Chapter Five

2017 Words
"BANGON na." kurap-kurap na bumangon si Ava mula sa pagkakahiga at inis na nilingon si Azi na hinawi pabukas ang kurtina, kaya pumasok sa loob ng kwarto ang katamtamang init ng sinag ng araw. "Ugali mo ba talaga 'yan ang mang-istorbo ng tulog? Hindi mo ba nakikita na natutulog pa 'yung tao!" Inis na muli siyang nahiga at nagtalukbong sa kumot. "Sorry for disturbing your beautiful sleep, Kamahalan. Pero oras na para bumangon," anito na hinila ang kumot paalis sa kaniyang katawan. Inis na muli siyang bumangon. "Hindi ba pwedeng magpahinga? Sumakit ang katawan ko kakalinis kahapon!" "Pinapaalala ko lang sa'yo na may asawa ka ng tao, kaya obligasyon mo na gawan ng umagahan ang asawa mo bago siya pumasok sa trabaho." Tiningnan niya ito ng masama. "Wala ka bang kamay para ikaw na lang ang magpakain sa sarili mo? Hindi ka naman siguro baldalo diba? And besides, Nanang Brenda is there, siya na lang ang utusan mo!" Wala bang pakundangan ang lalaking ito? Hindi ba siya pwede magpahinga kahit isang araw lang? Noong isang araw pinaghugas, pinaglinis ng isda at pinagluto ng tanghalian at hapunan. Ngayon gusto naman nitong hainan niya ito ng umagahan?! "Dalian mo na, kailangan maaga ako makarating sa ubasan," anito na humakbang na palabas ng kwarto. Nang lumapat na pasara ang pinto ay inis niyang ibinato ang unan doon. "Aarrgh! Bwisit! Nagsisisi akong ikaw ang hinalikan ko ng gabing 'yun! Sana ibang lalaki na lang ang hinalikan ko at hindi ikaw! Get lost! Go to hell!" sigaw niya. Wala siyang pakialam kung marinig man 'yun ni Azi, basta galit siya rito. Inis siyang umalis sa kama at mabilis na naligo. INILUWA ni Azi ang kinakaing itlog nang simulan niyang kainin ang may sunog-sunog na niluto niyang umagahan para rito. "Gusto mo ba akong patayin sa sobrang alat nito?" kunot ang noong tanong nito. Tinaasan niya ito ng kilay. "Hindi mo tinuro sa'kin kung gaano karami ang asin na dapat kong ilagay," patay malisya niyang sabi kahit sinadya niya talagang damihan ang asin. Hinilamos ni Azi ang sarili nitong mukha. "Jesus! Common sense naman, Ava. Alam mong maalat ang asin, hindi ko na kailangan pa na ituro sayo 'yan." "You knew that I can't cook. Sana ikaw na lang ang nagluto! Ikaw na nga itong nilutuan, ikaw pa nagrereklamo!" singhal niya rito. Gusto niyang matawa sa naging reaksyon nito, pero pinigilan lang niya. Hindi niya alam kung bakit gustong gusto niya makita itong naiinis. "Tumigil na nga kayong dalawa, kay aga-aga sigawan ninyo ang naririnig," saway ni Nanang Brenda. Inilapag nito sa lamesa ang bagong lutong itlog at ham. "Ako na lang ang magluto nang matigil na kayo," Ava rolled her eyes. "Salamat naman." aniya na tinalikuran na ang mga ito. "Saan ka pupunta?" tanong ni Azi na nagpahinto sa paglakad niya. Taas ang kilay na nilingon niya iti. "Sa kwarto ko. May kailangan din akong gawin, baka nakakalimutan mo na ang asawa mo ay may ari ng kumpaniya? Hindi ba pwede?" Nginisian siya nito. "Hindi naman. Lalabhan mo ngayon ang mga damit ko," anito na nagpatigil sa kaniya. "W-what? Ako ipaglalaba mo? Are you out of your mind? I'm not your made, Azi Devera!" she hissed. "Ipapamukha mo sa'kin na ginusto ko ito? Oo ginusto ko ito! But may I remind you, Mr. Devera, binayaran kita kapalit  ng pagpapakasal mo sa'kin, kaya wala kang karapatan na pahirapan mo ako ng ganito!" sikmat niya rito at pagkatapos ay tuluyan na siyang umakyat sa kaniyang kwarto. "Usto met diay asawam, Azi," Tama naman ang asawa mo, Azi, sabi ni Nanang Brenda sa kaniya mula sa pananahimik. "Tandaan mo nagmula sa mayamang pamilya si Ava at bago sa kanya ang lahat ng meron dito, pero nakikita ko naman na gusto rin niyang matuto kahit na panay reklamo siya at natutuwa siya kapag nagagawa niya ang pinagagawa ko sa kanya," sabi pa nito. Hindi nakaimik si Azi sa sinabi nito dahil alam din niya sa sarili na may mali siya at sumobra ang pinapagawa niya rito lalo pa't alam niya na nagmula ito sa mayamang angkan. Hindi rin lingid sa kaalaman niya na bayad ang pagpapakasal nito sa kaniya kaya alam niyang wala siyang karapatan na ipagawa rito ang gawain ng isang asawa. "Pupunta na ho ako sa ubasan, Nanang," aniya na tumayo na. "Kayo na ho ang bahala sa kaniya." "Sige, mag-iingat ka." Nagbuga siya ng hangin. "Hayaan niyo na lang siguro siya makapagpahinga," 'Yun lang at umalis na siya. "BALITA? Nakahanap ka na ba na pwedeng ikasira ni Dalton?" tanong ni Ava sa private investigator niya mula sa kabilang linya. Tinawagan niya ito kasi kating-kati na siyang maipakalat ang makukuhang information na makakasira rito. Kay Daniella meron ang hinihintay na lang niya ay kay Dalton. Sabay niyang ilalabas ang kasiraan ng dalawa. "Wala pa ho, Ma'am," mabilis nitong sagot. Sinapo niya ang noo na pinipigilang pangunahan ng galit. "It's almost a week, Anton, pero wala ka pa rin nakukuha?!" singhal niya rito na hindi rin napigilan ang galit. Naiinis na rin talaga siya dahil hanggang ngayon hindi pa niya nagagawang dumihan ang pangalan nila Daniella at Dalton. "Do you still need this job? If not, I can find a new one better than you!" "I'm sorry, Ma'am. Bigyan ninyo pa ho ako ng ilang araw pa," anito. "Three days. I'll give you three days. Kapag wala ka pa rin nakukuha, I'm sorry to say this, but you are fired!" pagtatapos niya sa usapan at inis na binato ang cellphone sa ibabaw ng kama. Ilang beses siyang humugot at nagbuga ng hangin habang nagpalakad-lakad sa loob ng kwarto para pakalmahin ang sarili. Kapag nagawa na niyang dungisin ang pangalan ng dalawa sa loob ng isang buwan ay magpa-file na siya ng annulment kay Azi. Hindi na niya kayang magtagal pa at mag tiis sa lugar na ito. Nang kumalma na siya ay tsaka niya hinarap ang laptop at binasa ang email na sinend sa kanya ni Camilla. Ibinuro niya ang sarili sa pagtatrabaho, hindi na niya namalayan pa ang oras. Katok sa pinto ang nagpatigil sa ginagawa niya. "Come in," aniya. "Dinala ko na ang tanghalian mo dahil masyado ka ng nalipasan ng gutom," si Nanang Brenda. Pumasok ito sa kwarto at inilapag sa gilid ng lamesa ang pagkaing dala nito. "What time is it?" kunot noong tanong niya habang wala pa rin tigil sa pagtipa ang mga daliri niya sa keypad ng laptop. "Ala-una na. Kaaalis lang din ng asawa mo pabalik sa ubasan. Hindi ka na niya pinaistorbo sa'kin at hayaan ka na raw kitang gawin ang gusto mo," anito na ikinatigil niya. Salamat naman at tinantanan na siya ng lalaking iyon. Mukha atang tinamaan sa mga sinabi niya kanina. Dapat pala ipinapamukha niya sa lalaki ang dahilan kung bakit siya naririto ngayon sa bulok-bulok nitong bahay. Plastik niyang nginitian ang matanda. "Sige ho, Nanang, tapusin ko lang ho ito." "Sige, kainin mo na bago pa lumamig," anito na humakbang na palabas ng kwarto. YUGYOG sa balikat ang gumising kay Ava. Kurap-kurap ang mga matang nagmulat siya ng mga mata at ang natatakpang mga mata ni Azi ang bumungad sa kanya. Nagpupungas na umayos siya sa pagkakaupo. Nakatulugan pala niya ang pagtatrabaho kanina na kahit kailan ay hindi pa nangyayari sa kaniya. "Nakatulog pala ako?" paos niyang tanong. "Mukha nga, ni hindi mo ginalaw ang tanghaliang dinala sa'yo ni Nanang Brenda kanina," nahimigan niya ang pagkainis sa boses nito. "Anong oras na ba?" aniya na tumingin sa bintana at nakita niyang madilim na sa labas. "Alas-nueve na ng gabi. Hindi ka magawang gisingin ni Nanang dahil mahimbing daw ng tulog mo," tiningnan nito ang laptop niya. "Ayos lang na magbabad ka sa trabaho pero importante pa rin ang kalusugan mo," inis na sabi nito. Kunot ang noong muli niya itong tiningala. Bagong paligo ito at nalalanghap niya ang sabong gamit nito. Nakalugay rin ang may pagkakulot nitong buhok na hanggang balikat ang haba. Tanging manipis na sando at jagger ang suot nito, pero hindi niya mawari kung bakit ang lakas pa rin ng dating ng lalaking ito sa kanya. Tumikhim siya at mabilis na umiwas ng tingin dito. "Thanks for your concerned, but I can handle my self." He tsked. "Huwag mo akong daanin sa ganyan. Tumayo ka na riyan at sumunod ka sa'kin." anito na humakbang palabas ng kwarto. "I'm fine—," "Bilisan mo na, kung ayaw mong kaladkarin kita palabas sa kwartong ito," anito. Nagbuga siya ng hangin at walang nagawa kundi ang sumunod dito. Pagkababa niya sa kusina ay nasa harap na ng stove si Azi. "Lumamig na itong nilaga kaya ininit ko na lang ulit," anito na kumuha ng mangkok at nagsalin doon ng ulam. "Where's Nanang Brenda?" "Umuwi na," mabilis nitong sagot. Nangunot ang noo niya. Hindi ba rito nakatira ang matandang 'yun? "Umuwi? What do you mean umuwi?" naguguluhan niyang tanong at naupo. "Umuwi muna siya sa anak niya sa kabilang bayan dahil nanganak ang bunsong anak niya. Kailangan ng makakasama at makakatulong kaya doon muna siya pansamantala." Inilapag nito ang mangkok na may lamang ulam at plato na may lamang kanin sa harap niya at pagkatapos ay naupo ito sa kaharap niyang upuan. "Kumain ka na." Naiilang na inumpisahan na niya ang pagkain. Naiilang siya dahil hindi siya sanay na binabantayan siya sa pagkain. Sa katunayan palagi siyang kumakain ng mag-isa sa mahabang lamesa, kaya naiilang talaga siya ngayon. "Bukas, kung gusto mo sa labas tayo kumain," maya'y sabi nito. Natigil sa ere ang kutsarang isusubo niya dahil sa sinabi nito. "Why?" kunot ang noong tanong niya. "Ayaw mo bang ipasyal kita rito sa Sariedo?" Bahagyang nakaramdam ng saya si Ava. "Dadalhin mo ako sa mall at ipagsa-shopping?" "Mall? Shopping?" tumawa ng pagak si Azi. "Wala akong pera para ipagshopping ka, Ava." She rolled her eyes. "Kung ipapasyal mo rin lang ako sa bukirin mo, never mind. Magkaka-rushes pa balat ko." Umiling-iling ito. "Ayan ang hirap sa inyong mayayaman walang ibang laman ang utak ninyo kundi magwaldas ng pera sa mga mamahaling bagay." Tinaasan niya ito ng kilay. "Kaya ka ganyan kasi wala kang pambili," pabalang niyang sagot. "Hindi sa walang pambili. Masaya na ako kahit sa simpleng gamit lang na meron ako. Imbis na iwaldas mo ang pera mo sa mamahaling gamit, bakit hindi mo ibigay sa mas nanganagilangan?" "I'm not a charity, Azi. Hindi ako nagpapakahirap at nagpapakasubsob sa trabaho para lang ipamigay sa mga patay gutom." Tumawa ng pagak si Azi at patuya siya nitong tinitigan. Pero kahit na hindi niya masyadong nakikita ang mga mata nito ay alam niyang hindi ito sa mga mata niya nakatingin. Noon pa niya napapansin, bakit palaging ilag ang mga mata nito na titigan siya? "Kung minsan gusto kong maawa sa'yo, Ava dahil hindi mo alam kung ano talaga ang kahalagahan ng buhay. Oo may pera ka nga pero hindi ka naman masaya." Natigilan siya sa sinabi nito, pero hindi niya pinahalata na naapektuhan siya. "Who told you I'm not happy?" "Kung masaya ka, hindi mapupuno ng galit ang puso mo, hindi mo gugustohin na maghiganti at magpakasal sa'kin para lang sa reputasyon mo." Hindi siya naka-imik sa sinabi nito dahil alam niya sa sarili na may tama ito. But this is not her. Hindi niya hinahayaan na pangaralan siya ng iba o pinangungunahan siya. Pero hindi niya alam kung anong meron ang lalaking ito na nagagawa siyang patiklopin. Binitawan niya ang mga kubyertos. "Kung makapagsalita ka parang kilalang kilala mo na ako, Mr. Devera. Kilala mo lang ako sa kung ano ang mga naririnig mo at nakikita mo pero hindi ang buo kong pagkatao, kaya wag kang magsalita na para bang kilalang-kilala mo na ako." Sandaling nanahimik si Azi bago ito nagpakawala ng isang buntong hininga at pagkakuway ay tumayo na ito. "Pagkatapos mong kumain hugasan mo ang nga pinagkainan mo. 'Yung ulam ilagay mo sa refrigerator. Mauuna na akong matulog." anito na humakbang palabas ng komedor. Inis na nagpakawala siya ng hangin at binilisan na lang niya ang pagkain. Pagkatapos ay hinugasan na niya ang mga pinagkainan niya at pumanhik na rin pabalik sa kwarto para ituloy ang naudlot na pamamahinga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD