Chapter 3: Part-Time Job

1578 Words
Maaga akong gumising para mag-asikaso dahil ngayon ang unang araw ko sa trabaho. Oo, magtatrabaho na ako. Matapos naming mag-usap ni Tita Amanda kahapon ay kinausap ko naman si Mama. Pumayag naman si Mama para daw may ambag na ako sa bahay at ito palang daw ang nagagawa kong matino sa buong buhay ko. Si Tita Amanda na rin ang nagpasa ng bio data ko dahil kaibigan niya ang Nanay ng isa sa mga worker doon. "Ubusin mo itong mga baon mo. Mahal kong anak," malambing na sabi ni Mama. "Iyan tayo, eh. Kapag may silbi sweet ka. Pero, kapag wala, hindi," sabi ko habang nagsusuklay sa harapan ng malaki naming salamin sa sala at naglalagay ng wax sa buhok ko. "Siyempre naman. Sino ba naman ako para ipagtabuyan ka pa gayong may work ka na," nakangiting sabi ni Mama. Mukhang good mood si Mama dahil malumanay lang ito magsalita hindi katulad nitong mga nakaraan na palaging nakasigaw sa akin. "Sige, Ma. Baka ma-late pa ako. Bye na!" paalam ko kay Mama. "Sige, anak. Ingat ka. I love you," tugon niya kasabay nang pag-abot sa akin ng paper bag na naglalaman ng mga baon ko. Kahit sagot nila ang pagkain sa work ay gusto pa rin ni Mama na lutuan ako. Sumakay ako ng tricycle papunta sa bayan. Hindi sana ako papasok sa trabahong ito pero gusto ko magkapera at isa pa, para asarin si Angelie at paiyakin. Tingnan ko nga kung hanggang saan niya maitatago ang mala-anghel niyang mukha. Kaaga-aga nagiging demonyo na naman ang utak ko. Pagdating ko ro'n ay nagbubukas palang ng shop ang lalaking matanda. Lumapit ako sa kaniya at tinulungan siyang buksan ang sliding door. Napatingin ito sa akin at nakakunot ang noo na pinagmasdan ako. "Good morning po. Ako po si Jihan. New worker po," magalang na sagot ko habang nakangiti. "Jihan? Pasok ka," sabi nito habang nakakunot pa rin ang noo. Pumunta siya sa counter kaya sumunod ako sa kaniya. Nakita kong may kinuha siya sa drawer na papel at mukhang iyon na yata ang bio data ko. "Jihan Montecillo?" banggit niya sa pangalan ko kasabay nang pagtingin niya sa akin. "Opo. Ako nga po," nakangiti ko na sabi. "Sige. Ipapaliwanag ko sa 'yo ang mga gagawin mo. Mamaya dadating si Kuya Noel mo. Tutulong ka sa pagbuhat ng mga bagong deliver na gallon ng ice cream. Tapos mag-aayos ka sa stock room. "Bago umuwi kailangan malinis ang lahat dito. Maayos ang mga panindang naka-display. Libre naman ang pagkain mo rito. 250 pesos ang sahod sa isang araw at kada sabado niyo ito makukuha," mahabang paliwanag niya sa akin habang ako ay taimtim na nakikinig sa mga bilin niya. "Masiyado kang maaga ngayon. Sana sa mga susunod din. Oo nga pala. Ako si Tatay Federico. Puwede mo akong tawagin na Tatay Pedring. Ako ang may-ari ng shop," pagpapakilala niya sa kaniyang sarili. "Ah, sige po. Noted po lahat nang sinabi niyo," sabi ko. "Sige na. Mag-display ka muna riyan at linisin ang mga freezer," utos niya sa akin na kaagad ko namang sinunod. Ilang minuto lang ang lumipas at nagdatingan na ang mga katrabaho ko. Lahat sila ay napapatingin sa akin dahil bago lang ako. "Totoy! Bago ka pala rito. Alam mo na ba ang gagawin?" tanong ng isang matangkad na lalaki sa akin. "Ah, opo. Sinabi na po sa akin ni Tatay Pedring," sagot ko habang nililinis ang freezer. "Good. Ako pala si Kuya Noel. Mamayang 10:00 am may deliver dito sa atin na mga gallon ng ice cream. Be ready!" sabi niya habang nakangiti. "Sige po. Noted," nakangiti ko rin na sabi. "Oh, ayan na pala sina Sam at Angelie," sabi ni Kuya Noel mula sa likuran ko. Nang marinig ko palang ang pangalan niya ay napangisi na kaagad ako. "Good morning po. May bago tayo?" tanong ng isang babae na Sam yata ang pangalan. "Oo, ay 'di ko pa pala alam ang pangalan niya. Pakilala ka naman pogi," nakangiting sabi ni Kuya Noel sabay tapik sa kanang balikat ko. Dahan-dahan akong lumingon sa likuran ko at nagtama ang paningin namin na dalawa. Kitang-kita ko na nabitiwan niya pa ang kaniyang bag dahil sa gulat at hindi makapaniwala na simula ngayong araw ay makakasama niya na ako sa trabaho. "Ano ba iyan, Angelie. Ano'ng nangyayari sa 'yo," sabi ng babaeng katabi niya sabay kuha ng bag ni Angelie at inabot ito dito. "Namangha sa kagwapuhan ko," mahangin na sabi ko. Narinig kong natawa si Kuya Noel na nasa likuran ko habang si Sam naman ay tinutukso si Angelie. "Tss. Bakit ka ba nandito? Pati ba naman dito susundan mo ako?" pikon na sabi niya. Kaaga-aga pikon kaagad siya. Wala pa nga sa hard level ang pang-aasar ko sa kaniya. "Hmp! Saan mo naman nakuha iyang mga sinasabi mo? Assuming ka, ah. Mas maganda pa nga katabi mo," pang-aasar ko sa kaniya kaya namula siya sa inis. "Magkakilala kayo?" sabay na tanong nina Kuya Noel at Sam habang tinuturo kaming dalawa. "Oo/Hindi!" sabay na sabi namin ni Angelie. Siya ang sumagot ng hindi at ako naman ay oo. "Saan mo naman nakuha ang sinabi mong iyan? Hindi tayo magkakilala, ano!" mataray na sabi niya. "Siyempre kinuha ko sa alphabet. Ako hindi mo talaga kilala pero ako kilala kita. Ikaw kaya si Angelie duwende," pang-aasar ko sa kaniya. Tinatawanan at inaasar lang kaming dalawa nina Kuya Noel at Sam. Magsasalita pa sana si Angelie pero nakita ko si Emman na pumasok nitong shop. Nakita niya rin ako kaya nagkatinginan kaming dalawa. Sakto rin ang dating ng kaibigan ko dahil hindi nakaganti sa akin si Angelie dahilan para mas lalo pa itong mapikon. "Dude! Nandito ka pala. Ano'ng ginagawa mo rito?" tanong niya sa akin. Nakita kong umalis na sa harapan ko sina Sam at Angelie at nagtungo na sila sa counter. Si Kuya Noel naman ay nanatili lang sa likuran ko habang tinitingnan si Emman. "Part-time. Ngayon start ko," maikling tugon ko sa kaniya. "Parehas pala tayo, dude. Good morning po pala. Emman Gonzales po. Bagong pasok," nakangiting sabi ni Emman. Sila naman na ang nag-usap ni Kuya Noel at sumenyas pa ako na maglinis muna habang pinapaliwanag pa sa kaniya ang mga gagawin. Lumipas ang ilang oras at busy kaming lahat. Marami kasing tao na tumatambay dito para kumain ng ice cream. Summer kasi at mainit ang panahon. Kakatapos lang din namin magbuhat ng mga gallon ng ice cream. Tapos na rin kaming mag-ayos sa stock room. Ngayon ay kasalukuyan kaming nagpapahinga malapit sa counter kung saan palagi kong tinitingnan si Angelie. Nahuhuli ko kasi ito na tinitingnan ako habang nagbubuhat kanina. Halata naman ang pagka-irita sa kaniyang mukha lalo na at inaasar siya nang inaasar ni Sam na nasa tabi niya. Nang lumingon sa akin si Angelie ay nag-make face ako sa kaniya gayundin siya sa akin. Hindi ko naman inaasahan na nakita pala iyon ni Emman kaya natatawa siyang kinausap ako. "Ano iyon, dude? Kakapasok palang natin pero may bago ka ng target," natatawa niya na sabi. "Siya 'yong bagong kapitbahay namin, dude," sabi ko na ikinagulat niya. "Siya pala. Akala ko dito mo lang nakilala," sabi niya. "Kung ngayon ko lang siya nakilala, eh, 'di sana hinarot ko na iyan." "Bakit? Wala ba siya sa blacklist mo?" "Wala. Ang panget niya. Ang liit-liit tapos mabunganga," sabi ko kasunod nang pagtawa namin na dalawa. "Hoy! Narinig ko iyon, Jihan!" pagsita sa akin ni Angelie habang tumatawa si Sam sa kaniyang tabi. "Narinig mo, eh, 'di narinig mo. Malamang may tainga ka, 'di ba?" sabi ko at saka umirap. "Tss. Akala mo pagkaguwapo-guwapo samantalang yabang lang naman ang nangingibabaw sa iyo," nagdadabog na sabi niya sa kaha. "Tinawag mo nga ako sa pangalan ko, eh. Alam mo ba na kapag tinatawag ako sa pangalan, eh, tanggap nila na guwapo ako?" nakangising sabi ko. "Binanggit ko ba ang pangalan mo? Ang sabi ko hambog!" tugon niya naman sa sinabi ko. Napakibit-balikat ako bago magsalita na naman laban sa kaniya. "Huwag mo nang i-deny. Kapag dini-deny mo mas lalo mo lang inaamin na guwapo talaga ako sa paningin mo." "Siguro malabo lang mata ko o sadyang makakalimutin na ako kaya hindi ko alam ang mga sinasabi mo. Hambog na puro yabang lang ang alam," sabi niya sabay irap sa akin. Natahimik kaming lahat nang pumasok ang ilang customer at saka um-order sa counter. Nag-asikaso na rin kami ni Emman at pagdating sa stock room ay inasar ako ng loko. "One point kay Angelie. May point siya, eh," natatawa nito na sabi. "Tss. Parehas kayo ni Sam. Mga traydor," sabi ko sa kaniya. "Hahaha. Maganda si Sam, dude. Baka naman akin na lang. Sayang lang kapag naloko ng isang katulad mo," sabi niya sa akin. "Oh, really? Huwag mo akong pakiusapan dahil hindi ako nakikipag-deal masiyado. Baka bukas nga mag-resign na iyan si Sam dahil ayaw niya nang makita ang mukha ko at gabi-gabi na siyang umiiyak kakaisip sa akin," pang-aasar ko sa kaniya. "Dude. Kailangan mong alamin ang best friend codes," nakasimangot niya na sabi. "Sa ngayon ituring muna kitang rival. Hindi best friend," sabi ko na kinalukot ng mukha niya na kanina lang, eh, enjoy na enjoy sa pang-aasar sa akin. "Oo na. 10 points sa 'yo," pagsuko niya sa akin. Hahaha. Kahit i-bully ako mas nananalo pa rin ako dahil sila ang sumusuko sa akin. Maling kalabanin ako. Kaya si Angelie ipapakita ko sa kaniya kung sino ang kinalaban niya. Mukhang ma-e-enjoy ko yata ang summer vacation ko, ah?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD