Chapter Eighteen

2070 Words
HUMIGPIT ang pagkakahawak ni Azi sa kopita ng maalala niya ang mga sinabi ni Ava sa kaniya kanina. Hindi niya ito masisisi kung ganu'n ang iisipin nito dahil siya na ang bagong CEO at higit sa lahat ay isa siyang Imperial. Alam niya na kahit anong paliwanag ang gawin niya ay hindi nito paniniwalaan. Marahas siyang nagbuntong-hininga kuway sumimsim ng wine. Kasalukuyan siyang nasa mini bar ng mansion ng kaniyang ama. Hindi naman talaga niya gustong tapusin ang relasyon na meron sila ni Ava noon, pero natatakot siya na masaktan niya ulit ito, kaya kahit mahirap sa kaniya ay nagdesisyon siyang makipaghiwalay dito. Being away with Ava is like hell. He loves Ava more than anyone else. Yes, he loves her so much. Their separation was very painful for him, but he had to do it to protect her from him. But the situation right now is different. She's pregnant with their child, at hindi niya iyon pwedeng isawalangbahala. Tinungga niya ang huling laman ng kopita niya at muling nagsalin. Tiningnan niya ang boteng hawak. Ito ang bagong brand ng CCWC na siya mismo ang gumawa at pinangalan niyang wild heiress. Inihambing niya ang timplada ng wine sa pagkatao ni Ava, bitter sweet. Hinaluan din niya ito ng wild fruit tulad ng mountain ash na hindi basta-basta mahahanap sa lokal na pamilihan. Ganu'n niya kung ilarawan si Ava. Matapang at hindi basta-bastang babae. Ang pagiging palaban nito ang nakakuha sa atensyon niya. Tipid siyang napangiti nang maalala ang una nilang pagkikita. "So, you're finally back?" Nabaling ang tingin niya kay Marco. Kumuha ito ng kopita sa lagayan kuway ay naupo ito sa katabing upuan. "Kanino mo nalaman?" Kunot ang noong tanong niya. "Seriously, tinanong mo talaga 'yan? Your name is everywhere, Bud." Inabot nito ang bote ng wine at nagsalin ito sa sarili nutong kopita, pagkakuwan ay agad itong sumimsim. "Hmm...this is good. Wala ka pa rin talagang kupas, Azi. Anyway, kumusta na ang Hacienda Isabella?" "Ligtas na ang hacienda sa pagkakasangla nito sa banko," sagot niya. "Dahil sa pera ni Ava?" Nangunot ang noo niya. "Sa pera ni Ava?" "Hindi ba inalok ka niya ng isang milyon kapalit ng pagpapakasal mo sa kaniya?" "I never use her money. Hindi ako interisado sa perang inalok niya sa akin." Nangunot noo nito. "Kung ganu'n bakit ka pumayag na pakasalan siya?" Nagkibit siya ng balikat. "Maybe I was just challenge by her attitude. She's really different from other women." Ngumisi ito at marahan na napailing. "Hindi ko akalain na nagbago na pala ang tipo mo sa babae. Wait! Don't tell me, you are in love with Ava?" "Yes, I'm in love with her. May problema ba roon?" kunot ang noong tanong niya. Saglit siya nitong tinitigan bago marahan na umiling. "Wala naman masama, nagulat lang ako." Marahas siyang muling nagpakawala ng isang malalim na buntong-hininga. "She's pregnant." "What? Who?" "Ava is pregnant with my child." Hindi makapaniwalang tinitigan siya nito. "Ohh! Congratulations?" Bahagya itong ngumiwi. "Sumugod siya sa kumpanya ng malaman niyang ako ang bagong CEO. Galit na galit siya sa akin at dahil doon ay muntikan ng mawala sa amin ang bata." Lumagok muna ito ng alak bago ito nagsalita. "Well, kahit man ako ang nasa posisyon niya ay magagalit din ako sa'yo. Syempre iniisip niya na tinago mo sa kaniya na isa kang Imperial tapos kaya ka pumayag sa kasal na inalok niya ay dahil mayroon kang ibang motibo." "Wala naman akong intensyon na ganu'n. Isa pa, wala naman akong pakialam sa alitan na meron ang mga kumpanya namin." "Pero hindi kay Ava Ventura. Sa pagkakakilala ko sa kaniya...pinalaki siya ng ama niya na may galit sa mga Imperial at itinatak na sa isip niya na mortal na kaaway ng mga Ventura ang mga Imperial. Kuhang-kuha ni Ava ang malabatong puso ng ama niya." "You are wrong. Kung inaakala ng lahat na kasing tigas ng bato ang puso ni Ava, dyan kayo nagkakamali." Umiling-iling ito. "Wala akong laban sa taong inlababo." Natatawa nitong tinapik-tapik ang balikat niya. "Matanong ko lang, tinanggap mo ang tulong na inalok sa'yo ng ama mo para maisalba sa banko ang hacienda?" Umiling siya. "Noong umalis na si Ava sa hacienda, siya mismo ang pumunta sa bahay para humingi ng tawad sa akin. He told me that the company needs me. My father has a cancer at hindi na siya magtatagal." Nagbuntong-hininga siya. "Matagal na rin ang galit na kinimkim ko sa puso ko para sa kaniya. Naisip ko na bakit hindi ko subukan magpatawad? Nakikita ko naman na sobra siyang nagsisisi sa nagawa niya noon sa aking ina." Muli siya nitong tinapik sa balikat. "Bilib ako sa'yo, dahil nagawa mong magpatawad kahit na mahirap para sa'yo na gawin iyon." Mapait siyang ngumiti. "Siguro hinihintay ko rin na siya mismo ang lumapit sa akin at humingi ng tawad. Pero nang makita ko siya ng araw na iyon, agad na lumambot ang puso ko dahil nakikita ko sa kaniya na nahihirapan na siya sa sakit niya." "Good for you, Bud. And what about Ava? Napag-usapan niyo ba ang tungkol sa bata?" Kunot ang noong nilingon niya ito. "Are you Aling Marites?" Nangunot ang noo nito. "Aling Marites? Me? I'm not f*cking Marites! My name is Marco and you know that." "Pero tanong ka ng tanong?" aniya na pinipigilang matawa. Lalong lumalim ang guhit nito sa noo. "Anong konek? Teka! Sino ba si Aling Marites?" Hindi na niya mapigilang matawa. "Trending 'yon sa sss, t*nga! Marites means Mare anong latest?" Natatawang naiiling ito. "Siraulo! Natanong ko lang baka meron akong maitulong." "Ano naman ang maitutulong mo?" tanong niya rito na hindi pa rin nawawalang ang mga ngiti niya sa labi. "Umh...if you don't know, me and Camilla has a secret relationship." Natigilan siya at hindi makapaniwala na napatingin dito. "May relasyon kayo ni Camilla? Kailan pa?" "Well, hindi ko alam kung kailan nagsimula. We started dating since last two months? Magulo rin. Ayaw niya ipaalam sa lahat na meron kaming relasyon." Umiling siya pero sa huli ay tinitigan niya ito nang may maisip siyang plano para makausap niya ng maayos at ng sarilinan si Ava. "May maitutulong ka. I have plan." Ngumiti ito. "Just tell me. I'm willing to help." KINABUKASAN ay maagang gumising si Azi para maghanda sa pagpasok. Medyo naninibago ang katawan niya dahil paper works na ang mga kinahaharap niya imbis na mga pananim niyang na ubas. Eksaktong tapos na siyang magbihis nang may kumatok sa pinto ng kwarto niya. Lumapit siya roon para pagbuksan ito. "Señorito, Azi, pinapatawag ho kayo ni Señor Mario sa kwarto niya. Gusto ka raw niya makausap," sabi ng personal nurse ng kaniyang ama. Tinanguan niya ito at agad na nagtungo sa kwarto ng kaniyang ama. "Gusto mo raw ako makausap?" aniya nang binuksan ang pinto at humakbang papasok. "Yes." Umayos ito sa pagkakaupo mula sa ibabaw ng kama. Naupo siya sa upuang nasa tabi ng king size bed nito. "About what?" "I want to know what is your plan?" "What do you mean?" Kunot-noong tanong niya. "I know what's going onabout you and Ava." Nagbuga ito ng hangin. "Noon pa man ay magkakumpitensya na ang Imperial at Ventura sa winery industry at palaging pangalawa ang kumpanya natin sa sa kumpanya nila. Actually I don't mine dahil ako naman ang nanalo sa puso ng iyong ina." Nangunot lalo ang kaniyang noo sa sinabi nito. Hinintay niya ang sunod pa nitong sasabihin. "Magkaibigan kami noon ni Franco. Actually he was my best friend. Sabay kaming nagtapos sa kulehiyo, ako bilang vintner at si Franco nagtapos sa kursong business administration. We planned to stablish a business, a winery business. Hanggang sa nakilala namin si Lilia, ang iyong ina. Hindi ko akalain na pareho kami ng babaeng minahal, but Lilia choose me. Doon nagalit si Franco, akala niya inagaw ko ang iyong ina kaya nagalit siya at nagtanim ng sama ng loob sa akin. Mula ni'yon ay nakikipagkumpitensya na siya sa akin sa lahat ng bagay. Si Ava? Kinuha niya sa babaeng nabuntisan lang nito at pinalaking matigas ang puso," mahaba nitong kwento. Hindi niya akalain na dati palang magkaibigan ang mga ama nila ni Ava. "Why are you telling me all of this?" "I'm telling you this to end the war between CCWC and Secret Garden. Tell me, Son, what do you feel for Ava?" "I love her," walang pasubaling sagot niya. Tipid na ngumiti ang kaniyang ama. "Then, win her back, Son. Ayokong magkaroon ng bastardong apo." Pagak niya itong nginitian. "Don't worry, hindi ko hahayaan na hindi maging isang Imperial ang una ninyong apo." Mapait itong ngumiti. "Sana, maabutan ko pa siya." "Maaabutan ninyo pa ang apo mo at maririnig mo pa ang pagtawag niya sa'yo ng lolo." "I don't think so. Hindi na ako magtatagal." "Don't say that." Nagbuntong-hininga ito. "Don't worry, tanggap ko na hindi na ako magtatagal. Huwag mong isipin na kaya ako lumapit sa'yo ay dahil sa sakit ko. You are my only son, Azi. Hindi ko man nasasabi sa'yo ito noon, pero mahal na mahal ko kayo ng mommy mo at hindi ako natatakot na mamatay dahil makakasama ko na rin sa wakas ang pinakamamahal kong si Lilia." Hinawakan siya nito sa kamay. "Don't be like me, Azi. Pilitin mong magkaroon ng buo at masayang pamilya. Huwag kang papatalo sa kundisyon na meron ka na kinatatakutan mo." Ipinatong niya ang isang kamay sa kamay nito g nakapatong sa kamay niya. "I will." "Always remember that I'm so proud of you, Son." "Thank you, Dad. And I'm sorry for everything that I have said to you." Mapait na muli itong ngumiti. "Let's just forget the past, Hijo and move on." Bahagyang dumiin ang pagkakahawak niya sa kamay nito. "I love you, Dad." Tumango-tango ito. "Win her back, okay?" "I will," puno ng determinasyong sagot niya. Sisiguraduhin niya na gagawin niya ang lahat para muli siyang mahalin ni Ava. UMANGAT ang tingin niya nang bumukas ang pinto ng opisina niya. "Get out of my way!" si Daniella na nagpupumilit na pumasok. "Hindi nga ho tumatanggap ng bisita si Ma'am Ava—, pasensya na po, Ma'am Ava, nagpumilit ho siyang pumasok," hinging paumanhin ng sekretarya niya. "Ako na ang bahala rito, Mona." Agad naman itong lumabas. "Anong kailangan mo?" mataray niyang tanong dito. Sexy itong naglakad palapit sa kaniya at namaywang. "I won't beat around the bush, Ava. Huwag mong gamitin ang bata para makuha mo lang ulit si Azi." Awtomatikong nangunot ang kaniyang noo. "Excuse me?" "Alam ko at nasisiguro ko na gagamitin mo ang bata na iyan para muling maiangat ang kumpanya mo." Tinuro nito ang impis niyang tyan. Natawa siya sa sinabi nito at marahan na umiling. "Why would I use my child just to be on top again? Alam natin pareho na kaya ko muling paangatin ang Secret Garden ng ako lang mag-isa." Umingos ito. "Then stay away with Azi!" Tinaasan niya ito ng kilay. "For your information, wala na akong pakialam kay Azi. Wala naman akong balak na ipakilala siya sa bata. Wait, why are you so affected?" "Because I like Azi." Naguguluhang tinitigan niya ito. Paanong gusto nito si Azi? Magpinsan ang mga ito. "Alam ko ang tumatakbo sa isip mo. Hindi talaga kami magpinsan ni Azi dahil inampon lang ako ng mga kinilala kong magulang. But, magiging ganap akong Imperial kapag naikasal na kami ni Azi." Nagbuga siya ng hangin at nginitian niya ito ng may pang-iinsulto. "Hindi ko akalain na mahilig ka pala sa tira-tira." "Excuse me?" "Noong una si Dalton at ngayon naman si Azi. Ganyan ka ba kadesperado para matalo mo lang ako? But I'm sorry to say that you are no match to me." "How dare you!" sigaw nito na susugurin siya. "Sige, may mangyari lang na masama sa baby ko I swear, you will rot in jail!" Laban niya Huminto ito bago pa man nito maabot ang buhok niya. Tila umuusok ang ilong nito sa sobrang inis. "I warned you, Ava. Stay away with Azi!" "You don't need to warn me. Isaksak mo siya sa baga mo! Leave!" Pagtataboy niya rito. Ismid na nilisan nito ang opisina niya. Pinakalma niya ang sarili bago tinawagan si Mona sa intercom. "Sabihan mo ang guard na wala siyang papalasukin kahit sino sa mga Imperial. Nagkakaintindihan ba tayo?" "Yes, Ma'am Ava." Isinandal niya ang likod sa backrest ng swivel chair niya at nagpakawala ng isang marahas na buntong-hininga. Sisiguraduhin niyang hindi na makakalapit pa sa kaniya si Azi Imperial.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD