"Mag-ingat kayong lahat mga anak. Kung may kasama lang sana ang KOTN at ang gymnasium sasama ako pero bibiyahe naman kayong dalawa ng Kuya mo," bilin ni Greg sa mga anak. Lalo na ang bunsong anak dahil alam naman nila ang krisis na kinaharap ng paaralan nito. "Opo, Daddy. Kayo na po muna ang bahala sa KOTN at sa anak ko." Humarap si JD sa ama na nasa tabi. Ibubuka pa lamang nito ang labi upang sagutin siya kaso naunahan ito ng abuelo niya. "Huwag mong alalahanin ang anak mo apo. Dahil nandito naman kami ng Mama at Papa n'yo, kami Lola n'yo. Nandiyan din ang mga pinsan mo, ang Lolo Amor at Lola Dawn n'yo. Huwag kang mag-alala dahil marami kaming mag-aalaga sa anak mo. Just focus to your mission and your purpose in going to Thailand," anito. "Salamat po, Lolo," tugon niya. Napasulyap si