Episode 3

2106 Words
“Miss Zhang, nakikiramay ako sa pagkamatay ng nanay mo.” Hindi nga na nakayanan ni nanay ang sakit niya at tuluyan na siyang tinalo nito. Walang ibang mag-aasikaso kaya kahit nanghihina ang katawan at isip ko ay tumayo at naglakad pa rin ako para mailabas na ang katawan ni nanay at maburol na sa bahay. Kahit paano ay may mga mababait pa rin na kapitbahay na tumulong sa akin na makahingi ng tulong para sa pagpapalibing sa nanay ko. Ultimong kabaobg na pinaglagyan ng kanyang pagod ng katawan ay nahingi lang namin sa munisipyo. Mahalaga naman sa akin ay maging disente ang kabaong ni nanay kahit pa sabihin na ito ang pinakamura. Pagdating naman sa funeral service ay makiusap na lang daw ako para hulugan ang balanse ko pa. Sana nga ay marami ang makiramay at magbigay ng abuloy para mabayaran ko ang laat ng mga utang sa funeral service. Maging ang mga malapit na nagmamay-ari ng mga tindahan ay nagbigay ng mga tinda nilang kape at tinapay para may mahapag ako sa mga naglalamay. Pinayagan ko nga rin na may magsugal dahil malakas daw ito kumita para nga pagdagdag ko pa sa mga malilikom kong pera. Nang marinig ko ang baritonong boses ng lalaki ay napatingala ako sa kanya na nasa harap ko ngayon. Si sir Hanzo. Anong ginagawa niya rito? Nabalitaan niya ba sa ospital ang nangyari kay nanay o malapit lang ang tirahan niya rito kaya nalaman niyang patay na ang nanay ko? Kinuha ni Sir Hanzo ang mga kamay ko at saka mahigpit na hinawakan bilang pakikisimpatya sa nararamdaman ko. “Maraming salamat sa pakikiramay, sir.” Sa wakas ay naisatinig ko na. Naupo naman na siya sa tabi ko nang hatakin niya ang isang bakanteng monoblock sa malapit sa akin. “Sir, ipagtimpla kita ng kape.” Alok ko ngunit hinawakan niya ng muli ang mga kamay ko. “Zhang, huwag ka ng mag-abala pa. Kapag nauhaw ako ay kaya ko namang pagsilbihan ang sarili ko.” May sensiridad sa kanyang tinig habang nagsasalita kaya naman hindi ko maiwasan ang pangiliran ng mga luha sa aking mga mata. Talagang kapag may taong lumalapit sa akin at nakikisimpatya sa pagdadalamhati ko ay hindi ko talaga napipigilan ang sarili ko hindi umiyak. “Sir Hanzo, mabuti pala at napunta ka? Malapit ka lang ba dito sa bahay kaya nalaman mong namatay na ang nanay ko?” tanong ko na. “Hindi na mahalaga pa, Zhang. Ang tanging alam ko ay narito ako dahil kailangan mo ng tulong. Nalaman ko na ilang araw ng nakaburol ang nanay mo ngunit wala pa ring araw kung kailan ang libing dahil wala ka pang sapat na pera para sa paglilibingan sa kanya. May kakilala ako na pwedeng tumulong na wala ka ng gagastusin pa para maipalibing muna ang nanay mo.” Namilog ang mga mata ko narinig kay sir Hanzo. Hindi ko akalain na ang estranghero na ilang beses ko pa lang nakita at nakausap ay matutulungan ako sa malaking suliranin ko ngayon. “Hindi nga, sir?” tanong ko sabay pahid ko sa mga luha ko. “Oo naman, Zhang. Kahit paano ay matulungan kitang mapagaan ang problema mo. Dapat na rin namang magpahinga ng katawan ng nanay mo para na rin mapahinga ka na rin at makapaghanda sa panibagong bukas na haharapin mo.” Pahayag pa ni sir Hanzo. Ganito lang siya marahil magsalita. Matalinghaga. Noong una kaming magkausap iba rin kung paano niya ako kausapin. May lalim kumbaga. “Ngayon pa lang ay nagpapasalamat na ako sayo, sir. Tunay hulog ka talaga ng langit.” Pangalawang pagkakasambit ko sa aking mga binitawang kataga. Nabanggit ko na ito ng una kaming magkakilala ng bigyan niya ako ng tubig at mga pagkain. “Hindi ako hulog ng langit, Zhang. Sinabi ko na yan sayo noong una pa lang.” Tanggi niya na naman sa kung paano ko siya tingnan. Buong magdamag ay sinamahan ako ni sir Hanzo at talagang hindi niya ako iniwan. Sakto nga at may nagpadala ng pagkain sa lamay ni nanay. Mga biskwit, tinapay, mga candy, butong-pakwan, mga kape at mga juice na naka-tetra pack. Basta na lang pinadala sa bahay at ayaw na lang daw magpakilala ng kung sinong mabuting samaritano kaya nagdasal na lang ako ng pasasalamat sa kung sino man siya. Dahil nga hindi ako iniwan ni Hanzo ay hindi naiwasan ang bulungan ng mga tsismosa na baka may relasyon kami ng lalaking kailan ko lang nakilala. “Alis na ako, Zhang. Umasa kang magiging maayos ang pakikipag-usap ko sa kakilala at ihanda mo ng bukas na bukas din ay maihahatid muna sa huling hantungan ang nanay mo,” saad ni Hanzo ng magpaalam na sa akin. Ala-sais na ng umaga at talagang hinintay niya ng magliwanag ang paligid para raw konting oras na lang ang hihintayin niya para puntahan ang sinong kakilala niya na makakatulong sa pagpapalibing sa nanay ko. “Maraming salamat talaga, Hanzo. Walang hanggang pasasalamat talaga,” at saka ko pa nayakap ng hindi oras ang lalaking kaharap ko. Paano ko ba naman mapipigilan ang sarili ko na huwag siyang pasalamatan gayong tunay siyang hulog ng langit. Ang magdamag niya lang akong samahan para sa pagbabantay sa kabaong ni nanay ay napakalaki ng bagay para sa akin. Ang ibang mga taong nakikiramay ay nagpupunta lang para magsugal o kaya naman ay makalibre ng kape. Lalo na ngayon at maraming pagkain ay paniguradong dadagsain na kami ng tao. “Zhang, hindi mo na kwento na may nobyo ka na pala. Anong pangalan? Tagasaan at anong trabaho?” Hindi na ako nagtaka ng pag-alis ni Hanzo ay nilapitan na ako ibang mga kakilala na hanggang ngayon ay narito. “Oo nga, Zhang. Ang akala namin ay wala ka ng boyfriend,” ani pa ng isang babaeng kakilala na may hawak na ilang piraso ng biskwit habang may hawak din baso ng kape sa kanang kamay habang sa kaliwa at tetra pack ng isang juice. “Hindi ko po siya boyfriend. Nagkakilala kami sa ospital dahil tinulangan niya ako.” Sagot ko sa katotohanan. “Ganun? Pero iba kasi ang concern sayo, Zhang. Mula kagabi pagdating niya ay hindi ka talaga iniwan. Mukha namang disente. Kung binata at wala pang sabit at niligawan ka ay sagutin mo na. May itsura naman at tiyak na kahit paano ay kaya ka ng buhayin.” Payo sa akin ni Aling Matring ang kilala na tsismosa mga kapitbahay namin. May nakarating nga sa akin na siya ang nagpakalat na hindi raw ako totoong na-scam dahil nanloko talaga ako para may magamit sa pagpapagamot sa sakit ni nanay. Matagal na kaming magkakakilala kaya nakakarating din talaga sa amin na lagi siyang may kaaway tungkol sa pagpapakalat ng maling mga haka-haka. Kung totoo man ay hindi ko alam kung paano siya humaharap sa akin ngayon lalo na sa nakahimlay ko ng nanay. “At anong sabi? May kakausapin daw na siguradong makakatulong sa pagpapalibing ng nanay mo. Jackpot ka na riyan, Zhang. Mukhang maraming kilalang may mataas na posisyon. Tamang-tama kapag nagkamabutihan kayo at rito kayo manirahan sa bahay mo ay may makakatulong na sa atin sa oras na mangailangan tayo ng tulong.” Ganito talaga sa lugar namin. Madalas talaga na maghanap sila ng pagkakakitaan kahit masama man o mabuti. Nakakahiya lang at pinag-iisipan na nila si Hanzo na gamitin sa kanilang mga binabalak. “Magsitigil nga kayo sa mga pinagsasabi niyo. Maawa naman kayo kay Zhang na nagdadalamhati sa pagkawala ng kanyang nanay pero heto kayo at ano pa ang mga sinasabi sa kanya. Totoo bang narito kayo para makiramay o narito lang kayo para sa libreng kape at pagkain?” si Nanay Palo. Siya ang kapitbahay namin na nagmagandang loob para magkaroon ng kuryente sa bahay gayong naputulan nga ang bahay ng supply ng elektrisidad dahil hindi ako nakapagbayad. “Maka real talk naman itong si Aling Palo! Porke ba naabutan mo kaming nagkakape na may kasamang tinapay ay mga mukha na kaming pagkain? Natural na magutom kami dahil nakikipaglamay kami.” Katwiran ni Aling Matring. “Naku! Ako nga ay tigilan mo Matring! Kilalang-kilala kita kaya huwag mong ipilit na maging pula ang malansa mong hasang dahil matagal ng bulok yan!” paratang pa ni Nanay Palo sa mga tsismosa naming mga kapitbahay. “Nay, timpla na kita ng kape” alok ko kay Nanay Palo na bawal ng magpuyat kaya hindi na talaga nakipagpuyatan sa lamay. “Hindi na, Zhang. Kaya maaga na rin akong lumipat ay para palitan ka sa pagbabantay sa nanay mo at alam kong puyat na puyat ka na. Matulog ka muna na kahit saglit lang ng makabawi ka na ng lakas. Wala naman kasing ibang magmamagandang loob na palitan ka muna kahit marami ng tao kahit napakaaga pa. Naririto lang ang mga yan para sa mga pagkain na pinadala ng kung sinong hulog ng langit. Ang panalangin ko na lang ay huwag sanang magsisakit ang mga tiyan ng mga palalong mga yan.” Patuloy pa na pagpaparinig ni Nanay Palo. Kilala si Nanay Palo na walang takot talaga sa pagsasalita ng mga katotohanan kahit pa sabihin na makakasakit siya ng kapwa. Kapag mali ay mali para sa kanya. Tanging bulungan lang ang sina Aling Matring ngunit patuloy pa rin sa mga ginagawa nila. Nahihilo na talaga ako sa puyat kaya pumayag na ako sa nais ni Nanay Palo. Higit kanino man ay may tiwala ako sa mabait naming kapitbahay kaya pwede talaga akong maidlip kahit saglit lang. Wala akong pakialam kahit ubusin pa nila ang pagkain na pinadala para sa lamay basta huwag nilang aaksayahin. Kapag nalibing si nanay at nakabawi na ako ay saka ko na lang aalamin nag kung sinong tao na nagmagandang-loob para magbigay ng pagkain para sa lamay. Nang makapasok ako sa loob ng bahay ay para ba akong niyakap ng kalungkutan. Dalawa lang kami ni nanay na nakatira ng ilang taon sa bahay na ito ngunit ngayon na tuluyan niya akong iniwan na mag-isa ay lalong nawalang ng saya ang kahit saang sulok ng bahay namin. Ang dating tahimik ay mas tumahimik. Ang malungkot na tahanan ay mas lumungkot pa. “Nay, hindi ko po alam kung paano ak magsisimula na mabuhay ngayong wala ka na,” bulong ko sa kawalan at saka ako nagtungo sa silid ng nanay ko. Dalawa ang silid ng bahay namin at tig-isa talaga kami ni nanay kahit dalawa lang naman kaming magkasama sa buhay. Ang katwiran ni nanay ay para matuto ako na mag-isa at wala sa tabi niya. Ngayon na wala na siya ay mas naintindihan ko kung ano ang ibig niyang sabihin na nais niya akong matuto na mag-isa. Iyon pala ay iiwan niya pala ako ng mas maaga. Walang pinakilala sa akin si nanay na kamag-anak namin kaya wala akong alam na pupuntahan lalo na ngayong mag-isa na lang ako sa buhay. Siguro inisip ng nanay ko na matanda na rin naman ako at kaya ko na ang sarili ko kaya wala ng dahilan pa para makilala ko ang mga kamag-anak niya lalo na ang tatay ko. Nahiga na lang ako sa kama ni nanay. Inisip ko na lang na katabi ko siya at binabantayan niya lamang ako hanggang sa makatulog ako. Hindi ko alam kung ilang oras akong nakatulog ngunit nakadama ako ng naiinitan na ako kaya nagising na ako. Pawis na pawis ako dahil walang elctric fan sa silid ni nanay. “Mabuti naman at nakatulog ka na ng ilang oras, Zhang. Hindi na talaga kita ginising pa kahit ikinabit na ang suplay ng kuryente at tubig sa bahay mo.” Balita ni Nanay Palo ng balikan ko na siya sa pwesto sa tapat ng kabaong ni nanay. “Talaga po? Sino naman daw po ang nagbayad?” usisa ko. Umiling si nanay Palo. “Hindi ko na naitanong, Zhang. Basta may mga dumating na lang at ibinalik na nga ang kuryente at tubig.” Tugin sa akin. “Zhang, kumain ka na rin. Itinabi ni Nanay Palo ang mga pagkain mo. Ang sarap nitong mga pagkain na pinapadala rito sa lamay ng nanay mo,” at saka itinaas ni Aling Mitring ang lalagyan ng kinakain niya na isang kilalang fast food. “Kanino naman po galing?” taka kong pagtatanong sa lahat ng mga kumakain. “Aba’y! Kailangan pa ba naming alamin, Zhang? Ang mahalaga ay libre! Basta dinala rito at sinabi na para sa patay ay wala ng tanong-tanong pa. Ang mga totoong tumutulong talaga ay hindi na nagbibigay pa ng pangalan dahil hindi naman talaga sila mayabang!” sagot ni Aling Matring. Naiwan akong nag-iisip kung sinong good samaritan ang pinanggalingan ng mga biyayang ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD