Chapter Nine

2315 Words
SA NAGING pag-uusap nila Ava at Azi ay naging magaan para kay Ava ang mga sumunod na araw. Hindi siya makapaniwala noong una sa sinabing rason ng lalaki kung bakit siya nito iniiwasan. Isa lang ang ibig sabihin ni'yon, marunong rumispeto ng babae si Azi. Dahil sa gusto niyang malibis at maayos ang bahay ng asawa ay nagpaalam siya rito na gagalawin niya ng konti ang bahay nito, pumayag naman ito. "Azi," tawag pansin niya rito. Kasalukuyan silang nag-uumagahan. Tiningnan lang siya nito. "Pwede ba ako pumunta sa bayan? May bibilhin lang kasi ako," paalam niya. Nangunot ang noo nito. "Hindi kita masasamahan, kailangan kong pumunta sa ubasan dahil marami sa mga ubas ang kinain ng mga peste." "I can go there alone." Mabilis itong umiling. "No. Hindi kita papayagan na pumunta roon ng mag-isa. Hindi mo kabisado ang lugar na iyon, delikado para sa'yo ang umalis ng mag-isa." "Ginagawa mo akong bata." Inismiran niya ito. "For your information, dahil sa yaman na meron ang pamilya ko ay Pinag-aral ako ni Dad ng self defense. I can protect my self from—," "Hindi mo nga nagawang protektahan ang sarili mo mula sa akin," putol nito sa iba pa niyang sasabihin. Ang tinutukoy ba nito ay iyong gabing muntikan na siyang angkinin nito? Tumikhim siya at humigop sa mainit na tsaa. "I-iba naman iyon," pagdadahilan niya. "That is no different. Hindi mo pa rin nagawang protektahan ang sarili mo mula sa akin." "Asawa naman kita," giit niya. Pero sa bandang huli ay gustong batukan ni Ava ang sarili. Parang sinasabi niya na okay lang kung si Azi ang gagawa ni'yon sa kaniya. Ano ba ang nangyayari sa kaniya? Bakit pagdating sa lalaking ito parang hindi na siya si Ava Ventura? Nagagawa niyang maging ibang tao sa harap nito. "Basta. Hindi ka pwedeng umalis na mag-isa." "Ipasama mo na lang ako kay Selene?" "Babae rin siya at bata pa. Delikado pa rin." "Pero gusto ko pa rin pumunta sa Bayan!" giit niya. Umigop muna ito ng kape sa tasa nito. "Ipapasama na lang kita kay Bryan," suhestiyon nito. Tinaasan niya ito ng kilay. "Tapos ipagkakatiwala mo ako sa Bryan na ito?" Nagbuga ito ng hangin. "Pupunta lang ako saglit sa ubasan tapos sasamahan na kita sa Bayan." Lihim siyang napangiti. "Okay. Sa labas na lang din tayo kumain ng tanghalian." Kunot ang noong tiningnan siya nito. "Don't worry, ako ang magbabayad." Lalong nangunot ang noo nito. "That's not what I mean. Don't belittle me, Ava." "I'm not belittling you, Azi. Kumpara sa pera mo, barya lang iyon sa akin." Umiling-iling ito at pagkatapos ay tumayo na at walang paalam na naglakad na ito palabas ng bahay. Wala pa rin ito pinagbago. Parang hindi ito sanay na magpaalam kung aalis man ito. Kibit ang balikat na niligpit na niya ang pinagkainan nila. Kung may makakita sa kaniya na kilala siya ay siguradong maninibago ang mga ito. Sino ang mag-aakala na ang isang Ava Ventura ay magliligpit ng maruruming pinggan? Kung mangyari man na may makakita sa kaniya ay hindi siya mahihiya, parang excited pa nga siyang ipagyabang na kahit papaano ay marunong na siya sa mga gawaing bahay. Pagkatapos magligpit ay nagpasya na siyang maligo para pagdating ni Azi ay aalis na lang sila. Pagkatapos niyang maligo ay nagpasya siyang sa sala na lang hintayin si Azi. Habang naghihintay ay binasa niya ang mga papeles na ipinadala ni Cameron sa kaniya para mapirmahan na rin iyon. "Mas pinili mong tumira sa bulok-bulok na bahay para lang huwag masira ang reputasyon mo?" Mula sa papeles na binabasa ay umangat ang mga mata ni Ava mula sa lalaking bagong dating. Marahan siyang napatayo nang makita ang taong basta na lang pumasok sa bahay ni Azi. "Nag-abala ka pa talagang pumunta rito para lang i-check kung ano ang buhay ko rito, Dalton? Dapat ba akong maging masaya dahil naglaan ka pa talaga ng oras para bisitahin ako rito?" she's mocking him. Humakbang ito papasok habang nililibot ang mga mata sa buong paligid ng bahay. "I cannot  believe that you are going to live in place like this... It's not really you." "Ganu'n ata kapag nagmahal, Dalton. Magagawa kang mapabago ng pag-ibig." Makaloko itong tumawa. "Ikaw? Ang isang Ava Ventura magmamahal? Wala kang ibang minahal kundi ang sarili mo at ang reputasyon mo." Matamis niya itong nginitian. "Alam mo, maswerte talaga ako kasi ikaw pa mismo ang nakipaghiwalay sa akin, at dahil 'dun nalaman ko kung ano talaga ang kulay mo bago pa man ako maikasal sa'yo. You are a opportunist, Dalton." "Kung ako oportunista, ano naman ang tawag sa tulad mo, Ava? Magkano ang binayad mo sa lalaki na iyong pinakasalan? Isang milyon o higit pa?" Natawa siya. Pinagkrus niya ang mga braso sa tapat ng kaniyang dibdib. "Dalton, curiosity leads you to death. If I were you, mind your business! Kung hindi ka makatulog dahil hindi mo matanggap na hindi ikaw ang pinakasalan ko, mabuti pang patayin mo na lang ang sarili mo. Kumpara kay Azi, isa ka lang basura!" Tumaas ang kamay ni Dalton para sampalin siya. "You—," "Try to hurt my wife and you are dead!" Malalaki ang mga hakbang na nilapitan siya ni Azi at tinago siya sa likuran nito. Imbis na matakot si Dalton ay hunalagapak ito ng tawa. "Sa tingin ninyo ba mapapaniwala ninyo ako sa pagpapanggap ninyo? Magkano ang binayad sa'yo ng babaeng 'yan para mapapayag ka na maging asawa niya? Sinalba ka niya mula sa pagkakautang sa bangko?" Nanlaki ang mga mata niya. Paano nalaman ni Dalton ang tungkol 'dun? Pinaimbestiga ba nito si Azi para makahanap ng maibabato sa kaniya at masira siya sa lahat? Naramdaman niya ang paghigpit ng pagkakahawak ni Azi sa palapulsuhan niya, pero kalaunan ay lumuwag iyon. "I won't deny that I have debt, pero kung pinaimbestiga mo talaga ako, you'll know that I don't need her money. I am more than what you know I am." Hindi mapigilan ni Ava ang mapatingin sa asawa niya. Dahil hindi niya ito lubos na pinaimbestiga, maliban sa pagkakautang ng hacienda nito sa bangko ay wala na siyang alam tungkol dito. "Hindi ko akalain na kaya mong pumulot ng tira-tira lang, Mr. Devera. Paano mo naaatim na pakisamahan ang pinagsawaan na nga iba?" Bubuskahan sana niya si Dalton nang malumanay pa rin itong sinagot ni Azi. "Tira-tira? Pinagsawaan? My wife was a virgin when I took her." Pinamulahan siya ng mukha sa sinabi nito kahit wala pa talagang namagitan sa kanilang dalawa. Gusto niyang matawa sa naging reaksyon ni Dalton. "Kung wala ka ng masasabi, mabuti pang umalis ka na bago pa kita mademanda ng trespassing," pagtataboy ni Azi kay Dalton. Walang salita na tumalikod na si Dalton at walang paalam na umalis. "Are you okay? Did he hurt you?" tanong ni Azi sa kaniya pagkaalis ni Dalton. "Hindi. Dumating ka na bago pa niya magawa 'yun." "Akala ko ba kaya mong protektahan ang sarili mo? Sana ginawa mo na 'yon mula pa ng pumasok ang lalaking iyon!" bahagyang tumaas ang boses nito. "Bakit ka ba nagagalit? Kasalanan ko ba kung walang seguridad itong bahay mo? Kung nasa mansion ako hindi basta-basta makakapasok ang lalaking iyon! May pasabi-sabi ka pang I am more than what you know I am, pero ang ayusin ang gate mo hindi mo pa magawa." "Lalo ka bang nagsisisi na ako ang napangasawa mo, Ava?" Tama ba na lungkot ang nakikita niya sa mga mata nito? Pero bakit? "Don't feel sorry. Kumpara naman kay Dalton, mas gugustohin ko na ikaw ang mapangasawa ko." Nangunot ang noo nito. "Bakit naman?" Bakit nga ba mas gugustohin niya na ang katulad ni Azi ang gusto niyang mapangasawa? "Hmm... maybe, nacha-challenge lang ako sa'yo?" Pinagkrus ni Azi ang mga braso nito sa tapat ng dibdib nito. "Sa anong paraan naman?" "Sa paraan na iba ka sa lahat. Masyado kang matigas at sa lahat ng nakilala ko ikaw lang ang nakakagawang sigawan si Ava Ventura." Hindi ito sumagot at tinitigan lang siya nito na ikinamula ng mukha niya. Nagsisisi tuloy siya kung bakit niya pa nasabi ang mga bagay na 'yun. Tumikhim siya. "Mabuti pang umalis na tayo bago pa magtanghalian," pag-iiba niya sa usapin. Tiningnan siya nito mula ulo hanggang paa at muling bumalik sa mukha niya. "Dapat ba akong magpalit? Magmumukha akong boy kapag kasama kita." "Kailan ka pa na-conscious, Azi?" Inayos niya ang nagulong kwelyo ng kupas nitong polo. "Para sa akin gwapo ka na. No need to change yourself para lang bumagay sa akin." "Is that a compliment, Ava?" "Kung hindi iyon compliment, ewan ko na lang ha? Kulang na nga lang kainin ako ng buhay ng mga kababaihan dito sa baryo ninyo dahil ako ang napangasawa mo." Pagak itong natawa. Ngayon lang niya ito narinig na tumawa mula noong nakilala niya ito. "Mabuti pang umalis na tayo, bago pa tayo tuluyang magkabolahan." "Totoo naman kasi ang sinasabi ko." "Tara na, Ava," anito na nauna nang lumabas ng bahay. Iling-iling na binitbit na niya ang bag at sumunod na kay Azi. Sinigurado nilang nakalock na ang bahay bago sila tuluyang umalis. PAGKARATING nila sa bayan ay dumiretso sila sa bilihan ng appliances. Agad siyang namili ng mga gamit na bibilhin niya. "Bibilhin mo ang lahat ng ito?" tila hindi sangayong tanong ni Azi sa kaniya. Paano ba naman isang sala set, dining set, 42 inches television at mga ilang gamit pangkusina ang binili niya. "Oo. Hindi ba, nagpaalam na ako sa'yo na aayusin ko ang bahay at pumayag ka?" "Oo, pumayag ako, pero hindi ko sinabi na bumili ka ng mga mamahaling gamit sa bahay." "Pero gusto kong maging kumportable ang bahay habang nan'dun pa ako." "Iyon naman pala. You won't be staying in my house for long, bakit ka pa mag-aabalang bumili ng mga gamit?" anito. Nahimigan niya ang lungkot sa boses nito. "Gusto ko kung ano ang pamumuhay ko ngayon, Ava. Pwede mong baguhin kung ano man ang gusto mong gawin sa bahay, wag lang `yan. Kung gusto mo, kunin mo ang ibang gamit sa mansion na kakasya sa bahay. Hindi ko kailangan ng mga mamahaling gamit." Napanguso siya. Gusto niya talagang bilhin, pero syempre hindi naman siya ang nagmamay-ari sa bahay kaya wala siyang magagawa. "Kung gusto mo bumili ng TV, sige bibilhin ko na `yan para sa'yo. "Bibilhan mo ako?" "Oo. Kung makatingin ka parang walang pera ang asawa mo." Hinarap ni Azi ang staff na nag-a-assist sa kanila. "Wala na kaming bibilhin maliban sa television," anito. "Sige po, Sir." Binuhat na ng lalaki ang television papunta sa counter at agad na sumunod si Azi para bayaran iyon. Nakita niyang naglabas ng wallet ang asawa at nilabas mula roon ang isang credit card at inabot sa kahera. Napakunot-noo siya nang malanding nginitian ng babae si Azi. Humakbang siya palapit sa asawa at agad na kinawit ang braso sa braso nito. "Tapos ka na ba magbayad, Asawa ko?" tanong niya rito na bahagyang ikinataka ni Azi. "Ito na po ang credit card ninyo, Sir," nahihiyang binalik ng kahera ang credit card kay Azi. "What was that?" tanong ni Azi nang makalayo na sila sa kahera. "Nilalandi ka ng babae na iyon, pero parang okay lang sa'yo!" Ang seryosong mukha ni Azi ay unti-onting napalitan ng ngiti. "Don't tell me, nagseselos ka?" "Hindi ako nagseselos! Si Ava Ventura magseselos sa isang mababang uri ng babae?" Umiling-iling ito. "Hindi ako kaladkaring lalaki, Ava, na makikipaglandian kapag may babaeng lumalandi sa akin." "Mabuti na `yung nagkakaintindihan tayo. Mahirap na may mahanap na butas ang Dalton na 'yon para sirain ang pangalan ko." Nagbuga ito ng hangin. "Don't worry, hindi ko sisirain ang iniingatan mong reputasyon, Ava Ventura," may bahid na sarkasmong sabi nito bago ito nagpatiunang lumabas ng appliances store dala ang binili nilang telebisyon. Pagkatapos nilang mamili ay dinala siya ni Azi sa isang karindirya. Inaasahan niya na dadalhin siya nito sa isang restaurant, pero mali siya ng akala. "Why here? Baka sumakit pa ang tyan ko rito," aniya rito. "Iyan ang hirap sa inyong mga mayayaman. Porket laki kayo sa yaman akala ninyo na lason ang mga pagkain sa mga ganitong klaseng kainan. Baka matalo pa ni Auntie Lusing ang chef sa isang sikat na restaurant sa sarap ng mga luto niya." Ismid lang ang sinagot niya rito. "Hi, Azi!" bati ng isang babae nang lumapit ito sa kanila. "Hello, Jenny! Asawa ko nga pala si Ava. Ava, si Jenny nga pala, sila ang may-ari nitong karindirya at nanay naman ni si Auntie Lusing," pagpapakilala ni Azi sa babae. "Oh, hi!" maikli at walang gana niyang bati rito. Nakita nita ang pagkadismaya sa mukha ng babae nang ipakilala siyang asawa. "Nag-asawa ka na pala, Azi?" "Hindi ba siya pwede mag-asawa? Sino gusto mo asawahin niya, ikaw?" hindi niya mapigilang itanong dito. Parang kasalanan kasi kung mag-asawa si Azi. "Ava..." sita sa kaniya ni Azi. "H-hindi naman. Pasensya na kung mali sa pandinig mo, Ava." "Pasensya ka na, Jen. Wala lang sa mood ang asawa ko," hinging paumanhin naman ni Azi. "Ayos lang. Dating order ba, Azi? `Yung paborito ninyong kainin ni Ate Irene?" Hindi alam ni Ava kung nananadya ba ang babaeng ito. Inis na tumayo siya. "I don't want to eat. I lost my appetite," aniya at nagmartsa na paalis. "Ava, sandali!" pinigilan siya ni Azi sa braso. "Ano ba?!" Inis na binawi niya ang braso mula rito. "Kung ipagpipilitan mong dyan tayo kakain, ikaw na lang! Uuwi na lang ako." Tinalikuran niya ulit ito at sumakay na sa sasakyan. "Sige sa bahay na lang tayo kumain. Ako ang magluluto, anong gusto mong ulam?" Sumakay na rin ito sa driver's seat. Hindi niya ito sinagot at tinuon ang sarili sa labas ng sasakyan. Tahimik lang sila hanggang sa makabalik sila sa bahay. Pagkababa nila sasasakyan ay laking gulat niya nang may babaeng tumakbo payakap kay Azi at bigla itong hinalikan sa mga labi. Bahagyang inilayo ni Azi ang babae mula rito. "Irene?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD