Sa gitna ng mainit na labanan, binalingan ni pinunong Guru ang anak na abala at nanghihina na rin. Dahil hindi tumigil si Virute at mga kasama sa pagpapakawala ng bubuyog at iba pang insekto upang patayin silang mag-ama. "Anak, umalis ka na. Ako na ang bahala sa kanila." Hirap man siya pero nagawa pa rin niyang binalingan ang anak-anakan. Yes, anak-anakan dahil siya ang nag-alaga at nagpalaki sa batang si Fier Yan Lancuan na anak ng mag-asawang Yuan na pinapatay noon ng magkabilang kaharian, ang HU CHING WAI at GRAND PALACE. "Pero ama, hindi kita maaaring iwanan dito. Papatayin ka nila!" sagot nito. "Alam ko anak. Pero ito na ang pagkakataon mo para mawala sa isip ng Chiang me ang katauhan ni Phaelyn. Kalimutan mo na ang Chiang Mae anak. Bumalik ka sa HU CHING WAI alam kong nagtataka s