NAGISING si Ava dahil sa maingay na huni ng mga ibon at sa kakaibang ingay na nagmumula sa labas ng bahay.
Bumangon si Ava mula sa pagkakahiga at umalis sa ibabaw ng kama. Naglakad siya papunta sa malaking bintana at hinawi ang kurtinang humaharang sa sinag ng araw.
Agad na bumungad sa mga mata ni Ava si Azi nag nagsisibak ng mga kahoy. Ngayon lang niya nakitang nakapusod ang buhok nito kaya malaya niyang napagmamasdan ang mukha ng lalaki. Noon pa man sa wine fair napansin na niya ang hindi matatanggihan nitong kagwapuhan. Mula sa mukha ay bumaba ang mga mata niya sa pangangatawan nito. Dahil sa wala itong pang-itaas na damit ay lantad sa mga mata niya ang mala adonis nitong pangangatawan.
Ang mga butil ng pawis ni Azi ay kumikinang sa kayumanggi nitong balat gawa nang sinag ng araw. Hindi alam ni Ava kung bakit biglang bumigat ang paghinga niya. Napahawak siya sa kaniyang lalamunan at pilit na nilunok ang laway na namumuo sa kaniyang lalamunan.
"Isara mo 'yang bibig mo, baka mapasukan ng langaw."
Napakurap ang mga mata niya habang nakatitig sa gwapong mukha ng lalaki. Pero sa huli ay si Azi ang unang nag-iwas sa kaniya ng tingin.
"Ngayon ka lang ba nakakita ng lalaking walang suot na damit?" tanong nito na pinagpatuloy ang pagsibak ng kahoy. "Para akong isang specimen kung titigan mo ang katawan ko."
"Kapal mo! For your information I've seen a lot of men's body and I can say na walang panama 'yang katawan mo sa katawan nila!"
Naiiling na tiningala siya nito. "'Yun lang ang sinabi ko, ang dami mo nang sinabi. Maligo ka na at bumaba para makapag-umagahan," 'yun lang at pinagpatuloy nito ang naudlot na pagsisibak.
Inis na pumasok sa banyo si Ava para maligo. Nang matapos ay isang itim na strap dress na hanggang kalahatinng hita niya ang kaniyang isinuot. Pagkatapos ay bumaba na siya at dumiretso sa kusina para tinganan kung ano ang niluto ni Azi na umagahan.
Napataas ang kilay niya nang makitang smoke fish at sangag na kanin ang naghihintay sa lamesa.
"Huwag mong sabihin na hindi ka pa nakakakain ni'yan?"
Napatingin siya kay Azi na pumasok sa pinto. Nakalugay na ang buhok nito at suot na nito ang kupasin nitong polo shirt, pero hindi nito nag-abalang isara ang mga botones ni'yon.
Tinaasan niya ito ng kilay. "Mukha ba ako kumakain ni'yan? Katulong ko sa bahay hindi ko pinapakain ni'yan tapos ako pakakainin mo ng sunod na isda?!"
"Wala rito si Nanang para paglutuan ka, Kamahalan. Kung ayaw mong kumain edi wag." Naupo ito at sumandok na ng kanin.
"Magpapa-deliver na lang ako ng pagkain."
"Malayo ang Sariedo sa bayan, tiyak ang umagahan mo ay tanghalian na."
Ramdam niya ang pagkulo ng kaniyang sikmura. Ramdam na niya ang gutom kaya inis siyang naupo sa kaharap nitong upuan.
"Kakain ka rin pala ang dami mo pang inarte," naiiling nitong sabi.
"Ganyan ka ba talaga trumato sa babae? Kaya siguro wala kang nobya dahil walang babaeng makakatagal sa ugali mo."
Natigilan ito at walang emosyong tiningnan siya nito, pero tulad pa rin ng dati alam niyang hindi tumatama ang kanilang mga mata.
"Hindi ba pinaimbestiga mo na ako? Dapat alam mo ang tungkol dyan."
Hindi niya alam kung pang-iinis ba iyon o ano. Pero habang tinititigan niya ang mga mata nito ay may bahagya siyang nakitang kirot mula roon. Iniwan nga kaya ito ng dati nitong nobya?
"Hindi ko pinaimbestiga ang tungkol doon."
Muli itong umiling. "Kumain ka na, pupunta pa tayo sa ubasan," anito.
Nangunot ang noo niya. "Isasama mo ako roon?"
"Aalis ako at baka mamayang hapon pa ako makakauwi. Ayokong iwan ka rito ng nag-iisa."
"Mas lalong ayoko naman sumama sa ubasan. Dito na lang ako, may kailangan pa akong tapusin na trabaho."
"May kubo roon, pwede mong dalhin ang laptop mo at doon ka magtrabaho," giit nito.
Lalong nangunot ang kaniyang noo. "Sinabi kong ayokong sumama. Pwede naman ako maiwan dito."
"Para mapuntahan ka ng lalaki mo?"
Natigilan siya sa sinabi nito. Hindi niya akalain na sasabihin nito ang bagay na 'yun. Naguguluhan na tinitigan niya ito.
"Lalaki ko?" Hindi niya mapigilang matawa. "Kung may iba akong lalaki hindi ko gugustohin na maikasal sa'yo, Mr. Devera! At ano naman kung may lalaki ako? Baka nakakalimutan mo na ang kasal natin ay palabas lang."
Napapiksi siya nang malakas nitong hinampas ang lamesa. Ang mga mata nito ay nanlilisik na nakatingin sa kaniya.
"As long as you are married to me, I will not let you ruin my name, Ava," matigas nitong sabi kuway tumayo na ito. "You will come with me," huling sabi nito bago siya iwanan.
Naguguluhan na sinundan niya lang ito ng tingin. Hindi niya alam kung bakit umakto ito ng ganu'n. Niloko kaya ito ng dati nitong kasintahan kaya ganu'n na lang ang naging reaksyon nito? Pero papayag ba siyang maging sunod-sunuran lang sa lalaki? Nahilot niya ang sentido. Hindi niya alam na ganito pala kakumplikadong intindihin ang ugali ng lalaking napangasawa.
MARIIN na naipikit ni Azi ang mga mata habang nasa ilalim ng rumaragasang tubig na nagmumula sa dutsa.
Alam niyang palabas lang ang kasal na meron sila ni Ava Ventura, pero hindi niya alam kung bakit bigla siyang umakto ng ganu'n. Pero kung mayroon man itong ibang lalaki maliban sa dati nitong nobyo sana hindi na lang siya ang pinakasal nito.
Marahas siyang napabuntong-hininga. Hindi niya akalain na dala-dala pa rin niya ang ala-ala ng panloloko sa kaniya ng dati niyang kasintahan tatlong taon na ang nakalilipas. Nang umuwi siya galing sa Maynila ay nadatnan niya ito na may ibang kaniig sa mismong kama nila. Kung hindi siya noon napigilan ni Nanang Brenda baka napatay niya ang mga ito.
Muli siyang napabuntong-hininga bago pinatay ang shower. Inabot niya ang tuwalya at tinapis sa ibabang bahagi ng katawan niya. Paglabas niya sa banyo ay natigilan si Ava nang makita siya.
"A-anong ginagawa mo sa kwarto ko?" mataray nitong tanong.
"Kwarto mo? Baka nakakalimutan mong kwarto ko rin ito at nandito pa ang lahat ng damit ko."
"Wala ka na bang ibang kwarto para 'dun na lang ako magkukwarto?"
"Dalawa lang ang kwarto sa bahay na ito, at ang isang kwarto ay okupado ni Nanang Brenda," aniya na binuksan ang aparador para kumuha ng masusuot.
"So, where do you sleep?"
Taas ang kilay na nilingon niya ito. "Sa sofa na nasa sala. Gusto mo na ba akong katabi matulog?"
"Kapal! Hindi ko nanaisin na makatabi ang isang katulad mo."
Natatawang umiling siya. "Don't act as if you're still a virgin, Ava."
Napansin niya na biglang natigilan ang asawa habang pinamumulahan ito ng pisngi. Sa nakikita niya sa naging reaksyon nito na wala pa itong karanasan sa ganu'ng bagay.
"So, are you?"
"Wala akong pakialam kung ano ang isipin mo sa'kin, Mr. Devera." Tinalikuran siya nito at pinagpatuloy nito ang pag-aayos ng bag. Marahin mga iyon ang dadalhin nito papunta sa ubasan.
"Call me by my name, Ava. Asawa mo ako, hindi naman ata tama na tawagin mo akong Mr. Devera sa harap ng mga empleyado ko."
Nilingon siya nito. "Azi, or should I call you... Honey? Happy now?"
"That's more I like it. Hindi ko akalain na mahilig ka pala sa endearment."
"Anong ginagawa mo?!" Biglang nagtakip ng mga mata si Ava nang walang pakialam niyang tinanggal ang tuwalya sa baywang niya at nagbihis sa mismong harapan nito.
"Nagbibihis ano pa ba?" natatawa niyang sagot.
"Bakit sa mismong harapan ko pa?! Bastos!"
Natatawang muli niyang tinapis ang tuwalya sa katawan niya at humakbang na palabas ng kwarto. Kahit na palabas lang ang lahat ng ito ay hindi pa rin niya maiwasan na makaramdam ng saya na malaman na walang sino mang lalaki ang dumaan dito.
PAGKABABA ni Ava sa jeep ni Azi ay hindi niya mapigilang mamangha. Mula sa kaniyang kinatatayuan ay kitang-kita niya sa ibaba ang malawak nitong ubasan. Triple ang laki ng lupain nito kaysa lumapin ng ubasan nila sa Batangas. Hindi niya akalain na ganito kalawak ang ari-arian nitong lupain.
"Naimbag nga bigat, Señorito!" masiglang sabi ng may katandaang lalaki kay Azi pagkababa nito sa jeep.
"Kasta met kenka, Manong Alfonso," sagot naman ni Azi.
Hindi niya mapigilang mapakunot ang noo dahil hindi naman niya maintindihan ang mga pinagsasabi ng mga ito.
Nabaling ang tingin sa kaniya ng lalaking tinawag na Alfonso ni Azi. "kadda gayam kadwam, Señorito?"
Napatingin siya sa asawa nang akbayan siya nito. "Oho, Manong. Si Ava, ang asawa ko," pagpapakilala nito sa kaniya sa lalaki.
Sa sinabing iyon ni Azi ay nagsilapitan sa kanila ang iilang babaeng may mga edad na rin. "Abay nag-asawa ka na pala, Señorito, hindi mo nasabi sa amin nang maregaluhan man lang namin kayo," sabi ng isa.
"Oo nga naman, Señorito," segunda ng isa.
"Biglaan din ho kasi, Manang."
"Sabagay... sa ganda ba naman nitong asawa mo, pakakawalan mo pa ba?" sabi ng isang babae.
"Nag-pintas ta asawam, Señorito," sabi naman ng isang babae sa salitang ilocano.
"Anong sinasabi niya? Minumura na ba niya ako?" bulong niya kay Azi na ikinatawa nito.
"Ang sabi nila, maganda ka raw."
Tumikhim siya. "I know," taas noo niyang sagot.
"Mauna ka na lang sa kubo, may pag-uusapan lang kami ni Manong Alfonso," anito sa kaniya bago humarap sa isang may katandaan ng babae. "Manang Elen, pwede ninyo ho ba samahan si Ava sa kubo? Susunod na lang ako roon."
"Sige, Señorito. Ako na ang bahala sa asawa mo. Tara na, Señorita," anyaya nito sa kaniya.
Habang dinadala siya ni Manang Elen kung nasaan ang kubo ay hindi niya mapigilang mapaisip. Kung mahirap talaga si Azi, bakit señorito ang tawag ng mga trabahador nito rito?
Pagkarating nila sa kubo ay agad nitong binuksan ang pinto. "Pasok po, Señorita," anito. "Dito namamalagi si Señorito Azi kapag nandito siya sa ubasan," sabi pa nito pagkapasok nila. Binuksan din nito ang electric fan.
"Hanggang saan ang pagmamay-ari niyang lumapin, Manang Elen?" usisa niya habang nakatingin sa labas ng kubo.
"Kung hanggang saan naaabot ng inyong tingin, Señorita."
Hindi makapaniwalang tiningnan niya ito. "Ganu'n kalawak?" hindi makapaniwalang tanong niya.
Tumango ito. "Sayang nga ang mansion ayaw ng tirahan ni Señorito."
"Mansion? Merong mansion si Azi?"
"Meron ho, hindi ba niya nasabi sa'yo?"
"Bakit ayaw ng tirahan ng asawa ko ang mansion?"
"Kasi—,"
"Manang Elen, sak bahala ti baket kon," si Azi na pumutol sa iba pang sasabihin ng matandang babae. Nagpaalam ito at agad din itong umalis.
"Nawala lang ako saglit, inuusisa mo na ang buhay ko sa empleyado ko," anito na sinuksok ang magkabilang kamay sa magkabilang bulsa ng kupasin nitong pantalon.
"Hindi ko akalain na ganito pala kalaki ang lupain na pagmamay-ari mo, Azi," aniya imbis na pansinin ang sinabi nito.
"Masyado mo naman akong minaliit, Ava. Ilan lang sa lupain ko ang nanganganib na mawala sa akin."
"Bakit hindi mo ibenta ang ilan sa lupain mo para mabayaran ang pagkakautang mo sa banko?"
"Hindi ko nanaisin na ilan sa lupain na ito ang mawala sa mga kamay ko, Ava. Hindi pwede mawala sa akin ang bagay na pinaghirapan ng aking ina."
"`Yung mansion na sinasabi ni Manang Elen, hindi ba iyon ang mansion na nakasanla sa banko?"
Hindi ito sumagot at tinitigan lang siya nito, pero sa huli ito ang unang umiwas sa kaniya ng tingin. Isa iyon sa mga napansin ni Ava sa lalaking napangasawa.
"Kung ano ang nalalaman mo, iyon na lang ang dapat mong malaman, Ava. Our marriage is just a show, wala akong balak na dalhin ka sa mansion na iyon at hindi mo na kailangan na malaman pa ang lahat ng tungkol sa buhay ko," anito, pagkatapos ay walang paalam na iniwan siya nito.
Inis na naupo siya sa upuan na nandoon. Wala man siyang makuha na inpormasyon mula mismo rito ay kaya naman niyang alamin ang lahat ng gusto niyang malaman. Bakit nga ba nagpapakahirap pa siyang magtanong tungkol sa buhay ni Azi kung maaari naman niyang malaman sa paraan na alam niya.
Kinuha niya ang cellphone mula sa bag para tawagan ang PI niya, pero ganu'n na lang ang dismaya niya nang makitang wala ni isang signal ang cellphone niya. Inis na binalik na lang niya sa bag ang cellphone. Wala rin silbi ang pagsama niya rito dahil hindi rin pala niya magagawang magtrabaho rito.
"Hi! Ikaw ba ang asawa ni Kuya Azi?" Nabaling ang tingin niya sa isang dalagita na nasa bungad ng pinto.
Bahagyang tumaas ang kilay niya, pero pilit niya itong nginitian. "Yes, Ako nga ang asawa niya."
"Totoo ngang maganda ka, higit na maganda kay Ate Irene."
Nangunot ang noo niya. "Irene? Sinong Irene?"
"Iyong manlolokong dating nobya ni Kuya Azi."
Tumikhim siya. "Nasaan na ang Irene na ito?"
"Hindi ko ho alam, ang huli kong balita sumama sa lalaking mayaman. Sus! Mukha siyang pera!" Halata rito ang pagkainis sa dating nobya ni Azi.
"Alam mo ba ang dahilan ng paghihiwalay nila?"
Ngumuso ito. "Ang alam ko ho, nahuli raw ni Kuya Azi si Ate Irene na may kaniig na ibang lalaki sa mismong bahay nila," anito.
Iyon ba ang dahilan kung bakit ayaw siyang iwanan ni Azi sa bahay na nag-iisa? Iniisip nito na baka gawin din niya ang ginawa ng dating nobya rito.
"Anong pangalan mo?" tanong niya rito.
"Selena po, Señorita."
"Alam mo ba kung nasaana ng mansion ni Azi? Maaari mo ba akong dalhin doon?"
Nakagat nito ang ibabang labi. "Pinagbabawal na po kasi ni Kuya Azi ang magpunta roon."
"Dadalhin din naman niya ako roon, hindi naman siya magagakit kung mauuna akong pumunta roon."
"Ganu'n ba, Señorita? Sige, sasamahan po kita papunta roon."
"Salamat, Selena. Tara na?"
Tanging cellphone lang ang dala niya nang lisanin nila ang kubo.