"So, this is where the sour smell is coming from!" Geoff hurriedly took his spy-looking matt black sunshades off and stood with me by the stove in the kitchen. "Nag-iikot ako sa beach front kanina tapos pagkabalik ko nasa pinto pa lang ako ng rest house naaamoy ko na iyong parang maasim na malansang pagkain. Ito pala iyon!"
Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy lang ako sa pagluluto. Masyado siyang relax para sa isang bayarang sundalo na walang husay sa pakikipaglaban.
After pouring a tablespoon of fish sauce, I started tossing the fresh spinach, slices of tomatoes and taro on the caserole. I watched it bubble as it simmer with the salmon fish. Tinikman ko iyon at napangiwi ako sa asim.
Geoff enthusiastically leaned closer to the mouth of the pot. His hands sway in the air like a chef trying to smell the boiling soup in there. Ang kulit kulit niya. Itulak ko kaya ang mukha niya sa kumukulong sabaw na ito?
"Mukhang masarap itong niluluto niyo, ah? Ano bang tawag dito? We, high-profile protection guards, are taught considerable numbers of languages in the military but not each country's culture which I think is as important. Hindi ko tuloy alam kung anong pagkain iyan, Ms. Henderson."
Padabog kong nilapag ang wooden spoon, napuno na sa kadaldalan niya. "Kaysa ginugulo mo ko rito, Geoff, shouldn't you be training or exercising at the very least? You have no muscle strength and you've got zero fighting skills. And please, para saan pa ang disguise ko kung maririnig ni Silvestre na tinatawag mo kong miss?"
Pinanood kong unti-unting mawala ang sigla sa mga mata niya. I hit a sensitive nerve but I don't feel sorry about it. Puwede naming ikapahamak lahat dito ang pagiging incompetent niya.
Yumuko siya at tinanggal ang mga kamay na nakahawak sa kitchen countertop. "Iyan din ang sabi nila sa'kin at sa mga kasamahan ko sa Intelligence Unit. Mahihina raw kami at hindi kailangan. Binuwag nila ang pangkat namin dahil naniniwala silang pisikal na lakas lang ang kailangan sa trabahong ito."
"They're right though. You're practically useless. A waste of space and resources for my family." hindi siya kumibo sa pagiging prangka ko. I feel like I have to hear him one last time today so I asked, "Kung hindi lang lakas ang kailangan, ano pa ba?"
He gave me a deadly gaze before he go. "Talino."
I KEPT switching the TV channels from one station to the other. Hindi ako mahilig sa local shows at wala namang cable itong rest house kaya nababagot na ko. I spend most of my time now here in the home library since I can do my thing while keeping a close eye on Silvestre; I'm hitting two birds with one stone.
"May I have some of the soup?" Silvestre requested, still tied on his chair as usual so I have to feed him regularly.
I scooped a spoonful of Sinigang broth and delivered it to his mouth. His dark eyes were immediately soaked with tears upon tasting it.
"G*d it's hot." he complained, biting his moistened tongue that got slightly burned.
"Kung hindi ka ba naman tanga. Hinipan mo sana muna. Tsk, bakit ba kasi kailangang ako ang magpakain sa'yo palagi, ha? Bakit ka ba kasi nagwawala kapag ibang tao nagpapakain sa'yo samantalang pare-pareho lang naman ang pagkaing hinahain sa'yo?"
"I don't want anyone else feeding me. Ikaw lang gusto ko."
Napabuga ako ng hangin. Anong pinagsasabi ng lalaking ito? "Let me remind you that I'm literally your kidnapper and you're my captive. You're in no position to choose or demand anything."
"Ang sarap mong magluto para sa isang lalaki. Your hands, they're so slender and smooth. Are you sure you're a man?"
Natigilan ako. Pailalim ang tingin niya sa'king hindi makapaniwala sa narinig. I don't know what kind of face I'm making now but I hope it's not giving away the nervousness I feel.
"I was kidding." he joked, chuckling softly with a clear heart. You can see it in him that he didn't mean any harm.
I couldn't force a laugh even if I want to. Una, hindi ko alam kung pinaglalaruan niya ko. Pangalawa, hindi ko dapat siya hinahayaang biru-biruin lang ako.
Kung ako si Vanessa...anong gagawin ko? How would she react? Pa'no niya napapasunod ang mga tao sa paligid niya? Sa paninindak at pananakot? Pa'no ko iyon gagawin sa lalaking ito? Hindi siya takot sa latigo o sa baril. Even death doesn't scare him at all. Ano nga bang kahinaan niya...anong kinatatakutan ni Silvestre Hugo?
Nang matauhan, saka ko lang napansin na tumigil na pala siya sa pagtawa. His eyes are now fixated at something on my back: on the TV that's currently on a news channel.
"Today marks the proclamation of the long lost Princess of Great Britain— the 22 year old Laurana from the House of Wixsons...." the newscaster reported, all smiles hinting the glorious celebration in London.
Dagsa ang tao sa Palasyo na pinapakita nila ngayon sa TV screen. Makikita sa aerial view ng camera ang iba't-ibang flags sa nasasakupan ng Britain na wumawagayway sa hangin. Marami ring mga karwahe at Royal Guards na nakapuwesto sa gintong gate ng Palasyo. Sa tuwid nang pagkakapila nila, para silang grupo ng mga langgam na loyal sa reyna nila.
"There's a garden party inside the Hewitt Palace happening right now. A royal banquet is currently being prepared, too, for Her Royal Highness who was lost for almost 20 years. The Aristocrat family definitely is overjoyed reclaiming their Princess." nakangiting dagdag ng newscaster, halos sumigaw na para marinig siya sa microphone dahil maingay ang marching band sa likod niya.
I turned to face Silvestre again after the news was cut off by a local food commercial. Itatanong ko dapat kung interesado ba siya sa Aristocrat family pero natigilan ako nang makitang nagtitiim-bagang siya. His strong hands are balled to a fist which clearly is a sign of repressed aggresion.
Did the news angered him? But why?
Nagulat ako nang mag-ring ang cellphone ko sa kalagitnaan ng malalim kong pag-iisip. Sumaglit ako sa sitting area ng home library na napapalibutan ng modern bookshelves. May table doon, love seat at sling-back chairs. Umupo ako sa isa, medyo malayo kay Silvestre.
"Hello...Mom?"
"Hey, honey. I missed you." her voice is so sweet and loving, just a bit static because it's an international call.
"I missed you, too, Mom. How's New York?"
"New York's fine, sweetie. Me and your dad heard about what happened to Cassandra and Laurel's child."
I cannot stress enough how nervous I am after she said that. Normal sa magkakapatid ang magkatampuhan. Nag-aaway rin naman kami nina Laurel at Lucille sa America no'ng mga bata pa kami pero iba na itong ngayon. Matatanda na kami at hindi na priority ang isa't-isa. May kanya-kanya na kaming buhay.
Iyong magkakapatid na noon ay nagtutulungang maglinis ng bahay namin sa U.S. para payagan kami ni Daddy na pumunta sa amusement park ay wala na. Isinusuka na ako ni Laurel, si Lucille naman nawawala, at ako, hindi ko alam kung saan papunta ang buhay ko.
"Mom, I don't think he can forgive me. Hindi ko na yata ito maaayos." I choked, that came out of my mouth with great difficulty.
Ilang saglit natahimik si Mommy bago muling magsalita. "Sweetie, do you remember when you accidentally broke your brother's science fair project back when he was in 4th grade?"
"Iyong hovercraft? Come to think of it, ang childhood dream nga ni Laurel ay maging Robotics Engineer. Hindi lang siya pinayagan ni Daddy. Ang gusto niya kasi lahat kami, iha-handle ang kumpanya sa New York."
Being the most responsible child migh have placed a heavy burden on him. Bakit ngayon ko lang ito na-realize? Hinayaan nga namin ni Lucille na si Laurel ang magpasan lahat ng mga expectations sa'min ni Dad.
"He forgave you after a week, didn't he? And over a what?" the way my mom speak, I can imagine her smiling on the other line.
"I gave him a peace offering. That's a...." namilog ang mga mata ko nang maalala ang pinakapaboritong bagay ni Laurel sa buong mundo.
Natapos kami mag-usap ni Mommy makaraan ang ilan pang minuto. Dumiretso na ko sa kuwarto ko pagkatapos at wala nang kinausap pa. Hindi na rin ako kumain ng hapunan. Nang magha-hatinggabi na, saka ko napagpasyahang lumabas.
Summer nights in the Philippines are one of the hottest in South East Asia. It's now 10:30 p.m. and I'm assuming that everyone's already sound asleep. I'm free to do whatever I want only at this very hour. Buong gabi kasi nagpa-patrol sa buong rest house iyong guards maliban kapag ala nuebe. Walang nakabantay sa pool area ng ganitong oras.
Unang lumublob ang isang paa ko sa malamig na tubig ng swimming pool. Gumapang agad ang ginaw na iyon sa buo kong katawaan na nakasuot ng two piece sa ilalim ng pulang silk robe.
The silken sleeves of the robe fell off my flawless shoulders, revealing full of my delectable nakedness. Makikita ang strap ng suot kong swimsuit bra na sumusuporta sa malusog kong hinaharap. Sobrang ginhawa sa pakiramdam na pakawalan iyon dahil palagi na lang iyon nakaipit sa breast brinder. Tonight as I swim, I feel like a woman again.
Nang mapreskuhan na at lamigin, umahon ako at naupo sa gilid ng pool. Pinagmasdan ko mula roon ang full moon na napakaliwanag at mahiwaga. Maririnig ang paghampas ng alon sa dalampasigan sa ibaba lang nitong rest house at ang sariwang simoy ng hangin na nanggagaling doon. The place is a heavenly scenery. Walang mag-aakala na may tinatago kaming lalaking kidnapped dito.
Bumalik ako sa loob ng rest house na nakasuot lang ng two piece. Iyong robe na dala ko kanina ginamit ko lang pampatuyo ng buhok kaya hindi ko na maisuot uli. Wala namang makakakita sa'kin kaya ayos lang. Kung makita ako ng guards, ano naman? Alam naman nilang babae talaga ko.
Bago umakyat sa 2nd floor ay nadaanan ko ang home library. Hindi ko alam kung gaano katagal akong nakatayo ro'n at nakatitig sa doorknob. May kung anong bagay sa hangin na humihila sa'kin papasok sa kuwarto na iyon. Before I knew it, nabuksan ko na ang pinto.
Namilog ang mga mata ko nang maaninagan sa dilim ang gising pang si Silvestre. Nakatingin siya sa direksyon ko na para bang inaasahan niyang papasok ako sa kuwarto na iyon.
"Why are y—" natigilan ako sa pagsasalita. Hindi ko na alam kung anong boses ang gagamitin. I suddenly had an identity crisis.
Silvestre remained silent. Iyon ang pinaka-nakakatakot, iyong pananahimik. Hindi mo kasi alam kung anong tinatago no'n at kung kailan iyon sasabog.
Pinagpawisan ang noo ko sa kaba. Kapag tumalikod ako at tumakbo, baka mas mabulabog siya at mag-isip kung sino ako at kung ano anong ginagawa ko rito.
The tall-case clock on the longue struck 12 midnight. Kumalembang iyon na nag-echo sa buong rest house. Time is of essence heres so I don't have the luxury to think. Akmang magsasalita na si Silvestre nang salubungin ko siya ng mainit na halik.
Sa pagkandong ko sa kanya suot lang ang bikini ko, naramdaman ko na lang ang pagpulupot ng mainit niyang mga palad sa baywang ko.