One Hot Stormy Day Malakas ang ihip ng hangin. Malalakas din hampas ng mga alon sa bangkang sinasakyan ng lalaki nang mga oras na iyon. "Nakakapu**ina naman o! Tanghaling tapat, saka babagyo." Gigil na gigil sa inis ang lalaki. Nagkataon pang hindi pumayag ang bangkero na ihatid siya sa kaniyang pupuntahan dahil nga ngayong araw daw tatama ang bagyo. Ang buong akala niya ay mamayang gabi pa ito babagsak. Mukhang napaaga yata ang pagdating. Mabuti na lamang at marunong siya sa paggamit ng bangkang de motor. Binilisan na lamang niya ito upang hindi pa bumabagsak ang malakas na ulan. Umaambon pa lang naman pero tila mga matutulis na yelo itong bumabagsak sa kaniyang mga balat. Nang mga oras ding iyon ay abala sa pag-aayos si Venjamin sa maliit na kubo kung saan siya nakatira. Matibay