Chapter Twenty

2006 Words
BAGO ANG pinaplano nilang bakasyon sa Siargao sa darating na sabado ay sinigurado muna ni Ava na matatapos niya ang lahat ng mga trabaho niya at ang interview sa Famous Magazine na kailangan niyang atenan dahil sa pinangakuan niya ang may-ari nito na magpapa-interview siya. Isang simpleng dress na kulay pink ang sinuot niya at plat shoes naman para sa kaniyang mga paa. Hinayaan lang din niyang nakalugay ang buhok niya para bumagay sa suot niyang dress. Pagkarating niya sa building ng FM, kasama si Mona ay agad siyang inasikaso ng empleyado at dinala sa kwarto kung saan siya i-interview-hin. "Dito niyo na lang po hintayin si Ma'am Clara, Ma'am Ava," anito sa kaniya. Bahagya niya itong nginitian. "Sure, no problem." "Ano po ang gusto ninyong kainin or inumin, Ma'am?" Mabilis siyang umiling. "I'm good. Itong si Mona na lang ang tanungin mo." "Hot chocolate na lang po," mabilis namang sagot ni Mona. "Okay." Tumango ito at lumabas na ng kwarto. Hindi naman nagtagal ay bumalik ito dala ang hot chocolate ni Mona at kasama na nito si Clara ang mag-i-interview sa kaniya. "Good morning, Miss Ventura or should I call you Mrs. Imperial?" anito na maupo sa kaharap niyang puan. Pilit niya itong nginitian. Nang sasagutin niya ito ay may kumatok sa pinto at dumungaw ang babaeng umasikaso sa kanila kanina. "Ma'am Clara, dumating na rin ho si Mr. Imperial. Wala ho si Ma'am Juliet ang naka-asign para sa pag-interview kay Mr. Imperial." Natigilan siya. Nandito rin si Azi sa building na ito para interview-hin? Kapag minamalas ka nga naman. "Ano ba naman itong si Juliet. Alam naman niyang may trabaho siya bakit hindi pa pumasok," nahimigan niya ang inis sa boses ni Clara. "Wala ibang pwedeng mag-interview sa kaniya?" "Iyong iba ho meron din po schedule ngayon at iyong iba ho lumabas dahil sa labas po naka-schedule ang interview nila, Ma'am. Kaya pinakisuyo ka po ni Ma'am Bernadette na ikaw po ang mag-interview kay Mr. Imperial." Nagbuntong-hininga si Clara kuway nilingon siya. "Ava, alam kong kalabisan ito, pero pwede bang sabay ko na kayong interview-hin ni Mr. Imperial?" Hindi agad siya nakapagsalita. May karapatan naman siyang hindi pumayag dahil ayaw din niyang makaharap si Azi. Pero bago pa siya makasagot ay pumasok na si Azi sa kwarto at awtomatikong tumuon ang tingin nito sa kaniya. "Good morning, Mr. Imperial. Sorry for the delay. Wala ho kasi si Juliet na siyang mag-interview sa'yo. Kung makakapaghintay po kayo tapusin ko lang ho ang interview ko kay Miss Ventura?" Isinuksok ni Azi ang mga kamay sa magkabilaang bulsa ng itim nitong slacks. "I can't. I still have a meeting to attend to." Tinapunan ulit siya ng tingin ni Azi. "Pwede naman siguro na sabay kaming interview-hin?" Humakbang ito papasok at tumabi ng pagkakaupo sa kaniya. "Isipin mo na lang na wala ako rito," bulong nito sa kaniya na kinasumangot niya. "Kung wala hong problema sa inyo, umpisahan ko na." Inilapag ni Clara ang isang cellphone sa lamesa para irecord ang mga isasagot nila bago ito nagsimulang magtanong. "I will start with you, Miss Ventura," anito. "Hindi lingid sa kaalaman ng lahat ang tungkol sa nangyari problema ng Secret Garden noong mga panahong wala ka. Ano na ang estado ngayon ng kumpanya?" pag-uumpisa nito. "The Secret Garden is okay now, at unti-onti na rin nakakabawi sa market ang mga produkto," sagot niya. "Do you have projects you are currently working on?" muling tanong nito. "Umh...sa ngayon hindi ko masasagot 'yan. Malalaman niyo na lang kapag na-release na ang bagong brand ng wine ng Secret Garden." "Ano naman ho ang masasabi mo na nawala sa top 1 ang Secret Garden sa winery industry?" "Wala naman. Wala naman akong ibang pwedeng sisihin dahil ako naman ang may gustong umalis noon at iwan ang kumpanya sa pangangalaga ng pinsan ko." "Maiba naman ho tayo...totoo bang ikinasal ka kay Azi Imperial?" "Yes," walang pag-aalinlangan niyang sagot. "Totoo bang naghiwalay na kayo? Ang hiwalayan ninyo ba ay dahil magkalaban ang inyong mga kumpanya?" Bubuka na sana niya ang bibig oara sagutin ito nang si sumabat sa usapan si Azi. "No. Our company is nothing to do with our relationships. Yes, we have a misunderstanding, but I have no plans to break up with her." Nanlalaki ang mga matang tiningnan niya si Azi. Anong pinagsasasabi nito? Wala naman talagang bisa ang kasal nila dahil hindi totoong pangalan ang ginamit nito sa pagpasa ng dokumento. "Ano na ho ang estado ng relasyon ninyo ngayon?" tanong ng interviewer. "Sa ngayon? Complicated. But I will do everything to win her back," anito na tingnan siya kuway nginitian. Mukha namang kinilig si Clara sa sinagot na iyon ni Azi. "Mr. Imperial, alam ho ng lahat na isa lamang adopted child si Daniella Imperial, totoo ho ba ang napapabalita na ikakasal kayong dalawa? At mukhang sangayon ho ang inyong mga magulang sa usaping iyon." Umiwas ng tingin si Ava sa binata dahil ayaw niyang makita nito ang magiging reaksyon niya sa isasahot nito. Narinig niya ang pagak na pagtawa ni Azi. "That's not true at binigyan ko na ng linaw iyan. I'm not planning to marry Daniella dahil tulad nga ng sinabi ko, wala akong planong makipaghiwalay sa asawa ko." Naramdaman ni Ava ang bahagyang pag-init ng kaniyang mukha. Oinilit niyang maging kalmado at hindi dapat siya basta magpapaniwala sa mga sinasabi ni Azi. Ginamit lang siya nito kaya alam niyang palabas lang ang ipinapakita at sinasagot nito ngayon. Pero bakit hindi niya magawang itama ang mga sinabi nito? "Nagchat ho sa akin si Ma'am Bernadette, meron ho siyang mga katanungan na nais itanong sa inyong dalawa," maya'y sabi ni Clara. "Ask away," si Azi. "Do you believe in love at first sight?" "No," mabilis niyang sagot. Pero hindi siya sigurado sa sagot niya dahil noong unang beses din niyang nakita si Azi ay nakaramdam na siya ng kakaiba para rito, hindi lang niya matukoy kung pagmamahal ba iyon. "Yes," sagot naman ni Azi. "When I first saw Ava, I want to be a part of her life." "Last question ho para sa inyo," sabi ni Clara na pinipigilan ang kiligin. "Kung maaari kayong bumalik sa nakaraan para itama ang pagkakamaling nagawa ninyo, ano iyon? Miss Ava? Ikaw po muna." "Hmm...para sa akin, wala. Kasi lahat naman ng ginawa ko sa buhay ko desisyon ko lahat iyon. Kung nagkamali man ako o nasaktan man ako, sinisigurado kong may natutunan ako sa lahat ng pagkakamaling iyon." "How about you, Mr. Imperial?" baling naman ni Clara kay Azi. "Siguro iyong mas pinili kong matakot kaysa ipaglaban ang babaeng mahal ko. That's all." "Bago po matapos ang interview, baka meron ho kayong mensahe?" "Ava, I want you back. Hindi man ngayon, but I will do everything just to win you back." Nakuyom niya ang kamay ay mabilis na tumayo. "Thank you for inviting me here, but I have to go, Clara." Hindi na niyang hinintay na sumagot ito ay malalaki ang hakbang na lumabas siya sa building, pero may isang kamay ang pumigil sa braso niya. "Ava..." Inis na hinarap niya ito. "Alam mo, ang galing mo talaga magpakatao sa harap ng ibang tao! Konti na lang pwede ka ng mag-artista dahil sa galing mong umarte!" Mahina pero mariin niyang sabi rito. "Hindi ako nagpapakitang tao. Lahat ng mga sinabi ko sa interview ay totoo." Puno ng sarkasmong nginitian niya ito. "Tell that to marines!" Akmang tatalikuran niya ulit ito ay muli siya nitong pinigilan sa braso. Galit na inagaw niya ang brasong hawak nito kuway dinuro ito. "Don't make a scene, Azi! Kapag may nangyari talagang masama sa baby ko, hinding-hindi talaga kita mapapatawad!" aniya at mabilis na iniwan ito. Laking pasalamat na lang niya dahil hindi na siya sinundan pa nito. PABAGSAK na naupo si Ava sa swivel chair niya pagkabalik niya sa opisina. Hanggang ngayon ay dala-dala pa rin niya ang pagkainis kay Azi dahil sa pagkikita nila kanina. "Inorder ko na ang inutos mo sa akin kanina," sabi ni Camilla sabay turo sa burger, fries, ice cream na nasa ibabaw ng lamesa niya. "Oh, bakit nakabusangot 'yang mukha mo?" Kumuha siya ng fries at kumain. "Nasira ang araw ko. Nagkita at nagkasabay kami sa interview ng Famous Magazine." "Nino?" kunot ang noong tanong nito. "Sino pa ba? Edi ang Azi na 'yon!" Naupos si Camilla sa upuang nasa harapan ng kaniyang office table. "And?" Tinaasan niya ng kilay ang kaharap. "And what?" "Kumusta ang pagkikita ninyo? Nagkausap ba kayo?" Binigyan niya ito ng masamang tingin. "Bakit ba parang excited kang malaman? Ayoko na nga siya maalala dahil umiinit ang ulo ko, pero gusto mo pa siyang pag-usapan natin." Camilla grinned. "Kasi naman! Mula noong nalaman ko ang tungkol sa inyo ni Azi never kitang nakitang umiyak. Are you sure you're okay?" "Gusto mo bang makita akong naglulumpasay habang umiiyak? Pero hindi ako tulad ng ibang babae na magmumukmok at mag-iiyak kapag nasaktan sila. Imbis na magmukmok ako, ipapakita kong hindi siya kawalan." Pero taliwas iyon sa sinasabi ng puso niya. Kanina nang makita niya ito, gusto niya itong takbuhin at yakapin ng mahigpit. Nang makatabi niya ito kanina at maamoy ang pamilyar nitong pa ango ay gusto niyang ipikit ang mga mata at ubusin ang amoy nito. Pero hindi eh. Ayaw niyang padaig sa sinasabi ng puso niya, natatakot na ulit siyang masaktan. Dinama niya ang kaniyang puso. "My heart is okay now. Nagawa kong mag-move on doon sa Sydney. Pagkatapos kong lumuha ng balde-balde, gugustohin ko pa bang umiyak ulit? Syempre hindi na. Tapos na ako sa parteng iyon ng buhay ko, Camilla. Ayokonng balikan ang sakit kasi hindi ko na kakayanin kung mararamdaman ko ulit iyon. Enough is enough. Maging masaya ka na lang dahil strong na ako ngayon na harapin ang lalaking iyon," mahaba niyang sabi rito. Ngayon lang siya nagsabi ng nararamdaman niya sa pinsa at guminhawa ang pakiramdam niya. Nakita niya ang biglang pananahimik nito. Tila ito may gustong sabihin sa kaniya. "May problema ka ba?" Nagpakawala si Camilla ng malalim na buntong-hininga. "Ayokong maglihim sa'yo, Ava." Kinunotan niya ng noo ang kaharap. "What do you mean? May dapat ba akong malaman?" Tumango ito. "I think you should know." "Ang alin?" hindi niya maiwasang kabahan sa susunod nitong sasabihin. "I have a boyfriend." "Boyfriend?" Inirapan niya ito. "may boyfriend ka lang pala pinapakaba mo pa ako. Sino naman ang maswerteng lalaki?" usisa niya habang ngumunguya ng french fries. "Si Marco," sagot niya na halos pabulong. "Si Marco Santadeliones?" hindi makapaniwala niyang tanong. "Paanong naging kayo?" Ngumisi ito. "Mahabang kwento at biglaan din. Pero huwag kang mag-alala, hindi pa siya nagpupunta rito sa kompanya at never namin pinag-usapan ang tungkol sa business." "Bakit masyado kang defensive?" "Hindi naman. Ayoko lang isipin mo na baka ginagamit lang ako ni Marco para makakuha ng inpormasyon sa Secret Garden." "Hindi ko naman iniisip `yan. Hindi ko naman naramdaman na nakikipagkumpitensya ang Majesty Wine Company sa Secret Garden. Masaya ako para sa'yo, Cam. But knowing Marco Santadeliones, daig pa niya ang magpalit ng babae kaysa magpalit ng damit. If you know what I'm mean." "Tinatakot mo naman ako." "I'm not. Sinasabi ko lang sa'yo para maging aware ka. Baka buntisin ka lang ng lalaking iyon tapos iiwan ng luhaan." "Anyway, Buntis, change topic na tayo. Pagkatapos ng meeting mo bukas, magpahinga ka na para sa byahe natin sa Sabado papuntang Siargao," anito. "Okay. Excited na rin akong puntahan ang villa na sinasabi mo." "Be happy, okay? Malay mo doon mo na makita ang prince charming mo?" nakangising sabi nito. "Prince charming ka dyan." Tinirikan niya ito ng mga mata. "Tapos na ba ang office hours mo at nandito ka para makipag-chismisan?" Natatawang tumayo si Camilla. "Oo na babalik na po ako sa opisina ko, Ma'am Ava," anito tska lumabas ng opisina niya. Siya naman ay ninamnam ang binili nitong Jollibee. Nang maubos ang pagkain sa lamesa niya ay tinapon niya ang mga supot ng pinagkainan at sinimulan na ang pagtatrabaho. Sisiguraduhin niyang hindi sasagi sa isip niya si Azi dahil ayaw niyang tuluyang masira ang buong araw niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD