Chiang Mae, Thailand
"Wala ba tayong gagawin, pinunong Virute? Aba'y anak mo ang sangkot pero parang wala ka yatang plano," tanong ng isa sa mga tauhan.
"Walang ama ang nagnanais na mawalan mg anak tandaan mo iyan. At sa sinasabi mong plano ko ay mayroon kaya nga ako nagpatawag ng meeting pero bago tayo dadako sa meeting ay nais ko munang makausap si Fier Yan sa mission niya." Binalingan ni Virute ang tauhan niyang nagtanong.
Mainit ang ulo niya dahil sa sinapit ng anak niya subalit hanggat maaari ay ayaw niyang magpadala sa init ng ulo niya. Masama siyang magalit simula't sapol kaya hanggat maaari ay ayaw niyang basta-basta pinapapakawalan ito. Minsan na niya itong ginawa ay hindi naging maganda ang resulta.
"Sige pinuno, masusunod ang nais mo. Tatawagan ko muna si Fier Yan," sagot nito.
Tumango na lamang ang pinuno o ang bagong pinuno. Ito ang pumalit at hinalal ng mga nasasakupan simula nang namatay ang mag-amang Guru at Phaelyn sa mga kamay nila. Sila rin ang may kagagawan kung bakit naiwas sila sa masalimoot na kalagaya. Kaya't labis-labis ang pasasalamat nila nang tuluyan nawala ang mag-ama.
"Lintik lang ang walang-ganti mga hayop kayo! Nawala na ang mag-amang tinik sa lalamunan ko pero kayo naman ang sumunod mga hayop kayo!" Napakuyom ang palad niya dahil sa pagngingitngit. Dahil kung kailan nawala na ang mga kaayaw nila ay saka naman may pumalit.
Sa ilang buwan niya bilang pinuno sa Chiang Mae ay marami na ang nangyari. Kabilaan na rin ang kinabibilangan nilang grupo kasali na rito ang grupo ring pumatay sa kaniyang anak. Buhay ang asawa niya pero nasa bingit din ng kamatayan. Nasa ganoon siyang pag-iisip nang bumalik sa kinaroroonan niya ang tauhang inutusan.
"Pinuno hindi daw makakasipot si Fier Yan dahil may lakad siya. Bukas daw niya susubukang paparito kapag makaluwag-luwag siya." Nagpalingon siya nang nagsalita ito kaya't humarap siya rito.
"Sige sabihin mo sa kaniya kailangan ko siyang makausap bukas, tipid niyang sagot dito.
Naiinis man siya dahil sa hindi makasipot ang isa sa mga assassin ng grupo ay wala na siyang nagawa kundi ang manahimik. Mas maiinis lamang siya kapag didibdibin niya iyon. Hindi rin naman kasi niya ito maaaring puwersahin. Maganda na iyong ito mismo ang sumusulpot dahil hindi lang sila ang grupong kinabibilangan nito.
"Masusunod pinuno. Maiwan na kita at magpapatuloy ako sa pagsasanay sa mga kasamahan natin." Yumukod na ito bago siya muling iniwan.
Tumango na lamang siya sa tauhan pero ang isipan ay abala sa pag-iisip kung paano makakapaghiganti sa kabilang grupo na may kagagawan sa pagkamatay ng anak. Kung paano maibabalik sa dating kalusugan ang asawa niya. Kung tutuusin ay nagsisimula pa lamang siya sa pagiging pinuno ng kaharian nila subalit naging kaliwa't kanan na ang problemang kinakaharap nila.
Bangkok, Thailand
"Good job, Fier Yan. So, anong plano mo ngayon?" masayang wika ng pinuno, ang pinuno ng Grand Palace.
"Well nothing much to plan, Bossing. Dahil matino akong kausap basta tumutupad ang tao sa usapan ay tutupad din ako. Sa kaso ni Boss Virute? Well sa Chiang Mae ako nahubog pero kita mo naman dito ako sa Bangkok nagtagal." Kibit-balikat ng dalaga.
"Iyan ang gusto ko sa iyo, Fier Yan, madali kang kausap. By the way may new assignment ka from me. Fully paid kung gusto mo with full allowance while you are there at may bunos ka kapag mapagtagumpayan mo ang misyon na ito," pahayag ng may edad na ring pinuno ng Grand Palace.
"Who? And where?" agad namang sagot at tanong ng dalaga, bagay na ikinalawak ng ngiting nakabalot sa mukha ni Sumati.
"Here take this envelope Fier Yan, nandiyan ang lahat ng information about that b***h. Kilala mo ako kapag sinabi ko ay tinutupad ko iyan. And this envelope is the money your allowance and your fully p*****t. Alam kong matagal mo ng gustong magkaroon ng break kaya do your best Fier Yan para sa mission mong ito at kapag nangyari iyan ako ang magbibigay mismo ng bunos mo or ang break na ninanais mo." Nakangiting iniabot ni Pinunong Sumati ang dalawang envelopes. Isang envelope na naglalaman ng mga impormasyon na kakailanganin ni Fier Yan at isang envelope para sa p*****t.
Well, trabaho ang nais niya kaya't kung sino ang higest bidder doon siya(Fier Yan). Hindi alam ng bawat magkabilang pangkat na kabilang siya sa mga ito. Kahit parehong pangalan ang gamit niya'y iba-ibang mukha naman kapag sumisipot siya sa dalawang grupo. She's Fier Yan Lancuan, the international assassin. And she will do everything for her to satisfy the highest bidder.
"So, kailan ako magsisimula, Boss?" ilang sandali pa ay tanong niya sa pinuno matapos niyang pasadahan ang bagong assignment.
"It's up to you, my dear. May tiwala ako sa iyo kaya't nasa sa iyo na kung kailan mo gustong tumulak papuntang Myanmar para sa bago mong assignment. But let me tell you something, ang target ay nasa Sule Shangri-la Yangon. He will be attending the wedding of his brother so you need to expect alot of people there. Im just telling you this para sa hints mo ng gagawin mo roon. I trust you but you need to be careful specially that your target is in public place," pahayag muli ni Sumati. Wala pa namang palpak ang assassin na paborito niya subalit wala rin namang masama sa nag-iingat.
Hindi na bago iyon par kay Fier Yan. Sa tanang buhay niya ay iyon na ang naging kabuhayan na. Hindi na bago sa kaniya ang pumatay ng tao. Ay hindi na rin bago sa kaniya ang mga linyahang ganoon. Don'ts and Do's sa kaniyang trabaho.
"According to this information that you gave me, Bossing, ay isang linggo mula ngayon ay kasal na ng kapatid ng target. So I need to be there three days before the wedding. Don't worry, Bossing, I'll do this for you but for now I'll go back to my place for me to study about the strategies that I'll use. Thank you sa full p*****t kahit na wala pa akong nagagawa." Isinilid na niya sa dala-dalang bag pack ang dalawang envelopes.
"Gaya ng sabi ko sa iyo, Fier Yan, may tiwala ako sa iyo kaya't huwag kang magpasalamat dahil bayad ko rin naman sa iyo iyan ibig sabihin ay pagtratrabahuan mo hindi bigay. Sige na iha mag-ingat ka," tugon ni Sumati.
Ngumiti na lamang ang dalaga bilang sagot. Tahimik niyang tinungo ang kaniyang sasakyan. Inandar niya ito nang tuluyan dahil kailangan niyang makauwi upang makapaghanda sa kakailanganin niya.
Samantala, nang nawala na ang dalaga sa paningin nila ay lumapit ang kanang kamay ng pinuno.
"Mukhang tiwalang-tiwala ka sa kaniya, Boss," anito.
"Well, hindi naman sa ganoon, Pinyakan. Subalit dahil kailangan natin siya ay kailangang ipakita nating may tiwala tayo sa kaniya." Napalingon ang pinuno dahil sa tinig ng kanang kamay.
"Sabagay tama ka sa bagay na iyan, Boss. Sa lahat nang ipinatumba mo ay hindi pa siya pumalpak so dapat lang na sa kaniya ipatumba ang taong iyon upang malaya tayong makakilos sa Burma. Sa lahat na yata ng karatig bansa ay ang Burma ang hindi pa natin nasasakup." Kibit-balikat ni Pinyakan saka naupo sa upuang itinuro ng amo, ang pinuno ng Grand Palace.
"That's right! Marami pa akong plano kaya't habang nandiyan si Fier Yan kailangang mawala na lahat ang mga sagabal para sa ikabubuti ng lahat. By the way anong balita sa Chiang Mae?" tanong nito matapos sang-ayun ang sinabi ng kausap.
"Ayun sa mga tao natin doon ay kumikilos na rin si Virute para sa pagkamatay ng anak. Ang asawa niya ay nasa alanganing sitwasyun na kaso bakit hindi pa kasi natuluyan noong lumusob ang grupo. Upang ang ambisyusong pinuno kuno na lamang sanaang problema natin," muli ay pahayag ni Pinyakan.
"Very good! Very good news. Kung hindi lang sana siya ambisyoso disin sana ay wala siya sa alanganing sitwasyun ngayon. Ang match sa susunod na buwan, anong balita?" muli ay tanong ng pinuno.
"Wala pang nagpalista, Boss. Ang tao lang natin ang nasa listahan kaya't habang wala pang nagpapalista ay maari pa nating ipanatag ang sarili natin, saka wala ka bang tiwala sa kaniya? Wala pa namang nakakatalo sa kaniya kaya't huwag mo na munang isipin iyon, Boss. Baka gusto mong sasama sa kabila, Boss?" sagot at tanong nito na ang tinutukoy ang illegal loggings nilang negosyo.
"Well, hindi na, Pinyakan nandoon ka naman eh. Go ahead dito na lamang ako para may magbantay din sa palasyo natin basta lagi mong tandaan na mag-ingat kayo roon." Umiling-iling na lamang ng pinuno tanda ng hindi pagsang-ayun sa paanyaya ng tauhan.
"Thank you, Bossing. Same to you here, take care of yourself too, Bossing," sagot ni Pinyakan saka yumukod at tinungo na rin ang sasakyan.
And yes it is, the Chiang Mae Group has Virute, Grand Palace has Sumati. And THE KINGDOM OF THE NORTH soon to be open. And it will be for Master James Deen.
Bontoc , Mt Province
"Wala ka talagang ipinagkaiba sa Daddy mo, James. Subalit dahil alam ko namang maganda ang hangarin mo. Ibibigay ko ang kailangan mong halaga para sa loteng ninanais mo. Susuportahan kita sa abot ng aking makakaya apo basta ipagpatuloy mo ang iyong magandang nasimulan." Pagsang-ayun ni Grandpa Darwin.
Wala na ring nagawa ang matandang Arellano kundi ang suportahan at ibigay ang ninanais ng bunsong apo. Alam naman niyang maganda ang hangarin nito kaya't sumang-ayun siya. It's risky yeah, but it's for everyone not only for his grandson.
"Thank you very much, Lolo. Huwag kang mag-alala dahil hindi ko kayo bibiguin nila Daddy at Mommy, si Lola at lahat-lahat. Tutuparin ko po ang pangako ko. At saka ayaw mo ba iyon, Lolo, makakatulong tayo sa mga nangangailangan ng trabaho rito sa bayan natin," masayang-masaya na sambit ni James Deen.
At pansamantalang nakalimutan ang panaginip na laging dumadalaw sa kaniya. Ang panaginip na gumugulo sa isipan niya. Dahil sa pagpayag ng kaniyang abuelo ay walang kasing saya ang araw na iyon sa kaniya.
"Alam na alam mo ang weakness ng abuelo mo, apo. Alam mo bang kung kaya lang sana niyang buhayin lahat ang mga mahihirap ay ginawa na niya? We are so lucky to have him young master. Kaya't kagaya nang sinabi niya keep up your good deeds at susuportahan ka namin." Napatingin sila sa kinauupuan ng matalik na kaibigan ng abuelo niya. Si Lolo Amoricio.
Ayun sa kuwento ng mga ninuno niya ay magkaibigan na ang dalawa simula't sapol noong sila ay bata pa. Kasama ang kaniyang abuela na walang mag-aakalang isa itong anak mayaman. Kung hindi lang sana pumayag ang abuelo niya sa oras na iyon ay sa ninuno niya sa kaniyang abuela siya magpapatulong. Santana-Smith Clan can help him but he's thankful that his grandfather said yes already and gave his permission. Mas matutuwa pa sila kapag siya o kahit sino sa pamilya nila ang lumalapit sa kabilang ninuno niya.
"Thank you po, Lolo." Nakangiti siyang umusog sa kinauupuan nito.
Ito naman ang kaniyang nilambing. Ang pinagmanahan daw ng pinsan niyang masungit! Pero hindi naman niya ito nakikitang nagsusungit kaya't hinahayaan lamang niya ang mga nagsasabi. Dahil lahat naman ng tao ay may tupak saka ang bait nga nito sa kanilang lahat.
"Ayan anak, nakamit mo na ang blessing ng Lolo mo. Alam kong gagawin mo pero nais ko pa ring ipaalala na hindi lang basta gymnasium ang plano mo kundi isang kaharian. Ang lupaing iyan ay halos kabuuan ng barangay natin. Naikot mo na rin iyan gamit ang kabayo mo. Ang ibig kong sabihin ay hindi lang iisa o dalawa ang magiging bantay mo. You will need hundreds of securities to ensure the security of students someday. Good luck, my heir." Masaya ring ipinatong ni Greg ang palad sa balikat ng anak.
Alam na alam nila kung ano ang nais nitong tahakin. Kung ano ang mga dahilan nito kung bakit ninanais pa nitong magpatayo ng isang kaharian kaysa tulungan ang panganay nilang anak sa gymnasium na ipinatayo niya noong siya ang nasa edad ng mga anak niya even he's younger than them that time. He was twenty way back then while his successor is already twenty-five. Alam nilang may nais itong patunayan, may nais balikan sa Thailand kung nasaan ang manugang nila at sa pamamagitan ng pagpapatayo nito sa sariling kaharian ay makakarating ito sa bansang Thailand. Wala pa itong binabanggit subalit sa apo na lamang nilang nakikipag-usap sa mga paru-paru, nalalanta ang mga bulaklak na nahahawakan, walang sugat ang palad kahit hinahaplot ang matinik na tangkay ng rosas. Their grandchild is no ordinary child, meaning his lineage does too.
.
.
.
.
.
ITUTULOY