"ALAM mo ba itong pinapasok mo, Azi?" tanong ni Nanang Brenda sa kanya pagkababa niya mula sa kwarto.
"Alam kong wala akong karapatan na manghimasok sa buhay mo, pero ang pakasalan ang babaeng hindi mo lubos na kilala ay mali. Ano ba ang pumasok dyan sa isip mo para tanggapin ang alok niyang kasal sa'yo? Sa nakikita ko, ang tulad niyang laki sa yaman hindi tatagal dito," sabi pa nito.
Buntong-hiningang isinuksok niya ang kamay sa magkabilang bulsa ng maong niya. Kahit man siya ay hindi niya alam kung paano at bakit siya pumayag sa kasal na inalok ni Ava.
Mula nang maghiwalay sila ni Irene, ang dati niyang nobya ay hindi na niya magawang makita ang sarili na may ibang babae matatawag niyang asawa. Banggitin nga lang ang salitang kasal ay natatawa na siya. Pero nang alukin siya ni Ava na pakasalan ito, parang meron sa pagkatao niya ang nananabik na muling maikasal.
"Ginagawa ko lang ito para sa hacienda, nanang," sagot na lang niya.
Pumayag siya sa gusto nitong kasal hindi rin dahil sa tatlong milyong perang alok nito. He's not after in three million pesos. Nakaramdam lang siya ng awa rito dahilan para mapa-oo siya. Pero aminin man niya o hindi, may bahagi sa pagkatao niya ang nasasabik sa pagpapanggap nilang ito.
Hindi nga rin niya lubos akalain na mapapapayag niya si Ava na umuwi rito sa La Union. Patunay lang iyon na kailangan talaga nito ang tulong niya. Sisigiraduhin niyang mapuputol ang sungay nito habang nandirito ito sa puder niya. Kung laro lang para rito ang pagpapakasal puwes makikipaglaro siya rito.
"Kuu. Kung ang hacienda ang iniisip mo, bakit hindi mo tanggapin ang alok na tulong ng ama—,"
"Kahit kailan, hindi ko tatanggapin ang tulong ng taong 'yun, Nana," putol niya sa iba pang sasabihin nito.
"Sa tingin ko ito na ang tamang panahon para—,"
"Nanang, walang tamang panahon para magkaayos pa kami," mariin niyang sabi. "At hinding hindi rin ako tatanggap ng kahit na anong tulong mula sa kaniya," sabi pa niya.
Nakuyom niya ang kamao nang maalala kung ano ang sinapit ng kanyang ina mula sa kamay ng kaniyang ama. Muli niya naalala kung paano pagbuhatan ng ama niya ang walang laban niyang ina noon. Ang mga iyak at palahaw sa sakit tuwing nagkakasarinlan ang mga ito sa silid ng mga ito. Hindi rin niya makalimutan ang pagmamakaawa ng ina niya sa tuwing sinasaktan ito ng walang kwenta niyang ama.
Narinig niyang nagpakawala ng isang buntong hininga si Nanang Brenda na nagpabalik sa naglalakbay niyang ala-ala.
"Kung 'yan ang sa tingin mong tama, hindi kita pipigilan sa desisyon mo. Papaalalahanan lang kita, Azi, hindi isang simpleng tao ang napangasawa mo, hindi mo lubusang kilala ang ugali niya."
"I can handle her, Nanang."
SINAG ng araw na tumama sa mata ni Ava ang nagpagising sa kaniya ng umagang yun. Inis na bumaling siya patalikod mula sa bintana.
"Wake up, sleepy head," sabi ng isang baritonong boses.
Bigla niyang naimulat ang mga mata at mabilis na bumangon, kuway ibinaling ang tingin sa kanang bintana. Nakatayo roon si Azi habang suot-suot nito ang walang emosyon nitong mukha habang nakatingin sa kaniya.
