Halos mabaliw na si Igor sa kaiisip kung nasaan na si Venjamin, ang taong pinakamamahal niya. Tuliro at hindi na alam ang gagawin. Pabalik-balik na siya ng isla at nagbabakasakali pa ring matagpuan o magkurus ang landas nila ni Venjamin. Lahat ng mga ospital na malapit sa islang iyon ay pinuntahan niya hanggang sa nakahanap siya ng mismong sagot sa tanong niya. Sa isang ospital sa Batangas nalaman niyang may siang pasyenteng nagpakilang Venjamin Cuneta. Nalaman din niyang nagpapakilala itong nag-iisang anak ng Cuneta Empire. "Nasaan na po siya ngayon?" tanong niya sa isang staff sa lobby ng ospital. "Titingnan ko po, sir ang records namin kung naka-discharge na po siya," nagmamadali man ay pilit na pinapakalma ni Igor ang sarili. At the back of his mind, masaya siya dahil sa wakas, sa