan ako nakakulong ngunit inadya na siguro ng pagkakataon para makatakas nga ako. Minasahe ko muna ang aking mga payat na binti at hita bago ako tumayon muli. Hindi ngayon ang oras para indahin ko ang sakit dulot ng mga sugat sa talampakan ko. Kailangan ko pang kumilos para makalayo ng lubusan. Sana lang ay makahingi ako ng tulong sa taong mapagkakatiwalaan. Tumayo na akong muli at nagsimulang maglakad. Tuluyan ng lumubog ang araw pero maliwanag pa rin naman kaya nakikita ko pa ang nilalakaran ko. Pero makalipas ang ilang minuto ay wala talagang dumadaan na sasakyan. Wala akong ideya kung nasaan ba akong parte ng bansa. Maraming puno at mga halaman pero malamang na hindi ito highway kaya walang dumadaan na sasakyan. Nagpatuloy pa rin ako sa paglalakad hanggang sa kumalat na nga ang dilim. Walang buwan ngunit may mga mangilan-ngilan na bituin. Pagod na ako pero tuloy pa rin. Uhaw na uhaw na ako at gutom na gutom na rin. Nanlaki ang mga mata ko ng mula sa malayo ay may matanawan na liwanag. May paparating na sasakyan. Agad kong itinaas ang mga kamay ko at kumaway-kaway na para salubungin ang sasakyan na paparating. Sa wakas ay may naligaw din na sasakyan. Nang huminto ito sa hindi kalayuan ay nagtatakbo ako para makahingi na ng tulong. “Tulong! Tulangan niyo ako pakiusap!” pagmamakaawa ko ng matapat na ako sa bintana ng sasakyan kung saan naroon ang driver. Baka ayaw niyang bumaba dahil iniisip niyang masama akong tao o may masamang balak lalo at ano ang ginagawa ko sa lugar na ito ng mag-isa at babae pa ako. Hindi ko makita ang loob dahil tinted ang salamin ng sasakyan pero patuloy ako sa pagkalampag dito. “Tulong! Please!” Sa wakas ay binuksan na ng driver ang pinto ng sasakyan kaya medyo lumayo muna ang katawan ko para bigyan siya ng daan. Ngunit dagling nabura ang pag-asa kong makaligtas ng makita ang isang lubid. “Anong akala mo? Makakatakas ka ng ganun lang sa lugar na ito?” tanong ng taong inaakala kong makakatulong sa akin. Ang kidnapper ko. Nabosesan ko siya. Nakasuot na naman siya ng facemask kaya hindi ko makita ang mukha niya lalo at talagang madilim ang paligid. Wala na akong inaksayang oras. Tumakbo akong muli hanggang sa mabilis na makakaya kong tumakbo. “Sige lang! Tumakbo ka lang!” sigaw niya sa akin. Hindi ako pwedeng dumaan sa gilid ng kalsada dahil bangin ang parehong gilid nito kaya wala akong ibang magagawa kung hindi taluntunin ang tuwid na daan. “Kaya mo to, Zhang! Makakatakas ka!” bulong ko sa sarili ko. Pero narinig ko ang humaharurot na sasakyan sa likod bahagi ko at sa isang iglap lang ay tumilapon na ang katawan ko nang banggain na ako ng lalaking dumukot sa akin. Nagpagulong-gulong ang katawan ko na umabot pa sa malayong bahagi pero hindi ako sumuko na makagapang para lalo ng makalayo kahit pa duguan na ako. Umaagos ang sariwa at masagana kong dugo sa aking mga mata na nagmula sa noo ko. Pero napaigtad ako ng maramadaman na may humagupit sa katawan ko. “Akala mo siguro ay makakatakas ka ano?” aniya sa akin at sa mulung pagkakataon ay hinagupit ako ng malakas gamit ang lubid. “Maawa ka, tama na,” pakiusap ko sa mahina ng tinig. Dapat pala ay tumalon na ako sa bangin kanina ng may pagkakataon pa ako. Mas gusto ko na talagang wakasan a ang sarili kong buhay kaysa ganito na unti-unti akong pinapahirapan. Sayang ang naging pagkakataon ko dahil mas malala pa ngayon ang inabot ko. Napakatibay rin ng katawan ko dahil bakit hindi man lang ako mawalan ng malay sa pagkakabangga sa akin na tumilapon pa ako sa malayo. Sana ay nabagok na lang ang ulo ko at tuluyan akong hindi nagising kaysa ganito na naman ang kahihinatnan ko. Siguradong ikukulong na naman niya ako at baka itali na naman ang buo kong katawan dahil nga nagawa kong makatakas. Hindi ko na magalaw ang katawan ko kaya nasubsob na lang ako ngunit ramdam kong tila tinatalian na naman ang mga binti ko. Maya-maya nga ay gumalaw ako. Tila hinihila na ang katawan ko. “Hinding-hindi ka makakatakas sa akin hayop kang babae ka!” asik sa akin ng lalaking kidnapper habang hila-hila ang halos walang buhay ko ng katawan. “Padagdag ng padagdag ang kasalanan mo sa akin kaya humanda ka sa mas pagpapahirap ko sayo! At huwag kang mag-alala dahil may makakasama ka na at hindi lang ikaw ang pahihirapan ko!” aniya na naman sa akin. Pabarumbado niyang hinaklas ang mahina kong katawan at itinapon sa loob ng kanyang sasakyan. . Nangingisay na nga yata ako sa dami ng dugo ang nawala sa katawan ko. “Tulong,” bulong ko. “Anong pinagsasabi mo? Kahit lakasan mo pa ang boses mo ay walang makakarinig sayo. At kung mayroon may ay palagay mo ba ay hahayaan kitang makatakas sa mga kamay ko? Kaya ka lang nabubuhay hanggang ngayon ay dahil may sa palos ang isa pang taong pinapadukot ko palibhasa ay alam niyang hahanapin ko siya kaya ganun niya ginagalingan na magtago. Kaya sorry ka. Ikaw ang una kong nakuha kaya ikaw ang solo na kumukuha ng pagpapahirap na dapat ay kasama mo siya.” Sinong siya? Si Mamu Jocel ba ang sinasabi niya? “Dapat kasi ay ginalingan mo rin na tumakas. Kung bakit naman kasi mali ka ng napiling daan para tahakin. Sa halip na makalayo ka na ay nasalubong mo pa talaga ako. Sabagay kahit makatakas ka ay hahanapin pa rin kita kaya no choice. Kahit anong gawin mong pagtakas ay sa mga kamay ko pa rin ang bagsak mo!” Wala na talaga yata akong pag-asa na mabuhay pa dahil nakaalis na ako at nakalayo na pero heto at nahuli na naman ako. Mas worst na naman ang nangyari sa katawan ko ngayon. Bugbog na bugbog na ako sa sakit kaya bakit hanggang ngayon ay buhay pa rin ako? Ano bang plano Mo sa akin, Panginoon? Ano bang plano Mo at hanggang ngayon ay hinahayaan mo akong pahirapan ng lalaking ang tingin sa akin ay masaman tao?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD