Chapter 4: Memories and Almost Losing Her Life

1905 Words
Limang taon na rin ang nakararaan pero sariwa pa rin sa isipan ni Maira ang lahat sa tuwing bibisita siya sa isla kung saan nangyari ang bangungot sa buhay niya. Labag man sa kalooban niyang puntahan ang islang ito, wala siyang choice pagkat dito nakahimlay ang mga labi ng mga mahal niya sa buhay. Ang kaniyang matalik na kaibigan na si Anna Belle Villasis, ang kaniyang ina na si Devou Rah Rovinson, at ang lalaking una niyang inibig si Banjo. Sariwa pa rin sa alaala niya ang lahat kung paano nagsakripisyo ang mga ito para sa kaniyang kapakanan. "MAIRA!" "BELLE!" "Huwag kang bibitaw ha? Please, Belle. I need you." "It--it's okay. Ka...kabayaran na ito sa mga ginawa ko. Amanos na tayo. I'm... I'm sorry for being a jealous.. best...friend." .... "Tumayo ka na riyan!" "Maira! Tumayo ka na at umalis na tayo rito!" "Ikaw! Ikaw ang may kasalanan ng lahat ng ito. Kung hindi ka sana nangialam ay hindi sana mangyayari ito sa kanila, kay Anna Belle, sa akin! Ikaw ang may kasalanan. Ikaw!" "Sabihin mo na sa akin na masama akong ina. Na katulad din ako ng iba na naghahanap din ng taong mailalabas ang init sa katawan. Na usa rin akong malanding babae. Aaminin kong wala akong karapatan na manghimasok sa buhay mo. Na hindi kita dapat pinakialaman sa buhay mag-asawa mo dahil alam kong kakayanin mo ang ano mang pagsubok na darating sa iyo. Pero anak, kita. Alam ko kung ano ang mas makabubuti sa iyo. Mas gugustuhin ko pang ako ang mapahiya kaysa ikaw sa mga eskandalong nilikha ng iyong asawa at matalik na kaibigan. Ginawa ko ito para sa kapakanan mo, anak. Ito ang alam kong paraan upang iligtas ka sa kahihiyan. At ililigtas pa rin kita sa patibong na ako ang may gawa. Ayokong pagsamantalahan ka at makuha ni Leonel ang gusto niya sa iyo. Kaya, tumayo ka na! Tumayo ka na riyan!" "Matapang ka ha? Ano ka ngayon, Devou Rah! Halika na, mahal ko at dadalhin na kita sa rurok ng tagumpay!" "Walang hiya ka! Ma! Mama!" Nagwawala na si Maira at pilit na kumakalas sa mahigpit na pagkakahawak nito sa kamay niya. "Maaaaaaaaa!" "Binitiwan mo akong demonyo ka! Hayop ka! Wala kang puso! Ibaba mo ako!" ... "Huwag ka nang umiyak. Nandito pa ako. Hindi kita pababayaan. Hindi ko hahayaan na galawin ka ng baliw na lalaking ito, Maira." "Banjo. You can't do this." "This is the only way, Maira. I am also one reason why all of these mess happens to you. Gusto kong ligtas ka. Mailigtas kita. Kaya behave, Maira. Behave." "I'm so sorry for causing you this mess, Maira. Pinagsisihan ko ang lahat ng mga nagawa at ginawa ko." "Sa nangyayaring ito sa buhay ko, napagtanto kong libog lang ang naramdaman ko sa kanila kaya, nagpaubaya ako. Natutunan kong hindi ko kailangan sila para mabuhay ng walang kahihiyan. Sapat na para sa akin ang isang tulad ko. Mas naging klaro sa akin kung sino talaga ako at kung ano ang nais ko. Tunay na pagmamahal talaga ang nararamdaman ko sa iyo sa tuwing nagninigiig, at nagsisiping tayo. Mahal na mahal kita, Maira. Patawad sa mga kasalanan ko." "Hindi kayo makakatakas!" "Akin lang si Maira!" "Wala ka nang karapatan para ibalik siya sa iyo." "Bakla ka. Madumi kang lalaki. Nakakahiya ka!" "Bitiwan mo ako! Ano ba! Leonel, tigilan mo na ako!" "Bababa ka o barilin na lang kita?" "Sige! Patayin mo na lang ako. Total ako naman ang gusto mo 'di ba! Sige na! Iputok mo na 'yan!" "Hindi kita mapapatawad, Leonel!" "Hindi mo makukuha si Maira, Venjamin." "Asawa ko siya at may karapatan ako. Isa ka lamang salot at sinungaling hardinero!" "Asawa ka nga pero bakla naman. Bayaran. Malandi. Talipandas. Sinungaling ka rin!" "Sabihin mo na ang lahat ng gusto mong sabihin dahil wala akong pakialam. Akin