Chapter Seventeen

1854 Words
TININGALA ni Ava ang mataas na gusali ng Crown Cork Wine Company. Nandito siya para ikumpirma ang sinabi sa kaniya ni Anton. Naniniwala naman siya sa sinabi ng personal investigator niya, pero hindi siya matatahimik hanggat hindi siya ang makakasaksi sa katotohanan. "Are you sure about this?" tanong sa kaniya ni Camilla. "Gusto ko ako mismo ang makakita kung si Azi ba talaga ang bagong CEO ng kumpanyang 'yan." "Paano kung siya nga? What will you do?" "I don't know," aniya na matagal bago masagot ang tanong nito. Hindi rin niya alam ang isasagit dahil kahit man siya ay hindi niya alam kung ano ang magiging reaksyon niya kapag nakumpirma na niya ang totoo. "I need to do this." Malalim siyang humugot ng hangin at agad iyong pinakawalan, bago siya bumaba ng sasakyan at naglakad papasok sa building ng CCWC. Pagpasok nila ay agad silang pinagtitinginan ng mga empleyadong nagtatrabaho sa kumpanyang iyon. Sino ba naman ang mag-aakalang pupunta sa lugar na iyon ang matalik na kaaway ng mg Imperial? "What floor is the new CEO's office?" agad na tanong ni Ava sa receptionist pagkalapit niya. "Sorry, Miss?" "It's impossible that you don't know me." Nakita niya ang paglunok nito. "I'm sorry, Ms—Mrs. Ventura—I mean Mrs. Devera, but right now, Mr. Imperial is not available. Do you have any appointment with Mr. Imperial, Ma'am?" "May appointment o wala, I want to see him right now." "Pero, Ma'am, hindi po sila tumatanggap ng bisita kung wala pong appointment—," "I want to see him right now!" mariin niyang ulit. "Ava, pinagtitinginan na tayo," bulong ni Camilla sa kaniya. Nilingon niya ito. "I don't care! Gusto ko lang ikumpirma kung totoo ba ang sinabi ni Anton." Muli niyang hinarap ang babaeng receptionist. "Now, tell me where the hell his office located." Inabot nito ang telepono at nag-dial. "I will call Mr. Imperial's secretary first, Ma'am—," "No need to ask his Secretary because I am your boss's wife!" Natigilan ang receptionist na kausap niya, ganu'n din ang ibang empleyadong nandoon. Hindi na dapat niya sabihin ang tungkol doon dahil hindi naman talaga legal ang kasal nila ni Azi tulad ng sinabi nito. "Y-you heard that," anito mula sa kabiLang linya. Tumikhim ito na ibinalik sa cradle ang telepono. "You can go there, Ma'am. Sa fifteen floor." Malalaki ang hakbang na tinungo niya ang elevator. Parang nahahawi ang mga nakakasalubong niya dahil nakikilala siya ng mga ito. Pagkasakay nila sa elevator ay agad niyang pinindot ang 15th button. Nang bumukas ang dalawang pinto ay sumalubong sa aking ang may kagandahang babae na nakaupos sa office table nito na nasa tabi ng itim na pinto. "Good morning, Ma'am Ava, I'm Cindy, Mr. Imperial's secretary," masiglang bati nito kahit alam naman niya g pinaplastik lang siya nito. "Where's your boss?" "I'm sorry, but my boss is busy at the moment. You can wait him in the visitor's room." Iminuwestra nito sa kanya ang pintong nasa kaliwa. "Dyan na lang din po niya kayo pupuntahan." Mariin na napapikit si Ava at nasapo niya ang sentido dahil sa biglang pagkirot ng ulo niya. Nahalata naman iyon ni Camilla. "Ava, are you okay?" tanong nito. "I'm fine." Nagbuntong-hininga siya. "Hihintayin ko na lang siya doon," sabi niya sa sekretarya at humakbang na sila papasok sa visitor's room. "Okay ka lang ba talaga, Ava? You look pale," nag-aalalang sabi ni Camilla pagkapasok nila sa sinabing kwarto. Nang maupo siya ay hinilot niya ang sentido niya. "Masakit lang ang ulo ko. Don't worry I'm fine." "Are you sure?" "Yes," pagkasabi niya ni'yon ay hindi na ulit ito nagtanong pa. PAGKABUKAS ng pinto ay marahan na napatayo si Ava pagkakita sa bagong pasok. Parang mayroong pumiga sa puso niya ng makumpirma niya na hindi nagkamali si Anton sa inpormasyon na binigay nito sa kaniya. Ibang-iba na si Azi ngayon kumpara noon. Ang mga kupasing damit at pantalon na suot nito noon, pero ang mga suot nito ngayon ay halatang mamahaling damit at sapatos na. Ang mahaba rin nitong buhok ay pinagupitan na nito ngayon. "So, you're the new CEO of this company?" halos hangin lang iyon na lumabas sa bibig niya. "Now that you know, what will you do?" walang emosyong tanong nito. Kung tingnan siya nito sa mga oras na iyon ay para bang walang namagitan sa kanila noon. Mapait siyang ngumiti. "Isa ka pa lang Imperial. You are Crey Azi Devera Imperial." "Yes, I am Imperial," tila pinagmamalaki nitong sabi. "Umpisa pa lang, alam mong magkalaban na ang kumpanya ko at ang kumpanyang ito at dahil isa kang Imperial, pumayag ka sa alok na pakasalan ako! Pangalawa, inalok mo ako na tulong para may makuha kang inpormasyon sa kumpanya ko. Kaya noong may nahita ka na, tinapos mo ang meron tayong dalawa! You betrayed me, Azi!" "I have my own reason why I choose to end what we have and you know that," mahinahon pa rin nitong sagot. "Reason?" Mabilis siyang umiling. "Don't use it to hide your evil plan. You planned all of this!" Tumaas ang sulok ng labi nito. "Hindi ko na kasalanan kung basta-basta ka na lang makikipagkasal sa lalaking hindi mo lubos na kilala." "At sinamantala mo `yon!" Mapang-insulto itong ngumiti. "You are so desperate para lang umayon ang lahat sa gusto mo, Ava. Tapos kapag nasa alanganin ang lahat isisisi mo sa iba ang kasalanan na ikaw mismo ang gumawa." "Damn you!" Tila pagod itong nagbuga ito ng hangin. "Kung wala ka ng sasabihin, pwede na kayong umalis," anito na binuksan nito ang pinto. Mariin niyang kinuyom ang kamao para hindi kumawala ang mga luha niya na kanina pa gustong kumawala. Pinangako niya sa sarili na hinding-hindi na siya iiyak sa harap nito, na hindi na niya ipapakita ang kahinaan niya rito. Masakit na ginamit lang siya nito. Kung pwede lang niya pigilan ang puso na mahalin ito ay ginawa na niya. Masakit lang dahil hanggang ngayon ay hindi pa nawawala ang pagmamahal niya para rito. "Azi!" Nabaling ang tingin niya sa babaeng bagong dating. Maarte nitong niyakap si Azi at binigyan ng halik sa pisngi. Lalong nadagdagan ang inis niya dahil muli niyang nakaharap si Daniela Imperial. "Oh! Anong ginagawa ng babaeng `yan dito, Azi?" tanong nito. "Paalis na rin sila diba, Miss Ava Ventura?" Lalong dumiin ang pagkakakuyom niya ng kamao. Tama nga si Camilla, sana hindi na siya nagpunta pa rito, para hindi na siya nasaktan pa ng ganito. "Let's go, Ava," anyaya sa kaniya ni Camilla. Hinawakan siya nito sa braso para alalayang lumabas, pero hindi pa sila lubusang nakakalabas ay nasapo niya ang puson at malakas na dumaing nang kumirot iyon. "Ava!" Nanlaki ang mga mata niya nang makita niya ang kulay pulang likido na dumaloy pababa sa hita niya. "Ang baby ko, Camilla! No, ang baby ko!" sigaw niya, kasunod ni'yon ay nandilim na ang paningin niya. Pero bago pa siya tuluyang bumagsak, ang mga braso ni Azi ang sumalo sa kaniya. NASAPO ni Ava ang noo nang kumirot ang ulo niya pagkagising niya. Kunot ang noong nilibot niya ang tingin sa kabuohan ng kwarto. Alam niyang nasa hospital siya, pero sino kaya ang nagdala sa kaniya rito? Nanlaki ang mga mata niya nang maalala si Azi. Alam na kaya nito ang tungkol sa pagbubuntis niya? Dahil sa kakaibang amoy ng paligid ay natutop ni Ava ang bibig sa biglang pagbaliktad ng sikmura niya. Bumaba siya sa hospital bed at daling tumakbo sa cr para doon magduwal sa lababo. "Are you pregnant?" Natigilan siya nang marinig ang boses ni Azi mula sa kaniyang likuran. Pinunasan muna niya ang bibig gamit ang tissue na nandoon bago siya walang emosyon na hinarap ito. "Ano naman kung buntis ako?" "Ako ba ang ama?" Tinaasan niya ito ng kilay. "Ikaw lang ba ang lalaki sa mundo, Mr. Imperial? Para ikaw ang maging ama ng dinadala ko?" Isinuksok nito ang dalawang kamay sa magkabilang bulsa ng suot nitong slack. "Alam kong ako ang ama ng dinadala mo, Ava. Don't lie." Pinagkrus niya ang mga braso sa tapat ng kaniyang dibdib. "Ano ngayon? Don't worry, wala akong planong ipakilala siya sa'yo." Tatalikuran na niya sana ito nang pigilan siya nito sa braso at muling pinaharap dito. "Sino nagsabi sa'yo na hindi mo ipapakilala sa akin ang magiging anak ko?" "Ako." Inis na hinablot niya ang braso mula rito. "Ava, may karapatan ako sa bata!" "Pwes tinatanggalan kita ng karapatan. Simula noong tinapos mo ang relasyon na meron tayo, wala ka ng kahit na anong karapatan para sa batang ito!" May sariling isip na pumatak ang mga luha niya, pero agad niya iyong pinunasan. "Ava—," "Leave." Nang akma siya nitong hahawakan ay humakbang siya paatras. "Leave! Kapag may nangyaring masama sa baby ko hinding-hindi kita mapapatawad!" sikmat niya rito. Pagod itong nagbuga ng hangin. "Okay. I will leave for now," pagkasabi ni'yon ay humakbang na ito palabas ng kwarto. "I don't want to see your face again!" pahabol niya rito bago lumapat pasara ang pinto. Hindi nagtatagal ay pumasok si Camilla. "Rinig na rinig sa labas ang sigaw mo. Nagtalo ba kayo ni Azi?" "Bakit hinayaan mo pang pumasok ang lalaking `yon? Pinaiinit niya ang ulo ko!" "Huminahon ka, Ava. Narinig ko ang sinabi ng doctor kay Azi na kapag dinugo ka pa baka tuluyan ng mawala sa'yo ang baby mo." Marahas siyang nagbuga ng hangin at oilit na pinakalma ang sarili. Sinabi na sa kaniya ng doctor ng minsan siyang magpacheck up sa Sydney ay medyo maselan daw ang pagbubuntis niya kaya kailangan niyang mag mag-ingat. "Sinabi ng doctor mo na pwede ka ng umuwi. Binili ko na ang mga gamot at vitamins na nireset niyaa sa'yo kanina." Tinaas nito ang supot ng drugstore. "Oo nga pala, si Azi ang nagbayad ng bills mo rito sa hospital," pagbibigay nito ng inpormasyon. "Bayaran mo siya. Ayokong magkaroon ng kahit na anong utang na loob sa lalaking iyon." "Wala ka ba talaga planong bigyan siya ng karapatan sa bata? Ama rin siya—," "Wala," putol niya sa iba pa nitong sasabihin. "Ayoko na magkaroon pa ng kaugnayan sa lalaking iyon. He betrayed me, Cam. Ginamit niya lang ako!" "Ganu'n ka rin naman diba? Ginamit mo siya para pagtakpan ang kahihiyan mo. Hindi sa kinakampihan ko si Azi, pero kahit saan mo tingnan ay may karapatan din siya para kilalanin ng bata." Nakuyom niya ang kamao. Galit siya kay Azi dahil sa ginawa nito sa kaniya kaya hindi niya matanggap sa sarili na hayaan itong maging parte ng magiging anak nila. Pero may tama rin naman si Camilla, kahit saan nga naman niya tingnan ay may karapatan si Azi sa bata. "Gusto ko ng umuwi, Cam. I'm tired and I want to rest." "Ava—," "Kung ayaw mo na pati sa'yo magalit ako, huwag mong ipagpipilitan ang karapatan ng lalaking iyon. Una sa lahat, ako ang magdesisyon sa bagay na ito at hindi ikaw," pagtatapos niya sa usapan. Sa ngayon, wala siya ibang gustong gawin kundi ang umuwi at magpahinga. Pakiramdam niya pagod na pagod siya at gusto na lang niya ang matulog para kahit papaano ay makalimot kahit sandali lang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD