"Umuwi ka na pala?" Isang nakaiinsultong tanong mula kay Haidy ang narinig niya. "O mas magandang sabihing, umuwi ka pa, mahal kong asawa?"
Hindi pinansin ng lalaki ang pagpaparinig ni Haidy sa kaniya. Dire-diresto itong naglakad matapos hubarin ang sapatos. Nasa sala na kasi si Haidy at naka-cross arms ito nang makapasok siya sa loob ng kanilang tahanan.
Sa kusina muna siya pumunta at kumuha ng isang baso ng malamig na tubig. Kailangan niya iyon upang pakalmahin ang isipan kung sakaling magkakasagutan sila.
Knowing Haidy, hindi ito basta-basta nakikipag-argue. Ito marahil ang kauna-unahang makita niya kung paano magalit ito.
Matapos uminom ay bumalik siya sa sala at niyakap ang asawa. Hinalikan niya ito sa labi at nagpaalam na aakyat na sa kanilang kuwarto.
"Hindi mo ako madadala sa mga ganiyan!" Naitulak siya ni Haidy at tumayo ito. Inayos ang suot na roba at muling nagsalita.
"Ang sabi mo isang linggo ka lang na mawawala. Ngayon, dalawang linggo ka halos nawawala. Care to tell me, my dear husband?" Nakaarko at nakataas ang kilay ni Haidy sa kaniya habang tinititigan siya ng may pagkadisgusto.
"Mahal, alam mo namang--"
Hindi pa man siya nakatatapos sa pagsasalita ay inunahan na siya ni Haidy.
"Work? Work, again and again and again ang idadahilan mo? Magtapat ka nga sa akin. May iba ka na ba ha?!"
Gulat na gulat ang mukha niya sa tanong ni Haidy. Hindi niya alam kung ano ang susunod niyang sasabihin. Baka may hinala ang asawa kaya kailangan niyang paamuhin ito.
"Mahal, anong klaseng tanong naman iyan? Siyempre, wala. Wala akong bagong sinasabi mo. Loyal ako sa iyo at sa anak natin. Purely work lang talaga. At saka, the reason why two weeks akong nawala ay dahil sa ibang clients sa ibang lugar naman ako pinapunta. In demand na kasi ako e. Bakit ka ba nagkakaganiyan?"
Hindi niya tinantanan ang asawa sa kayayakap at kahahalik dito upang huminahon ito at ma-divert ang isipan sa ibang bagay.
"Hindi ko alam. Basta, parang iba kasi ang pakiramdam ko e. There is something you are not telling me. You know me. Mabait ako pero kung ako ang inaagrabyado, hindi ako mananahimik. Kapag nalaman ko lang talaga na mayroon kang itinatago, malilintikan ka talaga sa akin."
Muli niya itong niyakap at hinalikan sa pisngi at labi, sa pagbabakasakaling tumila na ang kaniyang inis. Mabuti na lamang at hindi siya talaga nagalit ng todo. First time na niya sanang makita ang asawang maghuhuramentado sa inis.
"Promise, mahal. Wala talaga. Kung mayroon man, ako na mismo ang magsasabi at maghihiwalay sa iyo."
Biglang natigilan si Haidy. Ang kaninang inis ay napalitan naman ngayon ng pagkabalisa at takot. Hindi niya inakalang manggagaling sa bibig ng asawa ang salitang hiwalayan.
"O, bakit natigilan ka? Hindi ka ba naniniwala na gagawin ko iyon? Na ako ang makikipagkalas kapag ako ang nagkamali?" Walang lumabas na mga salita sa bibig ni Haidy. Hindi niya alam ang isasagot dito.
"Sige. Akyat na muna ako sa kuwarto natin. Sumunod ka ha? I love you."
Nagpaalam na lamang ito sa kaniya na pumanhik at hinalikan siya sa labi.
Before, whenever she heard her husband saying I Love You to her ay kinikilig siya. Laging sumisilay ang mga ngiti sa kaniyang labi. Now, its different. Totally explainable. Totally different. It gives her a creeps. Hindi niya alam kung bakit pero may pakiramdam siya. A woman's instinct, ika nga.
"Kung sakali ngang hihiwalayan mo ako, hindi ko alam ang magiging reaksyon ko. But, I am hoping that it will not lead to that. I am hoping that you will tell me. Mas gusto kong sabihin mo ang totoo kaysa malaman ko pa sa iba o ako ang unang makatuklas sa sikreto mo, kung mayroon ka ngang itinatago."
Naibulong na lamang ni Haidy sa isipan ang mga katagang iyon. Kanina ay wala siyang maisagot. Hindi niya alam kung ano nga ba talaga ang tunay na dahilan kung bakit iba na ang pakiramdam niya sa kaniyang asawa. At kung bakit bigla na lamang lumabas sa bibig nito ang salitang iyon.
Sa loob ng isang linggong kasama ni Haidy ang asawa, balik sa dati ang atmosphere ng buong bahay. Naririnig muli nito ang tawanan, habulan, kuwentuhan, at lambingan ng mag-ama. Bagay na labis-labis na ikinatutuwang pagmasdan ni Haidy kapag kasama ang asawa. Nagagawa din nilang dalawa ang kanilang mga moment sa bedroom. Kaya sinong mag-aakala na ang mabait at mapagmahal nitong asawa ay gagawan ng ibang tao ng malicious lies? Napapailing na lamang si Haidy kapag naaalala ang mga naririnig niya sa unibersidad na pinagtatrabahuhan niya. Itinuon na lamang niya ang sarili sa paggawa ng modules at pagpapasa ng mga requirements para sa Teacher of the Year award.
Huling araw ng linggo ay inihanda ni Haidy ang sarili sa pagpapaalam na naman ng kaniyang asawa. Kaya, buong araw din siyang nasa bahay at aligaga sa pag-aasikaso sa kanilang anak. Hands on na hands on as wife and a mother si Haidy. Napapansin naman siguro iyon ng kaniyang mahal na asawa.
Sumapit ang gabi ay kasalukuyang nagtitimpla ng gatas si Haidy para ihatid ito sa kuwarto ng anak nang makita niyang nagmamadaling bumaba ang asawa palabas ng bahay. At dahil glass ang wall ay makikita ni Haidy kung saan pupunta ang asawa. Sa pool ito dumiretso, sa left side ng dining area.
Out of curiosity ay lumabas si Haidy at sa kusina siya doon upang hindi siya makita ng asawa. Nang malapit na siya sa pool ay nagtago siya sa mga halaman at doon ay pinakinggan ang sinasabi ng asawa. Nang una ay parang narinig niya ang salitang work at aalis na sana siya sa pinagtataguan nang may isa pa siyang salitang narinig na ikinagulat niya.
"Yes, sir. I am at your disposal. I will work hard."
"See you tomorrow, honey. We are going to enjoy each other's company again. I miss you."
Napapakuyom na lamang si Haidy nang marinig ang mga katagang iyon. Akala niya ay trabaho nga lang talaga ang narinig niya. Pero may pa I miss you pa ito sa kabilang linya.
"Tingnan lang natin kung tutuparin mo ang sinabi mong ikaw ang unang magsasabi sa akin kapag nagloko ka. Gusto mo ng laro ha? Game ako. Taguan ng sikreto ang gusto mo ha? Pwes! Maglalaro si Haidy Nor sa iyo, mahal kong asawa."