Chapter Twenty One

2210 Words
PAG-APAK ng mga paa ni Ava sa villa resort ay sinalubong siya ng nakakapreskong hangin. Ipinikit niya ang mga mata at sininghot niya ang sariwang hangin, nakakawala ng stress at pagod sa sunod-sunod na problema ng kumpanya. Nilibot niya ang tingin sa napaka linis na paligid ng villa. May mga puno ng niyog at ang bawat paligid ay napapalibutan ng mga makukulay na bulaklak. "This way Ma'am," ani ng babaeng resort staff na siyang maghahatid sa magiging kwarto nila ni Camilla rito sa villa resort sa loob ng isang lingo. "This is the Pool Suite Villa," sabi ng resort staff pagkarating nila sa nirentahang kwarto. "This room is hidden from the other villa to enjoy privacy while facing the ocean views. With two rooms and king size bed, may sarili rin hong sala, kitchen, Large lounging balcony, two bathrooms and 1 separate toilets jacuzzi, at meron ding sariling pool area. Meron ho itong katabing villa, pero nasisiguro ho namin na hindi maiistorbo ang pag-stay ninyo rito," sabi pa nito. "What do you think?" untag sa kaniya ni Camilla. "I like it. Ang importante lang naman sa akin ay 'yung tahimik at malayo sa mga bwisit na tayo," sagot niya. "Kapag may kailangan ho kayo pwede ho kayo pumunta sa reception area. Kapag gusto ninyo hong pumunta sa restaurant o sa bar, nasa labas lang ho ang golf cart. Mauna na ho ako." "Maraming salamat, Miss," si Camilla. Hinakbang niya ang mga paa papasok sa kwarto niya. Nakaramdam siya ng satisfaction nang makita niya ang loob ng kwarto. Merong pabilog na malaking kama sa gitna, may sariling lagayan ng damit at mayroon na ring sariling banyo. Pagkatapos niyang masilip ang loob ng banyo ay hinakbang niya ang mga paa palabas sa malawak na balkonahe ng kwarto niya. Iba ito sa large lounging balcony na sinasabi ng resort staff kung nasaan din ang swimming pool. Itinaas ni Ava ang dalawang mga kamay para mag-inat. Nang ibaling niya ang tingin sa bandang kaliwa niya ay ganu'n na lang ang panlalaki ng mga mata niya nang makilala ang lalaking nakatingin din sa kaniya. "Ikaw?" bulalas niya. "Anong ginagawa mo rito?!" "Nagbabakasyon. Small world isn't it?" "Small world mo mukha mo!" "Ava, bakit ka ba sumisigaw—oh! Azi, you're here too?" si Camilla mula sa likuran niya. "Ayos ba? Ang ganda diba?" si Marco na lumabas mula sa kwarto. Nagulat din ito pagkakita sa kanila. "Nandito rin pala ang mga magagandang dilag. Hi, Baby!" Kinawayan pa nito si Camilla. "Hi!" ngiwing bati naman ni Camilla sa nobyo nito. "Ayoko rito." Hinarap niya si Camilla. "Magpalipat ka ng ibang kwarto, malayo sa kanila." "Sige susubukan ko." Lumabas ito sa kwarto niya para tumawag sa receptionist. Ilang sandali pa ay bumalik ito. "Ava, wala na raw available na kwarto, lahat fully booked na." "Kung ganu'n, umuwi na lang tayo." "Hindi na natin pwede i-r****d ang perang binayad natin dito, sayang naman kung uuwi lang tayo." "Sa kanila na ang pera. We are here to relax, but how can I do that if the person who is the caused of my stress is also here?" aniya na tinapunan ng masamang tingin si Azi. "Nandito rin ako para mag-relax. Naka moved on ka na diba like what you said, my presence won't bother you at all." Tiningnan siya nito sa kaniyang mga mata na tila hhinahamon siya nito. Oo, sinabi nga niya na naka moved on na siya kaya tama rin naman ito, bakit nga ba siya nagpapakaapekto ng ganito? Marahil, naalala lang din niya ang mga sinabi nito sa Famous Magazine kaya siya ganito. Dapat niyang ipakita at patunayan na hindi na niya ito mahal at hindi ito kawalan sa buhay niya at sa buhay ng magiging anak niya. "Camilla," tawag niya sa pinsan. "Ava?" "We are not leaving," mariin niyang sabi pagkatapos ay humakbang na siya papasok sa loob ng kwarto niya. Para mapreskohan ay nagpasya siyang maligo bago sila pumunta sa restaurant par kumain ng tanghalian dahil nagugutom na rin siya. Magkatapos niyang maligo ay sinuot niya ang puting off shoulder dress na hanggang kalahati ng hita niya ang haba. Pagkatapos ay tinuyo niya ng blower ang basa niyang buhok. Pulbo at lip tint lang ang inilagay niya sa kaniyang mukha. Ng makita sa salamin na naka ayos na siya ay lumabas na siya sa kwarto bitbit ang wallet. Tulad niya ay bagong paligo na rin si Camilla at siya na lang ang hinihintay para kumain. Sakay ang golf cart ay tinungo nila ang restaurant na kakainan nila. Pagkarating nila roon ay agad silang humanap ng mauupuan. Lumapit sa kanila ang waiter para hingiin ang order nila. "Anong gusto mo, Ava?" tanong ni Camilla sa kaniya. "Walang sinigang?" "Wala ho, ma'am," sagot ng waiter na ikinanlumo niya. "Pero gusto ko ng sinigang. Nagugutom na ako," mahina niyang sabi. "Pwede tayong magluto sa villa. Bibili lang tayo ng sangkap sa may market, ayun nga lang sino ang magluluto?" "I can cook, pero kailangan ko pa 'yung pag-aralan. I'm really hungry." "I can cook for you, if you want?" Nabaling ang tingin nila ni Camilla sa dalawang lalaking nakaupo sa katabi nilang lamesa. Hindi man lang niya napansin ang presensya ng mga ito. "No, thanks." Inirapan niya ito. "Umorder ka na lang ng kahit ano, Camilla." "Okay," anito na nagsabi ng oorderin sa waiter. Habang wala pa ang order nila ay pinilit niyang baliwalain ang presensya ni Azi at hindi niya naririnig ang boses nito. Laking pasalamat niya matapos ang sampung minuto ay dumating na ang order nila. It was a french pasta food. Nang sumubo siya ay dali niyang natutop ang bibigdahil sa biglang pagbaliktad ng sikmura niya. Dali siyang tumakbo papunta sa comport room at doon nagduduwal. Halos maghina siya pagkatapos. "Are you okay?" tanong ni Azi pagkalabas niya sa comport room. Hindi niya inaasahan na susundan siya nito rito. "Do I look okay?" sagot niya na iniwanan na ito. Sinundan siya nito. "Ayaw mo ba talagang paglutuan kita?" "Ayoko." "Ava." "Sinabing ayoko. Camilla, let's go," yaya niya kay Camilla na nakikipag-usap kay Marco. "Hayaan mong paglutuan kita kahit para lang sa bata." Natigilan siya sa akmang pag-alis sa sinabi nito. Gusto niya itong tanggihan dahil sa pride niya, pero nagugutom na talaga siya at hindi naman niya tinatanggi na hinahanap-hanap niya ang lutong sinigang nito. Pumihit siya paharap dito. "Okay. Para sa bata." Ngumiti ito. "Okay. Your place or my place?" "My place," pagkasagot ni'yon ay nauna na siyang lumabas ng restaurant at sumakay sa golf cart. "Susunod na lang kami. Bibili lang kami sa market," sabi ni Azi na sumakay na rin sa golf cart. "Kasama talaga ako?" kunot ang noong tanong ni Marco kay Azi. "Ikaw ang magmaneho. Dalian mo na." "See you later, Baby." Kumakamot sa ulo na sumakay na rin si Marco at ito ang nagmaneho papunta sa market. HINDI maiwasan ni Ava na hindi pagmasdam si Azi habang nagluluto ito sa kusina ng villa nila. He's handsome and manly as ever. Hindi man lang nakabawas sa kagwapuhan nito ang pagluluto. Habang pinagmamasdan niya ito ay dinama niya ang kaniyang puso pero nanatili lang iyong kalmado. Pero ramdam pa rin niya na mayroon pang damdamin na natitira sa sa puso niya para rito, pero hindi na tulad ng dati. "Huwag mong titigan at baka matunaw," bulong sa kaniya ni Camilla na bahagya pa siyang siniko. "Hindi no!" Inalis niya ang tingin sa binata at binaling sa hawak niyang magazine. "Hindi raw? Pero kanina ko pa napapansin ang pasulyap-sulyap mo kay Azi." "I'm not, Camilla," mariin niyang sagot. "Okay." Natatawang umiling-iling ito. "Hey girls. Mango shake for you and for you." Iniabot ni Marco sa kanila ang basong may lamang mango shake. "Thank you, Baby," si Camilla. Tumabi ng upo si Marco rito, pagkatapos ay inakbayan ito. "Anong plano ninyo mamayang gabi?" Maya'y tanong ni Marco. "Ano bang meron mamayang gabi?" "Sabi ng resort staff, gabi-gabi raw merong gig sa restobar malamit sa dalampasigan. Mag-e-enjoy tayo roon." "What do you think, Ava?" baling sa kaniya ni Camilla. "I can't. I'm pregnant, remember?" "Oo nga pala." "Kayo na lang. Dito na lang ako." "Okay lang sa'yo?" "Nandito tayo para mag-relax. Bakit kita pipigilan?" "Thanks, Ava! Pero wala kang kasama rito?" "Pwede ko siyang samahan as a friend," si Azi. "Ayon naman pala." si Marco. "Hindi ako nagpapasama sa'yo," masungit niyang sagot. Hindi na sinagot ni Azi ang sinabi niya. "Luto na. Kain na tayo." Mabilis na tumayo si Camilla para tulungan si Marco na maghain sa lamesa at ng matapos sila ay sabay-sabay silang naupo at pinagsaluhan ang nilutong sinigang ni Azi. Halos mapapikit siya nang matikman niya ang sinigang. Matagal na siyang nagki-crave sa lutong sinigang ni Azi at sa wakas ngayon ay nakakain na ulit siya. "Ang sarap, Azi. Kaya pala hinahanap-hanap ni Ava ang luto mo," si Camilla. "Alam mo ba, nakailang luto ang cook namin sa mansion para lang magustohan ni Ava ang sinigang—," Pinanlakihan niya ito ng mga mata. "Wala na akong sinabi," nakangiwing sabi ni Camilla. "Really? Kung gusto niyang paglutuan ko siya walang problema. Sabihan ninyo lang ako at gagawin ko." "Wala akong sinabi na gusto ko," pagtataray niya. "Kaya pala nakadalawa ka na, Ava?" pang-aasar naman sa kaniya ni Marco. Sinamaan niya ito ng tingin kaya huminto na ito. "Kain nang kain, Ava. Napatingin lang siya kay Azi nang lagyan siya nito ng karne sa pinggan niya. Mabilis niyang iniwas ang tingin dito bago pa ito tumingin sa kanya at itinuon na lang ang sarili sa pagkain. PAGDATING ng gabi ay nagpaalam na sa kanya si Camilla na aalis na sila ni Marco at hinayaan na lang niya ito, kaya siya na lang ang mag-isa sa mga oras na iyon. Pero imbis na magmukmok ay naglabas siya ng isa sa mga binaon niyang swimsuit para mag-swimming sa pool. Nang makapagbihis ay pinagmasdan niya ang sarili sa full length mirror na nasa banyo. Sexy pa rin naman siya at kahit medyo umbok na ang banda sa may puson niya ay hindi pa rin halata na buntis siya. Bitbit ang roba na lumabas siya sa may pool area at inilapag sa swimming pool bench ang roba bago siya lumusong sa tubig. Matagal-tagal na rin mula noong hiling langoy niya kaya masyado siyang nag-enjoy at hindi namalayan na nakakailang balik na siya sa paglalangoy. "Hindi ko alam na may sirena pala rito sa resort." Napahinto siya at tumingin kay Azi na bagong dating. "Anong ginagawa mo?" tanong niya nang makita itong nagtatanggal ng damit. "Sasamahan kang lumangoy, ano pa ba?" "I didn't invite you." "I invited my self," anito na nag-dive sa tubig. Napatili pa siya nang hinawakan siya nito sa paa. At nang umangat ito mula sa pagkakalubog ay malakas itong tumawa. Malakas niya u***g hinampas sa dibdib. "Siraulo ka!" "I'm sorry." Nahigit niya ang hininga nang mapansin niyang ilang dangkal na lang ang layo ng mga labi nilang dalawa. She can feel Azi's hard chest pressed against her, ramdin niya ang mainit nitong hininga na tumatama sa basa pisngi niya and his face was close to hers. Halos pareho silang hindi gumagalaw sa tagpong iyon. Nang makitang unti-onting lumalapit ang mukha ni Azi sa kaniya ay agad siyang umiwas at umahon. Inabot niya ang rob at agad iyong sinuot. "Bumalik ka na sa villa ninyo, kaya ko na ang sarili ko." Umahon na rin ito. "Sasamahan kita hanggang sa bumalik sila Marco at Camilla." Lumapit ito sa isang lamesa at kinuha ang bitbit nitong pinggan at bote ng wine. "Alam kong matatagalan sila kaya nagdala ako ng pwede nating kainin habang naghihintay." "Azi—," "Wala akong gagawin na ayaw mo. Please, let me stay?" "Paano kung ayaw ko?" taas ang kilay na tanong niya. "I will still stay." Nagbuga siya ng hangin. "Alam mo ba kung bakit ako pumayag sa kay Camilla nang sabihin niyang magbakasyon kami rito? Because I want peace and I want to take a break from stress. Kahit ilang araw lang, Azi, hayaan mo akong makapagpahinga." "Pareho lang naman tayo, Ava. Iyan ang din ang dahilan ko kung bakit gusto kong magpunta rito. Hindi ba pwedeng maging magkaibigan tayo habang nandito tayo? Please?" Mataimtim niya itong tinitigan. Wala naman siyang nakitang masama sa sinabi nito. Sasagot na sana siya nang may biglang yumakap kay Azi. "Azi!" "Daniella? What are you—," hinalikan ni Daniella si Azi na nagpahinto sa tanong ni nito. Nakaramdam ng pagkirot ang puso niya sa nasaksihan. Oo nga pala, si Daniella na mismo ang nagsabing ikakasal sila. Pero kahit na tinanggi na ni Azi ang tungkol doon, nakikita naman niya kung ano ang totoo. Walang salitang tinalikuran niya ang mga ito. "Ava." "Leave." Mabilis siyang pinigilan ni Azi sa braso. "Ava, hin—," "We can't be friends, Azi. Isa pa, mukhang hindi mo na kailangan." Hinablot niya ang brasong hawak nito. "Umalis na kayo, magpapahinga na ako." Tuluyan niyang iniwan ang mga ito at sinara ang sliding door. Humugot siya ng hangin at marahan iyong binuga. Dapat ipakita niya na hindi na siya apektado, na balewala sa kaniya na makita ang mga ito sa ganu'ng tagpo. "Tapos ka na lumuha, Ava. Kailangan mong maging matatag para sa anak mo," mariin niyang sabi sa sarili bago pumasok sa kwarto para maligo at matulog.

Read on the App

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD