Grand Palace "Ilang araw na tayong bihag ng Grand Palace, Veera. Ano kaya ang maganda nating gawin para makaalis tayo dito?" pabulong na tanong ni Thaksin sa kaibigan. "Iyan nga rin ang iniisip ko, Bro. Paano kaya tayo makakatas dito samantalang nakagapos tayo. Naaawa na nga ako kay Tatay parang nawawalan na ng pag-asang makaalis pa tayo dito," halos hindi na rin marinig na sagot ni Veera. Dahil dito ay hindi nakaimik si Thaksin. Pare-parehas lang naman kasi silang tatlo na nakagapos. Tama, alam nila na nasa Grand Palace sila. Subalit hindi naman nila alam kung saang bahagi iyon ng lugar. Dalhin sa gymnasium ang sabi dati ni Sumati pero parang hindi naman gymnasium ang kinaroroonan nila. Mas nagmumukha pa itong bodega kaysa gymnasium. Ibubuka pa lamang niya amg bibig upang magsalita k