Inis na inis si Igor Tordesilo pagkatapos lumabas ng ospital kung saan niya iniwan na lamang sa pangangalaga ang darling niyang si Venjamin Cuneta. Wala siyang magawa kung hindi isiwalat na lamang ang saloobin niya sa harapan ni Maira, na siyang dating asawa ng naging partner niya sa islang masaya nilang pinagsaluhan. Masama ang loob niya dahil hindi man lamang siya nakalapit at tingnan ang kalagayan at mukha ng lalaking iniibig niya. Pero masaya na rin siya at nayakap ito kahit pa tila isang bangungot ang nasaksihan ni Venjamin nang masilayan siya. Nang makapasok sa loob ng kaniyang sasakyan ay panay ang suntok niya sa manibela at pinag-uuntog pa ang ulo roon. Nang mapagod ay kusa na lamang tumulo ang mga luha sa kaniyang mga mata. "Sana hindi mo nakalimutan ang masayang alaalang bin