CHAPTER SEVEN

2340 Words
Sa tulong ng mga pinsan niyang mambabatas ay ah abuelo niyang negosyante ay hindi naging mahirap para kay James Deen ang masimulan ang plano niyang pagpapagawa ng kaharian. Kaya't tuwang-tuwa siya nang iniabot sa kaniya ng pinsan niya ang mga resulta nang ipinawa niya. "Heto na bunso ang papeles na kakailanganin mo." Wika ni Alex Angelo o mas kilala sa pangalang AA short for his name sabay lapag sa envelop o ang dukumentong nagpapatunay na nasa pangalan na ni James Deen ang malawak na lupain sa may dulong bahagi ng plantation ng mga Dela Rosa. "Mahahalikan na talaga kita, Kuya AA. Ang bilis mo talagang magtrabaho. Thank you very much, Kuya," walang hanggang pasasalamat ang naging bukambibig niya. "Tsk! Tsk! Para iyon lang eh. Saka si malditang may sungay ang dapat mong pasalamatan bunso dahil siya ang kasama namin ni Vienna(panganay ni Darrell at Belinda) na nagtrabaho para sa mga papeles na kailangan mo." Nakangiti itong tumingin sa kaniya. Pero dahil hindi naman pamilyar si James sa pangalang binanggit ng pinsan niya ay napakunot-noo siya. Di yata't may bagong version, malditang may sungay daw? Kailan pa nagkaroon ng malditang may sungay sa pamilya nila? Tuloy ay hindi niya napigilan ang sarili na hindi magtanong. "Ahem may nobya ka na yatang 'di namin nalalaman, Kuya? Si Ate Vienna kilala ko pero sino si Malditang may sungay? Baka naman iyan ang endearment n'yo ng nobya mo?" tanong niya subalit napaubo lamang ito. "Gusto mo ng tubig, Kuya? Ano ba---" kaso hindi na rin niya natapos ang pagtatanong. Nais pa nga sana niyang itanong kung ano ba ang nangyari at nasamid ito. Subalit ang pagtatanong niyang iyon ay sinagot na rin ng kausap. Ito na mismo ang nagpaliwanag kung sino ang tinutukoy. Iyon nga lamang ay namumula na ito dahil sa pagkasamid. "Ikaw bunso ay ewan ko kung ano ang nasa isip mo. Paano kami naging magnobya ni malditang may sungay eh pinsan kong buo iyon? Ikaw talaga oo, masyado ka nang nahumaling sa up coming kingdom mo kaya't nagiging outdated ka na yata sa mga kaganapan sa mundo. Hindi mo ba alam na si Clarizza Antoinette Dela Rosa ang malditang may sungay. Anak ni Tito Xander at kapatid niya sina Kuya Marcus Xander at Francis Timothy ." Nakangiwi ito dahil namamatay-matay sa pinipigil na tawa. "Ay, sa ganda niyang iyon Kuya. Paano mo nasabing malditang may sungay? Ikaw Kuya ha kakausapin ko siya at isusumbong kita sa kaniya," pananakot niya rito kaso pinagtawanan lang naman siya nito. Halatang nag-eenjoy sa paraan nang pagtawag sa pinsan. Maaaring magsasalita pa siguro ito subalit sinalo ito ng kanilang abuelo na pumanaog sa hagdan. Ito ang nagpaliwanag kung bakit ganoon ang tawag nila sa dalagang tumulong umano sa papeles ng upcoming kingdom niya. Ang napakasuportive niyang abuelo. "James apo ko, hindi siya magagalit dahil alam niya na ganoon ang paraan ng pagtawag nila sa kaniya. Mga kaibigan at pinsan lang naman niya ang tumatawag sa kaniya ng ganoon. She's the only granddaughter of your Lolo Amor dahil puro lalaki ang anak ng Tita Angela mo at kilala mo naman sina Marcus Xander and Francis Timothy. Kaya lang naman nila tinawag na malditang may sungay si Rizza dahil mainitin ang ulo niya lalo na kapag alam niyang tama ang sinasabi. But for now congratulations sa inyong lahat dahil legal ng nakapangalan sa iyo ang lupaing pagpapatayuan mo ng KINGDOM OF THE NORTH. Job well done mga apo," masaya nitong pahayag. Dahil dito ay nag-unahang lumapit ang magpinsan sa kanilang abuelo. Subalit nasa mas malapit si JD kaya't mas nauna rin itong nakayakap sa butihing abuelo. "Salamat po, Lolo, dahil hindi ninyo ako binigo. Nandiyan kayo na laging nakasuporta sa akin kahit anumang hinihiling ko. Maraming-maraming salamat po ulit, Lolo. Hayaan mo po Lolo hindi ko rin kayo bibiguin. Gagawin ko po ang lahat upang mapalawig at mapagyaman ang mga inaasahan ninyo sa akin." Yumakap siya rito na para bang isang bata na nakahanap ng kakampi. "Bunso naman hala ako naman ang yayakap kay Lolo at aalis na ako may lakad pa kami ni malditang may sungay dadaanan ko kina Lolo baka lalabas na naman ang sungay noon kapag mainip," pabirong sabad ni AA. Nagbigay-daan naman si James. Hinayaan niyang makayakap at makapagbigay-galang ang Kuya AA niya total sila naman ang laging nandoon. Ito ay nakapisan sa mga magulang. Samantalang silang magkakapatid ang nasa malaking bahay ng kanilang ninuno kasama sila. "Paano Lolo, bunso, kita kits na lang tayo kapag magsimula na ang kingdom of the north mo. Don't worry everything gonna be okay." Bumaling ito sa kaniya saka tinapik sa balikat. "Maraming salamat, Kuya, regards na lamang kay Rizza," tugon niya rito. "Walang anuman, Bunso. Mauna na po ako Lolo," wika nito bago tuluyang umalis. Pagkaalis nito ay muling hinarap ni James ang abuelo. Ipinagpatuloy ang kanilang pinag-usapan. He's excited about the kingdom he's planning to build up. "Lolo, ano kaya kung kausapin natin si kapitan upang taga rito na rin sa atin ang kukunin natin bilang trabahador para sa paggawa sa kingdom of the North? It will takes months ito, Lolo, or probably a year dahil sa laki nito. What do you think, Lolo?" tanong ni JD sa abuelo. "Sure apo ko. Maaasahan mo kami riyan ng Lolo Amor mo. I'm sure na maraming matutuwa sa bagay na iyan dahil alam mo namang sa bukid ang mas maraming trabaho rito sa atin. We will pray na huwag umulan araw-araw upang mas makakilos ng maayos ang mga manggagawa. Kailan mo ba gustong simulan iyan apo ko?" sagot at tanong ni Darwin sa apo. "As soon as possible, Lolo. Dahil hindi lang basta building iyan. Ang plano ko po kasi ay mini-school siya pero para sa mga batang may pangarap sa buhay. Kumbaga po ay may junior and senior. Iyon po bang maituturo ko sa kanila ang natutunan ko mula sa taekwondo, arnis, swords. Gusto kong ibahagi sa kanila Lolo ang mga nalalaman ko kaya't hindi ko kayo tinigilan ni Daddy hanggat hindi kayo pumayag dahil iba naman po ang naituturo sa gymnasium. May alam ang gymnasium na hindi ko alam and vice versa, may nalalaman akong hindi alam ng MGJG," pahayag niyang muli. Sa narinig mula sa apo ay napangiti si Darwin. Nakikita niya rito ang bunso niyang anak o ang ama nito. Ganoon at ganoon ang mga binitawang salita noong nagsabi ito na gustong magpatayo ng gymnasium. Hindi pa nga ito nagtatapos sa pag-aaral noong iniungot sa kanila ng asawa niya iyon. At heto, ang apo naman niya ang naglalambing sa kaniya. Hindi birong halaga ang gagastusin nito pero hindi niya ito bibiguin dahil alam niyang para sa marami ang hinahangad nito. At hindi rin nila madadalang mag-asawa ang kanilang kayamanan sa kabilang buhay. "Malayo ang mararating mo apo ko. Basta tandaan mo na huwag makalimot sa pinagmulan para maging tuloy-tuloy ang biyaya ni Ama sa atin. By the way apo wala ka bang planong balikan ang asawa mo sa Thailand at maiuwi mo siya rito?" Pang-iiba ni Darwin sa usapan nila. Umaasa silang lahat na makilala nila ang ina ng kanilang apo. Ang apo nilang may kapangyarihan. Namamatay ang mga hinahawakang rosas. Kailanman ay hindi nagkakasugat ang palad nito kahit hinahablot ang mga pananim ng abuela lalo ang mga rosas at cactus. Sabi ng mga batang nakakaklaro nito ay lagi iyong nanghuhuli ng paru-paru kahit na hindi nila magawa-gawa. Sa madaling salita ay misteryoso ang buhay ng Thai nilang apo. Napangiti ng walang kabuhay-buhay si James dahil sa narinig. Halos isang taon na rin silang mag-ama sa lupang sinilangan pero wala na siyang naging balita sa kaniyang asawa. May mga napapanaginipan siya pero hindi malinaw kaya't hindi na rin niya ito binigyang pansin. Hindi niya matukoy kung buhay pa ba ang asawa niya o tuluyang napahamak sa kamay ng mga taong nasasakupan ng ama nitong si Guru. "Hindi ko alam Lolo dahil siya mismo ang nagtulak na umalis kami ni Khemkaeng sa Chiang Mae. Kabilin-bilinan niyang huwag na kaming babalik ng Thailand. Pero ipinangako ko sa sarili ko na kapag okay na ang lahat ay babalikan ko siya---" subalit hindi na rin natapos niya ang pananalita dahil ang paru-paru na kanina pa umaaligid ay biglang nagkatawang tao na halos ikamatay este ang dahilan ng halos pagkahimatay ng abuelo. Pero para sa kaniya ay normal dahil nakikita na niya sila noon sa Thailand. "Sorry po Ginoo kung natakot kita. Pero ngayon ko lang natiyempuhan ang apo mo na mag-isa." Ipinatong Ng paru-parung nagkatawang tao ang palad sa ulo ng matanda saka may inorasyun para mawala ang takot nito. Hindi naman din niya masisisi ang matanda dahil bigla siyang siyang sumulpot. "Anong ginagawa mo rito? Paano mo nalamang nandito kami ni Khemkaeng?" tanong ni James dahil namukhaan niya ito but never in his wildest dreams na isa pala itong Thailand'ers. "Huwag kang magtaka James Deen Arellano dahil kasama mo ang tagapagmana ng Chiang Mae at kahit saan mang sulok ng mundo kayo mapunta malalaman at malalaman namin iyan. Pero hindi iyan ang punto ko sa ngayon. Tama ang Lolo mo wala ka bang gagawin upang mabigyan mo ng hustisiya ang pagkamatay ng asawa at biyanan mo? Alam kong marami kang pangarap para sa bayan mo pero simula ng si Virute ang namuno sa Chiang Mae ay wala ng katiwasayan ang buong angkan. Kaliwa't kanan na ang p*****n. Kaya't nagpulong kami ng mga kasamahan kong hahanapin ka at ako ang pinapunta nila dito upang balaan ka." Napahinga ito ng malalim na para bang habol-habol ang hininga kaya't sasagutin na sana niya ito kaso itinaas naman nito ang palad na para bang nanunumpa. "Ipagpaumanhin n'yo na ang kapangahasan ko subalit maaring makinig muna kayo sa sasabihin ko? Namatay ang anak ni Virute noong isang linggo at ang sabi ay kasalanan ni Phaelyn ang lahat o siya ang nagdala ng kamalasan sa Chiang Mae. Pinapahanap na rin niya kayo dahil gusto niyang maghiganti. Ikaw bilang ama ng tagapagmana ng Chiang Mae wala ka bang gagawin? Paubos na ang araw ko rito sa bansa ninyo kaya't lubos-lubusin ko na ang pagsasabi sa mga hinaing namin," anito na muling napatigil ng ilang sandali bago nagpatuloy sa pagkukuwento. "May laban ang Bangkok at Chiang Mae sa susunod na linggo sampung araw mula ngayon. Ang angkan ng Grand Palace at Chiang Mae. Nangunguna pa rin sa listahan ang Bangkok dahil wala namang maiharap si Virute. Alam naming malaki ang galit mo sa Chiang Mae dahil sa wala kayong naging kalayaan ni Phaelyn pero sana naman alang-ala sa kalayaan naming mga taga roon at lugar na pinagmulan ng anak