CHAPTER SIX

2202 Words
"Happy birthday anak. Heto na ang gift ni Daddy sa iyo," masayang wika ni Mr Yuan. "Ay, akala ko hindi mo na ako love, Daddy. Kasi lagi kang busy." Nakanguso ang sampung taong gulang na si Yan. "Hindi naman maari iyan, anak. Love na love kita kaya't kahit super busy kami ng Mommy mm ay pinilit naming makaabot sa birthday mo. Saka may surprise kami sa iyo," abot hanggang taenga ang ngiting sagot ni Mr Yuan. Para sa isang anak na nangungulila sa kalinga at atensiyun ng magulang ay hindi nagtatanim ng galit. Sa narinig ni Yan ay nanlalaki ang mga mata. Nauunawaan naman niya ang lahat ng pagsusumikap ng kaniyang mga magulang. Lahat iyon ay para sa kaniya, para sa kinabukasan niya. Kaya't kahit minsan miss na miss niya sila ay hindi siya nagtatanim ng galit sa mga magulang. "Open the door na anak para makita mo kung ano ang surprise namin ni Daddy." Masaya ring lumapit sa nag-iisang anak si Mrs Yuan. Kaya naman patakbong tinungo ni Yan ang pintuan at binuksan. Bumulaga sa kaniya ang mga kamag-anak nila na may dala-dalang cake. "Happy Birthday to You Happy Birthday to You Happy Birthday Dear Yan-Yan Happy Birthday to You." Awiting sumalubong sa kaniya pagbukas niya sa pintuan "Oh why you're crying apo ko?" tanong ng kaniyang abuela sa ina na agad lumapit sa kaniya nang nag-unahang naglandas ang bolang crystal sa pisngi niya. "I'm just happy, Lola. Dahil ang buong akala ko ay wala nang nakaalala sa birthday ko. Thank you po sa inyong lahat." May butil ng crystal sa sulok ng mga mata ng birthday celebrant. Nagsipasok ang dalawang pangkat o ang mga ninuno ng sampung taong gulang na si Yan. Ang Lola at Lolo niya sa ina at sa ama. Masuwerte siya dahil kahit palagi siyang nag-iisa sa kanilang tahanan ay supportive din ang mga ninuno niya. Kahit pa lagi siyang naiiwan at minsanang madalaw. "Time to blow the candles, apo ko." Bumaling sa kaniya ang nakangiti niyang abuela sa ama makaraan ng ilang sandali. Pribado man ang kaarawan niya subalit masaya dahil buo ang pamilya nila. Sa murang edad niya ay hinubog siya ng mga magulang sa kagandahang asal. Kahit lagi siyang mag-isa sa bahay nilang kasya sa ilang pamilya pero kailan man ay hindi sagabal iyon upang hindi maunawaan ang mga magulang. Lumapit siya ng husto sa may kalakihang cake na may kandilang sampu o tanda ng edad niyang sampu. She closed her eyes and started to wish. But... She is about to blow the candles but a explosion erupted. No one knows where it came from. They're about to hide themselves pero nakakabiging putukan ang sumunod. Pero dahil may kaliitan naman ang katawan niya ay naitago niya ang sarili sa ilalim ng lamesa. Kitang-kita niya ang paghandusay ng mga magulang, ang mga ninuno. Walang hindi naisama sa broad daylight m******e. Alam niyang pamilya niya ang target dahil parehas na high ranking official ng gobyerno ang mga magulang niya. Subalit sa dahilang iyon ay marami ang buhay na nadamay. "Check them all! If they're all dead!" dinig pa niyang sigaw ng nakamaskarang lalaki. "Boss, akala ko ba may anak si Mr Yuan? Bakit puro matatanda ang nandito?" tanong ng isa lalaki kaysa sundin ang sigaw ng nakamaskara. "What? Wala riyan ang anak ni Yuan? Hanapin ninyo! Hindi maaring mawala siya! Siya ang susi kaya't hanapin ninyo siya!" sigaw pa ng pinuno. Sa narinig ay mas isiniksik ang katawan sa kailaliman ng lamesang pinagtataguan. Pero sadyang malupit ang kapalaran nilang pamilya dahil sa hindi sinasadyang pagkakataon ay nasipa ng isang lalaki ang lamesang pinagtataguan niya. "Huli ka ngayon bata! Halika na at aalis na tayo rito." Lumapit ito sa kaniya. Maaaring hahablutin siya dahil hindi siya kumibo dahil sa takot at pagkagulat. Tinutukan pa siya ng baril subalit maagap ang isang lalaki at pumagitna ito. "Huwag ganyan, Boss. Ang bilin sa atin ay patayin silang mag-asawa pero huwag mo namang idamay ang bata," anito kaso ito naman ang binalingan ng lalaking may hawak na baril. "Sino ang Boss sa atin? Ikaw o ako?" Salubong ang kilay nitong humarap sa lalaki. "Alam ko at kailan man ay hindi ko makakalimutang ikaw ang Boss sa grupo natin. Subalit hindi ako papayag na pati ang batang iyan ay idamay mo. Okay fine! We are gangsters but that little child? Where's your damm mind, BOSS?" ipinagdiinan pa nito ang salitang BOSS. Pero bago pa man uminit ang sagutan nilang dalawa ay pumagitna ang bagong dating nilang Boss o ang tunay na boss. Dahil ang tinatawag nilang Boss sa kasalukuyan ay Boss lamang ng grupo samantalang ang bagong dating ay ang Big Boss "Tama na iyan! Kunin ang batang iyan at ako ang bahala sa kaniya. Wala sinuman sa inyo ang maaring kumuntra dahil ako ang kukuha sa batang iyan. Now let's go before anyone can notice us here." Pinaglipat-lipat pa nga nito ang paningin sa dalawang nagbabangayan. Kaya naman wala ng nagawa ang dalawa kundi ang sumunod sa utos nito. Lumapit ang lalaking sumalungat sa papatay sana sa bata. Yumuko ito sa bata saka inilahad ang palad upang alalayan itong makatayo. "Come, Iha. Let's go away from this place." Nakalahad ang palad nito sa kaniya. Sa murang edad niya ay kailangan niya ang makisabay sa agos ng buhay. Dalangin niyang sana magkaroon ng himala at mabuhay ang mga magulang niya upang hanapin siya. Sa madaling salita, sumama siya sa mga lalaking may kagagawan sa massacres ng kanilang pamilya. Sampung taong gulang pa lamang siya at kahit ano pa man ang gagawin niya ay wala siyang kakayahang isalba ang sarili sa grupo ng mga lalaking mamatay tao. But... Ang pagsama niya sa mga ito ay malaki ang ambag sa kaniyang buhay dahil pagmulat ng kaniyang mga mata ay siya na si Fier Yan Lancuan. Wala na siyang maalala sa buhay mayroon siya bago pa man nangyari ang malagim na pangyayari sa buhay niya. Bagkus ay nakilala siya bilang isa sa mga pinakamahusay estudyante ng HU CHING WAI o ang kingdom na pinamumunuan ni White Widow. Ang babaing humubog sa kanila sa pakikipabaka gamit ang iba't-ibang armas. Hindi lang iyon, dahil pati ang pagiging pusong bato ay batas din sa kanila. Ang patibayan ng loob ay isa sa patakaran ng nasabing eskuwelahan. Their minds was brainwashed by the high technology. "Bunso, gising. Nanaginip ka na naman." Panggigising ng pinakamalapit sa kaniya sa buong eskuwelahan. Ang Kuya Veera niya. Dahil dito ay napaupo siya. Sinapo niya ang kaniyang ulo. Hindi niya maunawaan kung bakit paulit-ulit niyang nakikita ang mga bagay na napakaestranghero sa kaniya. Wala nga siyang matandaan kung sino siya, ang tanging alam niya ay isa siyang professional assassin. "Diba mayroon kang lakad ngayon? Bakit hindi ka pa nakagayak?" dinig niyang tanong ng Kuya Veera niya. Ito at ang Kuya Taksin niya ang pinakamalapit sa kaniya. Sila ang kuya-kuyahan niya. Saka pa lamang naalala ni Fier Yan na magtravel siya papuntang Burma(Myanmar na ngayon). Pero dahil sa paulit-ulit na panaginip at palaging dumadalaw sa kaniya ay mukhang nahuli na siya sa biyahe. "Salamat, Kuya sa panggigising mo sa akin. Hindi ko alam pero may panaginip na laging dumadalaw sa akin. Pag-uusapan natin ito pag-uwi ko galing Burma may bago akong assignment doon. Alam niyan ni White Widow," sa wakas ay nasabi niya. "Mag-ingat ka roon bunso. Alam kong kaya mong pangalagaan ang sarili mo subalit bilang kapatid mo ay nais pa rin kitang paalalahanan lang na mag-ingat lagi sa anumang lakad mo." Tinapik siya nito sa balikat. "Ikaw din dito sa Bangkok, Kuya. Alam kong hindi madali ang buhay ng mga mamatay taong tulad natin para mabuhay pero darating din tayo sa puntong---" "Darating din tayo sa puntong magiging maayos ang lahat na hindi na natin kailangang pumatay ng tao upang mabuhay." Pagtatapos nito sa nais sana niyang sabihin. "Eh si Kuya eh linya ko iyan." Napakamot tuloy sa ulo si Fier Yan dahil tinapos nito ang madalas niyang sabihin sa mga ito. "Ikaw naman kasi, bunso. Aalis ka na nga ay magdrama ka pa. Lakad na bago pa malaman ni White Widow na hindi ka pa nakakaalis aba'y isusumbong ka noon kay Sumati mamaya ay wala kang bunos." Tumatawang lumapit sa kanila ang kanina pa nakamasid na si Thaksin Tuloy! Para silang mga batang walang malay sa mundo. Naghabulan sila na para bang walang ibang tao sa naturang lugar kundi sila lamang. Bagay na ikinaismid ng iba nilang kasamahan. Sa buong HU CHING WAI ay silang tatlo ang budy-budy. Marami ang naiinggit lalo at ang babaeng si Fier Yan pa ang laging may assignment at kasa-kasama ng mga hunks sa grupo. Subalit hindi na nila biningyang pansin ang mga ito. Wala silang inaapakang tao kaya't wala rin silang pakialam sa kanilang lahat dahil ang mahalaga ay namumuhay sila na hindi nakakapanakit ng kapwa nila. Ilang sandali pa ay ihinatid na siya ng mga Kuya's niya sa airport. "I know you can bunso but always remember no matter what happen ay kailangan mong makauwi rito sa Bangkok sa tamang oras," wika ni Veera bago pumasok ang dalaga sa paliparan na agad ding sinegundahan ni Thaksin. "In other words bunso kailangan mong mapagtagumpayan ang assignment mong ito dahil alam naming ito ang pinakahihintay mong pagkakataon ang magkaroon ng break from our job. Good luck." Tinapik niya ito sa balikat. Alam nila ang dahilan nito kung bakit matagal nang inaasam-asam ang big break. Kung may higit mang nakakakilala rito ay walang iba kundi sila. Professional Assassin sila oo, hindi nila iyon ipinagkakaila. Hinubog sila upang pumatay ng kalaban ng mga magbabayad o ang highest bidder. Subalit hindi nila iyon kagustuhan kundi kinakailangan upang mabuhay sila. At ang dalagang bunso kung tawagin nila ang siyang nagpapalakas ng kalooban nila upang magpatuloy sa pangarap na balang-araw ay makakatakas din sila sa HU CHING WAI. They are not related in blood but they love her dearly close to their hearts as their own sister. "Thank you mga Kuya ko. Don't worry dahil magtatahumpay ako sa misyon kong ito at mas huwag kayong mag-alala dahil kahit ano man ang mangyari ay isasama ko kayo sa bakasyon ko. Tayong tatlo ang magbabakasyon," sagot ng dalaga saka pumasok sa paliparan. Hindi na niya hinintay na makasagot ang mga Kuya niya. In her heart and mind, she need to be successful in her mission. Their plans in escaping the sh*t kingdom depends on her mission. She will do everything just to win the fight. She's damm tired of killing people! Hinintay naman ng dalawang lalaki na mawala sa paningin nila ang dalaga bago bumalik sa sasakyan. Magkatabi naman kasi sila sa front seat kaya't hindi na lumingon si Thaksin sa kausap lalo at nagmamaneho siya. "May pag-asa pa kayang mangyari ang laging sinasabi ni bunso na mamumuhay tayo ng naayun sa ating kagustuhan? Alam mo sa totoo lang, Bro, sa tuwing may ipinapatumba ang mga suki ni White Widow ay naiisip oo ko rin minsan kung bakit kailangan pa nating pumatay? Iyon lamang ba ang paraan upang mabuhay tayo?" tanong niya rito habang ang mga mata ay nakatutok sa daan dahil nagmamaneho siya. "Kung si bunso maaring mangyari pa iyan, Bro. Kilala natin siya simula dumating siya ng HU CHING WAI hanggang na na-brainwashed ni White Widow hanggang sa nagdalaga up to now. May potential siyang tao kahit pa sabihing ganoon din tayo. Naiiba siya sa mga kasamahan natin, Bro. Kaya't maaring mangyari iyan sa kaniya at kapag darating ang sandaling iyon ay ako ang pinakamasayang tao sa mundo. Dahil kahit ako ay nakukunsensiya minsan sa mga pinapapatay ni Boss sa akin. Kagaya mo, tayong lahat pero may nagagawa ba tayo? Wala hindi ba? Si bunso iisang pangalan pero dalawang katauhan kaya't sana makaalis siya rito," mahaba namang pahayag ni Veera n bahagyang humarap sa kausap dahil nagmamaneho ito. "Parehas lang tayo, Bro, kaya't kung ako sa iyo tulungan mo akong hikayatin si bunso na aalis na sa HU CHING WAI. Hindi mo ba napapansin? Pinag-iinitan na siya ng mga kasama natin dahil sa husay at galing niya. Ako tanggap kong mas magaling si bunso sa akin pero walang problema roon dahil masaya ako para kay bunso. We are assassins but we are human too so please help me to convince her when she come back." Itinigil pansamantala ni Thaksin ang sasakyang minamaneho saka humarap sa kausap kaya't kulang na lamang ay magkaamuyan sila ng hininga. "Kahit hindi mo sabihin iyan, Bro, gagawin ko iyan. Dahil kapatid natin siya kahit pa sabihin nating hindi tayo nanggaling sa iisang dugo. Subalit gusto ko ring maranasan niya ang buhay sa labas ng pagka-assasins natin. I want her to live her life as a ordinary woman. She will need a man in her life to take care of her whe she get old," muli ay wika ni Veera. Dahil doon ay napagkasunduan nilang dalawa na hintaying makabalik ang bunso nila upang kausapin ito. Alam naman nilang may malaki itong bunos sa tuwing may itinutumba kagaya nila at iyon ang aabangan nila para makaalis ito. Alam nilang ang Grand Palace naman ang umupa rito upang itumba ang suspect at alam na alam nila kung gaano kaelegante ang pinuno ng naturang palasyo. Alaga rin ng Grand Palace ang bunso nila kaya't siguradong may malaki itong bunos. ITUTULOY
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD