Sasha's POV Nakauwi na ako sa condo at padabog akong umupo sa sofa kasabay ng paglapag ko sa aking bag sa gilid. Bigla namang bumukas ang kwarto ni Sandro at nagulat nang makita niya ako sa sala. "Ang aga naman ata natapos ng shift mo, Ate." Nagtatakang wika niya habang may suot na salamin sa mata at may hawak na makapal na libro sa isang kamay. Mukhang galing pa 'to sa review niya. Gumaan naman ang pakiramdam ko ng makita ko ang aking kapatid. At least may magandang nangyari sa umagang 'to. Tumikhim ako bago tinanggal ang pagkakapusod ng aking mahabang buhok atsaka nagsalita. "Wala na akong trabaho. Hindi na ako babalik sa resort," wika ko sa kanya. Kaagad na nagsalubong ang kanyang dalawang kilay dahil don. "Ha? Bakit naman?" "Mahabang kwento." Tanging tugon ko na lang sa kanya.