Chapter Seven

2130 Words
GUSTO nang magreklamo ni Ava dahil sa haba ng nilakad nila ni Selene papunta sa sinasabing mansion ni Azi. Pero tila nawala lahat ng inis niya nang makita ang sinlaki o higit pa itong mas malaki sa mansion niya sa Manila. "Pasensya na ho kayo, Señorita kung matalahib po. Matagal na kasi itong hindi napapasyalan ni Kuya Azi," sabi ng dalagita sa kaniya. ng mansion niya sa Manila Bukod sa matataas ang talahib ay natatakpan na ng damo ang daanan at nangangalawang na rin ang gintong mataas na tarangkahan. Napansin din niya ang latrang I na nakahulma sa gitna ng tarangkahan. Nilingon niya ang dalagita. "Maari mo na akong iwan dito, kaya ko na ang sarili ko," aniya rito. "Sigurado ho kayo, Señorita?" "Oo, hihintayin ko na lang ang pagdating ng asawa ko rito." "Sige po, Señorita. Mauna na ho ako." "Salamat, Selena." Sinundan niya ng tingin ang papalayong dalagita hanggang sa tuluyan itong mawala sa kaniyang paningin. Nang masiguro niyang wala na ito ay tsaka siya humakbang palapit sa malaking tarangkahan at agad iyong binuksan. Bahagya pa siya g nahirapan sa pagbukas dahil nangangalawang na iyon. Umingit pa ang bakal na pinto nang itulak niya iyon pabukas. Hindi niya maiwasan mamangha sa ganda ng bawat disenyo at istruktura ng labas ng mansyon. Ang malaking fountain na nasa gitna ay puno ng tubig, lumot at pinamumugaran na ng mga ligaw na damo. Pinapatuloy niya ang paghakbang papasok sa loob ng mansion at agad na pinihit ang seradura at napangiti siya na bukas iyon. Pagkabukas ng pinto ay bumungad sa kaniya ang maalikabok na paligid kaya bahagya siyang naubo at um-echo sa buong paligid. Kung namangha si Ava sa ganda ng nasa labas ay higit na namangha siya sa loob ng mansion. May malaki at gintong chandelier na nasa gitna ng dalawang hagdan. Naagaw din ng atensyon niya ang grand piano na nasa gitna niyon. Maliban 'dun ay ang lahat na ng kagamitan ay natatakpan na ng kulay puting tela. Sa paglibot ng kaniyang mga mata ay napako ang kaniyang tingin sa malaking portrait na nasa second floor. Humakbang ang mga paa niya paakyat at tumigil sa harap ng malaking portrait. Isang magandang babae at nasa tabi nito ang isang batang lalaki. Sa tantya ni Ava ito si Azi noong bata pa ito. Hindi niya mapigilang mapangiti dahil bata pa lang ito ay halata na ang taglay nitong kagwapuhan. Nang bumaling ang tingin niya sa katabi nito ay awtomatikong nangunot ang kaniyang noo nang makitang punit ang bahaging mukha ng lalaki, marahil ay ito ang ama ni Azi, pero bakit punit ang bahagi sa mukha nito? Ano kaya ang nangyari sa pamilya ni Azi kung bakit mas pinili nito na manirahan sa luma at maliit na bahay? Mula sa portrait ay bumaling ang tingin niya sa unang pintong nandoon. Humakbang siya palapit doon at pinihit pabukas ang pinto. Bumungad sa kaniyang paningin ang malaki at magarang kwartong iyon. Marahil ito ang master's bedroom. Ihahakbang na sana niya ang mga paa papasok sa kwarto nang may galit na boses ang umalingawngaw sa buong paligid. "Ava!" Si Azi. May galit sa mukha nito na malalaki ang hakbang na lumapit ito sa kaniya at marahas siya nitong hinaklit sa braso. "What the are you doing here?!" Nangiwi siya dahil sa paraan ng paghawak nito sa braso niya. Kitang-kita niya ang galit sa mga mata nito. "Nasasaktan ako, Azi!" aniya na pumipiglas mula sa pagkakahawak nito, pero hindi siya nito binibitawan. "Ano ba! Let go of me!" "Alam mong pinagbabawal ko ang lugar na ito, Ava, pero nagpumilit ka pa rin na pumunta rito!" tiim ang bagang sabi nito. "Ano ba ang dahilan kung bakit inibanduna mo na ang mansion na ito?" Tumaas ang sulok ng labi ni Azi. "Kailan ka pa naging interisado sa buhay ko, Ava? Pero dahil sa gusto mong malaman, I will show you why." Marahas siya nitong hinila papasok sa loob ng kwarto at basta na lang tinulak pahiga sa kama. Nanlaki ang mga mata niya nang makitang hinubad ni Azi ang pang-itaas nitong damit. "A-anong gagawin mo?" "You wanted to know why I don't want to go back in this place, right? Then I will show you." Sinubukan niyang umalis sa ibaba ng kama pero mabilis siya nitong napigilan at muling pinahiga sa kama. Pinakubabawan siya nito habang hawak ang magkabila niyang palapulsuhan. Napasigaw si Ava kasabay ng panlalaki ng mga mata niya nang basta na lang punitin ni Azi ang dress na suot niya. "N-no! Bitiwan mo ako!" Pagmumumigpas niya. Nanlaban siya, pero higit na malakas si Azi kaya hindi niya ito magawang itulak palayo. Nanlaki lalo ang mga mata niya nang marahas na inangkin ni Azi ang mga labi niya habang ang isang kamay nito ay pumaloob sa pang-ibaba niyang saplot. "Hmmp! N-no!" Kahit anong pagpupumiglas niya ay wala iyon laban dahil higit na mas malakas ang lalaki sa kaniya. Malakas siyang umungol sa sakit nang kagat-kagatin ni Azi ang labi niya. Pakiramdam niya parang hinihiwa ng blade ang labi niya sa paraan ng paghalik nito sa kaniya. "Parang awa mo na, Azi... Hmmmmp!" Lalo siyang nanlaban nang nararamdaman na niya ang pagpasok ng daliri nito sa p********e niya. Pero kahit gustohin niyang manlaban ay hindi niya magawa dahil mahigpit nitong hawak ang magkabila niyang kamay. Mariin siyang napapikit dahil sa sakit nang magtagumpay ang daliri nitong pasukin ang p********e niya. Napaiyak siya sa sobrang sakit at pakiramdam niya ang babang uri niyang babae dahil sa ginawa nito sa kaniya. "Sh*t!" nahimigan niyang sabi nito bago siya nito tuluyang pinakawalan. Niyakap niya ang halos lantad nang kawatan at nagpatuloy sa pag-iyak. "Ava..." Pero hindi na nito tinuloy ang iba pa nitong sasabihin at iniwan lang siya nitong umiiyak sa malaking kamang iyon. INGAY ng kuliglig ang gumising kay Ava. Sa pagdilat ng kaniyang mga mata ang may kadiliman na paligid ang bumungad sa kaniya. Nayakap niya ang sarili nang pumasok sa bukas na bintana ang malamig na simoy ng hangin. Hindi niya alam na nakatulog siya kanina sa sobrang pag-iyak. Bumangon siya at humakbang palabas ng kwarto. Bahagya pa siyang natigilan nang maaninag ang bulto ni Azi na naka upo sa labas ng kwarto. Dapat makaramdam siya ng galit dito dahil sa ginawa nito sa kaniya kanina, pero imbis na galit ang maramdaman niya ay nakaramdam siya ng awa para rito. "Azi..." "I will send you back to Manila tomorrow," anito na ikinatigil niya. Ititigil na ba nito ang kasunduan nilang dalawa? "You're not safe here... with me," sabi pa nito. "W-what do you mean?" Saglit na katahimikan bago ito muling magsalita. "Para sa akin, ang pagbalik sa lugar na ito ay isang bangungot. Sa bawat sulok ng bahay na ito ay isang masamang ala-ala para sa akin. My mother died because of my father," dumiin ang huli nitong sinabi. "Walang araw na hindi ko naririnig ang sigaw at iyak ng aking ina dahil sa sakit." "Y-yung ginawa mo ba sa akin kanina, iyon ba ang ginagawa ng ama mo sa iyong ina?" mahina niyang tanong. Pagak na natawa si Azi. "He does more than that. My father has a Fetishistic Disorder. Dahil sa sakit na iyon nagagawa niyang saktan ang aking ina at dahil 'din doon, namatay ang aking ina." Ngayon alam na niya ang dahilan kung bakit ayaw ng balikan ni Azi ang lugar na ito, kung bakit mas pinili nitong kalimutan ang marangyang buhay at mamuhay ng simple lang. "Pero bakit mo ako ihahatid pabalik sa Manila?" Tumayo na ito. "Umuwi na tayo," sabi nito imbis na sagutin ang tanong niya. "Azi—," pero nilagpasan siya nito. "Hindi ako babalik sa Manila! Hindi ako papayag na makipaghiwalay ka sa akin!" aniya. Huminto ito. "Usapan ay usapan. Wala akong balak makipaghiwalay sa'yo." "Kung ganu'n bakit mo ako pinababalik sa Manila?" Noong una hindi siya sangayon na dito tumira kasama ni Azi at halos kamuhian niya ito, pero ngayon hindi alam ni Ava kung bakit siya biglang nakaramdam ng lungkot nang sabihin itong iuuwi na siya nito sa Manila. "Hindi ba iyon naman ang gusto mo? Hindi rito ang buhay mo, Ava, kaya dapat lang na bumalik ka na sa mundong kinabibilangan mo," iyon lang at nauna na itong lumabas ng mansyon. Inis na sumunod na lang siya rito. Tahimik lang sila habang nasa daan pauwi sa bahay. Gusto niya itong kausapin, pero hindi naman niya alam kung ano ang dapat na sabihin dito. "Kung nagugutom ka, magluto ka ng hapunan mo," anito nang makarating na sila sa bahay. "H-how about you?" "Hindi ako nagugutom. Sige na." Wala siyang choice kundi ang bumaba sa jeep nito. Pagkababa niya ay walang paalam na muli itong umalis. Buntong-hiningang pumasok siya sa kabahayan at dumiretso sa kusina. Kung minsan gustong sisihin ni Ava ang sarili niya dahil sa padalos-dakos niyang desisyon. Pero noon naman kahit nakakagawa siya ng maling desisyon ay hindi siya nakakaramdam ng pagsisisi, pero ibang-iba ngayon. Para bang hindi niya kayang magalit sa kaniya si Azi. Marahas na nagpakawala siya ng buntong-hininga. Imbis na magmukmuk siya ay nagpasya siyang magluto ng paksiw na isda na tinuro sa kaniya ni Nanang Brenda. Kinuha niya ang isda na nasa refrigerator, laking pasalamat niya nang makitang linis na iyon para hindi na siya mahirapan pa sa paglilinis ng isda. Habang nagluluto ay walang ibang laman ang isip niya kundi si Azi. Saan kaya ito nagpunta at ano kaya ang ginagawa nito ngayon? Kinuha niya ang cellphone mula sa bag na dala niya kanina at tinawag ang PI niya. "Ma'am..." "I want to know about Azi Devera," "You want me to dig more information about your husband, ma'am?" Mariin siyang napapikit at nakagat ang ibabang labi. "Umh... Forget what I've said." "Are you sure, Ma'am?" gulat nitong tanong. "Yes. Tatawag na lang ulit ako kapag may kailangan ako sa'yo," iyon lang at pinutol na niya ang linya. Hindi niya alam kung bakit hindi niya gustong ipaimbestiga pa si Azi. May bahagi sa pagkatao niya na gustong siya mismo ang makatuklas ng iba pang tungkol sa asawa. Pagkaluto ng ulam at kanina ay hindi siya kumain, hinintay niya ang pag-uwi ni Azi para sabay sila nitong kumain ng hapunan. Pero dumating na ang hating gabi ay hindi pa rin umuuwi ang asawa niya. Dapat wala siyang pakialam, pero iba ang nararamdaman niya ngayon. Lumipat siya sa sala para doon na lang hintayin si Azi. Sa kaniyang paghihintay ay hindi niya napansin na nakatulog na pala siya. HAPLOS sa mukha niya ang gumising sa kaniya at ang gwapong mukha ni Azi ang sumalubong sa kaniya. Nang tingnan niya ang bintana ay umangat na ang haring araw. "Kakauwi mo pa lang? Anong oras na? Saan ka natulog?" sunod-sunod niyang tanong. "Sa kubo ako natulog, sa may ubasan," anito. "Bakit hindi ka umuwi? Alam mo bang naghintay ako sa'yo?" "Did I told you to wait?" may sarkasmong tanong nito. "Hindi tuloy ako nakakain ng hapunan kakahintay sa'yo." "Sinabi ko bang huwag kang kumain? Kasalanan mo kung nagutom ka." Inis na tumayo siya. "Ako na nga ang nag-alala sa hindi mo pag-uwi, na halos hindi ako kumain tapos ikaw pa itong galit?!" "Sinabi ko bang gawin mo ang mga bagay na iyon, Ava?!" Tumaas na rin ang boses nito. "Ihanda mo na ang mga gamit mo, ihahatid kita pabalik sa Manila." "I'm not going home!" aniya na ikinahinto nito sa akmang pag-akyat. Kunot ang noong nilingon siya nito. "Anong sinabi mo?" "Hindi ako uuwi. Ikaw ang may gustong dito ako tumira tapos pababalikin mo ako 'dun?!" "At bakit hindi mo gustong umuwi?" Umiwas siya ng tingin dito. Kahit man siya ay hindi niya alam ang dahilan kung bakit ayaw niyang umuwi. Natawa ito. "Himala, walang maisagot ang isang Ava Ventura? O baka naman nagkaroon ka ng interes sa mansyon kaya ayaw mong umalis dito?" Mamula ang mukha niya dahil sa inis. "Anong akala mo sa akin desperado?" "Hindi ba? Lahat nga gagawin mo para lang makuha ang gusto mo." Umiling-iling ito. "Kung ayaw mong umalis dito, mind your own business. Huwag mong pakikialaman ang mga bagay na walang kaugnayan sa'yo. Tandaan mo, pumayag lang ako sa kasal dahil sa hacienda and I'm not included. Huwag kang umasta na parang tunay kitang asawa dahil hindi mo ako makukuha sa ganiyang paraan." "Kung makapagsalita ka parang kilalang-kilala mo na ako." "Hindi ko na kailangan pang alamin ang tunay mong pagkatao para makilala ka, Ava. Ang mga katulad mo ay hindi ko dapat pagkatiwalaan," huling sabi nito bago siya tinalikuran. Nakuyom ni Ava ang mga kamay. Hindi niya alam kung bakit nakaramdam siya ng sakit sa sinabi nito. Sanay siya sa mga ganitong salita, pero hindi niya alam kung bakit nasaktan na kay Azi na niya iyon mismong narinig. Inis na binagsak niya ang puwitan paupo sa sofa at marahas na lang na nagpakawala ng isang buntong-hininga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD