Sasha's POV "DENVER LOID GUTIERREZ!!" Isang malakas na pagkabasag ng plato ang narinig ko sa paligid dahilan upang mabuhayan kaagad ang katawang lupa ko. Kahit na sobrang sakit ng aking katawan at inaantok pa ako ay nagawa ko paring mapaupo kaagad sa kama ni Denver. Kaagad na hinanap ng aking mga mata kung saan nanggaling ang sigaw. Dalawang tao. Dalawang babae ang nasa bungad ng pinto ng kwarto ni Denver at bakas ang pagkagulat sa kanilang mga mukha habang nakatingin sa amin. May mga nabasag na plato sa kanilang paanan at ilang ulam at kanin ang natapon mula roon. Napaawang ang aking bibig ng makilala ko ang isang babae na nasa tabi ng isang matandang babae. Siya si... Siya si Mrs. Gwen Gutierrez! Ang ina ni Denver! Biglang kumilos si Denver sa aking tabi atsaka unti-unting umuupo