18 years later Matuling lumipas ang labingwalong taon at binata na ang dalawa sa mga anak ni Maira na sina Benjamin at Leonardo. Labingwalong taong gulang na si Benjamin habang nasa labingpitong gulang naman ang bunso nitong kapatid sa ina na si Leonardo. Nasa mid-40's na rin ang mga edad nina Maira at Leon. Ngunit hindi ito kinakikitaan ng katandaan. Marahil dahil pareho ang mga itong vegetarian at kaunting karne lang ang kinakain nila. Sa loob ng labingwalong taong iyon ay wala nang mahihiling pa si Maira kundi ang maging masaya hanggang sa mga huling sandali ng kanilang buhay. Kaya naman ay todo handa na rin siya ngayon upang i-anunsiyo sa Cuneta Empire ang paglilipat ng titulo sa anak na si Benjamin upang maging legal na tagapagmana na ng kumpanyang iniwan sa kaniya ni Banjo. Hindi