"Igor? Venjamin? May relasyon kayong dalawa?" Hindi makapaniwala si Maira sa nakikita niya ngayon sa lobby ng kumpanyang pagmamay-ari ni Venjamin... noon na siya pa rin naman ang tunay na nagmamay-ari nito. Gulat na gulat naman ang mukha ni Igor nang mga oras na iyon. Pero sa halip na sagutin ito ay mabilis niyang hinawakan si Venjamin at hinila palabas ng building. Hindi naman makapagsalita si Venjamin sa nangyayari. Ang biglaang pagsulpot ng nagnangangalang Igor sa kaniyang harapan ay panibago na namang mitsa ng alaala sa kaniyang isipan, bagay na hindi niya inakalang biglang gagambala sa kaniyang utak. Iwinakli ni Venjamin ang kamay ni Igor dahil biglang sumama ang pakiramdam niya. Napahawak siya sa kaniyang ulo at nakita ito ni Sari. Agad niyang kinuha ang kaniyang cellphone at t