Chapter Fifteen

2177 Words
NAKATANAW lang si Ava sa madilim at maliit na hardin ng bahay habang hinihintay ang pag-uwi ni Azi. She didn't expect what happened to them a while ago. Inaamin niya na nakaramdam din siya ng takot. Nakita rin niya ang pagbago ng mga tingin ni Azi sa kaniya na para bang naging ibang tao ito. Pero ng matauhan ito ay nakita naman niya na nagsisisi ito sa nagawa nito sa kaniya. At alam din naman niya na hindi nito ginusto kung ano man ang nagawa nito sa kaniya. Mabilis siyang napatayo nang marinig niya ang pagbukas ng pinto at pumasok si Azi. Mabilis niya itong nilapitan. "Azi..." Nagbuntong-hininga ito at hindi man lang siya nito tinapunan ng tingin. "I want our marriage to be annulled, Ava." Natigilan siya sa sinabi nito. Hinawakan niya ito sa braso at pilit na pinapaharap sa kaniya. "Dahil ba sa nangyari kanina? Azi, alam natin pareho na hindi mo iyon ginusto at—," "Gusto ko ng itigil ang pagpapanggap natin, Ava," putol nito sa iba pa niyang sasabihin. "I lied to from the very start." "W-what do you mean?" "Walang bisa ang kasal natin dahil pekeng dokumento ang ibinigay ko sa'yo. I'm not Azi Devera," Lalo siyang natigilan sa sinabi nito. Tama ba ang rinig niya na walang bisa ang kasal nila? "What the hell are you talking about? I know you're just doing this because you want to end our marriage!" "It's true." "True ha? Hindi mo nga magawang tumingin sa mga mata ko—," "I'm telling the truth, Ava. Hindi Azi Devera ang totoong pangalan ko!" mariin nitong sabi habang walang emosyon ang mga mata nitong nakatingin sa kaniya. "Gusto ko ng itigil ang pagpapanggap natin, Ava. Ayoko na." Mariin na nakuyom ni Ava ang mga kamay. Nasasaktan siya. Gusto niyang umiyak pero pinipigilan niya ang sarili na huwag gawin iyon. Minsan na siyang nagmatigas noong unang beses nitong ginusto na umalis siya at ayaw na niya ulit na gawin iyon. Ayaw niya na maging kawawa sa harap nito at ayaw niyang mag-makaawa sa taong hindi na siya gustong makasama. Tumango-tango siya at pilit na pinatatag ang sarili sa harapan nito. Hindi magmamakaawa ang isang Ava Ventura. "Okay, If that's what you want. I will leave by tomorrow morning." Mabilis siyang tumalikod bago pa tuluyang pumatak ang mga luha niya. Hindi dapat siya nasasaktan ng ganito dahil wala naman talaga silang relasyon, but she is now. Nang makapasok siya sa kwarto ay isinandal niya ang likuran sa saradong pinto at hinayaan nang hinayaang pumatak ang mga luha niya. Noong magkahiwalay sila ni Dalton, wala siyang kahit na anong sakit na naramdaman. Pero ibang-iba ngayon. Tinuyo niya ang basang mga mata pero muli na naman iyong nabasa. Hindi dapat siya umiiyak, pero hindi niya mapigilang ang mga luha niyang pumatak. Bukas na bukas ay aalis na siya sa lugar na ito at walang kahit na anong salita siyang iiwanan. Kinuha niya ang maleta mula sa kabinet at isa-isang inilagay ang mga damit sa loob ng maleta. Nang matapos siya sa pag-aayos ng mga gamit niya ay kinuha niya ang cellphone at agad na tinawagan si Camilla. "I'm going home tomorrow," iyon lang ay pinutol na niya ang linya. "MA'AM AVA?" oo pukaw sa kaniya ni Lilibeth ang department head ng kumpaniya. "Ava?" pabulong na tawag naman sa kaniya ni Camilla. Kurap-kurap ang mga matang tumingin siya sa pinsan at sa mga empleyadong kasama nila sa loob ng conference room. Ang lahat at nagtatakang nakatingin sa kaniya. Muli niyang tiningnan si Camilla para humingi ng saklolo rito. Ito ang unang pagkakataon na hindi naka-focus ang sarili niya sa meeting. "Ano raw masasabi mo sa presentation?" "A-ah... 'yun ba? Umh..." Hindi niya magawang sagutin ang tanong dahil wala siyang maibigay na sagot. "Amh...everyone, let's take a break. Bumalik kayo after an hour." sabi ni Camilla na agad na sinunod ng lahat pagkakuwan ay hinarap siya nito. "Ava, what happened to you? Hindi ka naman ganiyan dati." Marahas siyang nagbuntong-hininga at hinilot ang sentido. "Masakit lang ang ulo ko." "Masakit ang ulo mo? Kahit may sakit ka noon hindi ka ganiyan. Lagi kang naka-focus sa buong meeting, pero ibang-iba na ngayon. Simula ng bumalik ka palagi kang wala sa sarili mo." "You're just imagining things, Camilla." "Am I? Tell me, ano ba talaga ang dahilan at biglaan ang uwi mo rito? Nag-away ba kayo ni Azi?" "Walang problema, Camilla." "Hindi ka marunong magsinungalin, Ava, kaya alam ko na hindi ka nagsasabi ng totoo." Muli siyang nagbuntong-hininga. Wala naman ng dahilan para maglihim pa siya. "Hiwalay na kami ni Azi." "What?!" gulantang nitong tanong. "W-what happened?" "Kung ano man ang dahilan sa amin na lang iyon." "Ang alam ko gusto ka ni Azi kaya imposibleng iyang sinasabi mo." Kinunotan niya ito ng noo. "Paano ka naman nakakasiguro?" "Nakikita naman sa mga tingin niya sa'yo. Bulag ka na lang kung hindi mo iyon makita." "Imposible iyang sinasabi mo dahil siya mismo ang nakipaghiwalay sa akin." Nagbuga siya ng hangin. "Let's not talk about this. Tawaiginn mo na ulit sila ng matamos na ito."n Muli siya nagpakawala ng isang malalim na buntong-hininga. Nang muling magsimula ang meeting ay pinilit niya ang sarili na mag-focus sa meeting at nang matapos ay agad na siyang bumalik sa opisina niya. Dalawang lingo na ang nakalilipas mula ng umalis siya sa Hacienda Isabella. Aminin man niya sa hindi ay walang ara na hindi niya namimiss si Azi. Sobrang miss na miss niya na ang binata at gusto niya itong makita. Ayaw man niya aminin pero nangungulila siya kay Azi, at ayaw man niyang aminin ay alam niyang mahal niya ito. Nabaling ang atensyon niya sa intercom nang tumunog iyon. "Ma'am Ava?" si Mona. "Mr. Marco Jacinto is on the line," anito pagkasagot niya. Napakunot noo siya. Ano kaya ang kailangan nito at bigla itong napatawag? "Sige, kakausapin ko siya," pagkasabi niya ay agad na nasa linya si Marco. "Anong kailangan mo?" "Pwede ba tayong magkita?" Lalong nangunot ang noo niya. "Para saan?" "It's about, Azi." "Sige magkita tayo. Sabihin mo sa secretary ko kung saan at kung anong oras." PAGKARATING niya sa restaurant na sinabi ni Marco sa kaniya ay agad niya itong hinanap sa loob ng restaurant. Agad siya nitong kinawayan nang makita siya nito. "Long time no see, Ms. Ventura." Naupo siya sa kaharap nitong upuan. "Ano ang pag-uusapan natin tungkol kay Azi?" Nagbuga ito ng hangin. "I'm worried to Azi. Ayon sa pinagtanungan ko, napapabayaan ni Azi ang vineyard. Palagi rin siyang lango sa alak." "Anong kinalaman ko sa mga sinasabi mo ngayon sa akin?" "Kahit hindi sabihin ni Azi ay alam ko na ikaw ang dahilan kung bakit siya naging ganu'n. Hindi naman siya ganito noong naghiwalay sila ni Irene." "I don't get your point, Mr. Jacinto." "Alam kong tapos na ang kontratang meron kayo ni Azi, pero alam kong naging malaking ipekto iyon sa kaniya." Tinaasan niya ito ng kilay. "So, you're trying to say that it's my fault?" "Wala akong sinabing ganu'n, Ava. Nasisiguro kong mahal ka ng kaibigan ko, he will never act like that if he don't." "Kung mahal niya ako, bakit ginusto niyang tapusin ang relasyon naming dalawa? And he lied to me." "He had reason why he did that." "At anong dahilan?" "I'm sorry, but it's not my story to tell." "Kung ganu'n, walang patutunguhan itong pag-uusap natin," aniya na tumayo. "You're just wasting my time." Tinalikuran niya ito. "Azi, loves you, Ava. Kung ganu'n din ang nararamdaman mo para sa kaniya, bakit hindi mo siya puntahan at sabihin sa kaniya ang nararamdaman mo." Inis na hinarap niya ito. "Paano ka naman nakakasiguro na mahal ko siya?" "Maaaring magsinungalin ang bibig mo, pero hindi ang mga mata mo, Ava. Nakikita ko sa mga mata mo na mahal mo ang kaibigan ko." Umiwas siya ng tingin dito. "Kalokohan!" Malalaki ang mga hakbang na lumabas siya sa restaurant. Marahas siya g nagpakawala ng buntong-hininga pagkasakay niya sa sasakyan. Gusto niyang puntahan si Azi at sabihin ang nararamdaman niya para rito, pero paano kung pagtabuyan lang siya nito? Muli siyang nagbuntong-hininga. Paano niya malalaman kung hindi niya susubukan? Wala naman masama kung ibaba niya ang pride at sabihin na mahal niya ito. Nagtatalo ang isip at ang puso niya kung ano ang gagawin niya, pero sa huli ay nanalo ang puso niya. Bukas na bukas ay pupuntahan niya si Azi para sabihin dito kung ano talaga ang nararamdaman niya para sa binata. Kinabukasan nga ay muli siyang bumalik sa Hacienda Isabella. Agad siyang pinagbuksan ng pinto ni Nanang Brenda ng kumatok siya. "Si Azi ho?" tanong niya. "Nasa kwarto niya. Magdamag siyang umiinom, Ava. Ayaw niyang lumabas at maghapon lang siyang umiinom sa kwarto niya." Bakas sa mukha ng matanda ang pag-aalala. "Susubukan ko ho siyang kausapin, Nanang." Humakbang siya papasok sa loob ng bahay at dumiretso kung nasaan ang kwarto ng binata. Nagpakawala muna siya ng buntong-hininga bago pinihit ang seradura at tinulak pabukas ang pinto. Pagbukas pa lang ng pinto ay sinalubong na siya ng amoy ng alak. Tumuon ang mga mata niya sa nagkalat na bote sa sahig. "Hindi ba't sinabi ko na sa inyo na huwag ninyo akong istorbohin, Nanang?" pagalit na sabi ni Azi. "Ano ba itong ginagawa mo, Azi? Bakit mo sinisira ang buhay mo?!" Nag-angat ito sa kaniya ng tingin. "Anong ginagawa mo rito?" "I asked you first." "Wala kang pakialam kung ano man ang gawin ko sa buhay ko." "Ikaw ang may gusto nito kaya huwag kang umakto na parang ikaw itong iniwan!" sikmat niya rito. Tumaas ang sulok ng labi nito. "Akala mo ba dahil ito sa paghihiwalay natin? Kung ano man ang mangyari sa buhay ko, wala ka ng pakialaman pa roon!" Nakuyom niya ang kamao. "Hindi ba mahal mo ang Hacienda Isabella? Bakit pinababayaan mo na ito ngayon? Sabihin na nating hindi dahil sa akin kung bakit ka nagkakaganyan, pero wag mo naman sirain ang buhay mo!" "Ano bang pakialam mo?!" "Dahil mahal kita, Azi!" she cried. Sunod-sunod na pumatak ang mga luha niya. Hindi niya alam kung anong meron sa taong ito at nagagawa niyang maipakita kung ano man ang emosyon niya. Saglit itong natigilan at pagkatapos ay nakakaloko itong tumawa. "Mahal? You only love your self, Ava. Hindi mo alam kung ano ang ibig sabihin ng mahal." Just like what Dalton said to her. Ayun ba talaga siya? Handa siyang ibaba ang pride para lang sabihin na mahal niya ito. Kung hindi pagmamahal itong nararamdaman niya para kay Azi, anong tawag sa ginagawa niya ngayon? "Mahal kita, Azi," ulit niya. Natawa ito ng pagak. "I don't love you, Ava." Pero iba ang nararamdaman niya. "I don't believe you. Alam kong mahal mo rin ako—," "I don't f*cking love you!" Natigilan siya. Lalong bumuhos ang mga luha niya. Hindi niya akalain na ganito pala kasakit kapag ipinagpilitan ang damdamin sa isang tao. Tinalikuran siya nito. "Leave." "Azi..." "Leave!" Kuyom ang kamaong tumakbo siya palabas ng bahay. Hindi na niya pinansin ang pagtawag sa kaniya ni Nanang Brenda. Sumakay siya sa sasakayan at puno ng sakit sa dibdib na nilisan niya ang Hacienda Isabella. "ARE YOU sure about this, Ava?" Buntong hiningang hinarap niya si Camilla. Pang-ilang beses na ba nitong natanong iyon? "Yes, I'm sure about this. Sa tingin ko ito ang dapat kong gawin para makalimot sa lahat. Kung mananatili ako rito patuloy ko lang maaalala si Azi." Hinawakan siya nito sa kamay. "Kahit hindi mo sabihin ramdam kong lubos kang nasasaktan." Mapait niya itong nginitian. "Magsisinungaling ako kung sasabihin kong hindi ako nasasaktan. Habang nandito ako sa kwarto parang pinupunit ang puso ko." "You've really changed, Ava. Malaki ang pinagbago mo mula ng dumating si Azi sa buhay mo. Hindi ka na parating nakasigaw sa mga empleyado mo, pinapakinggan mo na ang side ng iba at hindi ka na rin tulad ng dati na mapanglait." Tinaasan niya ito ng kilay. "Is that a compliment, Cam?" "Oo naman. Hindi lang ako ang natutuwa sa pagbabago mo, Ava. Halos lahat kami sa kumpaniya. Nakakalungkot lang na kailangan mong umalis." Nanamlay ang boses nito. "I have to do this for my self." "Yeah, I know." Hinawakan niya ang mga kamay nito. "Ikaw muna ang bahala sa kumpaniya habang wala ako, Cam." "Natatakot ako, paano kung hindi ko mapatakbo ng maayos ang Secret Garden tulad ng pagpapatakbo mo?" "Naniniwala akong kaya mo, Camilla. Remember you are a Ventura. Ano ang parati kong sinasabi?" "Walang hindi kayang gawin ang mga Ventura." Matamis niya itong nginitian. "That's good to hear." "Mami-miss kita, Ava." "Ganu'n 'din ako." "Mag-iingat ka roon ah?" "I will. Tumawag ka sa akin kapag may problema sa kumpanya." Tumango ito. Pinunasan niya ang pumatak nitong luha. "Maraming salamat sa lahat, Cam." "Magkikita pa tayo," ngusong sabi nito. Natawa siya. "Oo naman." "Halika nga rito." Kinabig niya ito para yakapin. Hindi na siya ang Ava noon at masaya siya sa pagbabagong iyon sa pagkatao niya. Siguro, isa ito sa mga magandang naidulot sa kaniya ng binata. Sa pagpunta niya sa America, sisiguraduhin niyang makakalimutan niya ang lahat.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD