"RUBBISH!" Ava shouted as she threw the presentation paper in front of Mona, her secretary.
"You've been working for me for two years, Mona. Simpleng presentation lang hindi mo pa magawa ng tama! Do you want me to be embarrassed in front of our clients?!" sikmat niya rito.
Nayuko si Mona at mabilis na umiling. "Hindi po Ma'am. P-pasensya na po. Uulitin ko na lang po."
"Dapat lang! Do your job well!"
Nagmamadaling pinulot ni Mona ang mga papeles at halos takbuhin na nito ang pinto palabas. Doon naman pumasok si Dalton. Binati pa ito ni Mona bago tuluyang lumabas.
"Ang aga-aga ang init ng ulo mo," anito na kunot noong pinagmasdan nitong lumabas si Mona.
Humugot siya ng hangin para pakalmahin ang sarili bago pekeng nginitian ang kasintahan. "Ang boba kasi ng babaeng iyon. Simpleng trabaho lang hindi pa magawa ng tama," aniya. Sapo ang sentido na naupo siya sa kanyang executive chair.
"Anyway, why are you here? Ang plano natin ay sa restaurant na tayo magkikita diba?" Pilya niya itong nginitian. "Can't wait to see me? You miss me that much, hmmm?"
Tipid itong ngumiti at malalim itong nagbuntong hininga. Nakikita niya na may gusto itong sabihin sa kanya.
Her forehead twitched. "Is there a problem?"
Sandali siya nitong tinitigan at ilang beses pa itong nagbuntong-hininga bago nagsalita. "You know how much I love you, Ava..."
"Stop beating around the bush, Dalton." Putol niya sa iba pa nitong sasabihin. Ayaw niya ng paligoy ligoy.
Muli itong nagbuga ng hangin. "Let's break-up. Huwag na natin ituloy ang kasal. I c-can't marry you," mahinang sabi nito, pero rinig na rinig iyon ni Ava.
"Excuse me?" Pagak siyang natawa habang dismayadong tinitigan ang kasintahan. "What the hell are you talking about? We've been planning for our wedding since last year, Dalton. Tapos sasabihin mo sa akin ang mga walang kwentang bagay na iyan?!"
Agad na tumaas ang boses niya. Hindi niya makontrol ang sarili na kumalma. Kapag galit siya dapat niya iyon mailabas at wala siyang pakialam kung may masaktan man siya. That is what Ava Ventura is.
Ava smashed the table. "Ano na lang ang sasabihin ng mga taong nakakakilala sa akin? Ano na lang ang lalabas sa mga tabloid... 'Ava Ventura's fiance run away on their wedding day? Ava Ventura's fiance didn't arrive on their wedding day? Ava Ventura's fiance doesn't want to continue their wedding? Ava Ventura is dumped by her fiance?' God, Dalton! I don't want everyone to laugh at me. Not me. Not Ava Ventura!" naghihisterical niyang sigaw rito na siguradong rinig sa labas ng opisina niya. But she doesn't give a damn!
"That's the problem with you, Ava. Nothing is more important to you but yourself and your reputation!" sabi nito. Ngayon lang siya nito sinigawan sa loob ng limang taong magkarelasyon sila.
Mabilis siyang umiling. "That's not true! I love you so much that's why I don't want to lose you!"
Patuya itong tumawa. "Stop pulling my leg, Ava. The people you're talking about? They don't even know me!"
"Because I'm protecting you!" she hissed.
Tumaas ang kilay nito. "Protecting me? From whom?"
"To those people who wants to destroy me!"
Dinuro siya nito. "Ang sabihin mo, takot kang masira ang pangalan mo!" Umiling iling ito. "I'm proud that you are my girlfriend. How about you? Are you proud that I'm your boyfriend, Ava?"
"O-of course..." mahina niyang sagot.
Dalton snorted. "Really?" patuya itong ngumiti. "Sa loob ng limang taong magkarelasyon tayo ni hindi mo ginustong ipakilala ako sa lahat, ni hindi mo binanggit sa iba kung sino ako. Hindi nga rin ako kilala ng mga empleyado mo kung sino ako eh at kung ano ako sa buhay mo!"
Hindi siya nakasagot sa sinabi nito dahil may patotoo iyon. Hindi niya gustong ipaalam sa lahat kung sino ang boyfriend niya kaya isang misteryoso para sa lahat ang mukha ng lalaking pakakasalan niya.
Dalton Ferero is a model. Their relationship began five years ago when he became the model of the new brand of Secret Garden Wine Company, the company that Ava owns.
Sa totoo lang walang nangyaring ligawan. Basta na lang nag-umpisa ang relasyon nila nang hindi nila namamalayan. Wala siyang narinig na reklamo mula rito nang gustohin niyang hindi ipaalam sa lahat kung sino ang kasintahan niya. Naging sunud-sunuran lang din ito sa lahat ng gusto at ayaw niya. Sa loob ng limang taon ay naging tapat ito sa kanya kahit na walang intimacy na namamagitan sa kanila, dahil na rin hindi pa siya handa sa mga ganoong bagay. At ginagalang naman ni Dalton ang desisyon niyang iyon.
Sa loob din ng limang taon ay naramdaman naman niya na mahal siya nito kahit na sa online lang sila nagkikita o nagkakausap dahil sa pagiging modelo nito. Madalas kasi nadedestino ito sa iba't ibang bansa at nag i-stay doon nang matagal. After four years of their relationship they decided, or to be exact, she decided to get marry without asking his opinion. Pero wala siyang narinig na pagtanggi at sumangayon lang ito.
"You know, Ava. In five years that we have been, I have never felt like you loved me. And during those years? I couldn't breathe with my own air. Sa tingin ko iyon ang pagkakamaling ginawa ko, ang hayaan kang manipulahin ang buhay ko, but not anymore. I want this relationship to end right here, right now," muling sabi nito at buong tapang siya nitong tinitigan.
Sa sinabi nito doon na tuluyang napatid ang pagtitimpi niya. How could this man quit just like that? Sa isang katulad niyang Ventura?
"You!" Dinuro niya ito. "How dare you breaking up with me?! You can't do this to me! We planned this-"
"No. You planned this, Ava!" mariing putol nito sa iba pa niyang sasabihin.
Naramdaman niya ang pag-init ng mukha dahil sa galit. "Damn you!" she yelled.
"I'm sorry, Ava. I-"
"Stop! I don't want to hear any words from you. Get out! Get the hell out!" Pagtataboy niya rito.
"Ava-"
"Just get out!" Pinagbabato niya rito ang lahat ng laman ng office table niya. Mga papel, ballpen at iba pa. She doesn't want to see him anymore!
"Get out!" she screamed.
Sandali siyang tinitigan ni Dalton bago ito nagpakawala ng buntong hininga bago ito humakbang palabas ng opisina niya.
"You'll regret this! You will pay for this!" nagsisisigaw pa siya na tiyak narinig nito bago lumapat pasara ang pintuan.
Hingal na sinapo niya ang sentido at pagod na ibinagsak pabalik ang puwitan sa swivel chair. Ang lakas ng loob ng lalaking iyon para ganitohin siya. Para iwan na lang siya basta-basta. Kapag nalaman ng lahat na hindi na matutuloy ang kasal nila, malaking kahihiyan ito sa kanya at magiging katatawanan sa mga taong gusto siyang bumagsak. Isa na doon ang Crown Cork Wine Company na nangungunang kalaban ng kompanya niya.
Ventura Family is wealth and powerful. They own the biggest winery business in the country. Ava Ventura is the new boss of the Secret Garden Wine Company after her father's death. Muntikan nang bumagsak ang kumpanya, pero ginawa niya ang lahat ng mga itinuro sa kanya ng ama para muli itong makaahon, at nagawa naman niya. Ngayon namamayagpag na ang kompanya hindi lang sa Pilipinas kundi sa labas din ng bansa kaya hindi siya makapapayag na mapahiya lang sa lahat.
Taas-baba ang balikat ni Ava na pilit niyang pinakalma ang sarili. Nasaktan siya sa pag-iwan sa kanya ni Dalton, pero higit niyang iniisip ang reputasyon niya. Ang sasabihin ng iba sa kanya. Ayaw niyang mapahiya kaya kailangan niya maka isip ng paraan sa lalong madaling panahon para hindi siya malagay sa kahihiyan.
"I need to find my way around to fix this." She mumbled.
ISANG lingo na ang lumipas mula nang makipaghiwalay si Dalton kay Ava. Pero hanggang sa ngayon hindi pa rin siya nakakaisip ng paraan para maayos ang problema niya tungkol sa kasal. Kinukulit na rin siya ng Fabulous Magazine para sa ipinangako niyang interview sa mga ito kasama si Dalton, pero anong sasabihin niya? Sasabihin ba niya na excited na siya sa mangyayaring kasal ga'yong wala naman na siyang boyfriend para matuloy pa ang kasal. Hindi naman siya tanga para gawin iyon.
Doon tumunog ang call ringtone ng cellphone niya. Nang makita niyang si Manong Karding ang tumatawag ay agad niya 'yung sinagot. Ito ang nag-aasikaso ng vineyard nila sa La union.
"Siguraduhin mong maganda ang sasabihin mo-"
"Señorita, pineste po ang lahat ng ubas. Iilan na lang ho ang natira na pwedeng gamitin para sa panibagong flavor ng wine."
"Ano?!" Bigla napatayo si Ava mula sa pagkakaupo. "Paanong nangyari 'yun?!"
"Uso ho kasi ngayon lalo na sa ganitong panahon-"
"Kaya ka nga nandyan diba para ikaw ang magbantay at mag-alaga sa mga ubas, ano pa ang silbi mo na nandyan ka?!"
"Ginawa ko na po ang lahat, Señorita, para maisalba ang mga pananim, pero matindi po ang naging pinsala nila," mahinahon pa ring sagot nito.
"Tonto! Ang dami ninyo dyan pero mga wala kayong nagawa. Mga bobo! Walang silbi!" sikmat niya.
Saglit itong tumahimik. "Ano pong gagawin ko, Señorita?"
"Wala kang gagawin, because you are fired! All of you are fired!" sigaw niya na pinutol ang linya.
Nanginginig ang mga kamay na sinuklay niya ang buhok bago muling bumalik sa pagkakaupo. Hindi pa nga niya nasosolusyunan ang una niyang problema, pero heto at may panibago na naman.
"Bwisit talaga!"
Doon tumunog ang intercom niya. "What?!" galit na sagot niya.
"Sorry ma'am, gusto ko lang po sabihin na handa na po ang team natin para sa gaganaping wine fair mamayang gabi. They're all prepared na po," si Mona.
So far ito pa lang ang magandang balitang narinig niya ngayong araw. Isa 'yung expensive event for all winery business, to celebrate all the big wine companies in every country and for the first time it will be held here in the Philippines. This wine fair also allows growers and customers to exchange information and ideas and, of course, to have fun.
Secret Garden will represent the most delicious, expensive and, in-demand wine around the world. Alam ni Ava na hindi siya mapapahiya dahil isa ang Secret Garden Wine Company niya na namamayagpag sa wine industry.
"That's good to hear. Ayokong mapahiya sa lahat," aniya. "By the way, do I have any schedule for today?"
"Wala po ma'am," mabilis nitong sagot.
"Good. I'm going home early today to prepare. Tell them, they need to be there early before me," habilin niya.
"Yes, ma'am," agad nitong sahot.
"Huwag kamo sila tatanga-tanga."
"Sasabihan ko po sila," anito bago niya putulin ang linya.
Kinuha niya ang cellphone niya at tinawagan ang kaibigan niyang si Shanti na nagmamay-ari ng isang fashion dress boutique. Dito rin siya nagpagawa ng wedding gown niya at ibang damit pangkasal.
"Buenas dias, Señorita. What can I do for you?" bungad nito sa kabilang linya.
"I'm going to a wine fair tonight. Prepare a gown for me. I want it to be elegant and sophisticated," aniya na pinutol na ang linya. Tumayo na siya at binitbit ang bag na nilisan niya ang opisina.
"I'VE been contacting you for a week, Ava. Ready na ang gown mo for fitting, bakit hindi mo sinasagot ang mga tawag ko?" Tanong sa kanya ni Shanti habang kinukuha nito ang mga gown na inihanda nito para sa kanya.
"I'm just busy," tanging sagot niya.
Kahit kaibigan niya si Shanti wala itong nalalaman sa mga nangyayari sa buhay niya. She trust no one. Isa iyon sa tinuro sa kanya ng ama niya na huwag magtitiwala kahit kanino, dahil isa sa mga ito ay maaari niyang maging kalaban.
Tiningnan siya nito mula sa salamin ng fitting room. "Gusto mo bang sukatin ngayon?" maya'y tanong nito.
"No—I mean... I would like to, but I'm in hurry," pagdadahilan na lang niya kahit ang totoo wala na siyang ganang sukatin pa iyon matapos makipaghiwalay at umatras ni Dalton sa kasal nila.
Kinunutan siya nito ng noo. "You're really different. Yung ibang ikakasal halos hindi magkumahog na makita ang wedding dress nila, samantalang ikaw nandyan at handa na eh ayaw pang sukatin."
"Of course, I'm different. Excited din naman ako, hindi ko lang pinapahalata. Isa pa, business comes first," aniya na lang niya na ikinailing nito.
Sandaling nagpaalam si Shanti at pagkabalik nito ay may bitbit na itong tatlong kulay at klase ng evening gown. Isa-isa niya 'yung sinukat, pero ang napili niya ay isang blood red spaghetti strap v-neck gown na may slit sa kanang hita niya na sa tuwing lalakad siya ay nae-expose ang perpekto niyang binti at hita. Simple lang ang disensyo niyon na humahapit sa balingkinitan niyang katawan.
"You look perfect!" tili ni Shanti na bahagya pang pumalakpak.
She proudly smile. "Ofcourse! I'm perfect," aniya na muling pinagmasdan ang sarili sa full-length mirror ng fitting room.
Matapos ay sinunod naman ni Shanti na make-up-an at ayusin ang buhok niya. Nang masigurong maganda na siya ay binayaran niya na ito at agad na ring umalis sa lugar na iyon at nagtungo sa Shangri-La Hotel.
AGAD na nasilaw si Azi pagkapasok nila sa maluwang na bulwagan kung saan gaganapin ang kauna-unahang wine fair sa Pilipinas, na ginanap sa Shangri-La Plaza Hotel. Hindi ganito ang inaasahan niya. Ibang-iba ito sa mga napuntahan na niyang wine fair sa iba't-ibang bansa sa tuwing sinasama siya ni Marco. This event is exclusively for richest people in wine industry.
Kumikislap ang bawat paligid dahil sa mga brilyante na siyang disenyo sa paligid. Ang stool ng bawat kompanya ay nasa gilid. Dito libre o pwede mo tikman ang lahat ng alak. May pwesto rin kung saan pupwede kang bumili ng alak bilang souvenir. Kung hindi niya kasama si Marco, ang matalik niyang kaibigan, siguradong hindi siya papapasukin. Isa rin kasi ang kumpanya nito na kilala sa winery business.
"What do you think?" malapad ang ngiting pukaw sa kanya ni Marco na bahagya pa siyang siniko.
"This is far from what I expected." aniya na hindi mapigilang ilibot ang mga mata sa paligid.
"Told you, Bud. You will miss the opportunity to taste the the wine made by our country if you don't accompany me. Isa pa huwag mo naman iburo ang sarili mo sa hacienda," natatawa nitong sabi.
He tsked. "Gusto ko na ngang magsisi na sumama ako. Gusto ko na lang umuwi at matulog." Isinuksok niya ang mga kamay sa magkabilang bulsa ng suot niyang itim na slack pants.
Umiling-iling ito. "Tumigil ka nga. You're here to have fun. Malay mo dito ka makakuha ng inspirasyon para muli kang gumawa ng wine." Tumaas-baba ang mga kilay nito. "Sulitin mo ang gabing ito Cinderello. Malay mo, dito mo rin matagpuan ang prinsesa mo."
Natatawang umiling-iling siya. "Ewan ko sa'yo!"
Nakakaloko itong tumawa. "Anyway, pasyalan ko lang ang stool ng Majesty Wine," paalam nito sa kanya. "Have fun, Bud." Tinapik-tapik siya nito sa balikat bago siya iwanan na nag-iisa.
Nagbuga siya ng hangin bago humakbang pababa papunta sa unang stool. Kumuha siya ng baso at pumili ng wine na titikman niya. Bahagya siyang napapikit dahil masyado 'yung sumobra sa tapang at tamis. Lumipat naman siya sa ikalawang stool at tumikim din ng wine, tulad sa nauna ay matapang din 'yun pero kulang naman sa lasa.
Nasa ikalimang stool na siya nang bahagyang umingay ang paligid na animo may dumating na isang celebrity. Ang mga mata niya ay dumapo sa entrada ng hall na iyon. Isang magandang babae ang bumungad sa mga mata niya. Porselana ang kulay ng balat nito, maliit ang mukha, matangos ang ilong, perpekto ang hugis ng mga labi at ang mga mata nito ay tila nangungusap.
Mabilis niyang iniwas ang mga mata mula rito. Humugot siya ng hangin at marahas 'yung ibinuga. Pinilit niyang inabala ang sarili sa pagtikim ng mga wine hanggang sa makarating siya sa stool ng Secret Garden. Pinili niyang tikman ang kulay lilang wine. Hindi niya mapigilang mapatango dahil sa perfect texture combination ng lasa n'yon. Sa bawat lagok ay may naiiwang lasa sa mga labi niya.
"What do you think?"
Napabaling siya ng tingin sa kanan niya. Ito `yung babaeng pinagkaguluhan kanina.
"Pwede na," tipid niyang sagot kahit kulang iyon para ilarawan ang masarap na lasa ng wine.
"Pwede na?" tila dismayado nitong tanong.
Tumango siya. "Pwede na."
Kinunutan ito ng noo ni Ava. Wala pang sumagot ng ganun matapos matikman ang produkto ng Secret Garden. "Are you insulting my wine?"
Hindi makapaniwalang muli itong nilingon ni Azi. Hindi niya akalain na ito ang may-ari ng Secret Garden. Sino nga ba ang hindi makakakilala sa kumpanyang nangunguna sa wine industry?
"Sorry, `yun kasi ang basehan ko," sagot ni Azi na muling suminsim ng wine.
Tinaasan ito ni Ava ng kilay. "But that's not enough to describe my wine, Mr?"
"Azi, Azi Im—Dever,." mabilis na sagot ni Azi. "Okay, masarap siya. There's a bubbly blend of Chardonnay and Pinot Noir. Nice complex of strawberry and raspberry, yet a rich, indulgent texture. There's an after taste and that's the unique part of this wine." aniya na ang tinutukoy ang nalalasahan niya sa wine. Nilingon niya ito at pagkamangha ang nakikita niya sa mga mata nito.
Bahagyang ngumiti si Ava. "It's not made from Secret Garden for nothing. And for your information the brand name of that wine is 'Unique'." Azi heard the confidence in her voice. She's very proud in her wine.
"By the way I'm Ava Ventura." Inilahad nito ang kamay sa kanyang harapan. Para hindi kabastusan ay tinanggap iyon ni Azi.
"Nice to meet you."
"Nice to meet you, Mr. Devera. By the way, you have a taste of a vintner. Paano mo nalaman kung ano ang mga ingredients na hinalo sa wine na iyan?" curious na tanong ni Ava.
Tipid na ngumiti si Azi. "Isa lang akong simpleng tao, Ms. Ventura na may malawak na panlasa," aniya na binitawan ang kamay nito.
Bahagyang naningkit ang mata nito. Hindi ito kumbinsido sa sinabi niya. Sino nga naman ang maniniwala kung nakapasok siya sa ganitong exclusive na event?
"Are you? Hindi ka basta-basta makakapasok dito kung simpleng tao ka lang, Mr. Devera," may hamig na panghihinala na sabi ni Ava.
Tiningnan niya ito mula ulo hanghang paa. This man looks like Brad Pitt. He had a Mohican cut and scythe-shaped eyebrows. The aquiline nose he sported complemented his prominent cheekbones. Bumagay rito ang itim nitong buhok na hanggang balikat ang haba. Handsome is an understated way to describe the man.
Bumaba ang mga mata niya sa pangangatawan nito. He had a manly, Chris Hemsworth physique. He's wearing an expensive cut and midnight blue sheen tuxedo. Mas bumaba pa ang mga mata niya sa paanan nito at hindi niya maiwasang taasan ng kilay, isang black louis vuitton shoes lang naman ang suot-suot nito. Paano nito nasasabi na isa lamang itong simpleng tao?
"Pasado ba ako sa paningin mo?"
Kurap-kurap na nagtaas ng tingin si Ava sa binata. Hindi maiwasang pamulahan siya ng mukha dahil sa kahihiyan. Ngayon lang siya nagkaroon ng interest na pagmasdan ang isang lalaki sa tanang buhay niya.
Tumikhim si Ava at hindi pinahalata ang nararamdamang kahihiyan. "You are wearing expensive clothes and expensive shoes, paano mo nasasabing isa ka lang simpleng tao, Mr. Devera?" Azi about to answer her question when someone uttered Daniella's name.
Sabay napalingon sila Ava at Azi sa entrada ng venue sa bahagyang pag-ingay ng paligid. Nakita ni Azi ang pagpasok ng isang babae at lalaki. Wala siyang ideya kung sino ang mga 'yun.
"This can't be. How dare him..." Naulinigan niyang sabi ng katabi.
Nang lingunin ni Azi si Ava ay may nakita siyang galit at may nangingilid na luha sa mga mata nito. Pero kung ano man ang dahilan ay wala na siyang pakialam pa roon.
"Ang mga walang hiya..." Narinig pa niyang sabi nito.
Tatalikuran na sana ni Azi si Ava, pero hindi pa man din siya tuluyang nakakalayo ay pinigilan siya nito sa braso at pagkakuwa'y muling siyang ipinihit ng dalaga paharap dito. Masyadong mabilis ang mga pangyayari, at bago pa siya makaiwas sa sumunod nitong ginawa. Ava's lips are already in his.