"YOU have to come back here to the Philippines, Ava." Naalala niyang sabi sa kaniya ni Camilla nang tawagan siya nito kanina.
It has been two months since she left the Philippines, para maka-move on sa paghihiwalay nila ni Azi. And a month later after she came here to Australia, she found out that she was pregnant. Hindi naman siya nagulat sa balitang iyon dahil hindi naman sila gumamit ng kahit na anong proteksyon.
Mula ng malaman niya na nagdadalang-tao siya ay ginusto na lang niya ang manirahan dito sa America at dito isilang ang magiging anak niya. Pero dahil sa ibinalita sa kaniya ni Camilla na unti-onti ng natatalo ng Crown Cork Wine Company ang Secret Garden Company ay kinakailangan niyang umuwi kahit labag sa loob niya.
Umalis si Ava mula sa ibabaw ng kama at naglakad palabas sa berandang kanuog ng hotel room tinutuluyan niya sa America. Mula sa kinaroroonan niya ay tanaw niya ang nagkikislapang ilaw sa madilim na paligid ng Sydney.
Noong matapos nila makapag-usap ni Camilla kanina ay nagtatalo pa ang puso't isipan niya kung babalik siya sa Pilipinas, pero sa huli ay nanalo ang pagmamahal niya para sa kumpanya. Pinagbigyan na niya ang sarili na lumayo pansamantala para makapag-move on. Ngayon oras naman para pagtuunan niya ng pansin ang kumpanya.
Siguro nga naging makasarili siya dahil nagawa niyang iwan ang kumpanya para sa sarili problema. Bago pa tuluyang bumagsak ang Secret Garden ay kailangan na niyang bumalik para mabawi sa pagkawala nito sa top 1.
Nagpakawala siya ng isang buntong-hininga at sinapo ang impis pa niyang tiyan. Sa pag-uwi nila sa Pilipinas ay wala siyang planong sabihin kay Azi ang tungkol sa pagbubuntis niya. Hindi niya ito kailangan at kaya niyang buhayin na mag-isa ang anak nilang dalawa.
"Mommy promise to love you and take care of you," sabi niya habang may bahagyang ngiti sa mga labi.
Para kay Ava ay isang biyaya ang mabuntis siya, kaya pinapangako niyang mamahalin niya ang magiging anak niya at sisiguraduhin niyang hindi niya ito magiging katulad. Hindi niya gagawin ang pagpapalaking ginawa sa kaniya ng kaniyang ama.
Muli siyang nagbuntong-hininga at nagpasya ng ayusin ang mga gamit niya dahil bukas na bukas ay babyahe siya pabalik sa Pilipinas.
"AVA!" Puno ng saya na sinalubong siya ni Camilla pagkalabas niya sa entrada ng airport.
Mahigpit siya nitong niyakap at ganu'n din siya.
"I missed you!"
"Kung maka I miss you ka naman parang taon mo ako hindi nakita," natatawa niyang sabi ng pakawalan na siya nito.
"Syempre na-miss ko kaya ang pagtataray at ang nakakarindi mong boses tuwing umaga," pabito nitong sabi.
Tinirikan niya ito ng mata at marahan na umiling. "Ewan ko sa'yo, Cam."
"Teka!" Sinuri siya nito mula ulo hanggang paa at muling bumalik sa kaniyang mukha. "Parang may kakaiba sa'yo?"
"Anong kakaiba?" kunot ang noong tanong niya.
"Naka-move on ka na ba or may bago kang lover?"
"Lover ka dyan! Anong akala mo sa akin playgirl?! I went to America to move on, hindi para humanap ulit ng batong ipupukpok ko sa ulo ko."
"Kung makapagsalita ka para ka naman nabigo na ng ilang beses."
"For me, once is okay but twice is enough. Ayoko tumulad sa ibang babae na nagpapakamartir para lang sa pag-ibig."
"Kung makapagsalita ka parang wala ka na ulit balak mag-asawa."
"Uuwi pa ba tayo o pag-uusapan na lang natin ang tungkol sa pag-aasawa ko?"
Natawa ito. "Sabi ko nga uuwi na tayo." Tinuro nito kung saan nito pinarada ang sasakyan.
Hinila naman niya ang dalang maleta papunta sa nakaparadang sasakyan at inilagay ang maleta sa compartment ni'yon.
"Kumusta naman ang ilang buwan na pagtira mo sa Sydney, Ava?" tanong sa kaniya ni Camilla pagkasakay niya.
"Ayos naman. I enjoyed staying there."
"How about you? Kumusta na ang puso mo?"
Nginitian niya ito. "My heart is still beating."
"Beating for, Azi?"
Ava rolled her eyes. "Don't say bad words, Cam."
Natawa ito. "Sa tingin ko nga okay ka na talaga ngayon, kasi bad words na ang pangalan ni Azi para sa'yo."
"Hindi naman sa ganu'n. I just don't want to hear his name."
Nawala ang ngiti nito sa mga labi. "Sa tingin ko, mali ata ako ng akala. Mukhang nandyan pa rin si Azi sa puso mo, Ava."
Iniwas niya ang tingin dito. Ayaw niyang makita nito kung ano ba talaga ang katotohanan. "Nagugutom na ako," pag-iiba niya sa usapin.
"Saan mo ba gustong kumain?"
"Parang gusto kong kumain ng sinigang." Nangangasim ang bagang niya ngayon at gusto niya kumain ngayon ng sinigang na niluto ni Azi para sa kaniya noon.
"Sinigang? Saang restaurant naman mayroong sinigang? Sa Sangri-la meron doon-,"
"Ayoko luto ng restaurant."
"Sige, papaluto na lang tayo kay Gorge." Tinutukoy nito ang kusinero niya sa mansion.
Hindi na siya nagsalita pa at hinilig na lang ang ulo sa headrest ng upuan. Medyo kumikirot ang ulo niya, marahil dahil sa mahabang biyahe.
"Matulog ka muna. Gisingin na lang kita kapag nakarating na tayo sa mansion."
"Thank you," aniya na ipinikit na ang mga mata.
HALOS maidura ni Ava ang sabaw ng sinigang nang tikman niya iyon. "Ano bang klaseng luto ito? So rang asim!" inis na sabi niya.
"Maasim ba? Hindi naman, sakto lang sa akin," sagot ni Camilla nang matikman nito ang sabaw.
"Basta maasim! Ayoko niyan. Ipagluto ninyo ulit si Gorge!"
Natataranta namang kinuha ng kasambahay ang sinigang na nasa lamesa niya at dali iyong dinala sa kusina.
"Pangatlong luto na iyon ni Gorge, Ava. Ano ba ang nangyayari sa'yo? Para kang buntis na naglilihi."
Natigilan siya at saglit silang nagkatitigan bago niya iniwas ang tingin dito. Mariin niyang ipinikit ang mga mata at hinihiling na sana hindi nito isip na nagdadalang-tao siya, pero malabo iyon. Sa inaakto niya ngayon halatang-halata na naglilihi siya.
"Are you pregnant, Ava?" mahina nitong tanong. Hindi niya ito sinagot.
Hinawakan siya nito sa braso. "Ava?"
Tiningnan niya ito ay marahan na tumango. Natutop naman ni Camilla ang bibig. Inaasahan niya na madidismaya ito pero kabaliktaran ang nangyari malawak itong ngumiti at nagtititili.
"OMG! Totoo?"
"Mukha ba ako nagbibiro?"
"Congratulations, Ava!" Mabilis itong tumayo at niyakap siya.
"You are not disappointed?"
"Why should I be disappointed? Dahil hiwalay kayo ni Azi at walang kikilalaning ama ang magiging anak mo? We know you tried to fix your relationship with Azi, pero siya na mismo ang may ayaw, kaya wala sa'yo ang mali. Isa pa, that baby is a blessing!"
Tipid niya itong nginitian. "Thanks, Cam."
"Pero paano ang mga taong nakakakilala sa'yo? Paano kapag nalaman nilang buntis ka?" tanong ito na muling naupo.
Nagkibit siya ng balikat. "I really don't care what other people say once they find out that I'm pregnant. Noon, palagi kong iniisip ang reputasyon ko at ang sasabihin ng ibang tao, pero ngayon wala na akong pakialam." Hinaplot niya ang tiyan. "Tulad ng sinabi mo, ang batang ito ay isang biyaya, kaya walang dahilan para itago ko siya sa lahat."
"Ibang-iba ka na talaga ngayon, Ava. I'm so proud of you. Kahit na anong mangyari, lagi akong nandito para sa'yo."
"Thank you, Cam."
Nginitian siya nito at pagkatapos ay nangiwi ito. "Pero nagugutom na talaga ako. Pwede na ba akong maunang kumain?"
"Sure. Just don't mind me."
Mabilis itong umiling. "Hindi pwede. Damay-damay na ito."
Natawa siya. "Sira ka! Kapag nakuha ni Gorge ang timplang gusto ko makakakain na rin ako."
Pinaningkitan siya nito ng mga mata. "Huwag mong sabihin sa akin na ang lutong sinigang ni Azi ang hinahanap mong lasa?"
Kagat ang ibabang labi na marahan siyang tumango. "Ewan ko ba, iyon ang lasang hinahanap-hanap ng bibig ko."
"Gusto mo tawagan ko si A-,"
Sinamaan niya ito ng tingin. "Don't you dare!"
Natawa ito. "Just kidding. Gorge, ayusin mo na ang luto mo para makakain na kami!" sigaw nito na ikinatawa niya.
NAPUTOL ang tulog ni Ava nang bumaliktad nag sikmura niya. Mabilis siyang bumangon at tumakbo papunta sa banyo at nagduduwal sa lababo. Halos mangiyak-ngiyak siya sa sakit ng sikmura niya at ng lalamunan sa ilang beses na pagduwal. Ganito rin ang dinanas niya noon bago pa niya malaman ang tungkol sa pagbubuntis niya pagkatapos niyang magpatingin sa espesyalista.
Nang kumalma na ang sikmura niya ay dumiretso na siya sa pagligo. Matapos maligo, magbihis at makapag-ayos ay bitbit ang bag na bumaba na siya para mag-umagahan. Pagpasok pa lang ni Ava sa dining area ay muling bumaliktad ang sikmura niya kaya dali siyang tumakbo sa kusina para sumuka sa lababo.
"Are you okay?" nag-aalalang tanong ni Camilla sa kaniya.
"I'm not," aniya na nagmumog. "I'm always like this every morning."
"Ganu'n kahirap?"
Pagod siyang naglakad pabalik sa dining are at naupo. "Pakisabi na lang kay Gorge na huwag gumamit ng sibuyas at bawang sa pagluluto. Ayoko ng amoy nila," aniya na takip-takip ang ilong.
"You don't look fine. Mabuti pang huwag ka munang pumasok?"
"Hindi pwede. May kailangan ayusin sa kumpanya, kung magpapadala ako sa morning sickness ko, wala akong mapapala."
"Are you sure?" Hindi pa rin mawala ang pangamba sa mukha nito.
"Yes. I'll be okay."
"BAKIT bumaba ng ganito ang sells ng products natin?" tanong ni Ava habang ang mga mata ay nasa sells record na ibinigay sa kaniya ng sells department.
Sa nakikita niya, last month hindi pa bumaba ng ganu'n ang kita ng produkto ng Secret Garden. Pero pagpasok sa buwan ng July ay biglang bagsak ang kita ng kumpanya. Kasalukuyan nilang pinagmi-meetingan ang tungkol sa probleng iyon kasama ang department heads.
"Anong produkto na ngayon ang nangunguna sa wine industry?" maya'y tanong niya.
"Ang produkto po ng Crown Cork Wine Company, Ma'am Ava," sagot ng isa sa mga department heads.
Kunot ang noong tiningnan niya ito. "Sila?"
"Sa nasagap ko hong balita meron hong bagong CEO ang CCWC at naglabas ho sila ng panibagong produkto at ipinangalan itong Wild Heiress, at agad itong tinangkilik ng mga mamimili."
"Ng ganu'n kabilis?" Tumango ito bilang sagot.
"Para malaman namin ang dahilan kung bakit tinatangkilik ng mga mamimili ang Wild Heiress ay bumili ako." Si Camilla. Inilapag nito ang bote ng nasabing wine sa ibabaw ng lamesa.
"Gusto mong tikman?"
"Sure." Agad siyang sinalinan ni Camilla ng wine sa baso at iniabot iyon sa kaniya.
Unang simsim pa lang niya sa wine ay masasabi na niyang tumutugma sa pangalan nito ang nilalaman ng bote. Mas nahigitan nito ang sarap ng Unique brand ng Secret Garden. Bugod 'dun ay pinag-isipan talaga nito ang disensyo ng bote.
"Hindi ko maitatanggi na masarap at nahigitan nito ang latest brand ng Secret Garden. Sa ngayon, dito ko muna tatapusin ang meeting na ito. Gusto kong alamin ninyo ang dahilan ng pagbagsak ng produkto natin maliban sa lasa ng wone na ito. Gusto ko rin na magbigay din kayo ng ideya sa akin kung ano ang strategy ang pwede nating gawin para maibalik sa top 1 ang Secret Garden sa winery industry. Makakaasa ba ako sa tulong ninyo?"
Ang lahat ay natigilan sa sinabi niyang iyon. Marahil nagtataka sa biglang pagbabago ng kaniyang ugali. Dati kasi agad siyang naghihisterikal kapag nasa problema ang kumpanya. Nangangamba siya, pero mas pinili niya ang maging kampante. Isa pa, hindi maganda sa kalagayan niya kung idadaan niya sa galit.
"Maaasahan ko ba kayo?" ulit niya.
"Yes, Ma'am Ava!" sabay-sabay na sagot ng mga ito.
Pagakbalik niya sa pribado niyang opisina ay agad niyang tinawagan ang private investigator niya.
"Good morning, Ma'am Ava. Matagal-tagal na mula noong huli tayong nagkausap," bungad sa kaniya nito.
"May gusto akong malaman," diretsahan niyang sabi.
"Ano ho iyon, Ma'am?"
"Gusto kong malaman kung sino ang bagong CEO ng Crown Cork Wine Company. Malalaman ko ba iyan ngayong araw mismo?"
"Wala hong problema, Ma'am Ava. Bigyan niyo lang ho ako ng dalawang oras, ibibigay ko sayo ang inpormasyon na gusto mong malaman."
"Okay, Anton, hihintayin ko."
Pagkaputol ng linya ay nagpakawala siya ng isang malalim na buntong-hininga. Hinilot niya ang sumasakit na sentido.
"Makisama ka naman," anas niya. Hindi siya pwedeng magpahinga ngayon dahil kailangan niyang mag-isip ng estratihiya para muling tumaas ang sells ng kumpaniya.
Para hindi matuon ang isip ni Ava sa sakit ng ulo ay inabala niya ang sarili sa trabaho. Lumipas ang dalawang oras ay tumawag si Anton tulad ng sinabi nito.
"May balita na?" bungad niya. Gusto na niya malaman kung sino ang bagong CEO ng CCWC at nagawa nitong matalo ang Secret Garden.
"Huwag ho kayong mabibigla, Ma'am Ava."
Nangunot ang noo niya. Bakit nasabi nito iyon? May dapat ba siyang ikabigla sa malalaman?
"Just tell me who it is."
"The new CEO of Crown Cork Wine Company is none other than Mr. Crey Azi Devera Imperial."
"W-what? What did you say?"
"Ang bago hong CEO ng CCWC ay ang dati ninyong asawa."
Napatayo siya sa balitang nalaman. "Totoo ba `yang sinasabi mo?"
"Oho, Ma'am Ava. I already emailed the information you wanted to know."
Pagkaputol ng linya ay tila nanigas si Ava sa kaniyang kinatatayuan. Nanlalamig ang buo niyang katawan sa nalaman. Si Azi ay isang Imperial?
Nasapo niya ang noo at muling bumalik sa pagkakaupo. Doon naman pumasok si Camilla na may dalang pagkain.
"Here's your lunch—,"
"I have to go to Crown Cork Wine Company," putol niya sa iba pa nitong sinasabi.
Nangunot ang noo nito. "Bakit ka pupunta roon? For what?"
"May gusto akong ikumpira, kung totoo ba ang inpormasyon na natanggap ko sa tungkol sa bagong CEO ng kumpanyang iyon."
"Ano naman ang gusto mong ikumpirma?"
"Gusto kong malaman kung totoo bang si Azi ang bagong CEO ng CCWC."
"What?!" Hindi ito makapaniwalang tumitig sa kaniya. "Paanong siya? Isa lamang siyang hacienderong nabaon sa utang."
Hindi na niya ito sinagot pa dahil alam niyang hindi basta-bastang haciendero si Azi. Ito na ba ang sinabi ng binata kay Dalton na kung inalam pa nito ng husto ang pagkatao ni Azi ay malalaman nito na higit pa ito sa nalalaman ni Dalton. Dahil ang totoo ay isa pa lang itong Imperial. Iyon din ba ang dahilan kung bakit gusto na nitong tapusin ang kasunduan nila? Kung ano man ang totoo, iyon ang gusto niyang malaman.