Episode 15

1104 Words
Masakit na naman ang buong katawan ko . Sino ba naman ang hindi sasakit kung ang dami ko na namang pinagadaan na hirap ng buong akala ko ay makakatakas na ako sa pagdukot sa akin. Kung bakit ba kasi hindi ako nag-ingat ng mabuti? Kung bakit ba hindi pa ako tumalon s bangin ng nagkaroon ako ng pagkakataon. Ngayon ay heto na naman ako. Balik sa silid kung saan ako nakakulong ngunit hindi na ako itinali ng lalaking dumukot sa akin. Buong akala ko ay itatali niya na naman ang aking mga kamay at paa at pipiringan na naman ang aking mga mata ngunit hindi niya ginawa. Basta niya ako kinaladkad sa silid na ito at saka na naman ni-locked ang pinto. Gumapang na naman ako hanggang sa makapunta ako ng banyo at mahugasan ang buo kong katawan. Kahit mahirap ay gumapang pa rin ako. “Bakit hindi niyo pa ako patayin?” tanong ko na naman habang nasa ilalim na ng dutsa. Napapa-igtad pa ako sa pagbagsak ng patak ng malamig na tubig sa balat ko. Nahuhugasan ang dumi at sumasama sa agos ang sariwang dugo galing sa mga sugat ko sa katawan. Walang patid ang pag-agos ng masagana kong luha dahil nagiging doble ang hapdi sa sabong mabango na gamit ko na panlinis dito. Hinayaan ko lang na malunod ako sa tubig. Kung pwede nga lang ay matunaw na ako. Naupo lang ako sa ilalim ng dutsa at saka pinagpahinga ko muna ang isip ko. “Papatayin kitang hayop ka! Papatayin kita!” Hindi ko alam kung panaginip lang ba ang naririnig ko o talagang totoo. Mula sa pagkakahimbing ay may naulinagan akong para bang may gulo. Tuluyan na nga akong nagising at saka tangka ng tumayo para makapgpalitng damit. “Ngayon ay mararanasan mo ang walang katapusan na paghihirap, hayop ka!” Napakislot pa ako sa narinig na galit na boses. Kung ganun ay hindi pala panaginip? Totoo pala? Sinubukan ko na makatayo para lalo pang pakiramdaman kung anon nangyayari sa labas ng bahay. Nangunyapit ako sa pader dahil hirap akong lumakad. Nang makarating ako sa tapat ng pinto ay inilapat ko ng mabuti ang aking kanang taiga para marinig ang kumosyon. Nahuli niya na ba ang sinasabi niyang isa pang tao na pinapadukot niya? Si Mamu Jo na nga kaya? Sana ay nakita nila ang palitan namin ng message sa social media para naman malinis ko ang aking pangalan na wala akong kinalaman sa nangyaring panloloko. Hindi ako ang scammer at si Mamu Jo ang tunay na dapat nilang parusahan at hindi ako. “Itali ang lalakin yan! Itali sa likod ng sasakyan at kaladakarin!” sigaw ng isang pamilyar na boses ang narinig kong sumigaw. Pero hindi si Mamu Jo ang isa pabg dinukot dahil lalaki pala ito. Sino kaya ang lalaki at anong kinalaman niya sa paghihiganti ng lalaking dumukot sa amin? Dapat ay hindi na ako nangingilabot sa mga naririnig na nakakakilabot na parusa ngunit hindi pa rin pala. Nakakatakot na isipin ang ganung klase ng parusa. Pero para bang pamilyar ang boses ng lalaki ngunit hindi ko matukoy kong sino ang kahawig ng kanyang boses. “Itali niyong mabuti gamit ang lubid n yan! Siguraduhin nyong nakatali ang buong katawan niya!” utos pa ng boses lalaki. Siya rin kaya ang lalaking dumukot sa akin? May facemask siya kapag nagkakaharap kami kaya may epekto sa pagasalita niya. Ito na ba ang totoo niyang boses? Pilit akong sumisilip sa siwang siwang ng pinto ngunit wala talaga akong kahit na anong makita. Kahit konting liwanag ay wala talaga kaya paano ko makikita ang mga tao sa labas. Maya-maya nga ay may alburong tunog ng sasakyan na handa ng humarurot para kaladkarin ang katawan ng kung sinong lalaki. Hindi nga nagtagal ay umandar na ang sasakyan kasabay na rin ng pagkarinig ko ng malakas na boses din ng lalaki na dumadaing sa sakit. “Ganyan nga! Dapat magkalasog-lasog ang katawan mong hayop ka!” asik pa ng lalaki sa kabila ng malakas na daing ng paghihirap ng kanyang pinaparusahan. Napapikit na lang ako at saka naluha dahil sa hindi katanggap-tanggap na dinanas na kalupitan ng kapwa rin naman naming tao. Tao ba talaga? Kung tao siya ay nasaan ang kanyang konsiyensya? Nasaan ang kanyang habag? Hindi pa rin tumitigil ang sasakyan sa pag-andar na parang pa-ikot-ikot sa paligid. Kung ako ang nakaranas ng ganun pagpaparusa ay baka talagang namatay na ako sa sobrang hirap kaya hindi na ako magtataka kong patay na ang lalaki kapag tumigil na ang sasakyan na kumakakaladkad sa katawan niya. Sino ba talaga itong taong dumukot sa amin at parang makapangyarihan yata na may mga tauhan pa? Isa yatang pribadong lugar kung nasaan kami dahil walang katao-tao. At kung afford ng lalaking dumukot sa amin ang mag may-ari nga ng ganitong lugar ay hindi talaga siya basta-basta. May mga tauhan siya na agad siyang sinusunod kapag nag-utos na siya. Kayang-kaya niyang magbayad ng mga tao para gawin ang mga nais niya pang ipagawa. “Sir, buhay pa!” Nailapat kong muli ang tainga ko sa tapat ng pinto sa nalaman. Buhay pa siya? Sa kabila ng sakit ng katawan na inabo niya ay humihinga pa rin siya? Sabagay. Ako nga ay ilang ulit ng nabugbog ay buhay pa rin. “Pagpahingahin muna yan! Pero sandali lang. Ihanda ang isang drum ng tubig at ilublob yan ng nakabaligtad gamit pa rin ang lubid na yan!” Isa na namang nakakakilabot na utos ang narinig ko. Ganun ba kahalaga ang lubid na yon para ipag-utos niya na laging gamitin sa pagpaparusa? Sana ay masira ang lubid na yon.. Sana ay malagot ito para hindi na magamit pa. “Ano? Gusto mong patayin na kita?” ani na naman ng kidnapper. Malamang na gaya ko ay nais na ng lalaking pinarusahan na patayin na lang siya dahil nga sa sobrang sakit na ng nararamdaman niya. “Hinding-hindi kita papatayin agad! Dapat sayo ay mas mahaba pang paghihirap dahil doon ako sasaya. Sasaya ako kapag nalalamog ang katawan mo habang nagtatalsikan ang mga dugo mo!” Kahindik-hindik talaga ang mga naririnig ko kaya lalo akong napapanghinaan ng loob na makatakas o makaalis pa ng buhay sa lugar na ito. Dapat talaga ay nag-isip na lang ako ng ibang pagkakakitaan at hindi na sinukan ang mga online processing. Mula sa pagpapa-barangay sa akin, pamamahiya sa akin sa social media at hanggang dinala na ako rito. Dinala na ako sa bingit ng kamatayan ko. Sa bingit ng kamatayan na sobra ng pagpaparusa ang nararansan ko. Ngayon na may isa na namang dinukot at pinaparusahan ay lalo na akong nasasadlak sa kalungkutan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD