"WHAT happened to you, Ava? Sinusubukan kitang tawagan nitong mga nakaraang araw, pero out of coverage area ka," sabi sa kaniya ni Camilla pagkasagot niya sa tawag nito.
"Akala ko tuloy may ginawa ng hindi maganda sa'yo ang Azi na iyan. Kung hindi pa rin kita matawagan ngayon pupunta na talaga ako riyan," sabi pa nito.
Nagbuga siya ng hangin. Nitong mga nakaraang araw kasi mahina talaga ang signal idagdag pa ang tungkol sa nangyari sa kanila ni Azi. Mula ng gabing iyon ay hindi pa ulit sila nagkakausap ng lalaki, palagi itong wala sa bahay at madalas mamalagi sa ubasan.
"I'm fine, Cam. Mahina lang talaga ang signal dito."
"Are you sure? Baka naman nasa tabi mo lang siya at tinatakot ka niya."
She rolled her eyes. "Don't be exaggerated. I'm fine here. Sa tingin mo ba hahayaan ko siyang saktan ako?"
Narinig niya ang marahas nitong pagbuntong-hininga. "Bakit ba kasi kailangan mo pa na dyan manatili?"
"Kung hindi ko gagawin ito, paano ko mapapaniwala ang lahat na hindi lang palabas ang nangyaring kasal namin ni Azi Devera?"
"You have a point. Hindi ko lang talaga maiwasan na mag-alala sa'yo."
Humakbang siya palapit sa bintana at tinanawa ang mapunong paligid. "Kumusta ang kumpanya? May balita ka ba kila Dalton?" pagbabago niya sa usapin.
"The company is doing well, ipapadala ko na lang dyan ang mga papeles na kailangan mong pag-aralan at pirmahan," anito.
"That's good to hear."
"And about Dalton... Noong isang araw pinuntahan niya ako sa opisina para paaminin na palabas lang ang pagpapakasal ninyo ni Mr. Devera."
Tumaas ang sulok ng labi niya. "He was so desperate to do that. Talagang gagawa siya ng paraan para makahanap ng ikasisira ko. Well, sorry to say...he's barking up the wrong three. Hindi niya magagawang masira ang isang Ava Ventura."
Kung sa tingin nito na magagawa siya nitong pabagsakin, puwes nagkakamali ito. Hindi niya inaasahan na darating ang araw na kakalabanin siya nito. Walang utang na loob.
Muli siyang angpakawala ng buntong-hininga. "Anything?"
"Nabalitaan ko rin na ikakasal na si Dalton at Daniella. Mukhang hindi magpapatalo ang dalawang iyon sa kasalan."
Umarko nag isa niyang kilay. "Talagang kinakalaban ako ng Imperial na iyan. Pasalamat siya kailangan ko pang manatili sa pesteng lugar na ito."
Nasisiguro niyang alam na ni Dalton na hindi niya kasing yaman si Azi at tiyak pinagtatawanan siya ng dalawa dahil nagtatyaga siyang manirahan sa maliit na bahay na ito.
Pagkatapos nilang mag-usap ni Camilla at nagpasya siyang bumaba sa kusina para magluto ng tanghalian. Kahit pa alam niyang hindi uuwi si Azi ay nagluto pa rin siya ng ulam para sa tanghalian.
Naghanap siya sa internet ng pwede niyang lutuin. Tinola ang napili niyang lutuin dahil kumpleto ang sangkap para rito. Nang mahiwa niya ang mga gulay ay nagpainit na siya ng kawali at nilagyan iyon ng mantika. Agad siyang napatili nang tumalsik-talsik ang pantika paglagay niya ng bawang at sibuyas. Pagkatapos niyang igisa ang manok sa bawang, sibuyang at luya ay nilagyan niya iyon ng tubig ayon sa procedure na nakuha niya sa google.
Kapag umuwi si Azi at nagkaroon sila ng pagkakataon na makapag-usap ay sasabihin niya rito na magpapakabit siya ng internet para hindi siya mahirapan. Hindi rin niya maiwasan na mainis sa asawa dahil sinabi nito na ayaw siya nitong iniiwan sa bahay, pero kulang na lang na hindi ito umuwi. Alam naman niya na iniiwasan siya nito, pero kung dahil lang sa pagpasok niya sa mansion nito ay parang sobra naman ata.
Nang kumulo na ang sabaw ng tinola ay nilagay niya ang huling pampalasa. Nang matikman ang resulta ng niluto niya ay hindi niya mapigilang mapangiti. Kinuha niya ang cellphone para kuhaan iyon ng litrato at pagkatapos ay pinost niya iyon sa Twitter.
Naghintay pa siya ng isa pang oras, nagbabasakaling uuwi si Azi, pero ni anino nito hindi nagpakita, dahil gutom na rin siya ay minabuti na niyang kumain. Pagkatapos niyang kumain at magligpit ng pinagkainan ay pumanhik siya sa kwarto para magtrabaho.
"KUMUSTA ang buhay may asawa? Or should I Ask you...kumusta maging asawa ni Ava Ventura?" agad na tanong sa kaniya ni Marco nang sagutin niya ang tawag nito.
"Ayos naman," maikli niyang sagot.
"Ayos naman? Iyan lang ang masasabi mo?"
"Ano ba ang dapat kong sabihin?"
Narinig niyang pumalatak ang nasa kabilang linya. "Well, marami nagsasabi na malas ang lalaking mapapangasawa niya—,"
"She doesn't know how to cook," putol niya sa iba nitong sasabihin. "She also doesn't know how to clean the fish and clean the house. He always complains about everything, pero inaral niya ang lahat ng iyon para maging mabuting asawa."
Hindi niya dapat pinagtatanggol si Ava, pero hindi niya alam kung bakit ayaw niyang nakakarinig ng mga bagay na makakapintas dito.
"Dinidipensahan mo na siya ngayon."
"I'm not. She maybe annoying, but I'm telling the truth."
"Okay...but I'm still warning you about her, Azi. Hindi mo pa rin alam kung ano ang tumatakbo sa isip ng babaeng iyan."
"Thank you for your concern, Marco. Tungkol dyan, ako na ang bahala sa asawa ko."
Marahas siyang nagpabuntong hininga pagkapatay ng tawag. Hindi niya gustong maging sarkastiko sa kaibigan, pero hindi niya maiwasan dahil si Ava ang pinag-uusapan. Hindi niya dapat na dipensahan ang babae, pero sarili na mismo ang nag-uutos sa kaniya na dapat niyang gawin iyon.
Bumaba siya ng jeep at agad na pumasok sa bahay. Inaasahan niyang tulog na ang asawa sa kwarto dahil malalim na rin ang gabi, pero natigilan siya nang makita si Ava na natutulog sa sofa suot ang manipis nitong pantulog.
Sh*t! Hindi niya maiwasang sabihin sa sarili.
Pilit niya itong iniiwasan dahil sa nagawa niya rito noong gabing sa mansion. Pero heto't parang ito pa mismo ang naghahain ng sarili nito sa kaniya.
Tiim ang bagang na humakbang siya palapit kay Ava para gisingin, pero nang makita niya ang natural na mapula nitong mga labi at mapuputing hita ay tila may bahagi sa pagkatao niya ang nagigising.
This is not good. Aniya sa sarili. Kaya niyugyog niya mula sa balikat si Ava para gisingin ito at palipatin sa kwarto. Hindi naman siya nahirapan ay agad din itong nagising.
"Dumating ka na pala—,"
"Anong naisip mo para rito ka matulog?" Sinadya niyang galit ang tono ng boses niya para pagtakpan ang pag-iinit ng kaniyang katawan.
"Ano pa ba? Para hintayin ka. Gusto kitang makausap ng maayos, Azi," anito na bumangon.
Umiwas siya ng tingin dito. "Pagod ako. Bukas na tayo mag-usap," pagdadahilan niya.
"Nakatulog ako at halos papakin na ako ng lamok kakahintay sayo tapos sasabihin mo sa akin na bukas na lang tayo mag-usap?"
"Hindi ko naman sinabi sa'yo na hintayin mo ako. Pagod ako. Bukas na tayo mag-usap." Akmang tatalikuran niya ito ay pinigilan siya nito sa braso.
"I don't know why you acting like that. Oo, kasalanan ko na nagpunta ako sa mansion na `yun, pero kung iwasan mo ako para akong may nakakahawang sakit!"
Tiningnan niya ito at galit na binawi ang braso sa pagkakahawak nito. Kung hindi siya magiging masungit dito baka tuluyan siyang ipagkalulo ng katawan niya.
"Wala akong pakialam kung ano ang isipin mo, Ava! I'm asking you to leave, but you don't want to!"
Nakita niyang natigilan ito. Hindi alam ni Azi kung tama ba ang nakita niyang kirot sa mga mata nito, pero agad din iyong napalitan ng galit.
"Akala mo ba gusto kong manatili sa pesteng bahay na `to? Kung hindi mo ako pinilit na tumira rito, I wouldn't be here! I don't want to be with someone like you!"
"Then leave!" sikmat niya rito habang tinuturo ang saradong pinto.
"Fine!" inis na nagmartsa ito paakyat sa ikalawang palapag.
Sapo ang noong tila natauhan naman si Azi sa nasabi. Hindi niya intensyon iyon, pero kung hindi niya iyon gagawin baka hindi niya mapigilan ang sariling may magawang hindi tama kay Ava.
INIS na isa-isang pinapasok ni Ava ang mga damit sa maleta. Kung makapagsalita ang lalaking iyon akala mo kung sino, samantalang kinakailangan naman nito ng pera niya para maisalba ang hacienda mula sa pagkakasangla sa banko.
Bukas ba bukas ay aalis na siya rito. Tsaka na lang siya iisip ng magiging dahilan niya kung bakit biglaan ang balik niya sa Manila. Mas gugustohin na lang niya ang umalis sa lugar na ito kaysa pakisamahan ang lalaking wala naman pakialam sa kaniya.
Matapos niyang mag-impake ay nagbihis na siya. Hindi na niya hihintayin pang mag-umaga para umalis. Pagkatapos niya magbihis, bitbit ang maleta na bumaba na siya.
"Saan ka pupunta?" agad na tanong sa kaniya ni Azi pagkababa niya.
"Pakialam mo?"
"Masyado ng gabi para bumiyahe."
Tinaasan niya ito ng kilay. "Ngayon may pakialam ka?"
Marahas itong nagbuntong-hininga. "Look, pagod lang ako kanina kaya napagtaasan kita ng boses. I'm sorry."
Hindi kumbinsidong tinitigan niya ito kaya muli itong nagbuntong-hininga. "Okay, you want me to be honest with you why am I avoiding you?"
Gusto rin niya malaman kung bakit nga ba siya nito iniiwasan kaya hinintay niya ang sunod nitong sasabihin.
"I am avoiding you because... I'm afraid that I might not be able to stop myself from claiming you."
Natigilan siya sa sinabi nito. Tinitigan niya ito para tingnan kung nagsasabi ba talaga ito ng totoo, pero wala naman dahilan para pagsinungalingan nito ang tungkol doon. Bigla siya nakaramdam ng pagkailang kaya umiwas siya ng tingin dito.
"Now you know. What are you planning to do now?"
Tiningnan niya ito. "Ano ba ang gusto mo? I-It's your choice, Azi." Pero teka! Bakit ba siya nauutal? Hindi ganito ang isang Ava Ventura!
Saglit silang nagkatitigan bago umiwas sa kaniya ng tingin si Azi. "Hindi mo kailangan na umalis. Mayroon lang sana akong isang pakiusap sa'yo."
"Ano naman `yon?"
"As much as possible don't let me get close to you. Baka hindi ko na mapigilan pa ang sarili ko na angkinin ka. Now, go back to your room and lock your door. Bukas na ulit tayo mag-usap."
Sa sinabi ni Azi ay kusang kumilos ang mga paa niya pabalik sa kwarto at tulad ng sinabi nito ay kinandado niya ang pinto. Pero imbis na makaramdam siya ng takot ay hindi niya alam kung bakit nakakaramdam siya ng excitement.
Mabilis niyang pinilig ang ulo. Hindi dapat siya nakakaramdam ng ganito. Hindi niya dapat
gustohin na ibigay ang sarili kay Azi Devera. Hindi dapat.