Maira's Wedding
2 Years Ago after the tragedy
Dahan-dahang naglalakad si Maira sa loob ng Paoay Church sa Ilocos, suot ang ginintuang traje de boda na wedding gown, habang sinusundan ang saliw ng musikang tumutugtog sa loob ng simbahan.
Pilit niyang pinipigilan ang sarili na hindi umiyak dahil sa pangalawang pagkakataon ay magpapakasal siya sa kakambal ng lalaking naging mitsa ng kaniyang masalimuot na nakaraan, si Leonel. Ang taong inakala niyang mabait at walang masamang intensyon ay naging demonyo pala sa kaniyang paningin.
Hindi pa rin niya makalimutan ang nangyari sa kaniya sa islang iyon na pinangalanan niyang In Loving Memory Sanctuary kung saan nakahimlay ang mga labi ng kaniyang matalik na kaibigan na si Anna Belle, inang si Devou Rah, at ang pinakamamahal niyang husband na si Venjamin Cuneta.
Habang nakatuon ang tingin sa direksyon patungo sa altar ay bumabalik sa kaniyang isipan ang mapapait na nakaraan. Nakaraang kahit ipikit man niya ay maalala at maaalala pa rin niya.
"We love you, Mama."
Nakita niya ang dalawa niyang anak na sina Benjamin at Leonardo na sinasabi ang mga katagang iyon at napapangiti siya. Nag-flying kiss na lamang siya at nagpatuloy sa paglalakad. Muli siyang ngumiti at pinagmasdang muli ang mga taong dumalo sa kaniyang kasal. Simpleng kasalan lang ito at hindi gaanong magarbo, kahit pa siya na ang may-ari ng mismong kumpanya na iniwan sa kaniya ng kaniyang magulang.
Ilang hakbang na lamang ay mararating na niya ang altar. Kahit pa walang magulang na naglakad para samahan siya sa ikalawang pagkakataong ikakasal siya, ay masaya pa rin si Maira dahil wala na ang mga taong nanakit sa kaniya. Napatawad na niya ito mula nang malaman niya mismo sa kanila ang tunay na dahilan kung bakit sila nagbago. Magkagayunpaman ay nananatili pa ring may malaking porsyento si Banjo sa kaniyang puso, ang lalaking una niyang naging asawa.
Nakangiti na sa harapan ni Maira si Leon, ang totoong L at inilahad na niya ang palad niya upang samahan siya sa altar, sa harapan ng pari na kakasal sa kanila. Nang maiharap na nila ang mga sarili ay doon na nagsimula ang kanilang pag-iisang dibdib.
...
Five years after being married, walang nagbago sa pagiging masiyahin ni Maira. Limang taon na rin si Benjamin at apat na taon naman si Leo na kaniyang bunso. Hands on na hands on siya sa kanilang dalawa at hindi ipinagkakaila ni Maira ang tunay na estado ni Leon sa buhay ni Benjamin bilang amain niya.
Malimit mang magtanong si Benjamin kung ano ang nangyari sa kaniyang ama, nagpapasalamat pa rin siya dahil kahit papaano ay matapat niyang isinisiwalat ang buhay ng ama nito sa kaniya. Nais niyang lumaki itong walang anumang galit sa yumaong ama. Hindi nga lang niya nasabi ang lahat tungkol dito lalo pa at maselan kung uungkatin iyon sa bata. Kung sakali mang magtanong ulit siya ay handa namang sabihin ni Maira ito sa panganay niyang anak.
Matapos silang ikasal ni Leon ay biglang bumulusok pababa ang Cuneta Empire at muntikan pang madawit ang Rovinson Empire nang malaman ng mga press ang tungkol sa nangyari kay Banjo. Mabuti na lamang at maagap na tinugunan ni Maira ang krisis na iyon, sa tulong na rin ni Leon upang ibangon ang naipundar niya at ni Banjo.
Si Leon na ang tagapamahala ng Rovinson business na mayroon si Maira. He made him the Chief Operations Officer. Siya naman ang pansamantalang humalili sa kumpanya ni Banjo. Owner and Chief Operations Manager siya ng Rovinson Conglomerate at Chief Executive Operations Manager naman siya ng Cuneta Empire upang pagtibayin pa ang parehong kumpanya at upang hindi ito bumagsak sa ranking ng stock exchange.
Because of Maira's perseverance, intelligence, hardwork, and love for both companies, the two empires still undisputed. Wala pa ring makatatalo sa dalawang malaking kumpanya. Kaliwa at kanan pa ring umuusbong at umuusad ang mga ito kahit sa labas ng bansa. Inihahanda na rin ni Maira ang dalawang mga bata sa haharapin ng mga ito kapag itu-turn over na niya ang kumpanya kina Benjamin at Leonardo when they turned 20 years old. Iyon ang isinadula niya sa last will and testament niya sa parehong emperyo.
Benjamin Cuneta will be the future Chief Executive Operations Manager of Cuneta and Leonardo will be the sole owner of Rovinson Empire. Pantay ang parehong bigating conglomerates sa larangan ng business world, one in fashion and designs and the other one in shipping industry.
Kaya kahit nasa lima at apat na taong gulang pa lamang sina Benjie (palayaw ni Benjamin) at Leo (palayaw ni Leonardo), dinadahan-dahan at ikinikintal na niya sa mga isipan ng mga ito ang aabagahin nilang responsabilidad. Aalalayan niya pareho ang dalawa na walang anumang inggitan sa isa't isa.
Thankful din si Maira kay Leon sa contributions nito sa parehong kumpanya. Sinong mag-aakala na magaling pala ito sa strategic planning at sales and marketing, kaya ginawa niya itong Vice President ng Rovinson. Sa kaniya rin halos nanggaling ang mga ideya kung paano isasalba ang parehong kumpanya mula noong unti-unti nga itong bumabagsak. Without Leon, Maira could not do it both. She was very thankful of him. Iba siya sa kakambal nitong kakambal ang kasamaan.
Benjie is also fond of Leon kahit hindi niya ito totoong ama. Marahil ito ay sa kadahilanang, si Leon na ang nakagisnang ama ni nito at ito na rin ang halos nag-alaga pareho sa kanila including Leo habang sila ay lumalaki. Sa loob ng limang taon, walang naging hadlang sa kasaganaan, kasiyahan, at pagmamahal na matagal na inasam ni Maira sa buong buhay niya kasama ang tatlong mga lalaki sa buhay niya.
Hiling na lang sana ni Maira na magtuloy-tuloy na ang nangyayaring masasayang mga araw sa buhay niya, at wala na sanang panibagong dagok na hahadlang upang tuluyan na ngang mawala ang natitirang pitak sa puso niya para kay Banjo.
She deserves a man who can make her happy forever, and she wants the best for her son to continue their family legacy by passing on: Wisdom, generosity, humbleness, and kindness to both of them—Without hatred and jealousy.