lang ang asawa ko at hindi ko siya ibibigay sa iyo!" "Ina mo! Akin lang si Maira! Akin lang!" "TAMA NA!" "Ano kaya mo pa?" "Banjo!" "Hu…huwag kang bababa! Huwag!" "Banjo." "Mahal na mahal kita, Maira." "I…Maira. I…I love…" "Banjooooooo!" ... Hindi na napigilan ni Maira na umiyak nang mga sandaling iyon. Tinangka niyang ibalik ang mga luhang pumapatak pero may sarili itong pag-iisip. Tuloy-tuloy lang ang pagluha niya. Ramdam niya ang sakit. Ang kirot. Ang pagsisisi. Ang pagtataksil na ginawa ng kaniyang matalik na kaibigan at ng kaniyang inang si Devou Rah ay bayad na. Sariling buhay nila ang naging kabayaran. Kaya kahit pilitin man ni Maira na kalimutan ang lahat, babalik at babalik ang alaalang pilit niyang kinakalimutan. ... "Mahal, may pupuntahan tayo." Malapad ang ngiti nito sa kaniya habang si Venjamin naman ay tumango lang. "Saan ba? Malayo ba?" tanong nito. Napapakamot pa siya sa ulo kasi hinahalikan nito palagi ang pisngi niya. "Nakikita mo ba ang islang natatanaw mo?" Tiningnan naman nito ang itinuturong direksyon. Pero wala siyang makita. "Niloloko mo naman ako e." Tinawanan lang siya ng kausap at hinila na lamang upang puntahan ang inarkilang bangka. "Hindi ba dapat magbibihis muna ako? Nakakahiya naman sa outfit mo e." Napapakamot na naman sa ulo si Venjamin sa ikinikilos ng kasama niya o mas madaling sabihing asawa niya. "Okay lang iyan. Puting sando at pulang shorts naman ang suot mo. Kahit anong damit naman susuotin mo, hindi naman mababawasan ang gandang lalaki mo. Kahit pa wala ka ngang suot, puwedeng-puwede e." Binatukan naman kaagad ni Venjamin ang kausap at siya na rin ang humila dito upang makasakay sa bangka. Ngayon pa lamang kasi siya makabibisita sa ibang isla. Limang taon na rin kasi ang nakararaan. Mas mainam na rin para sa kaniya na magtuklas ng bagong lugar nang kahit papaano ay hindi naman siya maburyo. Sitio Playa na lang kasi palagi ang ruta niya. Kabisadong-kabisado na nga niya kung tutuusin ang lugar. Pero hindi pa siya napapadpad sa isang isla. "Alam mo ba na In Loving Memory ang pangalan ng iskang iyon? Ang anak ng namatay kasi ang bumili ng maliit na islang iyon at pinangalanan niya nang ganoon bilang pag-alala sa mga yumao niyang mahal sa buhay. Kasama na roon ang kaniyang unang asawa." Nakikinig lang si Venjamin habang umaandar na ang bangkang sinasakyan nila. Na-curious siya kuwentong iyon kaya gusto niyang matuklasan mismo ang sinasabi nitong isla. Ilang minuto ang nakalipas ay narating nila ito at halos walang kakurap-kurap pa si Venjamin nang masilayan ang ganda ng maliit na islang iyon. May maliit na kubo ito sa gitna na pahingahan ng mga turista at nakapaligid naman doon ang tatlong musuleo na marahil mga libingan ng namayapang pamilya ng may-ari. "Excited ka na ba? Tara baba na tayo!" Bumaba sila sa bangka at magkahawak-kamay pang nilibot ang isla. ... "Mama!" Lumingon si Maira nang marinig ang boses ng tumatawag sa kaniya. Tinig ng kaniyang panganay na si Benjamin. Hawak-hawak nito ang bunsong kapatid na apat na taong gulang sa kaniyang kanang kamay at sa kaliwa naman ay ang kamay ni Leon. Kumaway-kaway naman si Maira sa masayang pamilyang nakikita niya at nagtatakbo paroon sa kanila. Nang makalapit ay agad na hinalikan siya ni Benj sa pisngi at kinarga naman agad si Leo. Leon then kissed Maira on her lips and all of them went to each graves of their families. Naunang pinuntahan nina Maira ang puntod ng kaniyang ina at ipinakilala ang mga anak niya. "Children, I would like to introduce you to your lola, Devou Rah. Mom, meet your grandsons, Benjamin, my eldest and Leonardo, my youngest. Kids, say hi to your lola's grave." Pigilan man ni Maira na hindi umiyak ay hindi niya magawa. Naalala pa rin kasi niya ang lahat kaya ganoon na lamang ang nararamdaman niya. Tumalikod pa ito sa mga bata at to the rescue naman si Leon. "Hi lola. I miss you. I will take care of my littler brother Leo and mama for you." Nakikinig lang si Maira pero napangiti naman ito sa bata. Pinahiran na lamang niya ang kaniyang luha at niyakap sila sa likod. "Hello, lola. I love you." Masaya namang marinig mula sa kaniyang bunso ang mga katagang iyon kaya lalo pa niyang niyakap ang dalawa. Dumako naman sila sa puntod ni Anna Belle na best friend niya at ipinakilala niya rin ang mga bata. Ang huling musuleo na pinuntahan nila ay ang kina Venjamin at Leonel. Pumayag si Maira na sa iisang himlayan lang na may isang metrong pagitan ang mga puntod, na doon ilagak ang mga bangkay nila upang magkalapit lang sila ni Maira at Leon na bisitahin sila. Hawak-hawak ni Maira si Benjamin at ipinakilala ito sa puntod ng kaniyang ama at si Leo naman ay nasa kay Leon, karga-karga niya itong ipinakilala sa kakambal. "Alam mo, kahit na ganoon ang ginawa mo, hindi ko pinagsisihan na ako ang bumaril sa iyo. Kapatid pa rin kita at limang taon ko ring pinagdusahan ang mga kasalanang ginawa mo. Mabuti na lamang at sa tamang babae ako napunta. Kahit pa sinaktan mo ang taong mahal ko at nagpanggap ka na ako, siya pa rin ang naging asawa ko kahit pa pangalawa lang ako sa puso niya. Siya nga pala si Leo, ang pamangki mo, bunga ng pagmamahalan namin ni Maira. Sana kung nasaan ka man ngayon, nagtino ka na at pinagsisihan mo na ang mga ginawa mo. Kung nakinig ka lang sana sa akin..." Hindi na tinapos ni Leon ang sasabihin niya dahil kusa na siyang nagpatianod sa mga luhang nagsisipatakan sa kaniyang pisngi. Humagulgol na lamang siyang yakap-yakap ang anak. Narinig ni Maira ang pagtangis ng asawa kaya pinuntahan na lamang nila sila upang yakapin. Mas pinili ni Maira na huwag na lang muna magsalita sa puntod ni Banjo dahil baka umiyak na naman siya. Kaya mas prefer niyang aluin na lamang si Leon. Umalis na lamang sila sa puntod ng dalawa upang makapagrelaks pansamantala. ... HALOS nalibot na ni Venjamin at ng asawa nito ang isla. Pawisan na rin sila at nagpasyang sumilong sa isang musuleo. Doon muna sila magpapahangin. Sa mga naririnig niya sa mga turista, nagkataon lang daw na mainit ngayon. Pero most of the time na pumupunta sila ay malamig naman daw ang isla. Abala sa pagpapaypay ang kasama sa sarili nito nang mapako ang tingin ni Venjamin sa nakaukit na pangalan sa isang lapidang nakadikit doon. Rest in Peace Venjamin Cuneta In Loving Memory At sa nabasang pangalan na iyon ay bigla na lamang siyang nakaramdam ng pananakit ng ulot. Sumisigaw ito sa kirot at napansin naman ito kaagad ng asawa. Nang makita ang dahilan ay agad niya itong inilayo at dali-daling naglakad upang puntahan ang kinaroroonan ng bangkang sinakyan nila kanina. Nahihilo na rin si Venjamin at panay pa ang sigaw nito na ikinabahala ng mga nakakakita. Humingi na lamang ng paumanhin ang asawa sa mga naroon habang iginigiya palayo si Venjamin. Sa kanilang paglalakad ay hindi nila napansin ang masayang tawanan ng pamilya ni Maira na nakaupo sa musuleo ng kaniyang ina. Nakatalikod kasi ang mga ito nang dumaan sina Venjamin sa kanila. Kahit pa dinig na dinig ang mga tawanan at halakhakan ng mga bata ay hindi napansin nina Maira at Leon ang pagdaan ni Venjamin. Sadyang hindi pa yata itinadhanang magkita ang dating mag-asawa kaya ganoon na lamang kung daanan nila ang mga ito. Kahit may bakas sa isipan ni Venjamin na may nakaraan sa isipan niya ang lugar, hindi rin niya malaman kung ano. Kung pipilitin niyang maalala ay masasaktan lang siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD