"Well, well, tingnan natin kung ano ang magagawa ng espada mo sa baril namin." Nakangising humarang ang isang lalaki kay James.
"Wala akong balak patulan ka kaya't umalis ka sa dinaraanan ko," malamig pa sa yelo niyang sagot.
"Ang yabang-yabang mo naman. Tsk! Hindi porket taekwondo master ka na sinuwerteng nanalo sa Thailand ng sparing eh luluhod at yuyuko na lahat ang mga tao sa iyo." Nakaismid na dumura ang lalaki
Hindi na siya sumagot subalit kung nakakamatay lang sana ang mga titig niya ay kanina pa bumulagta ang mga ito. Wala siyang balak makipag-away sa mga ito kaya't aalis na sana siya. Ngunit padaskol siyang hinablot ng isa sa mga ito. Talagang desidido silang harangan siya.
"Huwag kang bastos, Arellano! Swords master kuno! Kinakausap ka namin kaya't huwag kang basta-basta na lamang umaalis!" Pahablot siya nitong pinigilan.
Wala siyang planong patulan ang mga ito dahil ayaw niyang gawin sa kapwa niya Pinoy ang nangyayari sa mga kalaban niya. Pero mukhang ayaw paawat ng mga ito sa pagharang sa kaniya. Galit siya sa kaalamang sugo ang anak niya tapos ginagalit pa siya ng mga hayop! Kaya't kahit ayaw niya ay humarap siya ng tuluyan sa mga ito.
"Hindi na ba talaga kayo paaawat? Alam n'yo bang ayaw kong labanan kayo? Ayaw kong mula mismo rito sa Mt Province ang mamatay sa espada ko? Sige sumagot kayo kung ayaw ninyong paawat at ora mismo'y ibibigay ko ang hanap n'yo!" mariin niyang wika.
Kaso pinagtawanan lang siya ng mga ito na halatang nang-iinsulto kaya naman ihinanda niya ang sword niya. Kumbaga sa isang actual na drill o laban, nakaporma na siya ng may tumawag sa kaniya. Subalit kung kailan handa na siyang labanan ang mga ito ay saka pa biglang sumulpot ang pangalawang Kuya niya. Si Melvin Gerson, isa itong nurse sa bayan.
"Bunso! Huwag! Hayaan mo na sila! Huwag mo silang patulan!" sigaw ni Gerson Melvin saka patakbong lumapit sa bunsong kapatid.
Galing siya sa duty at napadaan sa bandang kinaroroonan ng apat. Doon niya napagtanto na kaya pala parang may kung anong humihila sa kaniya na dumaan sa bahaging iyon. Nanganganib na mapalaban sa kabarangay nila ang bunso niyang kapatid. He look so curious ay mas masaklap ay mahigpit na nitong hawak-hawak ang espada nito. Anumang oras ay handa na itong sasalakay.
"Oh, may saviour ka na, Arellano. Ay mali Arellano rin pala ang dumating. Kung sinusuwerte nga naman tayo mga kasama." Tumawa ang isa sa mga ito ng pagkalakas-lakas. Halatang minamaliit at iniinsulto silang magkapatid. Pero hindi iyon pinagtutuunan ng pansin ni Melvin Gerson.
"Ano ba ang problema bunso? Bakit nandito ka?" muli ay tanong niya sa kapatid na pulang-pula na ang mukha patunay na galit na galit ito.
"Binalaan ko sila, Kuya, dahil ayaw kong labanan ang kahit sino man sa atin dito. Pero hindi sila nakinig sa aking babala. Puwes hinarang nila ako sa paghahanap ko sa anak ko, kaya't ibibigay ko ang gusto nila. Move away from me, Kuya," malamig na sagot ni JD na ang mga kamay ay kapit na kapit sa espada.
Sasalungatin pa sana ito ni Melvin Gerson subalit hindi na niya napagtagumpayan ang bagay na iyon dahil itinulak siya ng kaniyang kapatid. Hindi niya agad napansin ang mga sumalakay dito. Kung hindi pa siya nito itinulak ay hindi pa niya malalaman na inaatake na pala sila ng mga humarang dito. Hindi niya tuloy maiwasang kabahan!
"Wala kayong katapatang harangan ako! At huwag na huwag kayong mananakit ng kapwa---" Hindi natapos ni JD ang sinasabi dahil gamit ang espada niya ay palipad niyang nilapitan ang lalaking bubunutin pa sana ang baril. Kulang ang salitang maliksi dahil sa isang iglap ay bihag niya ang lahat. Kahit ang mga mga baril nila ay pinalipad na rin niya. Ang sword niya ay tumarak sa tiyan nito.
Sa madaling salita, bumulwak ang dugo galing sa lalaking bubunot pa sana ng baril dahilan para matumba ito. Wala siyang pakialam kung matuluyan ito. He just protected himself from his enemies. Wala siyang inaapakang tao kaya't galit na galit siya dahil mainit na ang ulo niya tapos may paharang-harang pa sa dinaraanan niya.
"You! Baka kayo ang may kagagawan sa pagkawala ng anak ko kaya't humarang kayong apat! Ngayon kung ayaw ninyong matulad sa kanya ay hayaan n'yo akong makadaan!" Binalingan niya ang mga ito. Kulang na lamang ay kainin niya silang buhay! He is mad at all!
Pero para sa taong walang pakialam sa mundo ay hindi pa rin nakinig ang tatlo bagkus ay mabilis din silang bumunot ng baril saka itinutok sa kaniya. Tatlong baril ang nakatutok sa kaniya. Pinalibutan pa siya ng tatlo.
"Akala ko siguro'y matatakot mo kami sa espadang iyan ano? Tingnan natin ngayon kung magkikita pa kayo ng anak mo! Pwe!" may igting na wika at dura ng lalaki.
Sa lahat ng ayaw niya ay inaapakan ang pagkatao niya. Wala siyang sinasagasaang tao kayat hindi siya papayag na insultuhin at apakan siya. Kaya't kahit sa sandaling iyon na pigil na pigil siya ay tuluyan nang umigting ang galit niya. Nakatutok man sa kaniya ang mga baril nila subalit wala siyang takot na nagpalipat-lipat ng paningin.
"Sigurado na ba kayong tatlo diyan? Make sure na wala sa inyo ang anak ko dahil kung may kinalaman kayo ay wala akong pakialam kung ngayon din ay ibabaon ko kayong buhay." Pinaglipat-lipat niya ang paningin sa tatlong baril na nakatutok sa kaniya samantalang nakahawak siya ng mahigpit sa espada na handang itarak alin man sa tatlo. Sa tingin pa lamang niya ay tantiyado na niya kung ano gagawin.
"Bunso maghunos-dili ka baka---"
Pero hindi na natapos ni Gerson ang pananaway sa kapatid dahil para na itong agila sa bilis. Kumbaga sa isang teleserye, umangat ito saka ginamit ang takip ng sword sa tatlo. Dito niya napagtanto na kahit galit na galit ito ay ayaw pa ring makapatay kahit sino sa mga kabarangay nila. Kaya't imbes na nag swords mismo ang ginamit sa pakikipaglaban sa mga ito ay ang takip nito ang ginamit. Tumilapon ang mga ito dahil sa binitawang armas ni JD. Hindi pa ito nakuntento, lumapit siya sa mga ito at ang belt naman ang ginamit, sa isang kamay hawak ang sword at sa isa ay ang belt. Dalawang armas ang sabay-sabay na pinagana kaya't sa isang iglap ay para silang mga lantang gulay sa isang tabi.
"Ngayon magsalita kayong apat kung ayaw ninyong tuluyan ko kayong lahat. Nasaan ang anak ko?" muli ay tanong ni JD na ang sword ay nakaturo sa mga ito. Inisa-isa niyang itinuro sa mismong leeg ng apat ang dulo ng espada niya.
"Sabihin n'yo na kasi. Sabi ko naman sa inyong hindi tayo uubra sa kaniya eh," paninisi pa ng may sugat sa tiyan.
Sa narinig ay ito naman ang binalingan niya. Lumapit siya rito at ito naman ang tinutukan niya ng espada. Kulang na lamang ay baon ang dulo ng hawak niyang sword. Kaya naman mas idiniin niya ang hawak-hawak.
"Sabihin mo ang nalalaman mo kung gusto mo pang mabuhay. Oras na magsalita ka at ako mismo ang magpapagamot sa iyo," aniya.
Pero hindi agad sumagot ang lalaki na palipat-lipat ang paningin sa tatlong kasama at kay JD.
"Bro magsalita ka na kung ayaw mong matuluyan. Nasaksihan ko ang lahat kaya't hindi n'yo puweding baliktarin ang kapatid ko," malumanay na tanong ni Gerson.
Hindi ito sumagot pero muli ay tumingin sa mga kasamang lantang gulay na. Kaya naman ang galit na si JD ay muling lumapit sa mga ito.
"Ayaw n'yo ba talagang magsalita? Sige bibilangan ko kayo ng tatlo at kapag umabot ako sa huling bilang ay pasensiyahan na tayo!" mariin nitong wika.
But....
Subalit sa pagtalikod niya ay muling umataki ang tatlo. Kitang-kita niya napamulagat niyang kapatid. Maaaring babalaan siguro siya subalit naging mas maagap siya. Para siyang ibon na umangat sa eri, umiwas sa pagsalakay nila. At bago pa niya napigilan ang sarili ay muli niyang ginamit ang belt niya sa mga hayop! Kumbaga, lantang gulay na pero muling nalanta! Wala na siyang pakialam doon dahil pinagbigyan niya lamang ang paghahamon nila. Dinisturbo pa nga siya sa paghahanap niya sa kaniyang anak!
"Wala na talaga kayong kadala-dala. Sa susunod na makita ko pa kayong apat papatulan ko na talaga kayong lahat!" sigaw niya sa mga ito na kulang na lamang ay gumapang dahil sa inabot mula sa sword master.
"Ikaw na ang bahala sa mga iyan, Kuya! Hahanapin ko muna ang anak ko bago ko pa tuluyang makalimutan na kababayan ko ang mga hayop na iyan. Pero bago pa sila makatakas ay tumawag ka muna ng pulis baka ikaw naman ang pagbalingan nila." Binalingan niya kapatid at binilinan ito. Kaso hindi pa man siya naka-ilang hakbang nang nagsalita ang may sugat sa tiyan.
"H-huwag ka nang lumayo sa paghahanap mo sa iyong anak, m-master. Hindi naman talaga kami masamang tao. Ginawa lang namin iyon para nakalapit sa iyo lalo at nabalitaan naming magtatayo ka ng paaralan para sa mga nagnanais matuto sa swords at arnis. Alam kong mahirap paniwalaan ang sinasabi ko pero iyan ang totoo. Huwag kang mag-alala dahil wala kaming ginawang masama sa anak mo. Nandiyan lang siya sa tabi kasama ng driver naming apat. Pasensiya ka na master." Hirap man dahil sa sugat pero nagawa din ng lalaki ang magtapat.
Hindi naman makapaniwala si Gerson, alam niyang halos buong mundo na yata ang nakakakilala sa kapatid niya pero hindi niya akalaing itataya ng mga ito ang buhay para lang mapalapit dito samantalang maari naman nila itong kausapin ng maayos.
"Kung kanina ka pa sana nagsalita hindi ang patingin-tingin ka sa mga taong iyan. Ngayon saang gilid---"
Pero pinutol ng matinis na halakhak ng anak niya ang pangangastigo niya sa lalaking malapit na yatang mamatay. Dahil dito ay agad niyang tinahak ang pinagmulan ng tawa. Tuwang-tuwa itong nakikipagalaro sa lalaking hindi nalalayo sa edad niya. Hindi man niya masabi na nagkakaunawaan ang dalawa pero base sa tawa ng anak ay halatang magkasundo silang dalawa.
Samantala, kagaya ng sabi ng kapatid ay si Gerson na ang umasikaso sa apat. Tinulungan niya ang mga ito na maisakay sa sariling sasakyan upang madala sa pagamutan.
"Kayo naman kasi sabi ko namang lapitan na lang natin eh. May pranks pa kasi kayong nalalaman ayan tuloy muntik pa tayong matuluyan." Paninisi ng isa sa katabi.
