CHAPTER THREE

2755 Words
PINAGMASDAN ni Ava ang isang lumang bahay na nasa kanyang harapan ngayon. Hindi iyon kalakihan pero hindi rin naman kaliitan. Masasabi niyang maganda ang bahay nito ngunit napaglumaan na ng panahon. Hindi niya lang ine-expect na ganito ang tirahan ni Azi. “He looks expensive,” aniya sa sarili. “Well, looks can be deceiving.” Ayon sa private investigator niya pagmamay-ari nito ang Hacienda Isabella at may sarili itong vineyard na siyang pinagkakakitaan nito. Napag-alaman din niya na kasalukuyang nakasanla sa bangko ang nasabing hacienda. Syempre hindi pwedeng pupunta siya rito na walang baong bala. Sisiguraduhin niyang mapapapayag niya ito sa gusto niya. Ginabi na nga siya sa byahe, hindi niya akalain na may kalayuan pala ang lugar nito. Buntong hiningang bumaba siya ng sasakyan at kumatok sa maliit na tarangkahan. Ilang sandali lang ay bumukas iyon at bumungad sa kaniya ang isang may katandaan ng babae. "Sino sila?" "Hi, I'm looking for Azi Devera." "Si Azi?" kunot noong tanong nito. "Where is he?" "Nasa taniman ng ubas pero pabalik na rin iyon. Tuloy ka," anito na nilakihan ang pagkakabukas ng pintong bakal para makapasok siya. Hindi niya mapigilang ilibot ang tingin sa kabuohan ng bahay nang makapasok na siya. Kahit may kalumaan na ang bahay ay malinis ito at halata rin na pinaglipasan na ito ng panahon, pero ang lubos na nakapukaw sa pansin ni Ava ay ang grand piano na nakapwesto sa gilid ng hagdanan. "Maupo ka," sabi nito na agad niyang ginawa. Mahaba rin ang byahe kaya napagod din siya. Maaari siyang magpamaneho sa driver niya pero mas pinili niya na siya na lang ang umalis mag-isa. "Kaibigan ka ba ni Azi mula sa Manila, Hija?" maya'y tanong nito. "Yeah," walang ganang sagot niya. "Ano pala ang pangalan mo?" tanong pa nito. "Ava," mabilis niyang sagot. "Sandali at ikukuha kita ng maiinom." "No, thanks," agap niya sa akma nitong pag-alis. "Kaano-ano kayo ni Azi?" usisa na lang niya. Hindi naman niya pinaimbestigahan kay Anton ang mga taong konektado kay Azi. Ang importante lang sa kaniya ay ang mapapayag ito sa plano niya. "Simula pagkabata ako na ang nag-alaga sa kanya," sagot nito. "Ahh, yaya niya kayo?" Tipid itong ngumiti. "Parang ganu'n na nga." "Nasaan ho ang mga magulang ni Azi?" muling usisa pa niya. "Why you want to know?" Sabay silang napabaling ng matandang babae sa pinto. Azi is there standing in the doorway. Ibang iba ang itsura nito noong gabing nakilala niya ito sa wine fair. Nakalugay ang buhok nito na hanggang balikat ang haba na bahagyang natatakpan ang mga mata nito. Nakasuot ito ng plain brown polo na bukas ang apat na botones kaya lantad sa mga mata niya ang matitipuno nitong dibdib. Isang kupasing pantalon at brown na boots naman ang suot nito pang-ibaba. Para sa kanya baduy ang ganitong pananamit, pero nababagay iyon kay Azi at hindi man lang nabawasan ang kagwapuhan nito. Tumayo siya at matamis itong nginitian. "Good evening, Azi." "Ako na ho ang bahala rito, Nanang," sabi ni Azi sa matandang babae na agad din namang umalis. "Anong ginagawa mo rito?" malamig ang boses nitong tanong sa kaniya. "I'm here to talk to you, Azi. Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. I’m here because of what happened in the wine fair… "Because of what you did." Putol nito sa iba pa niyang sasabihin. Tumaas ang isang kilay niya. "Okay, dahil sa ginawa kong paghalik sayo," pagtatama niya. "Kumalat ang litrato sa mga newspaper o kung saan pa man at inakala nila na ako ang long-time secret boyfriend mo?" Pagtatapos nito sa dapat niyang sasabihin. "Ganu'n na nga." Pinag-ekis ni Azi ang mga braso sa tapat ng dibdib nito. "Bakit mo nga ba ako hinalikan ng gabing 'yun, Miss Ventura?" Sandali siyang natahimik at napalunok. `Yun ang unang beses na gumawa siya ng kahihiyan. Kung buhay lang ang ama niya ngayon tiyak nasampal na siya nito ng wala sa oras. "Dahil ba sa ex-boyfriend mo?" muling tanong ni Azi na bahagyang tumaas ang sulok ng labi nito. Kahit nakakaramdam siya ng hiya ay taas noo pa rin niya itong tiningnan. "Ganu'n na nga," Tumaas ang isang kilay nito. "Kaya ngayon ako ang pepestehin mo? You're here because you wanted me to pretend as your fiancé ganu'n ba?" "Exactly," mabilis niyang sagot dahil `yun naman talaga ang ipinunta niya rito. "I will not let my name to be ruined. I won’t let my ex and that b*tch ruin my reputation. Kaya handa kitang bayaran kahit na magkano pumayag ka lang na maging fiancé ko." Puno ng pang-uuyam na tumawa ito. "Alam mo, nakakaawa ka." "Excuse me?" "I never used money for my own benefit, and I will never use someone just to save my reputation," anito na nakangisi. “Hindi lahat ay nabibili ng pera, Miss Ventura.” "Are you mocking me?" "Kung `yun ang sa tingin mo, then yes." "How dare you!" Wala pang tao ang nakagawa sa kaniya ng ganito. Walang sinoman ang pwede siyang insultuhin at ipahiya. Tumaas ang sulok ng labi nito."Wala akong sinabing mali, Miss Ventura. Wala kasing ibang importante sa'yo kundi ang reputasyon mo. You know, If you truly want to be respected, respect your self first. Kung wala ka nang sasabihin, bukas ang pintuan ng bahay ko para sa pag-alis mo." Sa kabila ng mga sinabi nito dapat umalis na siya sa harapan nito, pero she went still. Hindi basta sumusuko ang isang Ava Ventura. Nilibot niya nang tingin ang kabuohan ng bahay nito at muling ibinalik kay Azi. "Alright! Let me rephrase what I have said. I know that you owed the bank bigtime, and this house together with your hacienda will be slashed off in your possession, and I am here to help you. Pumayag ka lang sa gusto ko." Napa tiim-bagang si Azi. Tama si Marco, merong paraan ang babaeng ito na malaman ang gusto nitong malaman, kaya hindi imposible kung alam nito ang tungkol sa pagkakautang ng hacienda. Matalim niya itong tiningnan. "Akala mo ba madali mo akong mabibili sa ganyang paraan?" Ngumisi si Ava. "Ikaw na nga ang tinutulungan ayaw mo pa?" Humakbang siya palapit dito. "Ikaw na nga ang walang-wala, nagmamalaki ka pa?" Inayos niya ang nagulong kuwelyo ng kupasin nitong polo. "Ikaw rin, baka bukas bigla na lang mawala sa'yo ang pinakamamahal mong hacienda." Galit na hinaklit ni Azi ang braso ni Ava at hinila palapit sa kaniya. "Huwag mong subukang pakialaman ang Hacienda Isabella!" nagtatagis ang mga ngiping sabi niya rito. Tinapatan ni Ava ang matalim na tingin na ibinibigay sa kaniya ni Azi kahit nasasaktan na siya sa paraan ng paghawak nito sa braso niya. "I know that you know that I can do that. I can mess with your life, Mr. Devera." "Pinagbabantaan mo ba ako, Ms. Ventura?" "Wala sa vocabulary ko ang mambanta, kasi ginagawa ko `yun nang walang pasabi." Tumaas ang sulok ng labi ni Azi. Hindi siya natatakot sa babaeng ito, hindi niya gustong patulan ang gusto nito, pero naisip niya bakit ng aba hindi niya kagatin at gamitin ang babaeng ito para sa Hacienda? Sandali pa sila nagtagisan ng tingin bago niya pinakawalan ang braso nito.  "What the f*ck you want?" Lihim na napangiti si Ava dahil sa pagsukong iyon ni Azi. "Marry me." "What?!" nagulat si Azi sa sinabi ni Ava. Inaasahan lang niya na ang gusto nito ay magpanggap lang siya bilang fiancé nito. "Pakasalan mo ako, Azi, babayaran ko ang pagkakautang ng hacienda mo sa bangko," ulit niya. "Are you crazy? Handa kang magpakasal sa hindi mo kakilala huwag lang masira ang reputasyon mo?" "I don't need your opinion, all I want is to hear your answer, Azi. Yes or no? But let me remind you again, hindi ka man pumayag ngayon hindi ako titigil hanggang sa mapapayag kita kahit pa ang kapalit ay ang pagkuha ng hacienda mo mula sa'yo." Humakbang si Azi palapit sa kanya pagkuwa’y niyuko siya nito. Nahigit niya ang hininga dahil gahibla na lamang ang layo ng mukha nilang dalawa. "You don't know what you're doing, Woman. Pero dahil mapilit ka, Sige. I will marry you." "You made the right decision, Azi." Laking tuwa ni Ava nang pumayag si Azi, inilapit niya ang mukha rito at nginitian ito. “You made the right decision, Azi.” HINDI alam ni Azi kung bakit siya sumang-ayon sa alok na iyon ni Ava Ventura, pero sabi nga nila palay na ang lumalapit bakit hindi pa sunggaban? Parang may sariling desisyon din ang isip niya na basta na lang pumayag sa gusto nitong kasal. Hindi man niya gustong aminin, pero may kakaiba siyang naramdaman dito, iyon bang tinatawag na pangangailangan ng katawan. Magkakagamitan lang din naman kaya gagamitin din niya ito. Siya bilang asawa nito, habang si Ava babayaran ang pagkakautang ng Hacienda Isabella. Wala naman sigurong masama sa gagawin niya, isa pa ito naman mismo ang nag-alok ng bayad sa kaniya. Gagawin niya ito para sa hacienda, iyon lang at wala ng iba pa. Napatingin si Azi sa isang pirasong papel na inilapag ni Ava sa lamesa. Lumuwas siya ng Maynila para sa dokumentong dapat daw niyang pirmahan. "Sa tingin ko alam mo na kung ano ang tawag dyan," anito na naupo sa sentro ng mahabang lamesa na nasa loob ng opisina ni Ava. Siyempre hindi naman siya tanga para hindi alam na isa itong pre-nuptial agreement. Tumango siya at pagkakuwan ay basta na lang pinirmahan ang kontrata na hindi man lang niya binabasa. Para saan pa ba? Alam naman na niya kung ano ang nilalaman `nun. "Aren't you gonna read it first?" kunot noong tanong nito. Nagkibit balikat siya. "For what? I already know what it's all about. I'm not after your money, Ms. Ventura. `Yung ibabayad mo sa'kin para sa hacienda ay sapat na `yun." Umarko ang isa nitong kilay. "Hindi ka pala mahirap kausap. Bueno, kung wala na tayong problema, maaari na tayong mag-umpisa sa pagpapanggap," sabi ni Ava. Napatingin siya sa maliit na kahetang inilapag nito sa lamesa. Awtomatikong nangunot ang noo niya pagkakita sa nilalaman ng kahon. Isa `yung gintong singsing, isang wedding ring. Tumaas ang sulok ng labi niya. "Masyado mo naman ako iniinsulto, Ms. Ventura. Ikaw pa talaga bumili ng sing-sing nating dalawa." "Don't be, barya lang sakin `yan," anito na ikinailing niya. "Hindi na natin kailangan ng officiant, mayor o pari para maikasal. Just sign the paper and we’re all done," sabi pa nito habang pinipirmahan ang form. "Nagagawa nga naman ng pera," sarkastiko niyang sabi. Nang matapos nilang sagutan at pirmahan ang marriage contract form ay iniabot iyon ni Ava sa abogado nito at ibinigay naman sa kaniya ang kopya ng kontrata. "Congratulations! You're now Mr and Mrs. Devera," naka ngiting sabi ng abogado nito na kinamayan si Ava at pati siya. Hindi na siya magtataka kung maibabalita agad na ikinasal na ito. Siguradong dito na magbabago ang tahimik niyang mundo. "Kung ganoon, umuwi na tayo," aniya na tumayo na. Nangunot ang noo ni Ava "Uuwi tayo? Saan naman?" "Natural sa bahay ko, saan ba dapat?" "Bakit ako uuwi sa bahay mo? I have a mansion." "Baka nakakalimutan mo asawa na kita, kaya kung saan ako dapat nandoon ka rin." Hindi mapigilang matawa ni Ava sa sinabi niya. "Are you serious?" Seryoso niya itong tinitigan. "Paano mo mapapaniwala ang mga taong gusto mong paniwalain kung magkahiwalay tayo ng tirahan?" "B-but I can't leave my company..." anito. "Ikaw ang boss. You can leave the company whenever you want. Isa pa, ano ang silbi ng social media kung hindi mo gagamitin?" taas ang kilay na tanong niya. Hindi makapaniwalang bumuka ang bibig ni Ava. "Bakit ako ang mag aadjust? Pwedeng ikaw ang tumira sa bahay ko," suhestiyon nito. Mabilis siyang umiling. "Hindi ko pwedeng iwan ang vineyard, lalo pa ngayon na uso ang peste." "It's not a problem. Gamitin mo ang perang ipambabayad ko sayo. Kumuha ka ng tao na gagawa ng trabaho mo. Isa pa pwede mo naman pasyalan ang farm mo once in a week," giit nito. "Hindi ko pwedeng isaalang-alang ang farm ko para lang sa pekeng kasal na ito, Ava. Madali lang akong kausap, kung ayaw mo pwede na natin itong itigil ngayon pa lang," mariin niyang sabi. Galit itong tumayo. "Wala sa usapan natin ang ganyan!" "Saan ka makakakita ng mag-asawang hiwalay ng tirahan?" "Kaya nga ikaw ang pinapatira ko sa mansion ko!" "Simpleng lalaki lang ang napili mong pakasalan, Ava Ventura or should I say Mrs. Devera. Kaya mamumuhay tayo ayon sa katayuan ko," mariin niyang sabi. Sinapo nito ang  sentido. "I can't believe this... Bakit ako bababa para sa'yo?" Kumunot ang noo niya. "Bakit ka bababa para sa'kin? Dahil ikaw ang may gusto nito. Pinili mo na mangyari ito para lang takpan yang kahihiyan mo. Tulad ng sinabi ko, madali lang akong kausap. Kung ayaw mo itigil na lang natin ito," aniya na tinalikuran na ito. Pero alam niyang wala pang limang segundo ay pipigilan siya nito at papayag ito sa gusto niyang mangyari. 5…4…3…2… "Fine!" anito na nagpatigil sa paghakbang niya palabas sa opisina nito. Lihim siyang napangiti dahil napapayag niya ito. Ewan ba niya, gustong gusto niyang nakikita itong naiinis. "Just give me two days to settle everything," anito. Nilingon niya ito.  "No. Kailangan kong makabalik sa La Union bukas ng tanghali. Be ready, we will travel back to La Union tonight." "N-ngayong gabi na?!" "Yes my wife. Ngayong gabi na," pagtatapos niya sa usapan. "SINO yung lalaking nasa sala, Ava?" tanong sa kaniya ni Camilla habang pinapanood lang siya nito sa ginagawa niyang pag-iimpake. "Habang wala ako sa kompanya, ikaw muna ang bahala. Ikaw ang magiging mata ko, maliwanag?" aniya na imbis sagutin ang tanong nito. "Saan ka ba kasi pupunta?" naguguluhan nitong tanong. "Sandali lang akong mawawala. Pwede naman tayo mag-usap through video call." "Sandali nga," pinigilan siya nito sa ginagawa. "kung hindi ako nagkakamali. Siya iyong lalaking hinalikan mo sa wine fair, tama ba?" "Yes," mabilis niyang sagot. "Bakit siya nandito?" muling usisa nito. She rolled her eyes and sighed heavily. "Azi Devera is now my husband." Pagbibigay alam niya rito. Pinagkakatiwalaan niya ito kaya walang kaso sa kaniya kung sabihin niya rito ang lahat. "What?!" bulalas nito. "Talagang pinakasalan mo ang lalaking `yun? Ano na naman ba itong pinasok mo, Ava?!" "Hindi ko papasukin ito kung hindi ko kayang labasan. And besides, this is just a fake marriage and not permanent. Don't be so exaggerated!" "Kahit na! Paano kung pagsamantalahan ka ng lalaking `yun? You don't know him, Ava! Paano pala kung saang miyembro ng poncho pilato kabilang ang lalaking `yan?" She rolled her eyes again. "You know me, Camilla, hindi ako madaling mauto. Kailangan ko lang gawin ito para hindi ako masira sa mata ng ibang tao, lalong ayokong manalo sila Dalton sa laban na ito. Ngayon pa ba ako aatras kung alam kong mananalo ako?" Nag-aalalang nagbuga ito ng hangin. "Magiging maayos ka ba roon?" "Don't worry, I'll be fine. Thanks for your concerned, Camilla." Pero gusto nang pagsisishan ni Ava ang sinabi na magiging maayos siya sa bahay ni Azi nang makita niya ang kwartong gagamitin niya pagkarating nila sa bahay nito. Mas malaki pa ata ang banyo niya kay sa kwarto nito. "Wala bang ibang kwarto?" naka ngiwing tanong niya kay Azi. Inilapag nito ang maleta niya sa paanan ng kama. "Bakit? Maayos naman dito. Pinasigurado ko kay Nanang na malinisan ito hanggang sa pinakasulok-sulukan at bago ang kobre kama at punda ng unan." Mas lalo siyang nangiwi nang kapain niya ang kama. Walang-wala ito sa lambot ng kama niya. Mas malambot pa nga ata ang kama ng mga katulong niya sa mansion. "Hindi ako makakatulog ng ganito," reklamo niya. "P’wes, sanayin mo na," tila nauubusan ng pasensiyang sabi nito. Inis na nilingon niya ito. "Pumayag akong dito tumira sa bulok-bulok mong bahay pero wala kang karapatan para pahirapan ako ng ganito!" sikmat niya rito. Galit itong tumingin sa kaniya. "Paghihirap na agad para sa'yo ito? Mabuti ka nga may kamang matutulugan at may bubong na masisilungan, `yung iba nga dyan sa kalsada natutulog." Pinamaywangan niya ito. "I'm so sorry, Mr. Devera, sana maintindihan mo rin na hindi simpleng babae lang ang napangasawa mo. I'm rich, I'm Ava Ventura!" Tumaas ang sulok ng labi nito. "Not anymore. You are now married to me, you are now Mrs. Devera. So, whether you like it or not you will live the way I live." Humakbang ito palapit sa kaniya at hinawi ang ilang hibla ng buhok na tumatakip sa mukha niya. "Sleep well, my Wife." Isang nakakalokong ngiti ang binigay nito sa kaniya bago siya nito iniwang namumula.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD