Chapter Nineteen

1737 Words
PAGKARATING ni Azi sa building ng CCWC ay pumalakpak ang sekretarya niyang si Josh para kunin ang atensyon ng lahat ng mga empleyadong nandoon sa mga oras na iyon. Tumigil naman ang mga ito sa kani-kanilang usapan at lahat ay nasa kaniya ang tingin. "Good morning, everyone! Una sa lahat, gusto ko kayong pasalamatan sa kasipagan at walang sawa ninyong pagtatrabaho rito sa kumpanya. Pangalawa, binabati ko kayo dahil kung wala ang tulong ninyo ay hindi magiging number one ang CCWC sa winery industry. Tagumpay ng kumpanya ay tagumpay ninyo rin. Again, thank you and congratulations to all of us!" Malakas na nagpalakpan ang lahat ng empleyadong nandoon. "Hindi mangyayari ang lahat ng ito kung hindi dahil sa'yo, Azi," si Daniella na nasa kanyang tabi. "Tama ho si Ma'am Daniella, Sir Azi," sangayon naman ng isang empleyado. "Oo nga ho, Sir Azi," duet naman ng lahat. "Salamat sa inyong lahat," puno ng sayang sabi niya. "At dahil dyan...ililibre ko kayo ng lunch!" Masayang naghiyawan ang lahat. Ang iba ay nagtatalon pa sa sobrang saya. "Sana may paganito ulit, Sir kapag number one pa rin ang CCWC sa winery industry next month," sabi ng isang empleyado. "Bakit hindi?" Tanong niya. "Nga naman. We need to celebrate our victory," si Daniella. "Mabuti nga sir natalo ng CCWC ang SG," sabi naman ng isang empleyado. "Siguradong nag-uusok na ang ilong ng Ava Ventura na iyon!" sabat ng isa. "Nai-imagine ko na. Knowing Ava Ventura, daig pa ang bulkan kapag nag-alburoto," segunda ng isa. "She deserve that. Ngayon niya ilabas ang yabang niya. Ubod kasi ng sama ang ugali ng babaeng iyon." Sa sinabing iyon ng lalaking empleyado niya ay hindi napigilan na magpantig ang tainga niya. "She really a devil!" sabi pa nito. "Watch your mouth!" Dinuro niya ito. "Don't talk like that to my wife, Mr. Yano." Nagbulugan ang lahat dahil sa sinabi niyang iyon. Wala siyang pakialam kung ano ang sasabihin ng mga ito sa kaniya, basta `wag lang sila magsalita ng hindi maganda kay Ava. "Azi..." awat sa kaniya ni Daniella. "Lilinawin ko lang sa inyo na hindi ako umupo bilang CEO para makipagkumpitensya kay Ava Ventura o sa kahit na kanino. Ginawa ko ang bagong brand ay para sa kumpaniya, kaya labas dito si Ava Ventura o ang ibang kumpaniya," mariin niyang sabi. "Pasensya na ho, Sir," hinging paumanhin nito at nayuko. "Kung ganu'n, Sir Azi, totoo ho ang kumakalat na balita na asawa ninyo si Ava Ventura?" tanong ng isang babaeng empleyado. "Hindi ko naman itinanggi iyon," mabilis niyang sagot. "Ano naman ho ang napapabalitang hiwalay na kayo?" tanong naman ng isa pang empleyado. Nagbuntong-hininga siya. "Do I have to share my private life with you?" kunot ang noong tanong niya sa lahat. "Ang koneksyon na meron tayong lahat ay ang tungkol lang sa kumpanya. Nothing more, nothing less. Imbis na pagtuunan ninyo ng pansin ang buhay ko, sa kumpya ninyo na lang ibuhos. Don't interfere with my life if you don't want to lose your job." Iyon lang at tinalikuran na niya ang mga ito at sumakay na sa elevator papunta sa pribado niyang opisina. "What was that, Azi?" tanong sa kaniya ni Daniella pagkapasok nila sa opisina niya. "Tinama ko lang sila. Hindi ko sila tino-tolerate sa mali." "Pero sa tagal ng panahon na nagtatrabaho sila rito, nakatatak na sa isip nila na kalaban ng kumpanya natin ang kumpanya ni Ava Ventura!" "That's why I correcting them!" "Para saan? Ama mo nga kalaban ang tingin sa mga Devera!" "Puwes hindi ako si Dad!" he snapped. "Nagkakaganyan ka lang dahil sa ex-wife mo ang Ava na `yon! Mabuti pang tapusin mo na talaga ang ugnayan mo sa babaeng iyon! He's not good for you, Azi. Sisirain niya ang reputasyon mo!" "Excuse me?" Kinunotan niya ito ng noo. "Who are you to tell me that? Noong kasama ko si Ava, hindi ko naramdaman na nasira ang reputasyon ko, kaya wala kang karapatan na sabihin sa akin na sisirain lang ni Ava ang reputasyon ko!" "She's a b***h, Azi!" "Really? Coming from you who stole Ava's ex boyfriend?" Hindi na niya sana gustong sabihin pa iyon, pero sinagad nito ang pasensya niya. Wala itong karapatan na sabihin iyon kay Ava, dahil hindi nito lubusang kilala ang dating asawa. Saglit itong natigilan, pero kalaunan ay tumaas ang sulok ng labi nito. "Wala akong inagaw, Azi. Kasalanan ko ba kung si Dalton na mismo ang may ayaw kay Ava? Sinabi ni Dalton kung gaano karumi ang babaeng iyon, Azi at kung sinu-sinong lalaki na ang dumaan sa buhay niya—," Natawa siya na ikinatigil nito. "Anong nakakatawa sa mga sinabi ko?" "Ayan ang hirap sa inyo, naniniwala lang kayo sa mga sinasabi ng iba. I'm proud to say that I was her first kiss, first hug, first touch and first for everything. Mukhang ikaw ang pinaikot ni Dalton, Daniella." Nakita niya ang pagmula ng mukha nito dahil sa inis. Muli siyang nagbuntong-hininga at tinalikiran ito. "Let's not talk about this—," "I like you, Azi." Natigilan siya at kunot ang noong muli itong tiningnan. "What did you say?" "Gusto kita, gusto kita, gusto kita!" pulit-ulit nitong sabi sa kaniya. "Anong pinagsasasabi mo? Magpinsan tayo, Daniella—," "Alam mong hindi." "Daniella, kahit anong sabihin mo magpinsan pa rin tayo. Don't disappoint your parents just because you wanted me to be yours. Isa pa, mahal ko si Ava. At tulad ng sinabi ko, wala akong balak na makipaghiwalay ako sa kaniya." "Dahil ba sa nalaman mong buntis siya?" "Daniella—," "Noong hindi mo pa alam na buntis siya, wala ka ng balak na balikan pa siya!" "Daniella! Buntis o hindi, wala pa rin akong balak na baliwalain ang mga pinagsamahan naming dalawa!" Dinuro niya ito. "Stop meddling with my life! Stop now while I'm still good to you." Inis na pumadyak si Daniella at mabibigat ang mga paang humakbang ito palabas ng opisina niya. Buntong hiningang naupo siya sa swivel chair niya at hinilamos ang sariling mukha. Hindi niya inaakala na iba pala ang motibo ni Daniella sa kabaitan na ipinapakita nito sa kaniya. Hindi niya maitatanggi ang angkin nitong kagandahan, pero naliban sa pinsan ay wala siyang ibang nararamdaman na kahit ano para rito, dahil si Ava lang ang mahal niya. Isa lang din ang gusto niya iyon ay ang maayos ang sa kanila ni Ava at mabigyan ng buong pamilya ang magiging anak nila. KATOK sa pinto ang nagpaangat sa kaniya ng tingin. "Ma'am Ava, si Sir Azi po nasa line ulit, gusto niya raw ho kayo makausap," sabi ni Mona nang sumilip ito. "Tell him to go to hell!" "Opo, Ma'am Ava." Pagkalabas nito ay muli niyang tinuon ang sarili sa binabasang papeles. Pang-ilang beses ng tumatawag si Azi at talaga namang naiinis siya. Napatingin siya sa cellphone niyang nasa ibabaw ng lamesa ng mag-ring iyon. Unregistered number kaya kunot ang noong sinagot niya iyon. "Ava?" Mariin siyang napapikit nang marinig niya ang pamilyar na boses ni Azi. "Can we talk—," Pero bago pa nito matapos ang sasabihin ay mabilis niyang pinutol ang linya at inis na binalik sa lamesa ang cellphone. Muling nagring ang cellphone niya, pero agad niya iyong kinansela. Muli na naman nag-ring at muli na naman niyang kinansela. Ng akala niyang hindi na ulit ito tatawag ay nakahinga siya ng malalim, pero muling tumunog ang cellphone niya sa ikatlong pagkakataon kaya galit na sinagot na niya ang tawag nito. "I don't want to talk to you! Kung ayaw mong may mangyaring hindi maganda sa anak ko lalo hindi kita mapapatawad!" sigaw niya rito at mabilis na pinutol ang linya. "Sinong kaaway mo?" si Camilla na kapapasok lang sa opisina niya. Galit na nilapag niya sa lamesa ang celt. "Sino pa ba? Si Azi Imperial!" "Bakit hindi mo kausapin?" "Para ano pa? Wala na kaming dapat pag-usapan pa! Binigyan linaw ko na, na wala akong balak na ipananagutan sa kaniya ang anak ko, I can raise this child alone." Huminto ito sa harap ng lamesa niya at ibinaba sa lamesa ang pinabili niyang milk tea. "You look stress. Alam mong bawal kang ma-stress tulad ng sinabi ng doktor mo." Sinandal niya ang likuran sa backrest ng swivel chair. "Hindi maiwasan." "Bakit hindi ka muna magpahinga kahit one week lang? Magpunta tayo sa beach para mag-relax. Gagawin mo naman `yon para sa baby mo." "Saan naman?" Saglit itong nag-isip. "Bakit hindi tayo sa Siargao magpunta? Maraming magagandang island villas doon!" excited nitong sabi. Ngumuso siya. "Paano ang kumpanya? Sino ang titingin habang wala tayo?" "Hindi pa nga tayo nakakaalis namomoblema ka na agad? Isang linggo lang naman tayong mawawala. Maganda iyong pagkakataon para makapagpahinga ka." Nagbuga siya ng hangin. "You think so?" "Yes. Payag ka na ba?" tanong nito na malawak na nakangiti. "Okay. Humanap ka ng tahimik at magandang island villa." "Meron na akong nakita, sa Kalinaw resort. Marami ang nagsasabing sulit daw ang ibabayad mo, dahil sadyang maganda at payapa ang kapaligiran." Tinaasan niya ito ng kilay. "Bakit parang ikaw pa ang excited sa ating dalawa?" Mabilis na nawala ng pagkakangisi nito. "Hindi naman." Muli siyang nagbuntong-hininga. "Sige magbook ka para sa ating dalawa. Lilipad tayo papunta roon ngayong sabado." "Yes, Ma'am!" Anito na nagmamadaling lumabas sa opisina niya. Iling-iling na isinandal niya ang ulo sa headrest ng upuan at pinikit ang mga mata. Makakabuti nga siguro sa kaniya ang magbakasyon sa probinsya para makapag-relax naman sa sunod-sunod na stress na dumating sa kaniya. Samantala...pagkapasok naman ni Camilla sa pribado niyang opisina ay agad niyang tinawagan si Marco. "Babe," anito nang sagutin ang tawag niya. "Pumayag si Ava. This Saturday." "Okay, Babe. Sasabihin ko agad si Azi." "Okay." "Magkikita ba tayo tonight?" pag-iiba nito. "Hindi," mabilis naman niyang sagot. "Bakit hindi? I miss you." Hindi niya mapigilan ang kiligin. "Sa sabado na tayo magkita." "What? Ilang araw pa `yon! Mamimiss kita." Nakagat niya ang ibabang labi. Pansin ni Camilla habang tumatagal ay nagiging clingy ito sa kaniya. "Mamimiss din naman kita, pero marami pa kaso akong dapat na gawing trabaho. Babawi na lang ako sa Sabado." Sandaling hindi nagsalita sa kabilang linya. "Sa sabado talaga?" "Yep?" Narinig niya itong nagbuntong-hininga. "Okay." "Okay. Bye?" "Wala man lang I love you?" Muli na naman siyang kinilig. "I love you." "I love you, Babe. See you on Saturday." "See you," iyong lang at pinutol na niya ang linya. Hindi na siya makakapaghintay na makita ito sa darating na Sabado.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD