Chapter 3: His Wife

1046 Words
His Wife Isa siyang babaeng biniyayaan ng katalinuhan, kabaitan, at kariktan. Ang babaeng higit kailanman ay hindi nagawang manghamak o manlait ng estado ng ibang tao. Isang babaeng hinahangaan ng kaniyang asawa sa larangan ng pagiging isang matapat at mabait na guro sa kalakhang Maynila, sa unibersidad kung saan puro mga babae ang nag-aaral. Dahil sa kaniyang kasipagan ay nakamit din niya ang iilan sa kaniyang mga pangarap sa buhay. Isa na roon ay ang maging successful sa larangan ng edukasyon bilang isang pinagkakatiwalaang guro ng Unibersidad ng Hermanas Iskolastika. Sa mga parangal na natanggap niya ay iba ang hatid ng mga ito sa kaniyang puso. Lalo niyang pinagbubutihan ang kaniyang pagtuturo lalo pa at malapit na rin siyang tanghaling Teacher of the Year sa taong 2019. Kaya kaliwa at kanan siyang nagpupursige na makamtan ang hangarin niyang iyon. Isa man siyang simpleng babae sa paningin ng nakararami, isa naman siyang tinitingalang edukador sa larangan ng edukasyon. At isa sa unang mga tao na nagbibigay pugay sa kaniyang kontribusyon ay ang kaniyang mahal na asawa. "Hi, honey. Kamusta ang trabaho? Ginabi ka yata?" Pasado alas nuwebe na ng gabi nang makauwi ang kaniyang asawa. Hindi nito sinagot ang tanong niya. Hinalikan na lamang siya nito sa pisngi at labi. Mabilis agad itong pumanhik sa taas, patungo sa kanilang kuwarto. "Hindi ka man lamang ba kakain? Iinitin ko ang pagkain para sa iyo," tinangka niyang pigilan ang asawa pero tila nagmamadali itong umakyat ng kanilang silid. Nagkibit-balikat na lamang siya. Itinuon na lamang niya ang atensyon sa kaniyang ginagawang modules at iwinaksi na lamang sa isipan ang ginawa ng asawa. Sanay na rin naman ito pero kakaiba na ang mga ikinikilos nito sa tuwing umuuwi siya. Nagpapaalam naman siya na aalis papuntang trabaho at kung saan ang mga appointments niya pero tumatagal na ito ng halos linggo-linggo. Ang malala pa ay halos tatlong beses na lamang sa isang buwan ito kung umuwi. Nagawa niyang magtiis sa set up na ginagawa ng asawa limang taon na rin ang nakararaan mula nang mag-resign siya bilang abogado ng kilalang clothing and fashion industry sa buong bansa. At dahil nga likas na mabait si Haidy ay ipinagkikibit-balikat na lamang niya ang nangyayari sa kaniyang asawa. Hindi naman kasi nakakalimot ito na halikan siya sa pisngi bago umalis at tuwing uuwi siya mula sa trabaho. Ipinagpapasalamat nga din niya na may tumanggap naman sa kaniya bilang abogado sa isang law advocates at law firm. Kahit malaki ang naibigay sa kaniya previously when he resigned from the prestigious conglomerate, hindi siya tumigil sa pagtatrabaho. He loved his job more than he loves himself or her. And she truly understood everything. She was only hoping and praying that her husband will not cheat her. And if he does, she doesn't know what she can do. Besides, she is one hundred percent sure that he will not do anything stupid to hurt her. Muli na lamang niyang ibinalik ang pansin sa kaniyang mga modules at lesson plans na ginagawa upang hindi magulo ang kaniyang utak. Ito ang kailangan niyang asikasuhin at hindi ang kung anu-anong ginagawa ng husband niya. Malaki ang tiwala niya rito kaya, pinapayagan niya ito basta work related ang mga ito. Isa pa sa pinagkakaabalahan niya rin ay ang pag-aalaga sa kanilang anak na babae. Kailangan din siya ng anak nito kaya ganoon na lamang kung pagtuunan niya ito nang pansin. Kaya nga wala rin siyang maipipintas pagdating sa responsibilidad ng kaniyang husband as a father to their only daughter. Mahal na mahal niya rin ito at nakikita iyon ni Haidy. Kaya bakit siya mag-aalinlangan sa asawa niya? "Congratulations, Haidy. Taray, magiging Teacher of the Year ka na naman. Ilang taon nang ikaw ang nananalo. Hindi ba?" pagbati sa kaniya, isang araw ng kaibigan niyang guro sa kanilang waiting area. Napangiti naman ito at sinagot sila. "Nagkataon lang siguro na ako ang napipili. At saka, Board of Directors naman ang mag-aaprub kung pasado ako sa kwalipikasyon nila as one of their nominees." Tumahimik naman ang lahat pero may isang guro naman ang nakisingit at tinanong ang buhay asawa niya. "Masaya ka pa ba kasama ang husband mo? Balita ko ay linggo-linggo lang ay umaalis ito. Alam mo ba kung saan siya pumupunta?" Nagulat si Haidy sa hindi niya inaasahang tanong na ibabato sa kaniya. Double meaning kasi ang huling tanong na sinabi sa kaniya. Pansamantalang naurong ang kaniyang dala. Kahit pa personal itong ibinato sa kaniya ay muling ngumiti si Haidy at sinagot ito nang walang pag-aalinlangan base sa kung ano ang nararamdaman at pagkakakilala sa asawa. “It's work related. There is nothing wrong if my husband usually out of the house every week. Why should I stop him? And besides, we should stop listening to rumors and gossips. Hindi magandang ehemplo iyan sa mga estudyante natin.” May punto naman si Haidy dahil nagpapaalam naman ang husband niya. Hindi nga siya nanghihimasok sa mga buhay nila. Kaya ganoon na lamang ang naisagot ng guro. Then, she excuse herself to go to her current class, since it is now time for her to teach. She's on her way to the next class she is going to handle when she still heard the tete-a-tete (conversation) of her co-teachers trying to ruin my mood. "Baka wala siyang alam na may kinakalantari ang husband niya." "Ano 'yon, gay ang husband o paminta o closeted. Ganoon ba tinutukoy mo?" "Baliw, hindi naman siguro. Baka kulang sa kalabit si misis o walang oras si misis kaya naghahanap ng iba." "Ang sabihin mo walang time sa asawa kasi kaliwa at kanan ang trabaho lalo pa at may isang anak din siyang inaalagaan." Umalis na lamang si Haidy dahil hindi niya masikmura ang mga gossip na naririnig niya. Walang puwang sa mundo ang mga tsismosa sa larangan ng edukasyong pinili nila. Naipanalangin na lamang ni Haidy na mali ang iniisip ng mga kasamahan niya sa kaniyang asawa. ... SAMANTALA, isang linggo na namang nagpaalam ang asawa ni Haidy upang asikasuhin ang kaniyang trabaho kaya, masaya na naman itong umalis sa kanilang tahanan patungo sa sinasabing business or work related na ipinagpaalam pa niya sa asawa. Nang makita ang pakay sa lugar na pinupuntahan niya ay agad niya itong niyakap at hinalikan. "I miss you." "I miss you too."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD