Lumipas na ang halos isang linggo ay hindi pa rin nagigising si Venjamin Cuneta mula nang atakihin ito. Hindi biro ang pinagdaanan niya maalala lang ang lahat ng nakaraan sa kaniya. Lumagpas na rin sa itinakdang araw ng DNA Test ang resulta. Kaya naman nang iabot ng doktor kay Benjamin Cuneta, na anak nito ay nanginginig pa ang mga kamay niyang buksan ito. Naroon din si Maira at naghihintay rin na malaman ang resulta. Ang mag-amang sina Leo at Leon naman ay naroon din at nakaupo lamang sa isang sulok. Naghihintay rin ng susunod na gagawin ni Benjamin. "Benjamin, go on. Open it. Wala namang magbabago kahit pa malaman mo ang totoong siya nga ang iyong tunay na ama," aniya ni Leon na siyang tumayong ama nito matapos mawala sa kanila si Venjamin. "Oo nga, kuya. I am still your brother. What