Inis na inis si Georgia sa kaniyang bahay nang mga oras na iyon. Lalo kasing napurnada ang matagal na niyang pinaghandaan na monthsary nila ni Igor. Hindi kasi naalala ng lalaki ang araw na iyon dahil sa bagyo at sa trabahong sinasabi nito. Ang buong akala niya ay makakasama na niyang muli si Igor. Nagkamali siya ng akala. "Kasalanan ng bagyong 'to e! Kainis! Nakakainis talaga!" Gigil na gigil ito at nagwawala sa sala habang patuloy na lumalakas ang hangin sa labas at mga ulang nagsisibagsakan sa bubong ng kaniyang bahay. "Humanda talagang Igor na iyan sa akin pagbalik niya. Monthsary namin, nakalimutan niya? Arggh!" Nagpapadyak pa ito sa sofa na parang bata. Ang kaninang pananabik niya ay tila lantang gulay na nawalan ng resistensya. Nakahanda na sana ang mga pulang rosas na nagkalat