Bumaba ang mga mata niya sa katawan nito. Suot nito ay isang lumang long sleeve polo habang bukas ang lahat ng botones ni'yun kaya lantad sa mga mata niya ang matipuno nitong pangangatawan. Isang kupasing pantalon at kulay tsokolateng boots naman ang suot nito pangbaba. He looks like a cowboy. A handsome cowboy.
"Pasado ba sa panlasa mo, Asawa ko?" Tanong nito na ikinapula ng kaniyang mukha.
"Kapal!" inis-miran niya ito. "What time is it?" maya'y tanong niya.
"Tanghali na po, Kamahalan," sarkastiko nitong sagot.
Tanghali na? Kunot ang noong inabot niya ang cellphone na nasa bedside table. Ganu'n na lang ang gulat niya pagkakita kung anong oras na.
Seriously? It's already eleven o'clock! Paano? Never in her life na tinatanghali siya ng gising.
"Akala ko ba hindi ka makakatulog ng maayos kapag matigas ang kama mo? Mukhang hindi naman ata," pang-bubuska nito.
"Shut up!" singhal niya rito.
"Bumangon ka na dyan at tulungan mo si Nanang Brenda sa gawaing bahay," anito na humakbang papunta sa pintuan.
Ano daw? Tama ba ang pagkakarinig niya? Paglilinisin siya nito ng bahay? Si Ava Ventura maglilinis sa bulok-bulok na bahay na ito?
"Excuse me?"
"Inaasahan mo ba na wala kang gagawin dito, Asawa ko? Simula sa araw na ito, aaralin mo ang mga gawaing bahay."
"No way!" she snapped.
Mapang-asar itong ngumiti. "Yes way. Bumangon ka na dyan at bumaba."
HALOS mapanganga si Ava nang ibigay sa kaniya ni Azi ang mga gamit panghugas. Pinakain nga siya nito, pero may kapalit naman.
"Anong gagawin ko rito?" inis niyang tanong sa lalaki.
"Ikaw ang maghuhugas."
"All of this?!"
"Oo, lahat."
Inis siyang natawa. "Are you serious? I don't even know how to use this!" reklamo niya. Ngayon pa lang napapangiwi na siya isip lang niya na hahawak siya ng maruming plato.
"Kaya nga aaralin mo, diba?"
"Pwede naman na ako na lang ang maghugas, hijo," presinta ni Nanang Brenda.
Ngumiti siya. "She's right. Siya na lang ang maghugas tutal trabaho naman niya 'yan," aniya na inabot ang sponge sa matanda. Pero muli rin 'yun ibinalik sa kaniya ni Azi.
"Are you really serious? Ako paghuhugasin mo ng plato? Ano pa ang silbi ng matandang ito kung panunuorin lang niya ako?!" sikmat niya rito.
Galit na hinawakan ni Fabio ang braso niya. "Hindi katulong si Nanang Brenda rito. Halos Pangalawang magulang ko na siya. So, you better respect her!"
Inis na binawi niya ang braso mula rito. "How can I respect someone..." saglit niyang tinapunan ng tingin ang matanda. "who is lower than mine," aniya. Kung pang-iinsulto man 'yun ay wala na siyang pakialam.
Dinuro siya nito. "Watch your mouth, woman! Baka gusto mong ipamukha ko ulit sa'yo kung anong klaseng lalaki ang napangasawa mo! You're not here as Ava Ventura or a CEO. You're here as my wife, as Ava Devera. Ginusto mo ito kaya panindigan mo!" tiim ang bagang sabi nito na nagpatigil sa kaniya.
"Ituro niyo sa kanya ang lahat ng dapat niyang matutunan, Nanang. Kapag nagreklamo palayasin mo," sabi ni Azi kay Nanang Brenda bago ito tuluyang umalis.
Ngayon pa lang nagsisi na si Ava kung bakit ang katulad ni Azi ang nahalikan niya ng gabing 'yun. Bakit kasi naisipan niya pang gawin ang paghalik sa lalaki? Kung mas pinagana lang sana niya ang isip hindi sana siya nahihirapan ngayon. Hindi sana niya kailangan na aralin ang mga pesteng mga gawin na ito!
Napapiksi siya nang mabasag ang baso sa lababo. Ikalimang baso na niya itong nababasag.
"Mabuti pang ako na lang ang tatapos, baka maubusan pa tayo ng baso," presinta ni Nanang Brenda na nakatunghay lang sa kaniya mula pa kanina.
"Good idea," aniya na umalis sa harap ng lababo at pagod na naupo sa upuan.
"Alam mo, kapag nasanay na ang katawan mo sa gawaing bahay hahanap-hanapin mo na ito," anito na inumpisahan nang maghugas.
She rolled her eyes. "As if. I have no plans to be Azi's wife for life. Hindi ko ito gagawin kung hindi lang kailangan."
"Bakit nga ba si Azi ang napili mo kung alam mo sa umpisa pa lang na mahirap siya?" usisa nito.
"It's not my intention. Isa pa, wala kasi sa itsura niya na isa lang siyang haciendero," saglit siya nitong nilingon bago muling tinuloy ang ginagawa.
"Mabait na tao si Azi, hija," maya'y sabi nito. "Mahal siya ng mga tao rito sa baryo namin."
She snorted. "Hindi halata."
Umiling-iling ito. "Bueno. Tuturuan na lang kitang magluto."
Napakunot noo siya. "Cook? You want me to cook? Are you kidding me? Maghugas nga ng plato hindi ako marunong, paglulutuin mo pa ako?"
Matapos nitong mabanlawan ang baso ay pumihit ito paharap sa kaniya. "Madali lang ang magluto. Kasabihan nga... The best way to a man's heart is through his stomach."
Nangiwi siya. "I'm a wife not a muchacha! Kung taga pagluto ang hanap niya, I can hire the best chef to cook for him."
"'Yun ba ang pagkakaalam mo sa pag-asawa?"
Saglit siya natigilan. Sa totoo lang wala siyang alam sa bagay na 'yun dahil lumaki siyang wala ng ina. Bukod dun ay wala naman ibang tinuro ang ama niya sa kaniya kundi ang pagpapatakbo ng kumpanya.
Isa pa hindi naman na niya dapat pang aralin ang tungkol sa ganu'ng gawain dahil hindi rin naman siya magtatagal dito. Hindi na lang siya sumagot para hindi na humaba pa ang usapan nila tungkol doon.
Pumunta ito sa refrigerator at naglabas ng isda sa freezer. "Sinigang na isda ang lulutuin natin. Isa ito sa paborito ni Azi. Halika, tuturuan kita maglinis."
Tumayo siya at lumapit dito kahit na ayaw niya. Napatakip siya sa ilong nang malanghap niya ang masangsang niyong amoy. "Eeew! Smells bad!"
Tumawa ito ng pagak. "Sa una lang iyan, Hija. Kapag nalinisan mo na mawawala na ang amoy. Ganito ang paglilinis ng isda. Una kakaliskisan mo," anito na kiniskis ng kutsilto sa buong katawan ng isda hanggang sa kabilang bahagi nito.
"Sunod, tatanggalin ang hasang." napangiwi siya nang hiwain nito ang bandang ulo ng isda at may dinukot na kung ano doon.
"Ikaw naman. Subukan mo." iniabot nito sa kaniya ang kutsilyo.
"I can't do that," tanggi niya.
"Kaya mo 'yan, madali lang. Ano ang sabi sa'yo ni Azi?"
Nagbuga siya ng hangin. Inis na kinuha niya ang kutsilyo mula sa kamay nito. Tulad ng ginawa nito, ang una niyang ginawa ay kiniskis niya ng kutsilyo ang buong katawan ng isda na halos mabitaw-bitawan niya. Ang mga hasang ni'yun ay nagtalsikan sa kanya.
"Oh my gosh!"
Tumawa ito. "Tama naman iyang ginagawa mo, Hija."
Inis na nilingon niya ito. "Stop laughing! Nakakadiri kaya!"
Nagpatuloy sa pagtawa ang matanda. "Para ka namang bata. Isunod mo na 'yung hasang."
Sunod niyang ginawa ang pangalawang beses nitong tinuro. Hiniwa niya ang isda sa bandang ulo at isinuksok niya ang kutsilyo sa loob at sinungkit ang hasang doon. Pero imbis na mailabas niya 'yun ay tumalsik ang isda.
"Oh my gosh!"
Nagpatuloy sa pagtawa si Nanang Brenda na pinulot nito ang isa at ito na ang nagtuloy. "Hindi ba hindi naman mahirap maglinis ng isda?"
Pero imbis na mainis siya ay napatawa na rin siya. Gusto niyang magalit sa matanda pero hindi niya akalain na nakaka-enjoy rin pala yung magkaroon ng experience sa mga ganitong bagay.
"I'm proud to say that I can clean a fish na," aniya na bilib na bilib sa sarili kahit wala pa naman siya napapatunayan.
"Sunod naman ay ituturo ko sa'yo ang pagluto ng sinigang na isda. Kung sa paglilinis ng isda eh nag-enjoy ka, malamang mag-eenjoy ka rin sa pagluluto," sabi nito.
"Who told you that I enjoying cleaning a fish?" kunot noong tanong niya.
"Ewan ko sa'yong bata ka," iling-iling nitong sabi habang nakangiti. Halatang hindi kumbinsido sa sinabi niya.
"Mabuti pang magluto na tayo dahil mamaya-maya ay darating na si Azi para mananghalian."
"TAMA na ba ang asim, Hija?" naabutan ni Azi na tanong ni Nanang Brenda kay Ava na siyang tumitikim sa sinigang na niluluto ng mga ito.
"It's perfect, Nanang!" nahimigan niya ang saya sa boses ni Ava.
Sumandal siya sa hanay ng pinto. Dahil nakatalikod si Ava ay malaya niyang napagmamasdan ang kabuohan nito. Maputi ang kutis nito at may balingkinitang pangangatawan. Seksi ito sa suot nitong mini skirt at off shoulder blouse.
"Nandyan ka na pala, Hijo." si Nanang Brenda abg unang nakapansin sa kaniya.
Lumingon si Ava sa gawi niya. Lihim siyang nailing nang ismiran siya nito.
"Tamang-tama kakaluto lang ng ulam. Halika na tikman mo na itong luto ng asawa mo," anyaya ng matanda sa kaniya.
Asawa mo... Gusto sana niyang matawa, pero tila kay sarap sa pandinig niya ang sinabi ni Nanang Brenda. Sino ba naman ang mag-aakala, ang isang Ava Ventura ang napangasawa niya?
Humakbang siya palapit sa mga ito at naupo sa sentro ng lamesa. "Talaga bang siya ang nagluto ng ulam, Nanang?"
Naupo na si Ava sa tabi niya at inihain na rin ni Nanang Brenda ang ulam.
"Tell him, Nanang, that I'm the one who cleaned the fish," si Ava na pinagmamalaki ang ginawa na para bang isa na 'yung achievement para rito.
"Ay! Oo, hijo, siya rin ang naglinis ng ibang isda," si Nanang Brenda.
"Masarap kaya ito?"
"Why don't you taste it?" inis na utos ni Ava sa kaniya.
Kinuha niya ang kutsara at sumandok ng sabaw at pagkatapos ay tinikman ang niluto nitong sinigang na isda. Napatango-tango siya nang malasahan iyun. Hindi niya itatanggi na masarap nga.
Tumaas ang isang kilay ni Ava. "I told you, there's nothing Ava Ventura can't do." bahagya itong dumukwang at mapang-asar na binigyan siya nito ng ngiti.
"Enjoy the food, Asawa ko," may pang-inis nitong sabi.