"Ha? Nagawa mo iyon, anak? Baka naman balikan ka nila?" hindi maipagkakamaling may takot sa tinig ni Magdalene nang ikinuwento ng bunsong anak ang nangyari.
"Hindi po iyan mangyayari, Mommy. Dahil sila na rin mismo ang nagsabing gusto lamang nilang makalapit sa akin kaya't ginamit nila si Khemkaeng. Ang mga lintik eh, gusto lang naman pala nilang makipaglapit sa akin eh. Kung ano-ano pa ang naisip," tugon ni JD sa ina.
"Anak, alam naming nag-aalala ka lamang sa iyong anak. Idagdag mo pa ang paru-parung iyon. Pero anak, sa susunod ay huwag mo nang dalhin sa labas ang espada mo. Alam kong self-defence lamang ang ginawa mo subalit hindi pa rin natin maiiwasang may masabi ang mga tao sa iyo. Baka kung ano pa ang maisip nilang gawin. Baka kako masira pa ang mga plano mo dahil diyan." Lumapit na rin si Greg sa anak saka naupo sa tabi nito.
Pinagitnaan nila itong mag-asawa. Ang apo nila ay masaya na namang nakikipaghabulan sa mga magulang niya. Wala itong kapaguran sa paglalaro. Kahit ang mga bata sa labas ng bahay nila ay hinihingal na kapag ito ang kalaro nila. Noong hindi nagkatawang tao ang paru-parung umaaligid-ligid sa kanilang tahanan ay mananatili silang clueless. Subalit sa kasalukuyan ay nauunawaan na nila ang mag-ama.
"Kahit pagsisisihan ko po ang ginawa ko kanina ay hindi na po ito magbabago. Nangyari na po kaya't huwag po kayong mag-aalala, Mommy, Daddy, dahil hindi na po iyon mauulit. Labis-labis lamang po akong nag-alala kay Khemkaeng nang hindi ko siya nakita," tugon na lamang ni JD.
Kahit sinong magulang ang nasa kalagayan niya kapag sariling dugo ang nasa alanganing sitwasyun ay gagawin din ang ginawa niya. Kung hindi lang sana sila nagpaligoy-ligoy pa at sinabi agad ang kanilang pakay ay baka hindi sila umabot sa actual drill. Hindi naman siya namimili ng taong magiging membro ng ipapatayo niyang kaharian basta capable ito at mapagkakatiwalaan ay pasado na. It's not just a gymnasium but it's a kingdom, and his legacy is right. He will need a hundred of securities to secure the security of their upcoming students.
"Tama iyan, apo. Gawin mong lesson ang nangyaring iyan sa iyo ngayong araw. Hindi mo man aminin sa amin ay alam naming may kakaibang puwersang nakapaloob sa anak mo. Kahit hindi nagkatawang tao ang paru-parung iyon ay marami na kaming nagtataka sa kaniya. All plants that his touching are dying specially those roses. So inuulit ko ang sinabi ng Mommy at Daddy mo na kailangang pahabain mo ang iyong pasensiya." Napalingon sila dahil sa tinig ng kaniyang abuela kasama ang anak niyang panay ang pakikipagharutan sa kaniyang abuelo.
"Opo, Lola. Tatandaan ko po ang lahat ng bilin ninyo," tugon na lamang niya.
Matagal na niyang napansin ang kakaibang puwersang iyon sa anak niya. Ayaw lamang niyang aminin sa sarili na dugong bughaw ang nanalaytay dito. Nagmula ito sa mga taong hindi ordinaryo kaya't hindi na nakapagtataka kung mayroon din itong kapangyarihan. May hugis rosas nga ito sa likuran. Parang isang tangkay na basta na lamang pinitas sa isang sulok ng garden.
"Don't worry that much, apo ko. Sabi nga ng Lola mo dati sa akin, everything gonna be alright in God's perfect time. Magtiwala ka lamang sa KANIYA. Kung iniisip mo ang paru-parung iyon ay nasa iyo na ang desisyun. At kung man ang gagawin mo o tatahakin mong landas ay susuportahan ka namin ng buong-puso. Cheer up, bunso," hindi rin nakatiis ang matandang si Lolo Darwin. Sumabad din ito kahit panay ang pakikipaglaro, pangungulit ng kaniyang apo.
Speaking!
"Elder Decha, ilang araw na lamang ang nalalabi sa mga araw natin dito. Subalit wala pang tugon ang sadya natin," wika isang Thai sa lider nila na si Decha.
Leader nila dahil ito ang may kakayahang mamuno sa kanila ng mapayapa. Hindi man ito ang pinuno ng buong Chiang Mae ay ito pa rin ang kinikilala nilang pinuno kaya nga Elder Decha ang tawag nila. Mabait itong pinuno hindi kagaya ng kasalukuyang namumuno sa kanila na malupit. Palagiang may digmaan, may civil wars na kinasasangkutan ang kaharian nila. And recently, nahaharap sila sa laban sa Grand Palace. Hindi lingid sa kanilang lahat kung ano ang kakayahan ng naturang lugar. Maaaring ihambing sa David and Goliath. Langgam lamang ang Chiang Mae sa Grand Palace.
"Kaya nga po, Elder Decha. Sa susunod na linggo ay kailangang makabalik na tayo sa Chiang Mae. Dahil sigurado akong makakahalata na si Virute. Baka naman maari mo siyang kausaping muli?" sabi naman ng isa. Maaring hindi rin ito nakapagtimpi na hindi sasabad at ipahayag ang nararamdaman.
Kasalukuyan silang nanunuluyan sa isang paupahang bahay sa lugar ng kanilang pakay. Mas pinili nila ang magiging simple sa bansang banyaga. Wala naman kasi silang ibang motibo sa naturang lugar kundi ang makausap at makumbinsi ang ama ng sugo nila. Kailangan nila ang mag-ama dahil parehas silang mahalaga sa kanilang lahat. Ang ama ay ito ang makakasugpo sa Grand Palace sa patuloy na pananakop sa Chiang Mae samantalang ang anak ay ito ang may kakayahang mag-utos sa mga tinik pabalik sa pinagmulan. Sa madaling salita ay kailangang-kailangan nila ang mga ito. They are both precious to them.
"Sa ngayon ay kailangan muna natin ang maghintay kahit hanggang bukas o sa makalawa. Kapag wala pa tayong marinig mula sa kanilang mag-ama sa araw na iyon ay babalik ako sa tahanan nila upang kausapin itong muli. Alam kong papayag siya, nasaksihan na natin kung ano mayroon ang pamilyang pinagmulan niya. Sigurado akong nais din nilang tulungan tayo," ani Elder Decha makaraan ng ilang sandali na pananahimik.
"Tama ka, Elder Decha. Wala akong ibang masabi sa pamilya nila kundi oriented silang lahat. May pagpapahalaga sila sa kapwa tao. Hinding-hindi sila maaaring ikumpara sa pinuno natin sa Chiang Mae. Maaaring magkakaiba tayo ng kultura subalit pare-parehas tayong nilalang kaya't alam kong mababait sila. I'm praying so hard para kanilang lahat at sa pagpayag ng ama ni Khemkaeng," aniyang muli ng isa.
They're all hoping and praying that James Deen and Khemkaeng will save them, their kingdom and most of all, the people who resides in Chiang Mae. The independence of their kingdom is in the hands of the heir and his father. They are the only person who can defeat their current leader Virute and can save them from the hands of Sumati in Grand Palace.
Bangkok, Thailand
"Anong balita sa Burma, Pinyakan?" tanong ni pinunong Samuti sa kanang kamay.
"Sabi ng tao nating nadoon nasa hotel na raw si Fier Yan. Kung hindi ako nagkakamali ay mamayang gabi na ang kasal," sagot nito.
Nagpalakad-lakad muna ang pinuno bago ito nagsalita. Para bang nag-iisip kung ano ang susunod na sasabihin. Kung paano sisimulan ang nais sabihin. Sa biglang tingin ay para itong nababalisa na hindi maunawaan kung ano ang nais ipahiwatig.
"Well tiwala naman ako kay Fier Yan. Ilang tao na rin ang naipatumba natin sa kaniya. Pero kung kailan araw na ng kasal kung saan naroon ang target ay saka pa lang ako napaisip. Kaya ba niyang pumatay sa gitna ng mga tao? I'm feeling so weird about thinking that way, Pinyakan. And I can't help myself in that matter." Napabuga na nga siya sa hangin.
Aminin man niya o hindi ay talagang nag-aalala siya. Naninibago tuloy siya sa kaniyang sarili dahil sa kaisipang iyon. Para siyang sira-ulong tao na walang direksyun ang buhay. Hindi naman siya dating ganoon subalit sa pagkakataong iyon ay hindi niya talaga maunawaan ang sarili. Nais tuloy niyang batukan ang sarili dahil nagmumukha siyang tanga sa harapan ng tauhan niya.
"Boss, baka hindi siya ang iniisip mo. Nagkataon lang na siya ang may hawak sa target na nais mong mabura sa listahan. Ikaw na rin ang nagsabi na tiwala ka sa kaniya kaya't huwag mo siyang pakaisipin total may iba naman tayong tao roon na maninigurado sa bawat kilos ni Fier Yan. By the way maiba ako, Boss, ang Chiang Mae mukhang wala yatang maiharap ngayon ah." Lumapit dito si Pinyakan. Tumapat siya sa mismong harapan ng amo.
"Ayaw mo ba iyon? Aba'y para sa akin pabor na nga iyon upang hindi mahirapan ang tao natin para sa susunod niyang laban." Napangiting tumango-tango ang pinuno na pansamantalang nakalimutan ang delima.
"Sabagay tama ka, Boss. Subalit alalahanin mo Boss may layunin tayo sa Chiang Mae at isa pa Boss malay natin papayag si White Widow na tuluyang mapasaatin ang isa sa assets ng grupo niya," kay lawak ang ngiting wika ni Pinyakan.
"Hmmm I like the way you smile, Pinyakan. Would you care to share with me?" kaya naman ay nakangiti ring tanong ng pinuno. Sa hitsura pa lamang nito ay tuluyang nakalimutan ang tungkol sa inupahang assassin.
"Boss, of course you will love the news. Nakausap ko na si White Widow at sabi niya saka na lang natin pag-usapan ang bentahan ninyo o ang tungkol kay Fier Yan. Kung magkakasundo raw kayo sa presyo ay bibitawan niya ito which is alam ko namang kayang-kaya mo siyang bilhin kay White Widow. Ang problema lang dito ay ang bibilhin mo mismo. Alam mo namang hindi rin iyon papayag basta-basta," paliwanag ni Pinyakan.
"Double the price, iyan lang ang katapat ni White Widow. About Fier Yan? We will across the bridge when we get there pero sa ngayon kausapin mo ang tauhan natin sa Burma upang makamonitor tayo doon." Sa balitang narinig mula sa kanang-kamay niya ay hindi na nawala-wala ang ngiti sa kaniyang labi.
Kaya naman hinayaan na lamang ito ni Pinyakan. Sa uri pa lang ng ngiting nakabalot sa mukha nito ay halatang may maganda na naman itong plano. Well, he trust his Boss and he will do everything he can to support him in so many ways. Sumati is his longtime master. He owes everything to him.
Sule Shangri-la Yangon, Myanmar
Dahil kilala sa publiko o mayaman ang taong ikakasal sa naturang hotel ay mas pinahigpit nila ang seguridad.
"Miss, your bag." Pukaw ng isang security kay Fier Yan.
Napalalim yata ang pag-iisip niya kaya't hindi niya namalayang nasa tapat na pala siya ng guwardiya. Napakahaba na rin ang pila nang dumating siya pero may oras pa naman kaya't hindi siya nabahalang pumila kaysa naman papalpak siya sa misyon niya. Ang misyon niya kung saan nakasalalay ang bakasyon nila ng mga Kuya's niya. Aalis silang tatlo sa mala-impiyernong HU CHING WAI. Ganoon pa man and kusa niyang inilahad ang palad niyang nakahawak sa kaniyang bag. Ayaw na ayaw niyang nabubulilyaso sa mga lakad niya lalo na ang misyon niyang iyon sa Burma.
"Sure, Brother. Here you can check this freely as you want," sagot niya sabay abot sa kaniyang bag. Wala namang problema kung halungkatin nito ang bag niya kaya't tiwala niyang iniabot dito upang masuri nito. Nauunawan naman niya ito na ginagawa lamang ang trabaho.
Tinanggap naman ito ng guard saka maayos na tiningnan ang laman pero wala namang nakita kundi ilang pirasong damit at personal na gamit. Kaya't muling isinauli sa may-ari.
"Sorry for the disturbance, Miss. We're just doing our job. I hope that you can understand me and my companion." Iniabot muli ng guard ang bag niya kasabay nang paghingi ng paumanhin.
"No need to say sorry, Brother. I know that you are only doing your job. It's a big party or should I say it's one of the largest wedding in our country so I can understand your worries," tugon niya. Subalit sa kaloob-looban niya ay natatawa na talaga siya.
Gusto namang matawa ni Fier Yan dahil sa mga ito o ang mga guard. Nandoon naman ang gamit niya upang patayin ang target o ang bagong assignment siya iyon nga lang ay nakaaayos ito ay hindi basta-basta makikita ang mga nandoon. Hindi ito makita o malalaman ng detector dahil sa paraan ng pagkalagay. She's a professional assassin so she's expert in preparing herself and her things. Inayos pa niya kuno ang bag niya bago siya nagpatuloy sa paglalakad. Hindi na siya nagtagal lalo at ilang oras na lang ang nalalabi para isakatuparan niya ang assignment.
Then, she inserted herself to the crowd. No one notice about her or presence as a assassin. Sabagay, sino pa kasi amg maghihinala sa isang kagalang-galang tingnan? Isang sexy at magandang dilag! Wala dahil wala din naman itong kahinala-hinalang kilos.
She's about to leave the crowd to fulfill her assignment when a poncios pilates tapped her shoulder.
ITUTULOY