"Eh para masubukan na rin siya ikaw naman, ayaw mo ba 'yun napalaban tayo bago ang pagtuturo?" Hagikhik naman ng isa kahit lantang gulay na kung maituring.
Kaya naman imbes na magalit si Gerson ay napailing na lamang siya dahil na rin sa kalokohan ng nakasagupa ng kapatid.
"Papa! Nandito ka po? He plays with me," agad na sabi ni Khemkaeng nang napansin ang ama.
Samantalang halatang takot na takot ang lakaking nasa harap ng manibela.
"Oo anak but don't do that again ha? Huwag na huwag kang lalabas ng bahay na walang kasama." Niyakap niya ang anak. Nais sana niyang tingnan ang sinasabi ng Thai na rosas sa likuran nito pero ayaw din niyang ipaalam sa lalaking halos maihi na yata sa takot.
"H-huwag kang mag-alala m-master wala kaming ginawang masama sa kaniya. Nakita kasi namin siya sa tabi ng harden kaya't sinamantala naming iniangat siya sa bakod dahil alam naming hahanapin mo siya. Iyon ang paraan namin upang makalapit sa iyo. B-bukod doon ay wala na," agad namang paliwanag ng lalaki.
"Sa susunod kung gusto n'yo akong makausap ay huwag kayong gagawa ng ikakagalit ko lalong-lalo na kung tungkol sa anak ko. Tawagan mo ang mga kasama mo upang malaman mo kung saang hospital sila dinala ni Kuya. Kapag magaling na silang apat sabihin mong sa gymnasium ni Kuya n'yo ako hanapin doon tayo mag-usap. Nagkakaunawaan ba tayo?" tanong ni JD. Maaaring galit siya pero nakikita naman niya ang kasenseruhan nila sa sagot.
"S-sige, master," pautal at tipid nitong sagot.
Kaso ang batang walang maunawaan sa pinag-uusapan ng dalawa ay muling bumaling sa lalaki.
"Bye-bye uwi na kami ni Papa at sana mabigyan n'yo pa ako ng oras na maglaro," anito sa salitang Thai.
"Okay, baby," halos bulong na sagot ng lalaki kahit halata namang hindi sila nagkakaunawaan sa mga lengguwahing ginagamit.
Hindi na nagsalita pa si James Deen. Kinarga na lamang niya ang anak saka naglakad palayo sa lugar na iyon saka tinahak ang daan pauwi sa kanilang tahanan. Hinding-hindi niya hahayaang may masamang mangyari sa anak niya. Ang nag-iisang ala-ala niya sa yumaong asawa.
Sa pagamutan kung saan siya nagtatrabaho nila dinala ang mga apat na lalaki. Off duty na siya subalit nakauniform pa lamang siya dahil papauwi siya nang nagawi siya sa lugar kung saan niya nakita ang mga ito na humarang sa kapatid niya.
"Oh, Nurse Arellano, bumalik ka? Overtime?" salubong na tanong ng isang staff.
"Hindi Brod, may mga pasyente akong nadaanan sa daan. Humihingi ng tulong kaya't ako na ang nagdala sa kanila rito. Total nandito ka rin ay baka maaaring makahingi ng tulong, Brod? Baka naman puweding tulungan mo ako sa pagpasok sa kanila rito? Nasa sasakyan ko kasi silang apat," magalang niyang sagot.
"Sure! Iyan lang pala eh, wait pagtatawag ako Ng stretchers," tugon nito saka bahagyang lumayo.
"Nurse! Nurse! We need help! There are patients here!" malakas nitong sabi. Dinaig pa siya sa paghingi ng tulong.
Dahil na rin sa sigaw nito ay hindi nagkandaugaga ang ilang nurses. Kaniya-kaniya silang hatak ng stretchers. Eksaktong apat na nurses boys and girls, sabay-sabay silang lumapit sa kinaroroonan ng sasakyan ni Gerson. Buhay at humihinga pa naman sila subalit halatang lantang-lanta. Kaya naman agad nila silang pinagtulungang ipinahiga sa mga stretchers saka nagmadaling dinala sa emergency room.
ITUTULOY