CHAPTER TWO

3454 Words
NANLAKI ang mga mata ni Ava nang mapagtanto niya ang ginawa. Nabibiglang humakbang siya paatras mula rito. Nang magtama ang mga mata nila ni Azi ay wala siyang makita na kahit anong emosyon doon, pero sa huli ay nakita niya ang galit sa mga mata nito. Umingay ang paligid at napuno ng kaniya-kaniyang bulungan. Nag-umpisa na ring magkislapan ang flash ng kamerang hawak ng mga paparazzi. Nilibot niya ang tingin sa paligid. Ang lahat ng nandoon ay nasa kanila ang atensyon. Siguradong bukas pagpipiyestahan na siya sa tabloid, magazine o sa television. Ano ba ang ginagawa mo, Ava?! pagalit niyang sabi sa sarili. Never in her entire life she kissed a stranger, at sa harap pa mismo nang maraming tao! Dahil lang kay Dalton at Daniella nagawa niya ang bagay na iyon. Nakakahiya! Muli niyang tiningnan si Azi, pero nanatili lang itong tahimik. Walang salita na humakbang siya paalis at dumiretso kung saan nakaparada ang porsche niya. Pasakay na sana siya nang may isang kamay ang pumigil sa kaniyang braso. Si Dalton. "Ganyan ka na ba kadesperada, Ava?" puno ng sarkasmong tanong ng dati niyang kasintahan. Inis na binawi niya ang braso mula sa pagkakahawak nito. "Ano bang pakialam mo? The last time I check, you're no longer my boyfriend, Dalton." Patuya siya nitong nginitian. "Kaya manghahalik ka na lang ng kung sino-sino? Akala ko pa naman respetadong babae ka, pero mukhang nagkamali ako. Nasa loob pala ang kulo mo, Ava." Dinuro niya ito. "Watch your mouth, Dalton. Yes, you were my boyfriend, but you have no right to talk to me like that!" Tumaas ang sulok ng labi nito. "Ano, ikaw lang ang may karapatan na mambastos sa iba? Masakit diba? Pero wala pa nga iyan sa kalingkingan ng mga sinasabi mo sa akin. Tama sila, malas ang lalaking mapapangasawa mo. For sure his life will become hell!" Dahil sa inis ay malakas itong sinampal ni Ava. No one can talk to her like that. No one! "How dare you! Baka nakakalimutan mo, without me and my help you are nothing but a trash!" Sapo ang pisngi na nilingon siya nito. Sa pagkakataong iyon nakita niya ang talim ng mga mata nito. She never saw him like this before. "Sumusobra ka na!" Umangat ang kanang kamay nito para sampalin siya. Pero bago pa man lumapat sa mukha niya ang palad nito ay may isang kamay ang pumigil sa pulso ni Dalton, si Azi. "Hindi tamang manakit ka ng babae, Mr," mariing sabi ni Azi. Galit na binawi ni Dalton ang kamay mula kay Azi pagkakuwa’y binigyan siya nito ng isang matalim na tingin. "Try to destroy my career, Ava. I will destroy yours too." anito bago ito tuluyang umalis. Doon lang siya naka hinga ng maluwag. Ang walang hiyang 'yun! Pagkatapos ng lahat ng ginawa niya rito, ito pa ang isusukli sa kaniya? Nilingon niya si Azi na tahimik lang na nakatingin sa kanya. Pero tulad ng nauna niyang nakita ay wala pa rin siyang makitang emosyon sa mga mata nito. Sasakay na sana ulit si Ava nang magsalita si Azi. "Hindi ka man lang ba magpapasalamat?" Taas ng kilay na nilingon itong muli ni Ava. "Hindi ko ugaling magpasalamat and I'm not going to apologize for kissing you, Mr. Devera," aniya imbis na pasalamatan ito. Hindi kasi niya ugaling mag-sorry or magpasalamat kung hindi naman ganu'n kalaki ang nagawa ng isang tao sa kanya at sa kahit kanino. Apologizing is not in her vocabulary. Nangunot ang noo ni Azi na tumingin rito. "Are you doing that in purpose?" Nagkibit balikat si Ava na binuksan ang pinto ng sasakyan. "Bahala ka kung ano ang iisipin mo, wala na akong pakialam—" akmang sasakay na ulit siya nang pigilan ulit siya nito sa braso. "Ano ba!" "No wonder why your ex-boyfriend wants to beat you. Hindi ko alam kung ano ang issue ninyo, ang ayoko lang ay ang madamay ako sa problema mo!" tiim bagang na sabi nito, pagkuwa’y binitiwan na siya at nang-uuyam na pinunasan nito ang labi. Alam ni Ava na isa iyong pang-iinsulto. May ngisi sa mga labi nang talikuran na siya ni Azi at sumakay sa bigbike nito. Binomba pa nito ang motor bago iyon pinaharurot paalis. "THE kiss is spreading everywhere, Ava." pagbibigay alam ni Camilla, ang pinsan niya, ang vice presidente ng ko mpanya. "Kabilaan na rin ang tumatawag para hingin ang pahayag mo. Sino ba ang lalaking 'yun, Ava?" dagdag pa nito. Nagpalakad lakad siya sa harap nito. Bukod kasi rito ay wala ng ibang nakakaalam na si Dalton ang boyfriend niya. "I just met him there last night." walang gana niyang sagot. Nanlaki ang mga mata nito. "You just met him and yet you kissed him? Kailan ka pa nawalan ng delikadesa?" She stopped and rolled her eyes. "It's not my intention to kiss that guy, okay? Bigla na lang pumasok sa isip ko na kailangan kong gawin iyon, na hindi dapat ako magmukhang kawawa sa harap ni Dalton lalo pa't kasama niya si Daniella." Daniella was her school mate in Gemstone University. "You kissed him because of your pride? It's not reasonable, Ava," nang-iinis nitong sabi. Tinaliman ito ni Ava ng tingin. "Will you please stop pissing me? You're not helping!" She hissed. Tumipa si Camilla sa cellphone nito. "'Ava Ventura was kissing a stranger?' 'Is he the mystery boyfriend?' 'At last! Ava Ventura introduced her long-time secret boyfriend to the world!'" Basa nito. Basta niyang hinablot ang cellphone mula sa kamay nito at binasa ang mga comments doon. May natutuwa at meron din namang hindi. May nag-comment pa na malas daw ang lalaking hinalikan kung siya ang mapapangasawa nito. "How dare them! Hindi pa nila ako kilala nang lubusan para husgahan!" Inis na binigay niya pabalik ang cellphone nito. Napabuntong hininga si Camilla. "You need to fix this, bago pa mawalan ng tiwala ang mga kliyenteng gustong mag invest sa Secret Garden," maya'y sabi ni Camilla. She snorted. "It's not my lost if they don't want to continue investing in my company, Cam." Pagkuwa’y prenteng naupo siya sa swivel chair niya. "Sayang ang opurtunidad na mas lumawak pa ang Secret Garden," anito. Tinaasan niya ito ng kilay. "Hindi ko ba nagawang isalba ang kompanya, Camilla? Kung hindi dahil sa akin matagal nang bumagsak ang Secret Garden," buong pagmamalaki niyang sabi. Which is true. Ang ama nito at ang ama niya ay magkapatid sa ama. Anak sa labas ng lolo niya ang ama nitong si Uncle Fausto, pero kahit na ganun ay magkasundo ang kanilang mga ama. At nang mamatay ang lolo niya, may ibinigay ito na mana kay Uncle Fausto at hindi na naghabol sa kahit na anong mana. "I know," anito at napayuko. Nagbuga siya ng hangin. "I don't want to be rude, cousin. I'm just telling the truth," aniya. Muli itong nagtaas ng tingin sa kanya at tipid na ngumiti. "No. Totoo naman ang mga sinabi mo. Nagpapasalamat pa nga ako dahil tinanggap mo ako rito." Tumaas ang isa niyang kilay. "Bakit hindi? You are my only cousin, Camilla. We are family. Hindi ba dapat nagtutulungan ang magkakapamilya?" Lumapad ang pagkakangiti nito. "You're right!" Doon tumunog ang cellphone niya. Si Shanti ang natawag. "Hello?" "Ano itong nabalitaan kong may palaka-este! May fafa ka daw na hinalikan sa wine fair kagabi?" bungad nito sa kaniya. She rolled her eyes. "It's not just a news, Shanti." "So, he's your long-time secret boyfriend?" excited nitong tanong. Napatingin siya kay Camilla na nakatingin lang din sa kanya. "Pero infairness ha, ang gwapo niya!" tili nito sa kabilang linya. "Pero ano pa itong isang balitang kumakalat?" maya'y tanong nito. Nangunot siya ng noo. "What news?" "Na hindi raw siya ang boyfriend mo at naghiwalay na kayo ng fiance mo kaya desperada kang maghanap ng iba para hindi ka mapahiya," sukat sa sinabi nito ay agad na nanlaki ang mga mata niya. Napatuwid siya nang upo. "S-saang balita 'yan?" "Sa tabloid, Señorita." Pinutol niya ang linya at pagkakuwa’y tinawag si Mona. "Bring me a newspaper!" "Right away ma'am," hindi magkanda ugagang sabi nito. "What's wrong?" nag-aalalang tanong ni Camilla sa kaniya. Nakuyom niya ang kamao. May hinala na siya kung sino ang nagpakalat ng balitang 'yun. Walang dudang si Dalton `yun. "Ang lalaking `yun. Ang lakas ng loob niyang gawin sa akin ito!" Nagmamadaling pumasok si Mona at agad na ibinigay sa kanya ang napakaraming dyaryo. Ganun na lang ang panlalaki ng mga mata niya nang mabasa ang headline ng dyaryong `yun. 'Ava Ventura is desperate to find a new man after her fiancé broke up with her.' 'Ava Ventura is a desperate woman.' 'Ava Ventura kissed a stranger?' "Bullshit!" sigaw niya habang pinagpupupunit ang mga dyaryo. "This can't be happening!" Gusto niyang puntahan ngayon si Dalton at pagsasasampalin ito sa mukha. Wala itong karapatan para gawin ito sa kanya. Kinagat niya ang kuko sa kanyang hinalalaki. Kailangan niyang makaisip ng paraan para hindi na lumaki pa ang issue na ito at para hindi makaapekto sa kompanya. "What are you gonna do now?" tanong ni Camilla mula sa pananahimik. "I need to find Azi, pronto," aniya na tikom ang mga kamao. She made a mistake. Now, she has her back against the wall. "Anong pinaplano mo?" Worriedness is written all over Camilla's face. "Ask his help," maikli at mahina niyang sagot. "Hihingi nang tulong ang isang Ava Ventura?" hindi makapaniwalang tanong nito. Sandali siyang natigilan. Never in her entire life that she asked for help to anyone. "As if I have a choice?" mahina niyang sagot. Tumayo siya mula sa pagkaka-upo at tinukod ang mga kamay sa kaniyang lamesa. "Ava, don't bite more than what you can chew. Huwag kang gumawa ng isang bagay na pagsisisihan mo lang sa huli." Humigpit ang pagkakatikom nang kamao niya. "And what? Let them win? No one can win against me and you know that!" aniya na ang tinutukoy ay sina Dalton at a ng anak ng matalik na kaaway ng ama niya at kalaban ng Secret Garden, si Daniella Imperial. Masiguro lang niya na pinalano ng dalawa ang lahat, lintik lang ang walang ganti. "They want to ruin my name, Camilla. So, I will return the damage to my reputation by damaging their reputation. An eye for an eye and tooth for tooth. They want war? I'll give them war. Sisiguraduhin ko na pagpipiyestahan si Daniella Imperial." may pagbabanta na tinitigan niya ng pinsan at pagkakuway ay bumaba ang tingin niya sa napirapirasong papel. "Mali sila ng kinalaban, Camilla. No one can pull me down. No one. Not me. Not Ava Ventura." NAHINTO sa pag-harvest ng mga ubas si Azi nang may humintong fortuner sa gilid ng daan ng vineyard. Hindi na niya kailangan tanungin kung sino iyon dahil kilala na niya ito. Bumaba ang driver at kumaway sa kanya. Buntong hiningang pinunasan niya ang kamay at humakbang palapit sa bagong dating. "Magandang araw, Azi," bati nito. "Ano ho ang atin, Atty?" tanong niya. "Maaari ba tayong mag-usap?" Hinubad niya ang suot na payabyab. "Kung tungkol sa kaniya, huwag na lang," aniya na tinalikuran ito. "Hanggang kailan ka magmamatigas, Azi. Kapag nawala na sa'yo ang Hacienda Isabela?" anito na nagpahinto sa kanyang paghakbang. Nilingon niya si Atty. Nolasco. "Kung sa kaniya rin naman manggagaling ang tulong, huwag na lang," matigas niyang sabi. "Siya na lang ang tanging makakatulong sa iyo para maisalba ang Haciendang ito." "Hinding-hindi ko gugustohing hingiin ang tulong niya. Maisasalba ko ang hacienda na wala ang tulong niya." Iyon lang at tinalikuran na niya ito. Mahal niya ang Hacienda Isabela dahil ito na lang ang tanging ala-ala ng kanyang ina, pero mas gugustohin na lang niyang mahirapan kaysa tanggapin ang tulong ng kanyang ama. Sumakay siya sa kaniyang kabayo at mabilis iyong pinatakbo pauwi. Pagkarating sa bahay ay patalon siyang bumaba mula sa kabayo at malalaki ang hakbang na umakyat siya sa kwarto niya. Hinubad niya ang mga suot na damit at agad na tumapat sa rumaragasang tubig na nagmumula sa shower. Kinuyom niya ang kamao at malakas na sinuntok ang pader. Ang galit na nararamdaman niya ay muli na naman nabuhay. Muling bumalik ang musmos niyang alaala, ang ginawa ng ama niya sa kanyang ina. Nagising mula sa mahimbing na pagkakatulog ang paslit na si Azi dahil sa ungol na naririnig niya mula sa kung saan. Umalis siya sa kama at walang ingay na lumabas ng kwarto. Marahan na bumaba si Azi sa hagdan hanggang dalhin siya ng mga paa sa silid ng kaniyang mga magulang. Mula sa awang ng pinto ay nakita ng inosenteng mga mata ni Azi ang eksenang hindi dapat makita ng isang katulad niyang bata. Ang ina niya ay nakadapa habang ang mga kamay nito ay nakatali sa headboard ng kama. Ang ama naman niya ay mabilis gumagalaw sa likuran ng kaniyang ina habang sakal-sakal ng kaniyang ama ang leeg ng ina mula sa likuran nito. Nanlaki ang mga mata ni Azi dahil kitang kita niya na nahihirapan na ang ina at halos hindi na ito makahinga, pero nagpatuloy pa rin ang ama niya sa ginagawa nito. "Mga hayop kayo, Lilia!" sigaw ng ama niya. "M-Mario." hirap na anas ng kanyang ina. "You deserve to die!" "P-pagod na ako, Mario. Ayoko na. Hayaan mo na lang ako kay Lucas-" malakas na dumaing ang kanyang ina nang sabunutan ito ng ama niya. "Akin ka lang Lilia, akin! Hindi ako makakapayag na mapunta ka kahit na kanino!" "H-hindi mo ako pagmamay-ari. Pagod na ako sa pananakit mo, ayoko na!" iyak ng kanyang ina. Kinuyom ni Azi ang mga kamao at tiningnan niya nang masama ang ama. Galit na humakbang siya palapit rito at malakas niya itong pinagsusuntok sa likod. "Bitiwan mo si mama! Masama ka, masama!" Iniwan ni Mario si Lilia. Hinarap ang anak at malakas niya itong sinampal. "Huwag kang mangialam!" "Azi, anak! Lumabas ka na rito." Sigaw ng kaniyang ina. "Hayop ka Mario, wag mong saktan ang anak mo!" Nangiwi si Azi nang hawakan siya ng ama sa buhok at hinila patayo. "Paglaki mo magiging katulad din kita." "Hindi ako magiging katulad mo. Masama ka, halimaw ka!" Nagpupumiglas si Azi at pinagsusuntok ito sa dibdib. "Pakawalan mo, mama ko. Halimaw ka!" "Mario, ako na lang ang saktan mo, huwag na ang anak ko!" si Lilia. Hinawakan siya ng ama at binitbit palabas ng kwarto pagkakuway kinandado nito ang pinto. "Tigilan mo na si mama, papa!" kinalampag niya ang pinto ng kwarto ng mga ito, pero wala rin iyon nagawa. Narinig niyang muli ang pagpalahaw ng ina niya sa pagpapahirap ng kanyang ama rito. Padausdos na naupo sa gilid si Azi at doon nag-iiiyak hanggang sa hindi niya namalayang nakatulog na pala siya. Malakas na muling sinuntok ni Azi ang pader sa pagbabaliktanaw sa pangyayaring iyon. Matagal na, pero parang sariwa pa rin ang lahat sa kanya. Namatay ang ina niya dahil sa depression. Mahal na mahal nito ang kaniyang ama kahit na sinasaktan ito ng huli. Pero napagod ang kanyang ina kaya’t nagmahal ito ng iba, kung saan naranasan nito ang sumaya at pinahahalagahan nang tama. Nahuli ito ng kaniyang ama, pero kahit na ganun mas pinili pa rin ng ama niya na patawarin ito dahil sa pagmamahal. Nagagawa lamang saktan ng kanyang ama ang kanyang ina dahil sa sakit nitong hindi nito kayang makontrol. His father has a fetish, iyon ang kinaiinisan ni Azi na namana niya sa ama. Isa din iyon sa mga dahilan niya kung bakit ayaw niyang mag-asawa, kung bakit hindi niya makita ang sarili na magkaroon ng pamilya. Ayaw niyang matulad sa ama niya, dahilan kung bakit nasira ang pamilya nila. Nagpakawala ng isang malalim na buntong hininga si Azi bago inabot ang tuwalya at itinapis iyon sa ibabang katawan niya. Eksaktong pagkalabas niya sa banyo ay tumunog ang cellphone niya. Kinuha niya ang cellphone na nasa ibabaw ng bedside table at agad na sinagot nang makitang si Marco ang tumatawag. "Hello," sagot niya na ni-loudspeaker ang cellphone niya. "Have you seen the news?" Awtomatikong nangunot ang noo niya sa tanong nito. "What news?" "Nasa dyaryo ka, Bud." Natigilan siya sa pagkuha ng damit sa kabinet. "Ako? Nasa dyaryo?" paano naman kasi siya mapapabalita sa dyaryo? "You and Ava Ventura." Ava Ventura... agad na rumehistro sa isip niya ang babae sa wine fair noong isang araw at naalala rin niya ang ginawa nitong paghalik sa kanya. Nasisiguro niya na iyon ang dahilan ng nasabing balita. "Ahh 'yun ba?" walang ganang sabi niya. "What? Is that all you can say?" Naupo siya sa gilid ng kama at tinuyo ang basang buhok gamit ang isa pang tuwalya. "Ano bang dapat kong sabihin?" "Bud, everyone is thinking that you're her secret long-time boyfriend," anito. Secret long-time boyfriend? Hindi ba bukas sa publiko ang relasyon ni Ava at ng boyfriend nito? Pero bakit? "So? It's not my problem. Si Miss Ventura ang gumawa ng gulo na iyan kaya wala akong dapat gawin o ipaliwanag patungkol sa balitang kumakalat," walang gana niyang sagot. Narinig niya ang pagbuntong hininga nito mula sa kabilang linya. "Ava called me a while ago. Hinihingi niya sa'kin ang address mo," maya'y sabi nito. Nangunot noo siya. "Bakit daw?" "Gusto ka raw niya makausap." "Tungkol naman saan?" "Tungkol siguro sa kumakalat na balita. But don't worry, hindi ko binigay ang address mo, but knowing Ava Ventura, she'll find a way to meet and talk to you," anito. Tumaas ang isang kilay niya. Ganu'n ka-importante na makausap siya nito? Bakit at para saan naman kaya? "Let her," sabi na lang niya. "Kapag nagkaharap kayo, just ignore her. Walang magandang maidudulot sa iyo ang babaeng iyan. She can mess your life." Mapait siyang napatawa. "Someone already messes my life, Marco. So, I'm not afraid anymore." Narinig niya ang muling pagbuntong hininga nito. Marco knows what he been through. Halos ito nga ang tumulong sa kaniya para kahit papaano mabawasan ang pagkakautang ng hacienda sa bangko, kaya kahit gusto siya nito tulungan na tuluyang mabayaran ang pagkakasangla ng hacienda ay tinanggihan niya. Ayaw niyang abusuhin ang kabaitan nito. "Okay if you say so. Tawagan mo na lang ako kapag kailangan mo ng tulong ko." "Thanks, Bud," aniya na pinutol na ang tawag. "BWISIT!" malakas na ibinalik ni Ava ang telepono sa cradle nito. Naiinis siya dahil wala man lang siyang nakuhang impormasyon ni Azi mula sa kaibigan nitong si Marco. There's no other way... She'll use her connection to find Azi's address. Kinuha niya ang telepono at agad na tinawagan ang kakilala niyang private investigator. "Ma'am," bungad nito sa kanya. "Did you get any information about Dalton and Daniella?" tanong niya. "I already got some information, Ma'am. I will send it in to your email." "Makakasira ba iyan sa reputasyon nila?" "Yes, Ma'am," anito na siyang nagpangiti sa kanya. "Good job, Anton. Don't worry I'll give you bonus." "Thank you, Ma'am." "By the way, may ipapagawa pa ako sa'yo," maya'y sabi niya. "Ano po `yun?" "I want you to find Azi Devera's address. I need it right away." "Okay, Ma'am. Bigyan niyo lang ako ng isang oras." "Oka," aniya pagkatapos ay pinutol na ang linya. Isinandal niya ang likuran sa backrest ng swivel chair niya at doon napangiti. Kung inaakala ni Azi na matataguan siya nito, puwes nagkakamali ito. Wala siyang hindi kayang gawin. "What Ava wants, Ava gets," she murmured. Gagawin niya ang lahat para makuha ang mga gusto niya. Sila ang nagtulak para gawin niya ito at kung bakit siya naging ganito. Binuksan niya ang email na sinend sa kanya ni Anton at ganun na lang ang pagkuyom ng kamao niya habang ang mga mata ay nakatutok sa monitor ng laptop niya. Sa mga oras na ito wala siyang gustong gawin kundi puntahan si Daniella at Dalton para saktan ang mga ito. Pero kung gagawin niya 'yun siya ang masisira sa mga mata ng tao. No, hindi niya gagawin yun. Hindi niya ibababa ang sarili para lang makapaghiganti sa panloloko ng dating nobyo. Napag-alaman lang naman niya, ayon sa nakuhang inpormasyon ni Anton mula sa mga napagtanungan nito ay anim na taon ng may relasyon ang dalawa at lihim na nagkikita. So, ibig sabihin maaaring pinagplanuhan nila lahat. Kaya pala wala din reklamo si Dalton na hindi niya ito ipinakilala sa lahat at hindi ito nagdedemand ng s****l activity dahil may iba na pala itong nilalabasan. Sa tuwing anniversary din nila, never niya itong nakitaan ng effort or never pa siya nitong sinusorpresa, iyon pala may iba itong sinusorpresa. "Mga walang hiya!" aniya sa hangin. Pinakatitigan niya ang litrato ng dating boyfriend na kasama si Daniella, habang kuyom-kuyom ang kamao. "You made me a fool, Dalton. I'll let you win today, but tomorrow is mine. You'll come to me and beg me to help you. Mali ka ng kinalaban. I'll make you taste your own medicine."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD