Tense na tense na nang mga oras na iyon si Sari. Ramdam na niya ang pamamawis ng kaniyang mga kamay. Ilang sandali na lamang ay may kakatok sa labas ng conference room o kusa itong bubukas at iluluwa ang isang taong inakala ng lahat na wala na. Habang naglalakad naman sa hallway patungo sa conference room ay titig na titig ang mga mukha ng nakakasalubong ni Venjamin. Gulat ang mga mukha, napapatakip ang bibig, mulagat ang mga mata, at nanari-saring mga salita na ang kaniyang mga naririnig. "Oh my gosh! Si sir Venjamin ba iyan?" "Hindi ba at matagal na siyang patay?" "Baka kamukha lang niya. Oo tama. Baka guest lang ng kumpanya nina ma'am or stock holder?" "Kamukha niya talaga si sir Benjamin. 'Yong bago at batang-batang CEO natin." Lihim na napapangiti lamang si Venjamin sa kaniyang