mo ay matulungan mo kami." Humugot itong muli ng malalim na hininga kaya't alam niyang may tuloy pa ang sinasabi nito. Pero unti-unti nang tumitino sa isipan niya ang nais nitong iparating. Hindi nga siya nagkamali dahil muli itong nagsalita. "Tutulungan ka naming ibagsak si Virute pero sana tulungan mo din kaming makabangon sa panganib dala ng Grand Palace. Pag-isipan mo James Deen ang sinabi ko. Alam kong hindi mo kami biniguin dahil sa loob ng ilang araw ko rito sa bansa ninyo ay nakilala ko ang tunay na ikaw. May araw ka pa para makapag-isip at umaasa ang buong kapuluan ng Chiang Mae sa tulong mo," mahaba-haba nitong pahayag. Sa hinaba-haba ng pahayag nito ay isa lamang ang tumatak sa isipan niya. Wala na ang kaniyang asawa, patay na ang ina ng kaniyang anak. Anong klaseng asawa siya? Bakit niya ito iniwan noong pinapaalis siya nito? Tapos ngayon ay malalaman niyang sugo ang anak niya? "Ah saglit lang kaibigan ako na ang magtatanong. Sabi mo si Virute na ang pinuno ninyo pero gusto n'yo siyang pabagsakin? Anong kinalaman ng mga apo ko sa bagay na iuaj? Baka naman mapahamak silang mag-ama?" sunod-sunod na tanong ni Darwin dahil sa naguguluhan siya. Mukhang tumatama nga ang nasa isipan nila ng asawa at mga anak tungkol sa katauhan ng apo nila. "Malaki ang kinalaman ng dalawang apo mo sa Chiang Mae kaibigan. Una si James lang ang may kakayahang labanan ang swords master ng Bangkok na nagnanais sakupin ang Chiang Mae, nasaksihan namin ang bawat laban niya sa buong mundo at siya ang hindi pa nakakalaban ng Grand Palace. Ang apo mong isa? Kung naaalala n'yo noong isang araw hinabol niya ako at hinawakan ang matinik na rosas tapos wala siyang sugat at nalanta ang halaman? May kakayahang kakaiba ang apo mo kaibigan. Kaya namin nalamang nandito sila dahil may nunal siya sa likod na hugis rosas at saang banda siya magpunta o makahawak ng rosas ay namamatay ito. Ano ang kinalaman niya sa Chiang Mae? Malaki kaibigan dahil apo siya ng makapagyarihang tao sa naturang bansa at siya ang sugo upang mapagaling ang kumakalat na sakit sa aming bansa pero oras na mangayri iyun malalaman ni Virute at sa mismong bibig niya nanggaling na kailan man ay hindi niya bibitawan ang Chiang Mae," muli ay pahayag ng Thai. And those words hit James Deen to the fullest! His mind is telling him he is right but he can't allow it! "Ang anak ko? Sugo? No way! Hinding-hindi ko siya hahayaang mapunta sa hayop na iyon! Pinatay nila ang asawa ko kaya't hintayin nila ang kanilang parusa! Babalikan ko sila at uubusin!" malakas na saad ni James dahil sa galit subalit agad ding nahimasmasan dahil ang anak niya ang sangkot. Speaking of his son! Nasaan ito? Himala yatang wala itong nakikipaghabulan sa abuela? What if? "Khemkaeng! Khemkaeng? Where are you son?" malakas na sigaw ni James both Thai and English. In his mind, kahit ano nag mangyari ay hinding-hindi niya papayagang may masamang mangyari sa anak niya at ngayong hindi niya ito makita at maamoy man lang sana. "Lolo, ikaw na nag bahala sa Thai na iyan hahanapin ko muna ang anak ko!" He said in furios mode. Lalabas na sana niya pero naalala ang swords niyang laging nakakabit sa pintuan ng kaniyang kuwarto. Halos liparin niya ang pagitan ng sala at ikalawang palapag ng kabahayan upang makuha ang sandata. Hindi makakaligtas sa espada niya ang taong may kinalaman sa pagkawala ng anak niya. Hahanapin niya ito! ITUTULOY
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD